Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

WORRIED

Hindi ako nakapagsalita pero alam kong punong-puno ng tanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Bakit niya pa binalik ang kamay ko. Hindi na sana niya makikita ng harap-harapan at malapitan 'tong mukha kong pinaka-pinandidirian niya sa lahat ng tao.

"Don't assume like I want to dance with you," pangunguna niya kaagad makalipas ang ilang segundong pagtitig ko sa kaniya. "Grandpa's watching us," napalingon naman ako sa direksiyon ng Lolo niya at tama nga siya.

Nakatuon ang mga mata niya sa 'min at hindi lang siya, dahil pati na rin ang katabi nitong si Mr. Emerald at sina Esther pa at Raila saka napakarami pang iba. Nilibot ko ang paningin ko at kahit saan talaga banda ay may nakatuon sa amin ang mga mata. Kinabahan ako bigla! Nagsisisi na tuloy akong pumunta pa 'ko rito. Nakakasakal ang mga tingin nila, lahat ang sasama.

Wala sa sariling natapakan ko ang paa niya at muntikan pa siyang mawala sa tamang balanse sa nangyari. Hindi ko alam kung may nakapansin ba o wala sa nangyari dahil hindi ko na magawa pang mailibot ang paningin ko sapagkat nakatuon kaagad ang tingin ko sa kaniya. Ano ba naman kasi 'tong sarili ko!

Wala pang tatlong segundo ay bumalik na ulit kami sa pagsasayaw at siguro wala naman yatang nakapansin. Do'n nakaligtas ako, pero nang tingnan ko ang mukha niya ay wala na talaga akong takas. Salubong na salubong ang kilay niya at iritadong-iritado ang mukha niyang nakabaling sa 'kin, jusko!

"The fck did you just do, are you stupid?"

"Sorry, hindi ko sinasadya," hindi ko mapigilang hindi kabahan sa harap niya.

"Your acting abstracted!" Aniya sa mababang boses, kung hindi kami nasa ganitong sitwasyon, sigurado akong sinasigawan na niya 'ko ngayon. Pero dahil nandito nga kami ay dinadaan na lamang niya sa diin ng bawat salita niya ang galit niya na sigurado akong gusto na niya ngayong isigaw sa 'kin.

"Sorry," tanging tugon ko sa mahinang boses.

"Focus or else... your dead!" Nakakatakot na aniya na halos ibulong na lang ang huling sinabi niya sa aking tainga. Pero sapat na sapat para marinig ko. Sana pala hindi ko na lang narinig para hindi ako kabahan ng ganito. Nagbaba na lamang ako ng tingin at pinag-igihang hindi na ulit magkamali sa pagsayaw dahil lagot na naman ako nito.

Ang sama talaga ng ugali niya. Hindi naman ako ka-ganitong natatakot noong una. Pero ngayon, halos manindig na ang balahibo ko sa takot sa bawat salita niya. Sa paglipas ng mga araw na hindi ko siya nakikita ay palala lang pala ng palala ang lagay niya. Mas lalong sumama ang ugali niya at pinagsisisihan ko talagang pumunta pa 'ko rito.

Kung hindi sana ay hindi rin ako kakabahan ng ganito, mapapasubo sa sitwasyong 'to, makakasayaw siya at mararamdaman ang matinding takot sa kaniya. Nakakainis naman 'tong party na 'to oh! Nagkaroon nga ako ng bagong kaibigan, nakita ko na naman ulit 'tong lalaking 'to. Hanggang ngayon, ramdam ko pa tuloy ang kaba ko!

"Your hand felt cold and clammy, so filthy to touch don't you know?" May halong sarkasmong pambabasag niya sa katahimikang nakapagitan sa aming dalawa.

Napaangat ako ng tingin at saka pa lamang napagtantong kanina pa pala namamasa ang palad kong nakahawak sa kamay niya. Lumuwag ang pagkakahawak ko ro'n at dahan-dahan na sanang tatanggalin iyon sa kamay niya nang bigla naman din niya iyong higpitan kaya hindi iyon nakawala.

