Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

LUCKLESS

"Pasensiya na, Yeri, ito na ang huling araw mo rito sa ice cream truck."

"Po?" Nauutal kong tanong kay mam Linda. Ang may-ari nitong ice cream truck.

"May gusto kasing bumili sa ice cream truck na 'to sa malaki-laking halaga. Nalulugi na rin ang restaurant ko at kailangan ko ng malaki-laking halaga ng pera. Kaya kailangan ko 'tong ibenta. Sana maintindihan mo-"

"Huwag po kayong mag-alala, mam Linda naiintindihan ko po kayo. Sana po makabawi kayo sa restaurant niyo," may ngiti sa mga labing sambit ko.

"Salamat at naiintindihan mo 'ko, Yeri, pasensiya na talaga at kapos talaga ako ngayon."

"Ayos lang po sa 'kin iyon, huwag niyo na po akong alalahanin mam Linda."

"Napakabait mo talagang bata. Hala sige na at maraming mga bata ang bumibili, maiwan muna kita."

Hinabol ko pa siya ng tingin at nang makaalis ay nagsimula na ring magtrabaho. Nakakalungkot sa totoo lang, ito na pala ang huling araw ko rito sa Ice Cream truck. Mukhang kailangan ko na namang maghanap ng part-time job na papalit sa trabaho ko rito. Nakakapanghinayang sa totoo lang, sobrang bait ni mam Linda.

Napakaganda ng trato niya sa 'kin kahit pa ganito uri ng tao lang ako at nakakalungkot lang na ipagbibili na itong ice cream truck na 'to. Medyo magtatakip-silim na at ang dami ko na ring nabenta. Habang nag-aayos ng mga gamit rito ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"2 ice cream, Miss."

"Okay, ano pong flavor ang gusto niyo?"

"Anything you think's good,"

"Okay po,"

Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa at pinili kaaagad yung pandan flavor. Pagkaharap ko dala ang dalawang icecream at napatulala ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Ano na naman kayang trip niya at nandito siya ngayon dito?

"Anong ginagawa mo rito?"

"Tss! Obvious ba? I'm buying ice cream." Kinuha nito ang isang ice cream sa kamay ko at pagkatapos maglapag ng pera ay kaagad na tumalikod.

"Nandito pa isang icecream mo!" Sigaw ko sa kaniyang papalayo.

"Sa 'yo na 'yan!" Huling sabi niya bago tuluyang nawala sa paningin ko. Nabalik lang ako sa huwisyo ng may isang lalaking hindi ko kilala ang biglang sumulpot sa harap ko.

"Uh kayo po ba si mam Yeri Miel Del Rey?" Kaagad na tanong nito, napatango-tango naman ako.

"Uh, opo. Bakit po?"

"Na sa 'kin na po ang susi nitong truck na 'to, driver po ako ng bagong may-ari na siyang bumili nito. Kailangan ko na po 'tong kunin, alam na rin po 'to ni Mrs. Linda, tinawagan ko na po siya kanina."

"Uh... oh... oh sige po."

Ilang sandali lang ang nakalipas ay heto na 'ko ngayon, nakatayo lang rito at pinagmamasdan ang papalayong ice cream truck na hindi nga maitatangging napamahal na rin sa 'kin. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang ako at naupo sa nag-iisang bench sa may ilalim ng puno 'di kalayuan sa kakinang kinatatayuan ko.

"Aren't you planning to eat that?" Napasulyap kaagad ako sa ice cream na hawak ko na hindi ko napansing hawak-hawak ko pala mula pa kanina. Medyo natutunaw na rin siya.

Napalingon naman ako sa nagsalita at napakurap-kurap ako ng mamalayang si Zach na naman ang nandito. Walang pakialam lang siyang naupo sa tabi ko habang dumidila ng icecream na na sa kamay nito.

"Bakit ka nandito?" Nakataas lang ang isang kilay naman niya akong tiningnan.

"Why? Do you own the park?" Hindi na lamang ako nagsalita pa. Wala 'kong ganang makipagbangayan sa lalaking 'to. Nalulungkot talaga ako, iniwan na 'ko ng isa 'kong trabaho.

"So, you work here." Aniya habang busy pa rin sa pagkain ng ice cream niya.

"Hindi na, last day ko na nga ngayon dito, e. May nakabili na ng ice cream truck," malungkot at nakatungo tugon ko.

