Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 25 - Chapter 25

Chapter 25 - Chapter 25

LUNCH WITH HIM

Mas maaga pa sa maaga akong nagising kinaumagahan. Kahit anong aga pa akong magising, sigurado talagang late ako nito. Ang tagal naman kasing lutuin ng biko, lagot ako sa lalaking 'yon kapag wala akong bikong dala.

Magluluto rin naman ako ng biko, dadamihan ko na. Hindi lang para sa kaniya, kun'di para na rin sa 'kin. Kulang kaya sa akin yung kinain ko kagabi — kanina pala. Umaga na pala ang 1am.

Halos takbuhin ko na ang room ko pagkapasok at pagkapasok ko ng HHU. Maglilimang minuto na akong late. Jusko, sana naman hindi pa ako huli sa quiz ni Prof. Sakto naman kasing Friday ngayon e!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may desk ko sa pinakalikod at wala naman sigurong nakapansin. Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid at lahat sila busy na sa pagsagot sa kaniya-kaniya nilang mga testpapers. Huli na talaga ako!

"Go get your quiz pad and test questionnaire that you we're going to answer infront. Ask it to the Prof," ani ng class president naming si Von Rupa. "Quick!"

Awtomatikong napatayo ako sa sigaw niyang iyon. Nagsilingunan kaagad sa 'kin ang iba kong kaklase pero hindi ko na iyon masiyadong pinansin pa at dumiretso na lamang sa harap.

"Excuse me po, Prof," hindi nito napansin ang presensya ko at nang magsalita ako ay saka 'ko nito tinapunan ng tingin. "Pwede pa po bang makahabol sa test, sorry po nalate ako," napatungo ako.

"Aware ka naman sigurong ikaw ang pinamatalino sa section na 'to Miss Del Rey."

"Sorry po, Prof," mukhang wala na talagang pag-asa. Kilala siyang estriktong tao at kapag late ay mas mabuting hindi ka na lang pumasok sa subject niya. Absent ka na rin naman na, saka wala kang aasahan sa kaniya kung gusto mong makapag take ng quiz dahil malabo talagang pumayag siya.

Kung hindi lang talaga ako sinabihan ni President Rupa ay hindi ko na sana ipagpipilitan at ipapahiya ang sarili ko rito sa harap ni Prof at ng mga kaklase ko.

"Nah, forget it. Here's your test questionnaire and your  quiz pad, you can start answering now Miss Del Rey," umangat ang pang-ibabang labi ko sa gulat sa sinabi niya pagkatapos maibigay sa 'kin ang quiz pad ko at test paper na sasagutan ko.

Narinig ko siyang tumikhim na nakapagpabawi sa aking huwisyo.

"You can now go back to your sit, Miss Del Rey."

"Uh, yes po Prof." Mabilis akong naglakad papunta sa desk ko ng hindi pa rin makapaniwala.

Kahit ang mga kaklase ko, nagbubulong-bulungan na. Hindi rin makapaniwala sa naging tugon ni Prof. Alam naman ng lahat kung ga'no niya kaayaw ang mga estudyanteng late at hindi man lang niya 'ko pinagalitan. Sa halip na mag-isip ay sinagutan ko na lamang ang test questionnaire na dala ko.

"Okay class, finish or unfinish pass infront your quiz pad together with the test questionnaire, now. By the way Miss Del Rey, please head to the admins conference room right after class, okay?"

"Okay po, prof."

"That's all, I'll go ahead students. Be quiet 'til your next lecturer arrived."

Naglakad na si Prof palabas at saka naman umugong bigla ang mga bulungan. Kesyo bakit daw ako pinapapunta sa admins conference room, kung ano raw ang gagawin ko roon. Gustuhin ko mang sagutin ang mga tanong nila ay hindi ko magawa, dahil hindi ko din naman alam.

"I heard may meeting daw mamaya do'n!"

"Your right I also heard it earlier and that's not just a meeting as well, 'cause they're choosing a student who will also going to be our representative for the upcoming National Intelligence Olympia-"

"Oh yea, I forgot about that."

"I thought matagal pa 'yon?"

"No, I think it will be next month."

