Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

VISIT

Mabilis akong nakarating sa sinabing hospital ni Mana Tisya kung saan naroon si nay. Kaagad kong tinungo ang reception line na may dalawang nurse para mapagtanungan kung nasa'n o saang kwarto naroroon si nay.

"Nasa room 12 sa second floor po, miss," anang nurse pagkaraan ng ilang segundo.

Halos takbuhin ko na ang second floor para mabilis lamang na makarating doon. Labis na 'kong nag-aalala kay nay, gustong-gusto ko na talaga siyang makita.

Mabilis ang aking lakad papunta sa nasabing room at hindi pa man nakakalapit ay sumalubong na sa 'kin si Trisha, ang kapit-bahay din naming anak ni Mana Tisya. Nakaupo lang siya sa isa sa nga upuan na nasa gilid ng hallway, nakayuko rin ito at mukhang hindi pa napapansin ang pagdating ko.

"Trisha?" Marahan ko itong tinapik sa balikat at napatayo naman siya ng makita ako.

"Yeri!"

"Nasa'n si nay? Kumusta siya? May nangyari bang masama sa kaniya?" Hindi ko na mapigilang sunod-sunod na itanong sa kaniya ang bumabagabag ngayon sa buong sistema ko.

"Hindi ko alam, hindi pa kas lumalabas ang doktor na nagchi-check sa kaniya sa loob," aniya sa malungkot na boses. "Kararating pa lang kasi namin, kasama ko ang pinsan kong si Tristan para dalhin kaagad siya rito sa ospital, umalis na kaagad dahil may kailangan pa raw gawin kaya ako na muna ang narito."

Wala na 'kong tinugon pa sa kaniyang tinuran. Tahimik akong naupo sa isa sa maraming upuang nasa gilid lang ng hallway, gano'n na rin siya. Tahimik lang kaming pareho, pero nagsisigawan ngayon ang sisi sa isip ko. Wala namang ibang may dapat sisihin nito kun'di ako. Kung umuwi lang sana ako ng maaga ay hindi magyayari ang gan'to.

Ilang sandali pa muna kaming naghintay na lumabas ang doktor. Sa sandali rin iyong ikinuwento sa 'kin ni Trisha ang buong pangyayari. Kanina pa raw nag-aalala si nay sa 'kin, alam 'yon ng mama niya dahil magkalapit-bahay lang naman sila at sa kaniya naibubuntong ni may ang pag-aalala sa 'kin.

Pinakalma raw ito ni Mana Tisya at sinabi pang uuwi rin 'yon. Pagkatapos daw na magluto ng ulam si Mana Tisya ay naglagay daw ito sa mangkok para sana ibigay sa 'min pero pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang nakatihaya sa sahig at walang malay na si nay.

Halo-halong emosyon ang kasalukuyang bumabalot sa puso ko, nangunguna doon ang takot at kaba. Tahimik na lamang akong napapaluha at nananalanging sana ay walang mangyaring masama kay nay. Siya lang ang pamilya ko kaya sana naman mapagbigyan ang kahilingan ko.

"Tahan na, Yeri." Naramdaman ko ang dahan-dahang paghagod ng kamay ni Trisha sa likod ko, pero hindi niyon kayang patahanin ang luhang masaganang dumadaloy sa aking mga mukha. Mabilis kaming napatayo ng lumabas ang isang doktor sa kwarto kung sa'n naroon ang nay ko.

"Dok, kamusta po ang nay ko? Ayos lang po ba siya?" Mabilis kong pinalis ang luha sa aking mukha.

"She had a heart attack, almost an hour's ago. Good thing they took the patient here in a brief time before it's too late."

Bumuntong-hininga siya.

"We have already done the test chest X-ray for her to check the size of her heart and it's blood vessels and also to look for fluid in her lungs to treat her condition. Aside from that we also applied so many more tests on her such as echocardiogram, coronary catheterization even MRI and there, I found out that she was living a Silent Heart Attack condition for so many years."

"Silent Heart Attack?" Kuryusong tanong ko bagaman kinakabahan. Napakalakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko pa man alam kung ano ang talagang ibig sabihin niyon ay kinakabahan na ako.

