Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

SNOOZES

"So, Miss Del Rey, are you really sure you can get through all of this? I'm kinda worried, this is not going to be easy if that's what you think?" Malalim siyang napabuntong hininga. "Okay, if you think you can't do this then I'll give you a chance. You can back out."

Tahimik ang buong silid at nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko lang napagtantong sila yatang lahat ay tila hinihintay lang ang kasagutan ko. "Buo na po ang disesyon ko, hayaan na po nating makaalis si Raila at ako na po ang bahala sa kompetisyon na maiiwan niya."

"Okay, if you really made up your mind then you can start your training tomorrow with my grandson, Zach," bigla ay napatitig ako sa kaniya ng wala sa oras.

Ano na naman 'to, Zach na naman? Bakit ba lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing maririnig ko ang kaniyang pangalan?

"Uhm... Zach po, Mr. Principal?" Pasimpleng tanong ko sa mababang boses.

"Yes, Zach my grandson. Since you need an experienced junior mentor, I think my grandson is the right person."

Dahan-dahan kong sinulyapan si Zach na na sa harap ko lang, pero nakapagitan doon syempre ang conference table. Pero na sa 'kin na ang mga mata niya at nakataas pa talaga roon ang isang kilay niya. Mas natakot pa akong magiging mentor ko siya kumpara roon sa kompetisyon e!

"Uh, maaari ko po bang itanong kung bakit... siya ang... magiging... mentor ko?" Nauutal kong tanong nang magbaling ulit ako ng tingin kay Mr. Principal.

"Why not? I mean... I think he's responsible on that. Hindi naman pwedeng walang mag-train sa 'yo hija. A representative newcomer needs a trainer for more understanding especially about the rules and regulations. Last year, my grandson is on the position of humanities that this year is going to be your position, right?"

Tamango ako.

"So maybe that's one of the reasons. Furthermore, he's also your partner on the SignificantScience Olympiad, so he really needs to be your mentor. Why? Any problems with that, Miss Del Rey?" Takang tanong ni Mr. Principal.

"Uh, wala po Mr. Principal," agaran ko namang sagot, ngumiti naman siya

Natapos na ang meeting at ngayon ay magkakasabay kaming naglalakad dito sa may hallway nina Esther at ng dalawang prinsesa.

"Are you really sure, kaya mo Yeri?"

"I'm also worried, you'll be handling three heavy games!" Aniya ng dalawang si Esther at Laira.

"Kaya ko naman na siguro 'yon. Pag-iigihan ko na lang ang pagre-review ko bawat branch of knowledge. Saka para na rin matuloy ang pag-alis ni Raila sa China," nakangiting sabi ko. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Raila sa kamay ko.

"Thank you talaga, Yeri," ngumiti lang ako. "Actually, I have something to tell you."

"Hm?"

"E... kasi... ano... uh-"

"Nami-miss niya na daw kase si Shawn." Sabat ni Laira, napapuot na lang ng mukha si Raila. "She can't wait to see her boyfi, so she's going!"

Nakangiti kong binalingan ng tingin si Raila na siya ngayong hindi makatingin sa 'kin ng diretso.

"I'm sorry,"

"Ba't ka naman nagso-sorry, kaya nga ako nag-volunteer do'n para makapunta kang China at makita mo siya," kita ko ang gulat sa mga mata niya ng mag-angat siya ng tingin.

"You're not... mad?"

Napangiti na lang ako sa naging reaksiyon niya at bago pa 'ko sumagot ay nakapagsalita na si Esther.

"She's just being what she really is, Raila. Our full of kindness newcomer friend," Esther.

"I'm really lucky you've become our friend, Yeri!" Nakangiting wika ni Raila at patalon pa 'kong niyakap sa sobrang tuwa. Sumali naman ang dalawa kaya ayon halos maipit na 'ko. Pero sa totoo lang, ang saya ko. Masaya akong maging dahilan ng minsang pagguhit ng ngiti sa kanilang mga labi.