"I'm so exited! I'm sure marami na namang mahahakot na trophys ang HHU sa nalalapit na NIO!"

"Sure na 'yan girl! Hellion4 pa nga lang ang dami na agad, e!"

"Sino naman kaya ang iba pa na magiging junior varsity representative natin?"

"Ewan.. maybe sa Monday pa yata natin malalaman girls."

Hindi na natuloy ang pakikinig ko sa mga kaklase kong marites ng biglang dumating ang lecturer namin para sa second class. Friday ngayon, kaya paquiz na kaagad ang ginawa nito. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko. Ano kaya iyong sinasabi nilang NIO, saka may kinalaman kaya iyon sa pagpapapunta sa 'kin ni Prof sa admins conference room?

"Miss, Del Rey, is there a problem? Are you done answering?"

"Uh, hindi pa po, Ma'am." Agaran kong sagot. Tumawa na naman ang ilan sa mga kaklase ko.

"You're being inattentive at this moment, something bothering on your mind?" Mahinhing aniya.

"Uh sorry po, Ma'am," tanging tugon ko na lamang sabay yuko sa nararamdamang hiya sa katawan ko.

Gano'n lang ang nangyari buong umaga. Sunod-sunod na mga quizzes, recitations, activities at kung ano-ano pa. Habang naglalakad patungong cafeteria ay sumalubong naman sa 'kin ang dalawang prinsesa kasama si Esther.

"Hey, why're you going to the cafeteria alone? Don't you want to go with us?" Nagtatampong panimula ni Raila.

Sinulyapan ko ng tingin ang dalawa at gano'n ring nagtatampo ang mga mukha.

"Pero-"

"I don't want to hear your buts, starting from now, sa amin kana-"

"Hey, Nerdo!" Naagaw ang atensiyon naming apat sa sigaw na iyon.

Tumalikod ako para sulyapan kung sino ang may-ari ng pamilyar na boses na 'yon at napakurap-kurap ako ng makita siya 'di kalayuan sa likod ko nang nakataas ang kilay. Nasa likod rin nito ang dalawa sa Hellion3 na sina Chad at Cai.

Hindi pa man ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko ay humakbang na si Cai palapit kay Laira at nakita ko naman si Esther na lumapit kay Chad.

"What do you want?" Malamig na boses ni Chad nang makalapit si Esther.

Hindi na natuloy pa ang pakikinig ko nang may pasimpleng humawak ng baba ko at dahan-dahan iyong iginiya paharap. Paharap sa napakalapit na niya ngayong mukha.

"I'm the one in front of you, so you should only pay attention to me, not the other way around," nakataas pa rin ang kilay niya at napakurap-kurap na naman ako. Kinabahan ako bigla.

"Pasensiya na," nauutal kong sagot rito. Kinakabahan talaga ako, ang lapit lapit ng mukha niya at ayaw ko mang aminin, pero mas lalo lang talaga siyang gumagwapo sa ganito kalapit kong napagmamasdan.

"Tss! Let's go," hinawakan niya ang palapusunan ko at humakbang palayo.

"Sandali, nando'n ang mga kaibigan ko at yung mga kaibigan mo rin! Ang sama naman natin kung iiwan natin sila roon!" Hila-hila niya pa rin ang kamay ko at hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko.

Nahinto lang kami sa isang bench, sa likod ng isa sa mga main buildings rito sa HHU. Kung hindi ako nagkakamali ay dito rin ako tumambay noon nang bigla siyang sumulpot at inabala ang pagre-review ko. Hindi na rin ako bumalik pa rito nang malaman kong tambayan niya pala 'to. Kaya pala walang masyadong tao sa likod ng building na 'to.

"Diba tambayan mo 'to at ayaw mo 'kong pumupunta rito? Pero bakit nandito tayo ngayon, saka anong gagawin natin rito?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ang dami mong tanong!" Bakas ang inis sa tono ng kaniyang pananalita. "Haven't you forgotten? Nasaan na ang biko ko? Don't you dare sayin' you haven't cooked that biko for me, lagot ka talaga-"

"Heto na, heto na!" Mabilis kong kinuha yung bikong niluto ko kaninang umagang-umaga at iniharap iyon sa kaniya. Medyo malaki-laki rin yung lalagyan ko niyon dahil para sa 'kin yung iba roon.

