PERSONAL MAID
Katulad ng sinabi ni yaya Niña naglakad ako papunta sa thirdfloor. Nag-aalangan pa 'kong kumatok sa may kwartong nasa may pinakadulo dahil baka mali iyon. Sa huli ay kinatok ko pa rin ang pinto pero parang walang tao at hindi man lang iyon bumubukas. Tulog pa yata ang bagong amo ko.
Tatlong beses na akong kumakatok pero wala pa ring nangyayari kaya naman nang hawakan ko ang door latch ay nagulat ako ng mamalayan iyong bukas. Dahan-dahan ko iyong binuksan habang kinakabahan. Pumasok na rin sa aking isipan ang huling sinabi ni yaya Niña na mag-ingat daw ako.
Hindi pa man tuluyang nakabukas ang pinto at nahahagip na ng mga mata ko ang buhok ng lalaking balot na balot ng kumot ang katawan. Nakadapa ito kaya hindi ko maaninag ang mukha. Dahan-dahan naman akong humakbang palapit rito tsaka marahang tumikhim. Pero wala pa ring rin nangyari.
"Sir?" Tawag ko rito gamit ang pangalang tinawag sa kaniya ni yaya Niña.
Ngunit wala pa ring tugon galing sa kaniya. Nag-aalangan man ay pinilit ko pa ring hawakan ang braso nito na nababalutan ng kumot at marahan iyong niyugyog.
"Sir? Gising na po." Sambit ko ngunit wala pa ring tugon.
Ba't ba ang hirap niyang gisingin, samantalang ako ay isang tawag lang sa pangalan ko ni nay ay gising na kaagad ako. Nasa braso niya pa rin ang isang kamay ko habang marahan itong niyuyugyog nang bigla itong kumilos at halos mapugto ko ang sarili kong hininga ng makita ang mukha nito pagkatapos nitong tumabingi ng higa.
Parang napaso ang kamay ko at kaagad iyong napaiwas sa kaniya ngunit napatili ako bigla nang hawakan niya ang kamay kong palayo pa lang sa kaniya at hinatak iyon pahiga, papunta sa tabi niya.
Walang kahirap-hirap namang napasunod ang katawan ko sa ginawa niya at kasabay niyon ay ang pag-yakap ng isang kamay niya sa aking baywang. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago ako tuluyang nakabawi sa pagkabigla.
"Zach-" sinusubukan kong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya pero mas lalo lamang niya 'kong hinahapit payakap at palapit sa kaniya.
"Stay still..." parang ungol lang 'yon na lumabas sa bibig niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Papalag na sana ulit ako sa pagkakayakap niya nang biglang mahinto ang mga mata ko sa mukha niya. Ang perpekto... ang puti at kinis ng pisngi niya. Ang tangos ng ilong niya, kahit bagong gising ay ang pula ng mga labi niya... Aishh! Bakit ba laging ganito?!
Kahit sobra niya ng sama, pinupuri ko pa rin ang kagandahang lalaki niya. No'ng una sa may tree house, puring-puri ko siya kahit bagong gising lang siya. Ngayon naman ay kahit tulog pa siya at may kasalanan pa siya, pinupuri ko pa rin siya. Jusko, sinisira ng lalaking 'to ang tamang pag-iisip ko.
Habang nakatitig sa maganda niyang mukha ay unti-unti kong nararamdaman ang pananahimik ng aking kalooban. Hindi ko na namamalayang sa gitna ng aking pagtitig sa kaniya ay ang dahan-dahang pagpikit ng aking mga mata.
Nagising akong medyo magaan-gaan ang pakiramdam ko. Nagugutom na rin ako dahil ramdam ko ngayon ang pagkulo ng tiyan ko. Napakusot na lamang ako sa mga mata ko pagkatapos ayusin ang salamin ko.
Napuno ng kaba ang buong katawan ko nang magliwanag ang lahat sa paningin ko. Nandito pa rin ako sa napakagandang kwarto at nakahiga sa napakalambot na kama rito. Nasapo ko ang mukha ko sa gulat nang makita ang orasan sa dingding ng kwarto. 5:33 PM na?