"Yes, Silent Heart Attack. It's like an asymptomatic illness but it's still dangerous and can also be a big threat to the life of the patient."

Napaluha ako, wala akong maramdam na pakialam kung makita man iyon ng doktor. Hindi ko matanggap na sa isang sakit, makuha sa 'kin ang buhay ng nay ko.

"I still have a good news hija," hinawakan niya ang balikat ko at pinakatitigan ako.  "We're not going to any clinical trials for the patient 'cause she can surpass this illness by applying lifestyle and home remedies for herself to improve her heart's health. Restoring blood flow quickly helps prevent heart damage so I will give you a medications for the patient to treat her heart attack."

Humugot pa muna ito ng malalim na hininga bago tuluyan na naman ulit na nagsalita. Pagkatapos ay tinitigan ako nito ng may diin sa mga mata.

"I suggest you to always relax her heart and sustain its heart's rate. Help her control her blood pressure and cholesterol levels. Avoiding on stressing her out may be a very big help. You can get inside to see the patient, I have to go."

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng silid matapos makaalis ng doktor. Wala pa rin siyang malay na nakahiga lang sa kama habang tulala ko siyang pinagmamasdan. Blanko ang utak ko, sinisisi pa rin ang sarili ko. Hindi sana magkakagan'to kung umuwi kaagad ako.

"Yeri, tumawag si mama. Kailangan ako sa bahay... pasensiya na hindi na kita masasamahan dito, kailangan ko na kasing umalis," hinarap ko siya at binigyan ng magandang ngiti.

"Ayos lang, salamat sa pagdadala sa nay ko rito, uh. Malaki ang utang na loob namin ng nay sa 'yo at sa pinsan mo. Nadala siya ng maaga rito sa hospital at dahil 'yon sa inyo. Hindi ko talaga kakayanin kapag may mangyaring masama sa kaniya. Salamat Trisha," hindi na 'ko nakapagsalita pa ng yakapin niya 'ko bigla.

"Hindi lang namin kayo basta kapit-bahay, kaibigan na rin namin kayo at kahit sinong tao gagawin naman siguro 'yon, kaya hindi mo na kailangang magpasalamat pa," hinatid ko siya hanggang sa may pintuan ng silid na ito hanggang sa tuluyan na nga itong mawala sa paningin ko.

Tahimik akong bumalik na naupo sa silyang malapit kay nay. Wala pa rin siyang malay. Nararamdaman ko ang mabilis na pagluha ng mga mata ko sa t'wing matagal ko siyang napagmamasdan.

Hindi ko naman magawang sisihin ang batang niligtas ko sa daan, dahil inosenteng bata pa lang naman kasi siya. Wala pang masyadong alam. Ako talaga ang may kasalanan, ako lang naman kasi ang dahilan kung ba't nasugod dito ang nay ko.

Lumipas ang ilang sandaling nakahiga lamang ang ulo ko sa kama habang hawak ang isang kamay ni nay. Nagising ako bigla nang mamalayan ang dahan-dahang paggalaw ng kamay nito sa kamay ko. Napaayos kaagad ako ng upo at nag-aalala siyang tiningnan, gumagalaw na ang mga mata nito, 'di nagtagal ay dahan-dahan iyong dumilat.

"Nay?" Sinisikap kong kalmahin ang sarili ko at baka kung ano na naman ang mangyari kapag nabigla ito.

"Yeri?" Bakas ang gulat sa kaniyang mukha pero ngumiti lang ako habang hinahagod ang ibabaw ng buhok nito.

"Opo, nay, ako po ito. Kamusta po ang pakiramdam niyo? Ayos lang po ba kayo?"

Inaasahan ko na talaga ang gising niya, dahil sinabi na iyon ng doktor. Pero hindi ibig sabihin gising na siya ay pwede na siyang maiuwi, mananatili pa daw kami dito ng dalawa hanggang tatlo araw para masigurado maayos ang lagay niya.

"Ayos lang naman ako, medyo masakit lang itong dibdib ko," hinimas niya ang dibdib niya at parang kinurot ang puso kong makita siyang ganitong nananakit. Pilit ko lamang nginitian ito lalo na nang magtama ang tingin naming pareho.