"Karma mo 'yan, pahindi-hindi ka pa kasi sa trabahong in-offer ko sa 'yo, tss!" Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hayaan na, maghahanap na lang ako ng iba pang trabaho para hindi naman ako mabakante sa linggo."

"Gustong-gusto mo talagang hindi nababakante huh?!" Asik niya sa mukha ko.

"Gano'n talaga 'yon, e. Kanino pa ba naman ako aasa kun'di sa sarili ko lang. Kulang na kulang talaga kami sa pinansyal na pangangailangan."

"That's why I offered you a job, right? A full time job then what did you do? You reject it like someone who doesn't have any financial problem in life!" Hindi na lang ako nagsalita pa nang biglang umambon.

"Hala, umaambon na!" Pero huli na dahil pagkatayo at pagkatayo pa lang namin ay malakas ng bumuhos ang ulan.

"Fck!" Nagulat ako ng hubarin niya ang suot niyang leather jacket at icover iyon sa ulo ko at mabilis na hinawakan ang kamay ko sabay takbo. Wala naman akong nagawa, hawak niya ang kamay ko kaya napatakbo na rin ako. Patuloy lang kami sa pagtakbo at wala pa rin kaming makitang mapagsisilungan man lang.

"Sa'n na tayo pupunta?" Tanging sambit ko na lamang sa kaniyang nagpapalinga-linga sa paligid para makahanap ng mapagsisilungan.

Kita kong basa na siya habang ako ay hindi pa dahil na sa 'kin naman ang leather jacket niya, tapos ngayon wala pang masisilungan. Nalungkot tuloy ako, kung nandito lang sana ice cream truck, e. Hindi sana magkakaganito.

"There!" Turo niya at napalingon naman ako sa taas ng puno, 'di kalayuan sa 'min. "There's a tree house, let's go!" Tumakbo na naman siya at dahil hindi niya naman binibitawan ang kamay ko ay napatakbo na lang rin ako.

Nang makalapit ay mabilis akong umakyat sa may hagdan nang sa pang-ikatlong apak ay biglang nabali yung kahoy, napapikit ako sa pag-aakalang babagsak ako pababa ngunit napakurap-kurap ako nang hinapit ng dalawang kamay niya ang baywang ko na pumigil sa posibilidad na malaglag ako.

Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya na namumungay ang mga matang nakatitig rin sa 'kin. Bakit ganito? Ano 'tong nararamdaman ko? Wala na sa ayos ang buhok niya sa sobrang basa, medyo namumula na rin ng kaniyang mukha, bakit kahit sa miserableng lagay ay mas ang gwapo-

Gumising ka, Miel!

Sigaw sa likod ng aking isipan na siyang nagpabalik sa 'kin sa riyalidad. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nagpatuloy na sa pag-akyat ngunit sa pagkakataong 'to ay dahan-dahan na.

Walang kahit ano sa loob nitong tree house kaya sa sahig kami parehong naupo. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang siyang kinuha ang leather jacket niya sa 'kin saka iyon ginawang kumot at inilapat sa 'kin.

"Cover yourself with this before you catch a cold."

"Salamat," tanging tugon ko at nag-iwas lang siya ng tingin saka umayos ulit ng upo.

Magkatabi lang kami sa totoo lang, meron lang syempreng kaunting espasyong nakapagitan. Binalingan ko siya ng tingin nang marinig ko siyang umo-ubo. Nako-konsensiya tuloy ako. Bakit niya pa kasi binigay 'tong jacket niya, siya tuloy ngayon ang nilalamig.

"Nilalamig ka?" Nag-aalalang tanong ko pero umakto lang siyang hindi ako narinig.

"Don't you dare pulling it apart, konsensiya ko pa kapag nagkasakit ka!" Aniya ng akmang tatanggalin ko na yung leather jacket niya at ibibigay sana iyon sa kaniya.

"Pero-" Hindi na natuloy pa ang pag-angil ko nang tapunan niya 'ko ng masamang tingin. Bakit naman kasi ang lakas ng ulan, e! Basa tuloy siya ngayon dito. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago naglakas-loob na nilapitan siya saka inilagay sa giniginaw niyang katawan ang kalahating bahagi ng leather jacket niya.