"What do you think your doing huh? The song isn't over yet and their eyes focus on us so don't cause a scene, you can do that some kind of sht alone. But not now that I'm currently dancing  with you." 

Napakurap-kurap ako habang nakatingin lamang sa kaniya.

"I'm not your commander that you have to obey, but I have the authority that you have to follow or else... your dead. Let's keep dancing 'til the song is done."

"Namamasa ang kamay ko," sabi ko sa mababa at nahihiyang boses. Alam kong nakakadiring hawakan ang namamasang kamay, katulad nitong kamay ko kaya maiintindihan ko naman siya kung ayaw niya talagang hawakan.

"Who cares!" Aniya sa naiiritang boses at mas lalo pa talagang diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

So anong gusto niyang iparating?

Hindi na lamang ako nagsalita pa at bigla na lamang napatulala at nablanko ang utak. Ilang minuto muna iyon bago nakabalik sa riyalidad at natigilan nang mahuling nakatitig siya sa 'kin nang balingan ko ng tingin. Parang wala lang sa kaniyang nahuli at nakita ko siya dahil hindi naman niya iniwas ang tingin niya sa halip ay patuloy lamang akong tinititigan.

"Bakit?" Nauutal na parang kinakabahan at nag-aalangan na ewan kong tanong sa kaniya. Malapit na talaga akong mabaliw sa kaba. Hindi muna siya sumagot sa halip ay pinalipas muna ang ilang segundo bago magsalita.

"Ang pangit mo! Buhaghag 'yang buhok mo, ang panget mo ring manamit, ang laki-laki pa niyang eyeglasses mo, ang kapal-kapal niyang kilay mo, ang sakit mo sa mata, I'm sure boring mo ring kausap!"

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niyang 'yon, pero hindi na 'ko masiyadong nagulat do'n dahil alam ko naman na 'yon sa sarili ko. Tama naman ang lahat ng sinabi niya kaya kahit mukha siyang masakit ay hindi naman gaano para sa 'kin.

"Sorry," tanging sambit ko na lamang sa kaniya.

Ang hirap talaga niya! Kanina ko pa siyang kasayaw tapos hindi mamamalayan bigla-bigla na lang ipapamukha sa iyo ang mga kapintasan mo. Tapos kung makapagsalita pa, parang perpekto, kahit ang layo-layo naman niya ro'n.

Sana ako lang ang mukhang pinag-iinitan ng mata niya sa mundong 'to. Baka hindi na talaga siya matanggap sa langit 'pag nagkataon. Sa sobrang tindi ng pananalita niya, kung panget lang ang lahat ng tao sa paningin niya, libo-libo na ring tao siguro ang nasaktan niya.

Gabi na ng natapos ang party at nakakapagod talaga. Gusto pa sana akong ihatid ng tatlo pero ako na rin ang umayaw. Alam kong mga pagod din sila at ayaw ko rin namang makaabala pa. Sa huli ay wala rin silang nagawa at hinayaan na lamang akong umuwing mag-isa.

Kasalukuyan ako ngayong nakatayo at naghihintay ng masasakyan sa isang waiting shed. Medyo malalim na ang gabi kaya wala ng masyadong tao, ako lang ding mag-isa ang nag-iintay ng masasakyan dito.

Nakatulala lamang akong naghihintay ng masasakyan, wala naman akong napaglilibangan habang naghihintay. Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang dalawang magnanay na may dala-dalang plastic bag habang naglakad. Magkahawak kamay ang dalawa, batang lalaki at ang nanay nito. Lumiko sila sa harap ng waiting shed kung nasa'n ako para tumawid ng kalsada.