"Hindi! Baka mali lang ang orasan na 'yan," pagkukumbinsi ko sa sarili ko kahit malaki naman talaga ang posibilidad na tama ang wall clock na iyon at talagang gabi na.
Halos hindi ako nakatulog kagabi sa pagbabantay kay nay sa hospital, maaga rin akong bumiyahe pabalik para pakiusapan si Trisha na magbantay na naman ulit kay nay habang wala ako. Kaya hindi malabong buong araw akong nakatulog rito. Pero bakit wala man lang gumigising sa 'kin at hinayaan lang akong makatulog rito.
Patay ako nito! Baka mawalan ako ng trabaho, jusko! Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto at nagmamadali ring bumaba. Walang katao-tao akong nakikita at nang mapadpad sa may likod ng mansion ay nakita ko si yaya Niña na nangunguha ng mga dahon-dahon sa may swimming pool.
"Yaya Niña!"
"Oh, hija gising ka na pala," tama nga ang wall clock, talagang gabi na. Madilim na rito sa labas. "Buong araw kang tulog kaya sigurado akong kumakalam na 'yang sikmura mo. May pagkain na sa kusina kaya tumungo ka na roon at ng magkalaman 'yang tiyan mo," sambit nito pero nananatili lamang akong nakatayo.
"Bakit hindi niyo po ako ginising?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Trabaho naman ang ipinunta ko rito at hindi ang buong araw na matulog.
"Kaya nga e. Nagulat nga ako at nakatulog ka, sa tabi pa talaga ni Zach. Pa'no nga ba nangyari 'yon, e hindi nga halos magpapasok ng kwarto 'yang si Zach. Ang sabi ko lang naman sa 'yo ay katukin mo siya, ngunit nagulat ako ng makitang nakahiga ka na roon sa kama ni Zach at sa tabi pa talaga niya!"
"Pero bakit walang gumising sa 'kin yaya Niña?" Pag-uulit ko.
"Iyon na nga e, gigisingin na sana dapat kita pero pinagbawalan ako ni Zach. Ang sabi pa niya ay hayaan lang daw kita, kung bakit ay hindi ko alam. "
Jusko, ang kapal talaga ng mukha ko.
"Oh, hala at ang dami ko pang nasasabi. Magtungo ka na lamang ng kusina at kumain, basahin mo na lang din ang kontrata roon para sa gagawin mo mamaya pag-uwi ng amo mo."
Kinabahan naman ako sa huling sinabi niya. Ano na lang kaya ang sasabihin niya, natulog ako sa kama niya na para bang hindi trabaho ang pinasok ko rito sa mansion niya. Siguradong patay na naman ako mamaya pagkarating niya.
Sa pagkakataong 'to ay gusto ko na lamang na umatras sa trabahong 'to, pero hindi ko na yata magagawa 'yon. Hindi ako makakapag-advance pambayad sa hospital, gano'n na rin sa pambili ng gamot. Mukhang kailangan ko talaga itong panindigan.
Patuloy lang ako sa pagkain habang binabasa ang nakapaloob sa kontrata. Buong araw at gabi, responsibilidad ko siya. Base sa kontrata ay Sunday lang ang pahinga ko, may sarili rin pala akong kwarto rito. Kailangan ko na palang dalhin dito ang mga damit ko at dito na 'ko mamamalagi sa mga susunod pang araw.
Wala naman akong ibang gagawin kung hindi ang sundin ang mga utos niya at maghanda ng makakain niya at aasikaso sa mga kailangan niya sa loob o labas man ng mansion. Matapos kong maghugas ng pinagkainan ay mabilis kong tinungo ang pinto nang marinig ang tunog ng kotse sa labas. Paniguradong si Zach na 'yon.
Nasa tabi ko na rin si yaya Niña na mukhang hinihintay rin ang pagpasok ni Zach. Kinabahan ako nang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas roon si Zach. Napangiti siya ng bahagya ng magtagpo ang tingin naming dalawa.
"Magandang gabi, hijo."
"Good evening, yaya." Aniya pero na sa 'kin lang ang tingin.