Medyo malaki-laki naman 'yon kaya kasya kahit papa'no kaming dalawa, 'yon nga lang ay kailangang umusog pa lalo sa kaniya para talagang kumasya. Ayaw ko nga sana sa totoo lang.

"Huwag ka ng makulit."

"Tss!" Tanging tugon lang niya, bago tuluyang nag-iwas ng tingin.

Alam kong nandidiri siya sa 'kin, pero wala naman na kasi akong nakikitang ibang pagpipilian, e. Kailangan kong kapalan ang mukha kong dumikit sa kaniya at kailangan niya rin akong pagtiisan pansamantala para pareho kaming walang makuhang sakit rito ng dahil sa lamig.

Na sa tabi ko lang siya ngayon kaya ramdam kong sobra siyang giniginaw rito. Bawat hinga niya ay mabibigat habang yakap-yakap ang sarili niya.

"Ayos ka lang?"

"Tss! None of your business!"

Mukha na nga siyang magkakasakit pero ganito pa rin makipag-usap. Hay... Kung hindi lang talaga 'ko naaawa sa kaniya ngayon. Hindi ko makukuha ang maayos na sagot sa kaniya para malaman kung talagang ayos lang ba siya kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan at mukhang nahihiya pa yata siya.

Halos mapaso ang palad ko nang ilapag ko iyon sa noo niya. Tiningnan naman niya 'ko ng masama habang naroon pa rin ang palad ko sa noo niya. Kaagad niyang iniwas ang ulo niya sa kamay ko.

"Ang init mo?"

"Who cares?!" Galit niyang tugon.

"Ako!" Agaran kong sagot at blankong napatingin naman siya sa mga mata ko. "May pakialam ako. Ako kaya kasama mo ngayon dito?"

"Tss!"

Kaaagad kong kinuha 'yung leather jacket na nakabalot sa 'ming dalawa saka siya inutusang tanggalin yung damit niya.

"What?!" Gulat niyang tanong.

"Tanggalin mo 'yang damit mo, basa 'yan kaya mas lalong tataas 'yang lagnat mo kapag hindi mo 'yan tanggalin."

"Tss!" Tugon niyang parang hindi pa naniniwala sa sinasabi ko.

"Bakit ba ayaw mong tanggalin? Gusto mo ba talagang tuluyang magkasakit?"

"Just tell it straight to me that you want to see me topless!"

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ilang segundo rin bago ako tuluyang makabawi. Bakit pakiramdam ko'y nag-iinit ang pisngi ko? E hindi naman 'yon ang punto ko kaya ko siya pinaghuhubad.

"Bahala ka! Kung gusto mong lamigin ka riyan lalo, e'di huwag kang maghuhad. Ako na nga ang nagmamalasakit-"

Tinangay na ng hangin ang susunod ko pa sanang sasabihin nang makita ko siyang hinuhubad ang pang-itaas niyang damit. Hindi ko alam, pero parang may sariling isip ang mga mata ko at tinitigan nito ang hubad na ngayong katawan niya.

"What now?" Aniya habang nakakrus ang dalawang braso sa sobrang lamig.

Kaagad kong kinuha ang leather jacket niya at ikinumot 'yon sa kaniya para matakpan kaagad niyon ang hindi ko inakalang abs sa kaniyang hindi naman gano'n kalaki ang katawan.

Nakakaawa naman siya, hindi ko akalaing sa simpleng ulan ay magkakaganito siya. Naalala ko pang ang lakas-lakas niyang nakipaglaban sa dalawang mama sa daan tapos ngayon malalaman kong ulan lang pala ang katapat niya.

Sa sobrang awa 'kong nararamdaman habang tinitingnan siya ay nawala na lamang ang ginaw sa katawan ko. Mabuti na lang at nakikipag-cooperate 'tong katawan ko, para naman masolo niya ang leather jacket niya at ng hindi na siya mas lalo pang ginawin. Medyo basa rin 'yong jacket pero hindi naman sa loob kaya medyo maiinit-initan don ang katawan niya.

"Matulog kana muna." Mahinahong sambit ko at gabi na rin naman. Dito na lang siguro kami magpapalipas ng gabi at matagal-tagal pa yata bago tumila ang ulan. Naupo na lang din ako sa tabi niya at sumandal sa braso niya bago tuluyang makatulog.