"Gano'n daw po talaga, hindi raw po kasi gano'n kabilis mawala ng tuluyan ang sakit na umatake sa puso niyo. Pero mawawala rin naman po 'yan pagkalipas ng ilang oras o sa loob ng isang araw sabi ng doktor."

"Mabuti naman at nang mabilis tayong makauwi sa bahay," aniya sa malamig na boses at nag-iwas ng tingin.

"Nay..." humawak na rin sa kamay nito ang isang kamay ko pa. Napalingon naman siya kaagad sa 'kin. "Sorry po, pinag-alala ko kayo, hindi sana aabot sa ganito kung umuwi kaagad ako ng maaga."

Nakayuko lamang ako habang humihingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, nakokonsensiya ako. Napaangat ako ng tingin sa kaniya ng maramdaman ko ang isang palad niyang humawak sa kamay ko, ngumiti siya ng magtagpo ang tingin naming dalawa.

"Pasensiya na rin at labis akong nag-alala sa 'yo, may tiwala naman ako sa 'yo. Alam ko ring responsable ka namang bata at kaya mo naman nang dalhin at iuwi ang sarili mo, pero heto... pasensiya na talaga at umasta akong walang tiwala sa iyo at nag-alalang may mangyayaring masama sa iyo, iyon naman pala ay sa 'kin may mangyayaring masama."

Siya naman ngayon ang nakayuko.

"Nag-alala lang naman ako sa 'yo, kaya nagkagano'n. Malalim na kasi ang gabi at wala ka pa," alam kong nagtatampo siya, halatang-halata ko na dahil ipinagkrus niya pa talaga ang dalawang braso niya at nagtatampong inirapan ako sabay tumingin sa malayo. Ang nay ko talaga, para  namang hindi sanay na umuuwi ako ng hating-gabi, minsan nga lagpas pa e!

"Nay..." nanlalambing na tawag ko rito. "Huwag na po kayong magtampo, sorry po talaga. Asahan niyong hindi na po talaga mauulit 'yon. Promise po 'yan, ayaw ko rin naman pong maulit pa 'tong maospital kayo, kaya hindi na po mauulit 'yon."

"Talaga?" Nagtatampo pa rin ang mga mata nitong bumaling ng tingin sa 'kin. "Aasahan ko 'yang promise-promise mong 'yan, uh? Kung ayaw mo akong mag-alala, huwag mo 'kong pag-alalahanin."

"Opo, nay! Promise po 'yan!" Iminuwestra ko pa ang kanang palad ko patunay na talagang nangangako at nagsasabi ako ng totoo.

"Hala, sige. Halika't yakapin mo na ang nay mo," masaya kong sinalubong ang nakabuka niyang mga braso at dinama ang yakap ng isa't isa.

"Sorry po talaga, nay," sabi ko sa mababang boses habang yakap pa rin siya.

"Kalimutan mo na 'yon. Basta huwag mo lang uulitin, ayos na 'yon para sa 'kin," aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

Dalawang araw muna akong hindi pumasok sa eskwela, pero sa trabaho ay pumasok pa rin ako. Ako ang nagbabantay kay nay sa umaga habang si Trisha ang nagbabantay sa kaniya sa gabi. Salamat talaga sa Diyos at may mabubuti pang taong katulad nina Mana Tisya at Trisha sa mundong 'to.

Ayaw ko siyang iwan, kahit pa ipilit niyang pumasok ako sa eskwela at siya na lang daw ang bahala sa sarili niya ay hindi ko magawang pumayag.

Ngayong araw na ang labas namin dito sa hospital at habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko lamang ang kaunting perang nasa kamay ko na saktong-saktong pamasahe para sa 'ming dalawa pauwi. Tanging sengkwenta pesos na lang ang pera ko bukod sa ipapamasahe ko pauwi namin ni nay.

Yung perang budget ko na sana para sa buong linggo sa school at pang-araw-araw sa bahay ay naubos na rin, maging ang ipon ko ay gano'n din. Tanging sengkwenta na lang talaga.

Pambayad pa lang ng hospital ay talagang malaki-laki na. Ang laki rin ang perang nagastos ko para sa medication ni nay. Kasama na roon ang pagbili ng mga kailangan talagang gamot para sa puso niya at lahat pa ang mahal.