Gusto ko rin sanang batiin ito ng magandang gabi pero hindi ako makapagsalita. Parang na estatwa lang ako sa kinatatayuan ko at hindi rin makagalaw habang nilalagpasan nito. Kinilabutan ako nang dumaan ang napakabangong amoy nito ng lagpasan na 'ko.
"Hija!" Napakurap-kurap ako ng mamalayan ang malakas na boses ni yaya Niña.
"Anong nangyayari sa 'yo at natutulala ka riyan?"
"Ah... wala po, sorry po."
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang naman po ako."
"Kung gano'n ay puntahan mo na ang amo mo at baka mapagalitan ka pa."
"Ano po ang gagawin ko?" Nauutal kong tanong. Dumaan ang gulat sa kaniyang mukha pagkatapos kong magsalita.
"Basta puntahan mo lang at baka may iuutos sa 'yo. Kung ayaw mong matanggal kaagad ay gawin mo ng maayos ang trabaho mo, baka hindi ka magtagal niyan katulad ng iba!"
Mabilis naman kaagad akong pumunta sa kwarto ni Zach at baka nga magkatotoo ang sinabi ni yaya Niña, ayokong mawalan ng trabaho. Ito na lamang ang pag-asa ko kaya bahala na.
Tatlong beses na akong kumakatok sa pinto ngunit wala pa ring sumasagot kaya kahit kinakabahan man ay nagpasiya pa rin akong buksan na lamang ang pinto. Kalalabas lang nito mula sa banyo at wala pang isang segundo ay napatalikod na kaagad ako.
"Sir..." ilang sandali ko lang siyang natitigan, ngunit kitang-kita ko pa rin sa imahinasyon ko ang bulto ng katawan niyang may anim na abs. Aish! Pati ba naman 'yon nabilang ko?
Naka-short siya, pero hindi ko lang talaga matagalan ang hubad niyang pang-itaas at parang may weirdong kung anong namumuo sa loob ko.
"Tss! I'm with my shirt now," sambit niya habang nakatalikod pa rin ako. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at tulad nga ng sinabi niya ay nakadamit na siya.
"May iuutos po ba kayo, s-sir," napatungo ako. Kailan pa ba 'ko masasanay na tawagin siyang sir ng hindi nauutal.
"Tss! Drop the sir if you're not comfortable saying it." Hindi na lamang ako nagsalita nang dumaan lang siya sa harap ko, "nagdinner kana?"
"Tapos na po," sagot ko ng nakatungo. "Kung nagugutom po kayo, sandali lamang po at ipaghahanda ko kayo."
"Nah, I'll go with you. I wanna watch my personal maid preparing a food for my dinner," alam kong nang-iinis lang siya ngunit hindi na lamang ako nag-abalang magsalita pa sa halip ay dumiretso na lang sa paglalakad patungong kusina.
Habang abala sa paghahanda ng makakain niya ay nakaupo lang siya silyang nasa tapat lang ng island counter at walang pakialam lang na nakatitig sa 'kin. Nasa kabilang side lang ako at kaharap niyon ay siya, hindi ko tuloy mapigilang hindi mailang.
Kanina pa niya 'kong tinititigan at wala man lang siyang pakialam na mahuli ko siya o ano. Kahit na nakakailang na talaga ay pinilit ko pa ring manatiling tahimik at ng walang maging problema.
"So, how's your sleep?" Tanong niya ng ilapag ko ang pagkain sa harap niya.
Gusto ko sana siyang sagutin na ayos lang pero nakakahiya, trabaho ang ipinunta ko rito at hindi ang matulog.
"I'm asking you nerdo." Sambit pa niya habang nagsisimula ng galawin ang pagkaing nasa harap niya.
"Uh... ayos naman." Nauutal na sagot ko.
"Good, about our training for the NIO, let's continue it later this night since we haven't reviewed yet."
Alam kong full time ang trabaho ko, pero kailangan kong pumuntang hospital mamaya. "Pasensiya na, pero pwedeng ipagpaliban muna natin ang review?" Nag-aalangang tanong ko.
Bahagya lang siyang tumigil sa pagkain at nang makabawi ay bumalik ulit. "Why is that?" Tanong niya.
"Kailangan ko kasing puntahan si nay sa hospital, kailangan din kasing umuwi ni Trisha." Sambit ko.