"Miel, nandiyan ka na pala. Kamusta naman ang eskwela?" Tanong ni nay pagkauwi ko habang abala sa pagsasandok ng niluluto niyang adobo base sa naaamoy ko.

"Ayos naman po, nay, may ipapaalam nga po pala ako sa inyo."

"Mm..."

"Kasali po ako sa mga representatives sa University para sa gaganaping competition na gaganapin sa ibang school daw."

"Ibang school? Saan naman 'yon? Malayo ba?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Hindi ko po alam kung sa'ng school e. Pero sa susunod na buwan pa naman daw po 'yon, magreready pa lang po kami sa natitirang araw ng buwan na 'to. Mga one week po yung competition na 'yon, payag po ba kayo, nay?"

"Pa'no naman akong hindi papayag, e masaya nga ako't kasali ka sa competition na 'yon e," mabuti naman at wala akong problema rito kay nay. Napaka-maunawain niya talagang Ina.

Lumipas ang dalawang araw na tuloy-tuloy lang ang trabaho ko sa Zamian Mall at sa Park habang sa gabi naman ay sa Baylen's Bar. Kaya ngayon ay antok akong naglalakad rito sa may hallway papunta sa room ko.

Pagod ako sa buong dalawang araw at gabi ng sabado't linggo at pakiramdam ko ngayon ay para na 'kong nakalutang sa sobrang antok na nararamdaman.

"Hey girl's have you known the latest update? That nerdy girl, she's one of our representatives for the upcoming NIO!"

"What?!"

"For real?!"

"You know what's worst?"

"Eh?"

"Our Papa Zach will be that nerd's experienced junior mentor!"

"No way!"

"Hello no!"

"Wah! That nerdy btch!"

"Shut up girls! I'm afraid that nerd might heard us, kulamin pa tayo!"

"My gosh! Ganito lang ang mukha ko, but I don't wanna face death hex pa!"

Nagtakbuhan kaagad sila habang patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi man lang nanatili sa utak ko kahit sa loob lamang ng isang minuto ang mga narinig kong pinag-uusapan nila tungkol sa 'kin kanina sa sobrang antok ko.

Kahit tatlong oras na tulog lang, hindi na talaga nagfu-function ang utak at katawan ko. Lalo na 'tong mga mata ko, gustong-gusto na talaga niyang pumikit, jusko!

Saktong kapapasok lang din ni Prof, ilang segundo pagkatapos ko. Nagsimula na itong magdiscuss habang ako ay tahimik lang na nakaupo dito sa may desk ko na na sa may pinakadulo sa likod at nakatingin lang sa kawalan.

Antok na antok na talaga ako, nilalabanan ko lang at baka mapagalitan ako ni Prof. Mabuti na lang talaga at Monday pa lang ngayon, puro pa lang discussion ang ginagawa ng mga teachers kaya antok lang talaga ang kalaban ko.

Kalalabas pa lang ng last teacher namin para sa morning class nang mapansin kong maraming tao ang hindi mapakali sa labas ng room. Ano naman kayang mayroon do'n? Naririnig ko pa ang tilian ng maraming kababaihan sa labas.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at matapos kong ligpitin ang mga gamit ko sa may desk ko ay naglakad na 'ko palabas. Pupunta muna akong library, pero sa ngayon ay hindi para magbasa. Ang sarap kayang matulog doon, wala halos tao saka ang tahimik, inaantok na 'ko.

Hindi pa man ako nakakalabas ay nakikita ko na ang maraming mga kababaihan na nakapalibot halos sa buong gilid ng pinto. May ilan pang na sa may hagdan at nang maiangat ko ang ulo ko ay namangha ako sa sobrang dami pa ng tao sa may balkonahe sa kabilang floor, lahat pa tila kinikilig na nagtitilian.

Ano kayang meron...

Nabalik lang ako sa huwisyo ko ng biglang may humawak ng baba ko at banatin iyon pababa. Napakurap-kurap ako ng sumalubong ang maganda niyang mukha nang magkasalubong ang parehong tingin namin.