Pero kahit na gaano pa 'yon kamahal, kahit na gaano pa kalaking pera ang mawala, kahit wala na 'kong pera dahil naibigay ko ng lahat hindi ko pa rin talaga magawang manghinayang. Dahil una sa lahat, hindi naman 'yon sayang para panghinayangan.

Oo nga't wala na talagang pera, pero masaya pa rin ako dahil ligtas at ayos na ngayon si nay at kailanman, hindi 'yon matutumbasan ng kahit napakalaki pang halaga ng pera. Sanay na sanay na ako sa napakarami at sabay-sabay na mga problemang humaharap sa isang tao, pero huwag naman sana 'tong nalalagay sa panganib ang buhay ng nay ko.

"Nay, ang haba po ng biyahe. Magpahinga na lamang po kayo at ako na po ang maghahanda ng tanghalian natin."

"Hindi na anak, kaya nga ako lumabas dahil maayos na ang lagay ko hindi ba?"

"Pero, kahit na nay," iginiya ko ito paupo sa maliit naming sopa. "Hindi pa rin kayo pwedeng magpagod.

"Mabuti pa, ikaw na ang maupo rito at ako ang magluluto. Halos dalawang araw kang pagod sa pagbabantay sa 'kin sa hospital, kaya naman ikaw ang magpahinga at ako ang magluluto," ipinagpalit niya ang puwesto naming dalawa. Ako na tuloy ngayon ang nakaupo.

"Pero-"

"Wala ng pero pero anak, magpahinga ka na lamang diyan."

Wala na 'kong nagawa dahil tinungo na kaagad nito ang kusina. Napabuntong-hininga na lamang ako at hinayaan na siya.

Nananatili lamang akong nakatulala na nakaupo dito sa may sopa. Dalawang araw akong puyat, pero hindi ko magawang kahit maidlip man lang.

Sa susunod na linggo na pala ang balik dito ni Madam Rosa, ang may-ari ng apartment na ito na siyang binabayaran namin ng upa. Sa'n naman kaya ako kukuha ng pera pambayad sa upa. Hindi pa naman mapapakiusapan si Madam Rosa. Wala iyong palugit at diretsong palayas kapag walang maibigay na pera.

Nawala na lamang sa isip ko ang problemang 'yon nang tahimik na inilalapag ni nay sa maliit na mesa sa harapan ko ang isang plato na may lamang dalawang prinitong itlog. Nagtama kaagad ang mga mata namin ng sulyapan ko ito.

"Heto na lamang ang meron sa kusina, anak," aniya sa malungkot na boses.

Pilit na ngumiti na lamang ako para palakasin ang loob naming pareho. Ayokong ganito. Gusto ko na lamang na maiyak. Dapat mapanatiling healthy ang katawan ni nay, pero hindi sapat ang isa, dalawang itlog para sa isang tanghalian.

"Sige na po nay, inyo na lamang po iyan at busog pa naman po ako."

Napalingon kaagad ito sa 'kin habang gulat ang mga mata. Pilit naman akong ngumiti rito.

"Kumain na po kasi ako kanina, busog pa po ako at mas kailangan niyo pong kumain at baka mapa'no na naman po kayo. Alam niyo naman po na ayaw nating pareho na mangyari 'yon hindi ba?"

Hindi siya sumagot sa halip ay inilagay ang isang prinitong itlog sa isa pang plato saka iyon inusog palapit sa 'kin.

"Alam kong gutom ka."

"Hmp! Ang kulit talaga ang nay ko!" Napapangusong sabi ko.

"Mas makulit ka! Sige na at kumain na nga lang ta-" hindi na natapos ang sasabihin nito nang may biglang kumatok ng pinto.

"Ako na po ang magbubukas, nay," sabi ko at tumayo na saka tinungo ang pinto.

Sino naman kaya 'to? Hindi naman pwedeng si Madam Rosa 'to dahil sigurado akong sa makalawa pa ang punta niyon. Baka naman si Mana Tisya o 'di kaya si Trisha.

Pagkabukas ko ng pinto at halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Ultimong mga mata ko ay hindi ko mapakurap sa sobrang gulat ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanging gulat na sambit ko.