Kaagad na may gumuhit na ngiti sa mga labi niya ng sulyapan ko siya ng tingin.

"Good!" Zach. Kinuha niya 'yon sa mga kamay ko at kaagad na binuksan.

"Hoy, hindi lang para sa 'yo-"

"Alam ko! Mas malaki pa yata 'to sa tiyan ko."

"Ang payat mo kasi!" Pabulong kong sabi.

"What did you say?" Nagsisimula na naman siyang mairita.

"Wala, may dala akong dalawang maliit na plato rito."

"Dalawa? So, you mean you're really expecting us to eat together?" Lumapit biglang ang mukha niya sa 'kin. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng pisngi ko.

Hindi ko talaga mawari ang kakaibang nararamdaman kong 'to. Sa kaniya ko lang 'to nararamdaman lalo na t'wing sobrang lapit ng mukha niya. Umiwas kaagad ako ng tingin at bahagyang inilayo ang mukha sa mukha niya.

"Hindi 'yon, alam ko na kasi 'yang ugali mo, baka hindi na naman ako makatikim nitong sariling luto ko at ikaw lang ang umubos!"

"Tss! Whatever," nagsimula na rin siyang kumain at gano'n din ako.

"Uh, may bibingka nga pala ako rito. Kaunti lang 'tong gawa ko, gusto mo?" Alok ko at hindi naman niya ko pinansin.

Paborito ko rin 'to, habang ginagawa ang ilan kaninang umaga ay kumakain na rin ako, kaya busog na busog na 'ko nito.

"Ayaw mo?" Ulit ko pero pumaswit lang ulit siya at nagpatuloy lang sa pagkain ng biko. "Okay!" Sagot ko sa hangin. "Ibibigay ko na lang siguro 'to kina Esther at sa dalawang prinsesa.

Itatago ko na lang ulit sana iyon sa totebag ko ng kuhanin na naman niya bigla sa kamay ko.

"Akin na, kakainin ko mamaya!" Napipilitan pa yata siya.

"Okay! Bukas ko na lang siguro sila bibigya-"

"No! Don't you ever give them something like this... Ako lang dapat."

"Huh?!" Naguguluhan kong tanong.

"Narinig mo ang sinabi ko, nerdo! Wala kang bibigyan nito kun 'di ako, understood?"

Napatango-tango na lamang ako habang pinakatitigan niya ang mukha ko. Sobra na namang lapit ng mukha niya at sa ngayon ay wala na 'kong kawala dahil nakaupo siya sa mesa habang ako ay nakaupo lang dito sa may bench habang pinakatitigan niya.

"Don't you ever try to fail my words, nerdo. Or else your-"

"Oo na, oo na!" Sabat ko kaagad. Nakakatakot talaga siya!

Ngumiti lang siya ng malademonyo at sa wakas ay inilayo rin ang mukha.

"Good."

Alam kong mas weird ako sa kaniya, pero minsan talaga naiisip kong mas weird pa siya sa 'kin. Hindi rin kasi siya minsan maintindihan, tulad na lang nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang bigyan ang mga kaibigan ko ng pagkain at ang nakapagtataka pa roon ay siya lang dapat ang bibigyan ko at wala ng iba!

Lumipas ang ilang minuto at tapos na rin akong kumain. Sa totoo lang ay gusto ko ng umalis rito, hindi naman siya aware pero awkward sa 'kin ang lahat saka hindi talaga normal ang tibok ng puso ko sa ganitong nasa malapit lang siya. Nananatili lang siyang nakaupo sa may mesa habang nakatapak ang paa sa may bench kung sa'n ako nakaupo at parang wala lang na kumakain ng bibingka.

Grabe talaga siya, ang payat-payat ng katawan pero ang lakas-lakas kumain. Hindi yata siya nabubusog e, hanggang ngayon, kain pa rin talaga siya ng kain! Sa'n kaya napupunta ang mga kinakain niya?