Medyo nakatungo siya, kaya magkapantay ang mukha namin sa isa't isa at nakakainis lang dahil nagsisimula na naman akong kabahan. Hawak niya pa rin ang baba ko kaya hindi ko maalis ang tingin dito.

"God, nakikita niyo ba ang nakikita ko?!"

"Of course, yes! May mata rin kaya kami!"

"WTF! I can't accept this girls!"

"Yea, me too! Awatin niyo 'ko girls!"

"Lagot sa 'kin ang nerdy girl na 'yan!"

Sa pagkakataong 'to, pumapasok lang sa tainga ko ang sinasabi ng ibang tao, pero iba talaga ang na sa utak ko na siyang nagpapakaba ngayon sa kabuoan nitong puso ko. Bakit ba ang amo ng kaniyang mukha lalo na kapag malapitan kong nakikita?

"Nandito ako, pero kung saan-saan 'yang mga mata mo," aniya sa mahinang boses.

Bakit ba mata ko ang binabantayan ng mga mata niya, hindi pa ba siya kontento sa mga mata ngayong nagkakandarapang pinagmamasdan siya?

"Bakit?" Nag-aalangang tanong ko, pero sa halip na sagutin ang tanong ko ay hinila niya ako palayo sa maraming tao.

Nahinto kami rito sa tambayan niya raw, rito sa likod ng building. Taka ko siyang binalingan ng tingin.

"Ba't mo 'ko dinala rito ssaka anong gagawin ko rito?"

"Let's sit first," walang pakialam niyang tugon at walang pakialam lang ring naupo.

Sumunod naman ako at tahimik na naupo sabay lapag ng totebag ko sa mesang nakapagitan sa 'min. Napasulyap naman ako sa lima yatang librong nakalapag na sa mesa.

"Sa 'yo 'yan?" Takang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga librong na sa mesa.

"Yes, why?" Medyo naiiritang balik na tanong niya.

Kahit na medyo nagulat akong may libro pala ang isang katulad niya ay hindi ko na lang iyon pinahalata at umiling na lamang bilang sagot.

Marami talaga akong hindi alam sa kaniya. Ang isang katulad niya na akala mong spoild brat lang ay ang talino pala. Hindi naman sa nagmamalaki ako at minamaliit ko siya, pero 'yon talaga ang unang impression ko sa kaniya.

Na wala siyang ibang alam kung hindi ang mam-bully lang. Hindi ko talaga akalaing kasama siya roon sa nasabing junior varsity representative sa forthcoming NIO.

"I know what's on your mind nerd, I'm not just a bully, I'm also a smart one. Not just smart but a wise one, too."

"Okay..."

"Huh?"

"Matalino ka na. Pero ano bang gagawin ko rito?" Kuryusong tanong ko. Gutom na kasi ako, saka gusto ko na ring matulog pagkatapos.

"Maglunch ka na," aniya at taka ko naman siyang tiningnan.

Ano daw? Dito na naman ako maglu-lunch? Pero-

"Wala kasi akong baon ngayon e, sa cafeteria ako magtatanghalian," sabi ko kahit may baon naman talaga ako. Ayaw ko lang talagang kumain dito. Kung bakit, hindi ko rin alam.

Hindi naman siya nagsalita kaya dahan-dahan na 'kong tumayo.

"Sige, uh, maiiwan na ki-"

"Sit back," aniya at napaupo na naman ulit ako.

"Pero-"

"I'll go to the cafeteria, I'm going to get lunch."

"Pero sina Esther ang kasama-"

"Dito ka maglu-lunch," galit na yata siya. Kinabahan ako ng galit na inilapit niya ang kaniyang mukha sa 'kin. "Understood?" May halong pagbabanta pang aniya.

Sa takot ay napatango-tango na lamang ako na halos ipikit na ang mga mata sa sobrang kaba. Nakita ko ang biglang ngisi sa mga labi niya nang medyo ilayo na niya ang kaniyang mukha.

"Don't you ever dared leave this place while I'm gone or else-"

"Oo na, oo na. Hindi ako aalis!" Putol ko kaagad. Kainis talaga siya!