"Okay, I'll drive you then." Tugon nito at napailing kaagad ako.
"Hindi na, kaya-"
"I said I'll dive you there, now if you have a problem with that, then you're-"
"Oo na, oo na!" Putol ko sa sasabihin pa nito. Hindi ko alam kung saan sa dead katulad ng mas madalas nitong banta sa akin o fired ang karugtong niyon pero mas mabuting hindi ko na lamang marinig at parehong masama ng siguradong punta sa 'kin n'yon.
"We're going out for a while, yaya," paalam ni Zach kay yaya Niña.
"Gabi na, sa'n ba ang punta niyong dalawa?" Yaya Niña.
"I'm gonna drive her to the hospital, I'll leave you the house, yaya."
"Oh, sige at ako na ang bahala, mag-iingat na lamang kayo at madilim na sa daan."
Nginitian lang siya ni Zach pagkatapos saka kami umalis. Tahimik lang ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa parking lot ng hospital.
"Salamat," sambit ko nang makalabas kaming pareho ng kotse. Bahagya lang siyang nakaupo sa kumikinang niyang kotse habang nasa baba lang ang tingin. "Alam kong full time ang trabaho ko at Sunday lang ang off ko, pero may sakit kasi ang nay-"
"It's okay, you're taking your advance payment right?" Tumango ako. "Here it is," iniabot niya sa 'kin ang nasabing pera at gulat akong napaangat sa kaniya ng tingin. "Just start your job once your mother is okay and already unconfined at the hospital."
"Pero-"
"Just do what I say and let me know if everything about your mother is already back in onder. Just forget your job as my personal maid temporarily together with our training for the NIO competition so you can focused on taking care of tita."
"Pero pa'no ka?" Tanging sambit ko, walang mag-aasikaso sa kaniya tulad ng bilin sa 'kin ni mam Clea at sa nakasulat sa kontrata. Walang mag-aabalang sumunod sa mga utos niya at gagawa ng mga gusto niya kapag pansamantala ko munang kalimutan ang trabaho ko bilang personal maid niya.
"Tss!" Aniya pagkatapos akong iwasan ng tingin. "What do you think of me, kid?" Hindi ako kaagad na sumagot, hindi naman 'yon ang ipinupunto ko. "I can live and take care of myself alone without the help of anyone, nerdo."
Kaya naman pala, pero bakit kailangan pa niyang maghire ng personal maid, nagsasayang lang siya ng pera kung gano'n. Pero hindi na sana niya bawiin 'to, ang laking tulong nito sa 'kin saka siya naman ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng trabaho kaya dapat lang niyang gawin 'to.
"You'll be temporarily free as long as your mother is still confined inside the hospital, just don't forget to deal with your morning classes to make your grades stable as it really is."
Huling paalala niya bago tuluyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot iyon palayo. Naiwan naman akong nakatulala habang hinahabol ito ng tingin at nang tuluyan na ngang mawala ay saka lamang ako tuluyang nabalik sa huwisyo.
Kakaiba man ngunit kataka-takang sobrang bait niya sa pagkakataong 'to. Pinaalalahanan niya pa 'ko tungkol sa pag-aaral ko, nasa kamay ko na rin ngayon ang perang sagot sa lahat ng problema ko.
Patuloy ang mga araw ng nagpapalit-palit lang kami ni Trisha sa pagbabantay kay nay. Napakabait talaga niya, siya lang nina mana Tisya ang taong naaasahan namin sa ganitong sitwasyon. Sa umaga ay siya ang nagbabantay rito dahil papasok naman ako sa klase ko sa mga oras na iyon.
Sa hapon naman hanggang umaga ay ako na, halos dito na lang din ako dumidiretso pagkatapos ng klase para makapagpahinga naman si Trisha. Halos buong linggo 'yon lang ang naging routine namin sa bawat araw.
Kasabay na rin n'yon ay ang dahan-dahang pagiging maayos ng lagay ni nay, hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng hospital. Malaking pera pa ang natitira sa 'kin pagkatapos naming magbagad ng bill ng hospital at gagamitin ko naman iyon pambili ng gamot ni nay at nang tuluyan ng maging maayos ang lagay ng katawan lalo na ang puso niya.