"Ano ba naman ang mga bata ngayon ano! Talagang walang pinipiling lugar!" Naalimpungatan ako bigla sa lakas ng boses na nanggagaling sa kung saan.

Pagkatapos kong maisuot ang eyeglass ko ay saka lamang ako tuluyang nabalik sa riyalidad nang makita ang isang mamang naka-guard uniform habang na sa 'min ang tingin. Binalingan ko naman ng tingin si Zach na sa 'tingin ko'y kagigising lang din.

"Pasensiya na po," nakatungong tugon ko habang kinukuha 'yung shirt ni Zach na nakaparada sa harap ni Manong Guard.

"Mukhang tapos naman na kayong gumawa ng pag-ibig kagabi, maari na kayong bumaba at magsiuwi sa mga bahay niyo. Mga kabataan talaga ngayon, jusko!"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil wala naman akong naintindihan doon. Anong sinasabi niyang gumawa ng pag-ibig? Tumalikod na rin ito saka tuluyang bumaba nitong tree house, naiwan naman kami ni Zach na nakaupo pa rin sa sahig.

"Naintindihan mo ba ang sinabi niya?" Kuryoso tanong ko sa kaniya.

"What?" May bahid na kaunting inis na balik niya.

"Ano raw sinasabi niyang gumawa ng pag-ibig?"

Sa sinabi ko ay bahagya siyang napangiti. Ang gwapo tuloy niyang tingnan. Hindi ko akalaing mas gwapo pa pala siya ngayong bagong gising siya.

"Tss! That's something you wouldn't understand."

"Pero, kaya ko nga tinatanong-"

"Give me back my shirt," aniya at napabaling naman ako sa kamay kong hawak-hawak ang damit niya.

Kaagad akong tumalikod nang tanggalin niya sa pagkakakumot ang leather jacket niya habang dahan-dahang isinusuot ang shirt niya.

"Mauuna na 'kong bumaba," sambit ko at kaagad na bumaba.

Akala ko uuwi akong mag-isa ngayong umaga pero sa huli ay hindi pala. Naglakad kami papunta sa may parking lot kung sa'n niya iniwan ang kotse niya kahapon saka niya 'ko inihatid. Tumanggi pa 'ko no'ng una pero wala rin akong nagawa. Anong laban ko sa kaniya, nakakatakot pa naman siya.

Ilang sandali pa ang lumipas at nahinto na rin ang kotse niya rito sa tapat ng bahay namin. Agad ko namang binuksan ang pinto nitong passenger seat at bumaba. Akala ko ay aalis na siya pagkababa ko pero binuksan rin niya ang pinto ng kotse niya at bumaba.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sa kaniya.

"Not yet-"

"Ha, pero bakit?" Ano pang kailangan niya?

"I'm not as bad as what's on your mind, nerdo. I don't think it's appropriate for me to send you back here and just leave without seeing your mom. I mean... that's rude."

E, rude naman na talaga siya e!

Hindi na lang ako nagsalita pa at baka ang nasa isip ko pa ang lumabas sa bibig ko. Lagot na naman ako.

"Yeri, juskong bata ka!" Yakap kaagad ni nay ang sumalubong sa 'kin pagkabukas at pagkabukas ko pa lang ng pinto. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo at hindi ka umuwi rito kagabi? Muntik pa 'kong atakihin sa puso ng dahil sa 'yong bata ka!"

"Sorry po, nay."

"Sa'n ka ba kasi nanggaling at ngayon ka pa lang umuwi rito? Ikaw hijo, bakit ka kasama ng anak ko rito?" Baling niya naman sa na sa likod kong si Zach.

"I'm with her po last night, we're together that time when the rain suddenly started so we've searched a sheltered spot on the park for temporary stay, I'm sorry I didn't bring your daughter here at once." Nag-iwas ito ng tingin, "it's just... the rain is too heavy to immediately stop. So I'm sorry."

Sa halip na kabahan sa kung ano ang magiging reaksiyon ng nay ko ay naestatwa lang akong nakatulala kay Zach. Kailan pa siya natutong gumamit ng po? Bakit ang bait-bait niyang makipag-usap sa nay ko samantalagang sa 'kin naman ay hindi?

"Kaibigan ka ng anak ko kaya kumportable naman akong walang nangyaring masama sa kaniya, pero Miel siguraduhin mo lang hindi na mauulit ito huh?"