Napangisi na lang siya bago tuluyang humakbang palayo. Medyo kumalma na rin kahit papa'no 'tong puso ko pagkaraan ng ilang segundong mawala na siya sa paningin ko.

Ano na naman kaya ang naisip niya at dito na naman ako gustong mag-lunch. Hindi na ba siya naiirita sa mukha ko? Hindi ba siya naiiritang kasama ako?

"Ang tagal naman niya," wala sa sariling usal ko. Ilang minuto na akong naghihintay sa kaniya rito pero hindi pa siya dumarating. Inaantok na tuloy ako.

Nahiga na lamang ako sa dalawang brasong kong ginawa kong unan sa ibabaw ng mesa rito saka tahimik na ipinikit ang mga mata ko. Tahimik rin naman rito, mas tahimik pa yata sa library e, kaya mas maganda tulog ko rito. Magigising rin naman yata ako kapag dumating siya. Saka kung hindi, gigisingin naman siguro ako niyon kaya... makatulog muna...

Dahan-dahan akong nagmulat nang maramdaman kong may kakaiba sa tiyan ko at tuluyan na nga 'kong nagising nang mapagtantong kumukulo na ang tiyan ko sa sobrang gutom. Napaayos ako ng upo nang bigla ulit itong malakas na kumulo.

"Here's you're food, kanina pa 'yan naghihintay na kainin mo," nagulat ako nang ilagay niya sa harapan ko ang maraming iba't ibang klase ng pagkain. "Hindi ka mabubusog katititig sa gwapo kong mukha, nerdo. Here, eat now, I almost hear your stomach complaining."

Hindi na lamang ako sumagot pa at natatakam na talaga ako sa masasarap na pagkaing na sa harap ko. Natigil lang ako nang mamalayang kanina pa pala niya ako pinagmamasdang kumakain.

"Bakit may dumi ba sa mukha ko?"

"Tss! Bakit ba kasi pinababayaan mo 'yang sarili mo? Alam kong lagi kang nalilipasan ng gutom, umaga ka na kung matulog, you're working non-stop!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Huh?" Ano bang sinasabi niya saka ba't siya nagagalit?

"Tss!" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay galit lang siyang nag-iwas ng tingin habang ako ay nag-aalangang nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Uh, napahaba yata ang tulog ko kanina. Baka malate na 'ko, babayaran na lang kita sa susunod wala kasi akong pera ngayon e."

"Eh?"

"Yung pagkain, wala ko kasing pera ngayon pero huwag kang mag-alala, babayaran naman-"

"Do you think I am that poor to make you pay?" Ano bang sinasabi niya, habang tumatagal talaga mas lalo ko siyang hindi naiintindihan. "I bought that for you to eat, not for you to pay for!"

"Oh sige, salamat na lang rito. Anong oras na ba bakit hindi pa nagbe-bell, hindi pa naman siguro ako late 'di ba?"

"It's currently 5:13 PM."

"Huh?! 5:14 PM?!"

"Five hours kang natulog dito, buti nga hindi ka nangalay e."

"Bakit hindi mo 'ko ginising?Absent tuloy ako sa afternoon class ko!"

"You're also an HHU's representative, so you don't have an afternoon class because I'll be training you all day inside the whole three weeks. Besides, why would I wake you up?" Tumawa siya bigla. "Ang saya mo kayang tingnan, tumutulo pala laway mo 'pag tulog ka?"

Sa sinabi niya ay napaiwas kaagad ako ng tingin. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa hiya. Tumulo ba talaga laway ko?

"Tss sige na umuwi kana, magsasarado na 'tong University. Bukas na lang kita iti-train para sa NIO.

"Huh? Anong iti-train?" Binalingan naman niya ako ng naiitis na tingin.

"Remember? For Pete's sake don't you know that I'm your mentor!"

"Alam ko, pero-"

"Shut up! Inuubos mo ang oras ko. Tomorrow, after dismissal punta ka kaagad dito, dito kana rin maglunch, understood?!"

Napatango-tango kaagad ako.