"Uh, aalis muna ako," pormal na pagpapaalam ko. Hindi yata niya 'ko narinig kaya dahan-dahan kong kinuha ang totebag ko at hahakbang na sana paalis nang...

"Where do you think you're going?" Naestatwa bigla ang katawan ko nang marinig ko ang boses nito.

Dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin at 'yon na nga siyang nakataas lang ang kilay na nakatingin sa direksiyon ko.

"Uhm-"

"Sit back,"

"Pero-"

"Aren't you gonna follow what I've said?"

"Kasi naman e!" Padabog na lamang akong bumalik at naupo ulit sa may bench.

"So, where are you going?" Panimula nito nang makaupo ako.

Naiinis ko siyang tiningnan, "kailangan mo pa bang malaman 'yon? Sa tingin ko kasi hindi na, hindi mo naman kasi ako pinapaalis!"

"Spit it out, malay mo paalisin kita," aniya habang kumakain pa rin ng bibingka.

Hindi na lamang ako nagsalita pa at napangiti na lamang sa sariling naisip. Habang kumakain siya ay tahimik kong hinarap at inilapit ang mukha ko sa kaniya. Hindi naman gaanong kalapit pero sapat na rin para mabilis niyang makita ang mukha kong pinandidirian niya.

"What?" Nakataas lang ang kilay na aniya. Hindi ako sumagot at nananatili lamang nakatitig sa kaniya.

"I said what?"

Bakas na ang pagkairita niya pero pinilit ko pa rin ang sarili kong hindi magpadala sa takot sa kaniya. Medyo malapit pa rin ang mukha ko sa kaniya at pinakatitigan lang siya. Hindi ko alam pero kinabahan ako nang parang malademonyo itong ngumiti.

"So your not responding, huh?"

Wala pa rin akong emosyon na nakatitig lang sa kaniya pero paatras ng paatras ang mukha ko nang dahan-dahang niyang inilalapit ang mukha niya sa 'kin.

Nang wala na 'kong maatrasan sa hangin ay ilang segundo kaming nagtitigan. Pero hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. Hindi pa man ako nakakaiwas ng tingin ay mas lalo lang niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Mas lalo lang akong kinabahan. Ilang dangkal na lang talaga ang layo ng ilong naming pareho... Diyos ko, nagsisisi na po akong tinitigan ko pa siya gayong hindi ko naman pala kaya.

"I'm asking you?" Hindi ko alam pero parang nang-aakit ang tono ng kaniyang pananalita. Tulungan niyo po ako sa lalaking 'to, jusko!Ano bang pwedeng sabihin ko para maiwasan ko 'to? Hindi ko naman kasi alam kung sa'n ako pupunta e! Gusto ko lang umalis dahil sa kaniya.

"Sa library... tama sa library ako pupunta!" Kasabay niyon ay ang marahang pagtulak ko sa dibdib niya. Grabe, ang payat naman niya pero parang ang dami niyang muscles at... abs kaya meron siya? "Mag-rereview ako, marami quizess, saka recitations mamaya."

Lumayo naman na siya sa wakas pero hindi pa rin mawala sa 'kin ang mga tingin niya.

"Dito ka mag-review," aniya na ikinalaglag ng aking panga.

"Pero nasa library ang mga librong-"

Hindi na 'ko natuloy sa pagsasalita ko nang kuhanin niya ang totebag ko at inilabas roon ang napakaraming libro na rereviewhin ko. Lagot na...

"So what's the use of this, huh?" Aniya ng nakataas ang kilay.

"Pero-"

"No buts, dito ka magreview."

"Bakit ba ayaw mo akong paalisin?" Inis kong tanong pero parang wala lang siya. Kainis! "Kanina tinititigan kita ng harap-harapan at malapitan para mairita ka na naman sa mukha ko at paalisin mo na 'ko, pero-"

Napugto ko ang sarili kong hininga ng ilapit na naman niya bigla ang mukha niya sa mukha ko. Mas malapit pa kumpara kanina, jusko! Hindi ako makagalaw, ni hindi ko magawang magsalita at parang nahipnotismo lang sa mga mata niyang napakalapit talaga sa 'kin.