Dahil wala naman akong napagkakaabalahan ay pinagmamasdan ko lamang ang dalawa. Sa gitna ng kanilang pagtawid ay sakto ring padaan ang isang kotseng itim at namilog ang mga mata ko sa gulat ng sulyapan ko ang batang bumitiw sa kaniyang nanay na halos nakatawid na ng kalsada at walang kamalay-malay na humakbang pabalik sa gitna ng kalsada.

Kitang-kita ko ang gulat ng kaniyang inay pero sandali lamang iyon dahil mabilis na akong tumakbo palapit sa bata. Wala na 'kong nagawa kun'di itulak na lamang ito dahil paniguradong magkasama kaming mababangga kung hahatakin ko pa siya.

Nakita ko pa ang pagbagsak ng bata nang itulak ko ito palayo at tuluyan na ngang lumabo ang lahat nang bumagsak at magpagulong-gulong ako sa kalsada pagkatapos tamaan ng gilid ng kotse ang tagiliran ko.

Nagising na lamang ako sa isang estranghirong lugar na tiyak ay ngayon ko pa lamang nakita't napuntahan sa buong buhay ko. Ipinalibot ko ang paningin ko at kinapa ang salamin ko upang alamin kung namamalik-mata lang ba 'ko sa napakagandang lugar na 'to o nag-iilusyon na naman ako. Napakurapa-kurap ako nang unti-unting luminaw ang lahat ng nakikita ko.

Medyo luminaw lang pero walang nagbago at napakaganda nga nitong lugar kung nasa'n man ako ngayon. Ang ganda ng lugar, pero bakit narito ako?

Pipilitin ko na sanang itayo ang nananakit kong katawan para hanapin kung sinong may-ari nitong napakagandang mansion na 'to o 'di kaya'y tumakas at umalis na lamang kung saka-sakaling wala man akong taong makita nang biglang bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang isang napakagandang babae na medyo nasa early 30's na ang edad base sa nakikita kong hitsura nito. Napangiti siya nang makita akong gulat na nakatingin sa kaniya at dahan-dahan naman siyang lumapit.

"Thank God your awake, hija!" Masayang ani nang makalapit. Ang ganda niya, lalo sa malapitan. Matangos ang kaniyang ilong, at maninipis rin ang mapupula nitong mga labi. Maputi at ang ganda-ganda pa ng mga mata. Ang ganda pa ng katawan!

"Uhm... sino po kayo? Saka... nasa'n po ako?" Nauutal kong tanong rito.

Natatandaan ko pa naman ang ginawa ko kani-kanila lang, pero hindi ba dapat at nasa hospital o 'di kaya ay nasa bahay ako? Bakit ngayon ay naririto ako? Ngumiti muna siya saka dahan-dahang inangat ang kamay sa mukha ko at inayos niyon ang buhok kong medyo nasa ibabaw ng mata ko bago tuluyang magsalita.

"I'm the one who almost bumped the kid when you saved him," siya pala ang nagpapatakbo ng kotse sa pangyayari kanina, pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ako narito at hindi sa hospital na lamang o kahit sa bahay.

"Uh, kayo po pala 'yon. Yung bata nga po pala? Ayos lang po ba siya? May nangyari po bang masama sa kaniya? Nasaan po siya?" Sunod-sunod kong tanong rito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok sa isip ko ang bata. Medyo napalakas kasi ang pagkakatulak ko sa kaniya kanina at hindi ko alam kung may nangyari bang masama sa kaniya.

Sana naman wala at ayos lang siya. Nako-konsensiya tuloy ako sa isiping tinulak ko siya kanina. Ngumiti lang ang babae na kahit papano'y nakapagpagaan ng mabigat na aking dinaramdam. Hinaplos niya ang buhok ko at tinitigan ako.

"Don't worry, hija, nothing really bad happened to that little kid."