"Good, uh I forgot!" Lumapit siya saka nagbabanta akong tinitigan sa mga mata. "Huwag ka ulit magkakamaling tulugan ako, hindi ka na talaga magigising pa!"

Hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na ngang makaalis. Tumayo na lang ako pagkatapos magligpit ng pinagkainan ko at biglang napahawak sa leeg ko. Medyo namamanhid siya, hindi ko akalaing makakatulog ako ng limang oras rito.

Ba't naman kasi hindi ako ginising ng lalaking 'yon, hindi rin niya kaagad na sinabi sa 'kin na ngayon pala ang start ng pag-train niya sa 'kin para sa NIO sa hilip ay hinayaan lang akong matulog rito.

Umuwi ako ng bahay ng wala si nay. Siguro mamaya pa yata 'yon uuwi kaya naglinis lang muna ako ng bahay saka nagluto na rin ng hapunan. Nilock ko na ang bahay pagkatapos at dumiretso kaagad sa Baylens Bar.

Sina tita Diana na ang nandito kaya paniguradong wala rito si ate Cristal. Wala na rin akong sinayang pang oras at nagsimula na ring magtrabaho.

"Huy, ba't ngayon ka lang, Yeri!"

"Pasensiya na-"

"Hay! Heto, roon 'yan sa table mo," iniabot ni Shela sa 'kin yung tray ng Dalmore Matheson na may kaunting pulutan sa gilid. "Do'n 'yan sa table 6 sa fafa'ng 'yon oh!" Itinuro niya ang table 6 at sumunod naman ako ng tingin.

Napatulala ako ng tumigil ang mga mata ko sa kaniyang nakaupo sa may table 6.

"Go na girl!"

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang naglakad palapit sa kaniya. Ba't nandito na naman siya? Sa halip na sagutin ang katanungan ngayon sa aking isipan ay pinutol ko na kaagad ito. Trabaho 'to kaya dapat magpukos ako.

"Here's your order, Sir," kalmado kong tugon habang dahan-dahang inilalapag sa mesa ang order niya.

Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong tinulak ng isang paa niya ang isang paa ng silya kaya umusog iyon ng bahagya.

"Upo ka," malamig na aniya bago ko pa man ito mabalingan ng tingin.

"Huh?"

"I said sit!"

"Pero, waitress ako-"

"I don't fcking care, can't you just sit?"

Nag-aalangan naman akong naupo sa silyang inusog ng paa nito. Sasabog na yata siya kapag hindi ako sumunod e.

"Bakit ba?" Sinusubukan kong hindi ipakita ang kaba ko at maging kalmado lang sa harap ng lalaking 'to.

"I'll give you a job. A full time job."

"Huh?" Anong sinasabi niya?

"For a simple work in one whole month... consists 50 thousand payment."

"Fifty thousand?!" Gulat na tanong ko at napangiti naman siya.

Ang laki namang sweldo niyon, kahit pagsamahin pa ang kita ko sa tatlong trabaho ko ay walang-wala talaga kumpara sa 50 thousand na kikitain na sa loob lang ng isang buwan na sinasabi niya.

"Yea, well if you're lasting to reach out one other month, you will get paid in a salary of 70 thousand." Kinabahan kaagad ako nang dahan-dahan niyang ilapit ang kaniyang mukha sa 'kin. "No wonder this can be more useful than taking those part-time jobs right? No hassle, then you can get the 50 thousand payment after one month of working?"

50 thousand... 50 thousand... tapos may chance pang maging 70 thousand? Ang galing naman niyon! Kaya na niyong tustusan ang pinansyal naming pangangailangan ni nay sa buwan-buwan na upa sa landlady, pagkain, baon ko kaya sige! Pero teka?

"Ano bang trabaho 'yon?" Sa sinabi ko ay mas lalo lang lumapit ang kaniyang mukha habang ako ay parang naestatwa lang at hindi makagalaw.

"My Personal Maid."

Halos bulong na lang na sabi niya sa tainga ko na bahagyang nagpatigil sa mundo ko.