"Opo, nay."

"Maraming salamat hijo at dinala mo ng ligtas rito ang anak ko."

"You're welcome po," seryosong aniya. Ang galing niya talagang magpanggap, hindi mo makikita sa kaniyang napipilitan lang siyang pakitunguhan ng maayos ang nay ko kahit 'yon naman talaga ang totoo.

"Kung gusto mo hijo ay dito kana mag-agahan, sandali at magluluto lang-"

"Hindi na po nay, uuwi na rin po kasi siya e." Putol ko kay nay, alam ko namang ayaw ni Zach, kaya tutulungan ko na siya.

"Actually yes, I have to go." Tinanguan nito ang nay ko at pagkatapos ay blanko lang akong tinapunan ng tingin saka humakbang paalis.

"Salamat hijo, mag-iingat ka sa pagdr-drive!" Kita kong ngumiti naman si Zach kay nay habang na sa loob ng kotse. Inakala kong tatapunan rin ako nito ng tingin, pero dumiretso lang ang ulo nito paharap at nagsimula na ngang buhayin ang makina ng kotse at umalis.

"Mabuti at kasama mo yung kaibigan mo kagabi Miel? Baka may nangyaring masama sa iyo kung mag-isa ka lang?" Simula ng nay ko ng tuluyang makaalis ng kotse.

"Kagabi nga pala Miel, pumunta rito si Cristal, yung kaibigan mo?"

"Opo, bakit daw po nay?" Tanong ko.

"Ikaw talaga ang sadya kung ba't siya pumunta rito. Siya rin ang tumulong sa 'kin kagabi, muntik na kasi akong atakihin sa sobrang pag-aalala sa 'yo. Mabuti na lang talaga at napunta ang batang 'yon dito kung hindi ay na sa hospital na 'ko kagabi pa!"

Napatungo ako, salamat pala kung gano'n kay ate Cristal. Hayaan na, pupunta naman ako mamaya sa Baylen's Bar para personal ko siyang mapasalamatan.

"Sinamahan niya 'kong ireport ka kagabi, ang kaso ay wala rin, dapat daw ay 24 hours kang nawawala bago ka hanapin." Napabuntong hininga na lamang ito, "maiba tayo, si Cristal pumunta siya rito para sabihin sa 'yong..." natigil siya sa pagsasalita.

"Na ano po, nay?" Kinakabahan na tuloy ako sa ekspresyon ng mukha nito.

"Na hindi ka na pwedeng makapagtrabaho sa Bar na iyon, may nagsumbong daw kasi sa kanila. Alam mo namang hindi ka pa pwede roon, hindi ba? Ang bata mo pa, kailangan mo ng umalis do'n bago pa tuluyang maireport ang Baylen's Bar." Sa sinabi ni Nay ay napatungo na lang ko. Bakit naman ngayon pa? Ngayon pang kawawalan ko pa lang ng isang trabaho, tapos susunod pa 'to.

"Naiintindihan ko po." Walang buhay na tanging sambit ko. Hindi ko naman maaatim na maapektuhan ang Baylen's Bar ng dahil lang sa 'kin, mas makabubuti ngang umalis na lamang ako.

Naramdaman ko na lamang ang pag-upo ni nay sa tabi ko. "Hayaan mo na Miel, marami pa namang ibang trabaho riyan. Delikado rin sa batang katulad mo ang lugar na iyon, bata ka pa at natitiyak kong maraming mga lasing ang nandoon."

Sa huli ay nginitian ko na lamang siya. Wala na rin naman akong magagawa saka tama naman si nay, marami pang ibang mga trabaho riyan.

"Tao po, aling Maria?!" Sabay katok ng pinto. Boses iyon ni Trisha.

Tumayo naman ako para pagbuksan ito ng pinto. "Yeri, heto at tumawag sa 'kin si Ms. Jovial. Gusto ka raw makausap. Heto oh."

Iniabot niya sa 'kin ang cellphone niya at kaagad ko naman iyong inilapit sa tenga ko.

"Uhm... hello po?"

"Is this Miss Del Rey?"

"Uhm... opo,"

"I'm sorry, tanggal ka na sa trabaho."

"Po?" Pag-uulit ko.

"Tanggal ka na sa trabaho. I'm sorry, I have to go." Hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan na kaagad ako nito.