Si Esther at ang dalawang prinsesa lang naman ang nandito sa harap ko. Kung si Esther lang sana 'to ay hindi magiging ganito ang reaksiyon ko dahil hindi naman niya una 'to. Pero ang dalawang prinsesa, bakit naririto sila? Lalo na 'tong si Laira. Jusko, ano bang nakain ng tatlong 'to at naisipang pumunta rito?

"Can we just get inside first?" Ani Laira sa hindi naman gaanong sarkastikong tono.

Tatango pa lang sana ako ng ngumiti na kaagad ito.

"Great!" Aniya at naglakad na papasok dala ang maraming iba't ibang klase ng masasarap na pagkain.

"Hay, gutom na 'ko!" Ani Raila na hinihimas pa ang tiyan habang papasok ng bahay.

"Hello po!" Biglang bati ni Laira sa nakaupong si nay sa maliit naming sopa.

Nagulat ako sa naging reaksiyon ni nay nang balingan niya ng tingin ang bumating si Laira. Napaawang ang labi niya at talagang namilog ang mga mata niya nang makita si Laira. Mas dumoble pa ng sumunod nito nang balingan ng tingin si Raila.

Hindi siya makapagsalita at nananatili lamang gulat ang mukha na nakatitig sa isa sa dalawang prinsesa. Napatingin ang tatlo sa 'kin ng may pagtataka. Napangiwi na lamang ako dahil maging ako ay hindi rin maunawaan kung ano ang nangyayari kay Nay.

Tumikhim ako bago pa magpadala sa kung anong nangyayari at lumapit kay nay. Marahan ko itong hinawakan sa kaniyang balikat at gano'n ring tinawag ang kaniyang pangalan.

"Nay?" Napakurap-kurap siya, tila hindi pa makabawi sa kaniyang pagkakatulala.

Hindi nga nagtagal ay nagkatagpo ang mga mata namin at kitang-kita ko ro'n ang halo-halong hindi magagandang emosyon na nararamdaman niya.

"Ayos lang po ba kayo?" Marahan kong tanong rito.

"Ayos lang ako, anak," ngumiti siya saka ibinaling ang tingin sa tatlong bisita.

"Mga kaibigan kayo ng anak ko?" Bagaman nauutal ay medyo ayos at hindi na kapareha ng kanina ang kinikilos niya. Ngumiti naman ang tatlo, kahit bakas pa rin ang pagtataka sa hitsura ng mga ito.

"Yea, it's been two days since we haven't seen Yeri at school, the two of them are looking for her," bumaling ang tingin niya sa dalawang prinsesa na medyo nahiya pa. "We also heard what happened to you too po, so we're here to visit po sa inyong dalawa," dagdag pa nito.

"How are you na po?" Magalang na tanong ni Laira. For the first time, maayos ang pagkakasabi nito. Walang halong arte't sarkasmo.

"Ayos naman na ako, hija," nauutal pa rin ito. Hindi ko alam kung nahihiya lang ba siya o ano?

"We also got foods here," si Raila sabay lapag ng napakaraming pagkain. Natakam naman ako sa sarap nang buksan nito iyon lahat. "Marami-rami rin po 'to, dito na lang rin po kasi kami kakain. Naguguton na rin po kasi talaga kam-"

"Ikaw lang." Sabay na sambit ni Esther at Laira.

Tahimik na natawa naman si nay, maging ako ay gano'n din.

"Oh siya, hala maupo na kayong tatlo at kukuha ako ng plato."

"Yes!" Palihim na bulong sa hangin ni Raila at mabilis na naupo sa sahig katabi ko. Naupo na rin sa kabila namang side si Esther at Laira.

Apat na kaming nakaupo lamang sa sahig na parang mga batang nag-hihintay magsimula ang kainan. Maya-maya ay dumating na rin si nay at nilapagan kami ng plato isa-isa.

"Pasensiya na't mapaparami ako ng kain, uh!" Pagpapaalam ni Nay habang nagsasandok ng kanin.

"Wala pong pasensiyagan 'to, nay! I'm sure mas marami pa din ang kain ko sa inyo." Ngumisi lang ang iba habang ako ay palihim lamang na napasulyap kay Raila. Tinawag niyang nay ang nay ko.

Kakaiba talaga sila, mga prinsesa pero ganito kabusilak ang puso kung makisalamuha.