Sobrang mahal man ng mga presyo ng gamot ay wala pa rin akong magagawa kun'di bilhin pa rin iyon dahil sabi nga ng doktor, medisina na lamang ang bumubuhay sa kaniya kaya talagang kailangan.
Pagkatapos n'yon ay nagsimula kaagad akong magtrabaho sa bahay ni Zach, magda-dalawang linggo na rin sa totoo lang. Medyo mahirap lang din ng kaunti ang trabaho, hindi naman kasi madaling maintindihan si Zach at ang hirap pakitunguhan. Alam ko na rin ang mga dapat kong gawin sa buong araw at karamihan lang do'n ay ang sundin ang mga utos ng amo ko.
Naikwento rin sa 'kin ni yaya Niña ang marami tungkol sa pamilya ni Zach. Na ang mga magulang nito ay palaging out of town. Marami kasi silang branches na kailangang pamahalaan sa iba't ibang bansa kaya parati itong mga busy. Nalaman ko ring mayroon pala siyang nakababatang kapatid, tatlong taon daw ang tanda ni Zach rito at nag-aaral naman daw iyon sa States.
Kaya pala dalawa lang silang nakikita ko sa bahay na ito ng umalis si mam Clea at kataka-takang walang ibang katulong rito kun'di si yaya Niña lang ay dahil mayroon lang daw dumadaan ditong mga housekeepers tatlong beses sa isang linggo para linisin ang buong bahay habang si yaya Niña ay siya namang namamahala rito.
Sa dalawang linggo ko namang pagta-trabaho kay Zach ay do'n ko medyo nakikita ang magandang side niya. Do'n 'yon pumapasok kapag hindi siya inaatake ng topak niya. Kaya na ring hindi ako nakakauwi sa bahay dahil mabuti-buti naman na rin ang lagay ni nay. Pumupunta lang ako ro'n kapag off ko na.
"Since we're done to our previous studies about our own positions, we can now jump to the SignificantScience Olympiad where we are both in position as well. I'm gonna study more about the Formal Sciences and tonight for our first day of our last week, you're in charge to study the Social Sciences."
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita. Nandito lang kami sa may sala ng kwarto niya at magkaharap sa pagitan ng isang center table. Naka-indian sit ako sa sahig habang siya naman ay naka-number 4 lang ang mga paa sa sopa kaya medyo nakaangat ang ulo kong nakikinig sa kaniya, medyo malapit lang din naman siya.
Social Sciences, hindi naman na bago sa 'kin 'yon kaya medyo may background na rin ako. Kaunti nga lang dahil hindi ko naman 'yon masiyadong pinagtutuonan ng pansin. Basta ang alam ko, karunungang panlipunan iyon. Scientific study rin iyon ng Human Society at gano'n ring Social Relationship at marami pang iba.
Medyo may alam naman ako ro'n pero alam kong may hangganan kaagad iyon dahil alam kong kaunti pa lamang ang alam ko at sa tingin ko'y marami pa talaga akong dapat matutunan tungkol sa Social Sciences na iyan.
"It is defined as the study of human society and of individual relationships with and within society," sabi nito habang nakikinig lamang akong nakaangat lang ang tingin sa kaniya, habang siya nama'y seryoso lamang nagpapaliwanag sa harap ko.
Ang seryoso ng mukha.
"In other words, Social Sciences is scholarly or scientific discipline that deals with the study of sociology," kasabay n'yon ay ang paglapag niya ng isang makapal na libro sa harap ko, "Psycology."
Gulat akong napaangat ng tingin sa kaniya nang maglapag na naman siya ng mas makapal na namang libro sa harap ko. At sunod-sunod na! Sa bawat salita niya ay siya ring lapag niya sa harap ko ng makapal na libro!
"Economics, Political Science, and history and thus includes Anthropology, Archeology, Area Studies, Cultural and Ethnics Studies, Gender and Sexuality Studies, Geography, and lastly Political Science."
Nalaglag ang panga ko matapos niyang sunod-sunod na magsalita kasabay ng pagpatong-patong ng libro sa harap ko.
Jusko, ang dami!