"Pero tinulak ko po siya, hindi po ba siya nasugatan?" Nag-aalalang tanong ko rito. "Kasalanan ko 'to, e," bulong ko sa sarili ko. Nakangiti lang siya ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Don't blame yourself Baby," mahinang aniya saka ngumiti.  "You did push that kid, just because you want to saved him and you did the right thing. I checked the kid before I brought you here and nothing serious injury happened to him. There was no wound or anything. Actually, ikaw nga ang inaalala ko kanina, e!"

Taka ko siyang tiningnan habang nakapuot lang ang kaniyang mukha.

"You've lost your consciousness and then I've got panic. I don't know what am I going to do or where am I going to take you to. I literally lost my mind, too and then after a couple of minutes driving, I just realized that where at the front of my house and with the help of my son, we brought you here and called a doctor to check you and let you rest."

Nagbaba ako ng tingin. Ang laking abala pala ang naibigay ko sa kaniya. Nakaramdam tuloy ako ng biglang hiya.

"Pasensiya na po sa abala," nahihiyang nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Don't be sorry baby, I'm the one who's responsible for saying that-"

"Hindi po, wala naman po kayong kasalanan sa 'kin. Saka aksidente lang naman po ang nangyari kanina, sigurado naman po akong walang may gusto niyon," gumiti lamang siya ng pagkaganda-ganda bilang tugon sa aking tinuran.

"Oh, how kind, hija. I really admire the courage that you have yourself. You didn't hesitate to save that little boy in the middle of the road and you have no idea how you amazed me for those virtues of yours. How great  you really are baby," parang nanggigigil na aniya at pilit na napangiti at tango na lamang ako.

Medyo naaawkwad ako sa pagtatawag niya sa 'king "baby" at hindi ko alam kong ano ang itutugon ko sa kaniya kapag gano'n.

"Let me retrieve your kindness."

"Huh?" Naguluhan ako. Bahagya pa muna siyang nag-isip ng ilang segundo.

"You know what? I have a proposal. I can give you a job with a substantial amount of salary, as my thank you na rin sa 'yo."

"Pasensiya na po, pero may trabaho na po kasi ako. Saka wala naman po akong ginawang maganda sa inyo para magthank you kayo sa akin. Inabala ko pa nga po kayo," sambit ko.

"I just want to do kindness to you as what you also do to other people and I want you to feel that, too, of course by other people and I'm one of those people, so, do you accept my proposal?"

"Pasensiya na po talaga, may trabaho na po kasi ako. Saka hindi niyo na po kailangang gawin 'to," sinisikap kong hindi siya masaktan sa pagtanggi ko sa proposal niya, pero lumungkot talaga ang mukha niya pagkatapos marinig ang sinabi ko.

May trabaho naman na kasi ako at kahit ang laki pa ng sweldo niya, hindi rin naman ganoon kadaling iwanan 'yon. Sapat naman na sa 'min ni nay ang parehong trabaho namin para mabuhay sa pang-araw-araw at siguro hindi talaga para sa 'kin ang trabahong inirerekomenda niyang pagtrabahuan ko.

Sa pag-iisip ko ay biglang pumasok sa utak ko si nay. Sigurado akong nag-aalala na 'yon sa 'kin kaya kahit na nananakit pa rin ang katawan ko, lalo na 'tong tagiliran ko ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Baka may mangyaring masama kay nay sa sobrang pag-aalala sa 'kin, jusko!

"Oh, your not okay yet, baka mabinat ka!" Bakas ang pag-aalala sa tonong sabi nito, pero hindi ko na talaga 'yon napansin pa dahil nag-aalala na 'ko kay nay.

"Pasensiya na po talaga, yung nay ko po kasi, kailangan kong puntahan. Sigurado akong nag-aalala na po sa 'kin 'yon," pinilit ko ang sarili kong huwag ilabas at ipakita ang sakit habang tinatayo ang sarili ko sa kama at baka mas lalo lamang ako nitong pigilan. "Saka sa offer niyo po, pasensiya na rin po. May trabaho na po talaga ako at maraming salamat na lang po ro'n."