"Iyan ang titigan ng harap-harapan at malapitan," nag-iwas siya ng tingin at napakurap-kurap lang ako. "Magreview ka na!"

Wala na lamang akong nagawa kun'di ang magpuot at sa huli ay nagsimula na lamang magreview. Habang siya naman ay wala pa ring tigil kakakain ng bibingka. Saludo na talaga ako sa tiyan niya!

Siya kaya, hindi ba siya magrereview? Napapaisip tuloy ako kung matalino ba siya o hindi. Sa tingin ko hindi yata, sa tingin ko lang naman. Hindi ko kasi siya minsan maintindihan, childish din siya, saka minsan immature pa, hindi ko pa rin siya nakitang nagbasa o kahit humawak man lang ng libro.

Hay, bahala na nga siya, buhay naman niya 'yan, e. Saka isasama ko nalang rin siya na sana mapagtanto niya balang araw ang kahalagahan ng pag-aaral kahit mayaman pa siya, sa mga dasal ko bago ako matulog sa gabi.

Nagsimula na rin ang afternoon classes, wala pa ring pagbabago sa araw ng friday. Katulad pa rin iyon ng inaasahan. Naging busy ang lahat, nang matapos na ay dumiretso kaagad ako sa ACR katulad ng bilin ni Prof.

Wala naman siguro akong ginawang masama dahil kung meron man hindi sa ACR ang punta ko niyon kun'di sa Principal's Office. May kinalaman kaya 'to sa narinig ko kaninang... NIO yata 'yon... ewan ko! Malalaman ko na lang rin 'yon do'n sa pupuntahan ko.

"Uhm, excuse po, Ma'am..."

"Yes?" Mataray na sagot ng nakasalubong kong teacher. Hindi pa 'ko nag-under sa kaniya kaya hindi ko siya kilala. Pinasadahan muna niya ako ng tingin habang nakataas ang isang kilay.

"Maari ko po bang malaman kung nasa'n ang Admins Conference Room?" Magalang na tanong ko sa kaniya.

"Are you Miss Del Rey?"

"Ano po?" Taka kong tanong.

"Yeri Miel Del Rey?"

"Uh, opo."

"You're late! Mr. Principal and the other respectable Faculties including your Prof are all getting annoyed waiting for you there!"

"Sorry po," nakatungo kong paghingi ng tawad rito.

"Whatever, reserve that word to the ACR. Follow me, I'll lead you the way to get there," naglakad na ito at sumunod naman ako sa likod nito.

Mahaba pa ang nilakad namin, ilang elevators din ang sinakyan namin at sa wakas nahinto rin kami rito sa tapat ng isang pinto, sa may pinakamataas na floor ng isa sa mga main buildings dito sa HHU.

Nagsisimula na rin akong kabahan, ano naman kaya ang dahilan at sinadya pa 'ko ng isang magandang Miss papunta rito at hinihintay pa raw ng mga kagalang-galang na guro pati na rin si Mr. Principal.

"Miss Del Rey is here, everyone," aniya at pumasok naman ako sa loob.

Nilibot ko ang tingin ko at nando'n nakaupo ang lahat sa mga silyang nakapalibot sa council table. Tama nga si Miss, nando'n ang ilan sa mga kilala kong kagalang-galang na mga guro at si Mr. Principal naman na nasa may pinakadulo. Nandito rin pala sina Esther at ang dalawang prinsesa. Pero hindi ro'n nahinto ang mga mata ko, kun'di sa Hellion3 na nakaupo rin doon at nasa 'kin lang ang tingin... actually lahat talaga sila na sa 'kin ang tingin.

"Good Afternoon po," magalang na halos nakatungo kong tugon.

"Is this your all saying, Miss Del Rey, the bright girl in section Molave?" Si Mr. Principal na may kaunting ngiti sa mga labi.

"Uh... Yes Mr. Principal, she's Miss Del Rey," si Prof naman na biglang tumayo.

"Uh... sorry po nalate po ako."

"No, it's okay, you can sit to that vacant chair, next to Miss Felices now," aniya at sumunod naman ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at 'yon na nga ang nakataas ang kilay na si Zach, na nasa harap ko lang. Nakapagitan syempre sa 'min ang conference table. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.