"Okay, okay, I'll let you go home, but let Mang Thomas, our driver, drive you on your way home. I'm worried something wrong might happen to you if you leave here by yourself and-"

Lumapit siya lalo sa akin at kinuha ang kamay ko saka may inilagay na kung ano sa palad ko.

"That's my calling card. You can call me anytime you want if you really need a job. It's my pleasure to help a girl like you, baby," aniya sa malambing na boses.

"Pero-"

"No but's, I know you won't accept my help this time, but I'm pretty sure you'll accept this next time. Don't worry I won't get offended, but please... just don't hesitate  to call this number if you change your mind and I'm more that willing to help you okay?"

Sa huli ay tinanggap ko ang numerong ibinigay nito at nagmamadaling umalis sa kanilang nakakalulang mansion kasama ang driver na si Mang Thomas daw ang pangalan. Tulala lamang ako habang nasa biyahe pauwi, hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay nay. Kung maaari ay dapat talagang mapanatili ang normal na tibok ng kaniyang puso kung ayaw itong maging komplikado ang lahat.

Sana naman ay wala talagang mangyaring masama sa kaniya. Isa pa rin 'tong pabagal lang ng pabagal na kotseng sinasakyan ko, traffic yata ang kalalabasan nito. Sa halip na mainip ay kinalma ko na lamang ang sarili ko at dahan-dahang pumikit at nanalangin. Wala sanang mangyaring masama sa kaniya.

Dahan-dahang tumutulo ang mga luha sa pisngi ko habang taimtim na pinapakiusapan ang Diyos sa itaas. Gusto kong ignorahin 'tong masamang pakiramdan ko pero mas lalo lamang binabalot ng pag-aalala 'tong katawan ko.

Sa sobrang kagustuhan kong mapuntahan ang nay ay mas lalo lamang iyong pinababagal ng panahon at kinukulong ako sa gitna ng kalsadang 'to. Sinabi pa ni Mang Thomas na may aksidente raw na nangyari kaya nagkaganito kahaba ang traffic. Wala naman akong magagawa kun'di ang maghintay na lumuwag-luwag ang daan.

Pagkalipas ng mahabang sandali at sa wakas ay lumuwag na rin ng daan ay hindi nagtagal, nakapunta na kaagad kami sa aming destinasyon.

Habang pahinto ang kotse ay nasa may bukana ng apartment namin na kaagad ang mga mata ko, umaasang makikita roon si nay. Pero sa halip na siya nga ay si Mana Tisya ang nakita ko sa tapat. Huminto ang kotse at mabilis akong bumaba palapit sa kaniya. Bakas ang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya habang sumasalubong sa 'kin ng tingin.

"Mana Tisya, may problema po ba?" Sinisikap kong maging kalmado kahit na ang totoo ay talagang sasabog na 'ko sa loob-loob ko. "Bakit po?" Tanong ko ulit ng hindi siya nakasagot.

Binigyan ko ulit siya ng ilang segundo para sagutin ang tanong ko pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Ano po bang nangyayari sa inyo? Nasa'n si nay?!" Sa halip na hintayin ang sagot niya ay nagpasiuna na lamang akong maglakad papasok ng aming apartment para tawagin si nay.

Pero hindi pa ako nakakahakbang papasok ay narinig ko na itong nagsalita na siyang nagpatigil sa buong katawan ko. Nablanko ang utak ko, nanindig ang balahibo ko at para akong tinulos sa kinatatayuan ko nang marehistro ang ayaw tanggapin ng utak ko na sinabi nito.

Walang emosyon ang naging mukha ko habang nananatili lang ding tulala sa kinatatayuan ko, pero ang mga luha ko ay nag-uunahan ng malaglag sa pisngi ko. Nablanko ang lahat sa 'kin habang nagpapaulit-ulit sa tainga ko ang sinabi nito.

"Sinugod sa ospital ang nay mo..."