Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

IMAGINATION?

Hindi ko alam basta bigla na lang akong napatayo habang nakatingin sa kaniyang galit na galit na naglalakad at nakamamatay na nakatitig sa akin. Sobrang nanginginig ang buong natawan ko na nakatingin sa kaniyang palapit lamang ng palapit.

Hindi ko na kinayang tingnan pa siyang makalapit at pagkatayo ko ng pagkatayo ay mabilis kaagad akong tumalikod at tatakbo na sana nang mabunggo ako kay Esther. Napahawak ako sa dalawang balikat nito ng ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Yeri? What happened, you look pale?" Bakas ang pag-aalalang tanong nito pero hindi na 'ko nag-abala pang sagutin ang tanong niya sa halip ay mabilis na tumalikod para tingnan siya. Si Zach.

Napatulala ako ng walang tao akong nakita pagkatalikod ko. Nasaan na siya? Namamalikmata lang ba ako? Ano bang nangyayari sa 'kin?

"Yeri, are you okay?"

Doon lamang ako nakabalik sa riyalidad ng marinig ko ang boses ni Esther. Nilingon ko naman siya at pilit na ngumiti. "Ayos lang ako, tayo na sa music hall?" Nakangiting sabi ko rito at hinawakan na ang kamay nito saka naglakad patungong music hall.

"Yeri?"

"Hm?"

"What happened to you earlier, you suddenly turned pale?" Tanong nito sa gitna ng aming paglalakad. "Tapos takot na takot pa 'yang mukha mo?"

"Wala, nagulat lang ako sa 'yo."

"Huh? Pa'nong gulat, e gulat ka ng talaga nang makita mo 'ko?"

"Basta 'yon na 'yon! Malayo pa ba ang music hall?" Pag-iiba ko ng usapan.

Baka naman namamalik-mata lang ako kanina kaya hindi na 'yon kailangang malaman ni Esther. Paano naman kasi magiging totoo 'yon, isang lingon ko lang bigla na kaagad nawala? Saka isa pa, matagal ko naman na siyang hindi nakikita at malabo naman yatang magkita kaming dalawa ngayon din at dito din sa lugar na 'to.

Pero hindi ko pa rin talagang mapigilang hindi mapaisip kung namamalik-mata lang bang talaga ako o totoo 'yon. Para kasi siyang totoo kanina kaya hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

"Hindi na, riyan na oh!" Itinuro niya ang isang gusaling katabi lamang ng Dean's office yata. Nakita kong lumabas mula roon si Mr. Principal, pero lumiko ito ng daan.

Tiningnan ko ang kabuoan ng labas ng nasabing music hall at talaga nga namang nakamamangha ang ganda nito. Hindi naman na kailangang tingnan pa ang Dean's office dahil sigurado na 'yon. Labas pa nga lang nitong music hall ay talagang nga namang maganda na, ano pa kaya kung ang loob na.

"Sigurado ka bang 'yan na 'yan?"

"Ano kaba, oo naman!"

Sabay kaming pumasok ng music hall at napaawang na talaga ang labi ko sa sobrang ganda ng loob nito. Ang lawak, sobrang laki ng espasyo ng kinalalagyan ng bawat instrumento. Iba't ibang klase ng mga instumento pero lahat napakaganda! Nilingon ko si Esther na kasalukuyang kinukuha ang violin at 'di nagtagal ay marahan itong pinatugtog.

Napatulala na naman ako habang pinatutugtog ni Esther ang instrumentong hawak niya. Nakatagilid ang ulo niya sa may Violin at nakapikit ang dalawang mata niya na para bang nakalitaw siya sa musikang lumalabas sa byolin na pinatutugtog niya. Napakaganda! Na maging ako ay kasama na ring nadadala sa musika.

Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi ko namamalayan na tapos na pala ang kanta pero kita ko ang mukha niyang nahihiya habang ibinababa ang byolin na kaninang pinatutugtog niya. Wala sa sariling napapalakpak na lamang ako dahilan para pagbalingan ako nito ng tingin.

"Ang galing mo!" Walang buhay na sagot ko.

Walang buhay dahil parang hinigop na ng musika niya ang natitirang lakas ko. Matagal-tagal na noong huli akong makarinig ng tunog ng violin kaya naman pinunan iyon ni Esther at nagpapasalamat akong naiparinig niya rin sa 'kin sa wakas ang instrumentong paborito kong pinakikinggan.

Sobrang tagal ko ng pinapangarap na matutunan kung paano tumugtog ng violin, pero mukhang hanggang pangarap na lang yata ang pangarap kong 'yon.

"Not yet... I think I didn't get the right tone, I need to perfect this before this day ends," anito.

Ano namang mali pa sa itinugtog niya? Para sa 'kin ang ganda naman na. Hindi ko na isinatinig pa ang naisip ko dahil isang walang alam na tagapakinig lang naman ako. Ano namang malay ko kung nakuha niya ang perpektong tono sa hindi, e wala naman akong alam do'n.

"Kung ako ang tatanungin, para sa akin ang galing na niyon," sabi ko sa kaniya at ngumiti ng ituon niya sa 'kin ang kaniyang mga mata.

"Huwag kang mag-alala, kung ano man 'yang perfect tone na sinasabi mo, makukuha mo rin 'yan," humakbang ako palapit sa kaniyang nagsisigawan ang lungkot sa mga mata.

"Hindi makakatulong kung 'yang laman ng isip mo ay kailangan mong makuha ang perfect tone na sinasabi mo bago matapos ang araw na 'to. Ang dapat na itatak mo riyan sa isip mo ay yung positibong pananaw katulad na lamang ng; matatapos lamang ang araw na 'to, kapag nakuha ko na 'yang perfect tone."

Napaisip naman ako. Ano ano pa ba? Hm...

"O... hindi ko hahayaang matapos ang araw na 'to ng hindi ko nakukuha ang perfect tone na ipatutugtog ko! Dapat positive ka at pang-fighting lagi ang tema ng pananaw mo, sa maniwala ka't sa hindi positive rin ang kalalabasan niyon."

Sa sinabi ko ay napangiti lang ito at sa puntong 'yon, nakita ko ang biglang pagkislap ng kaniyang mga mata. Itinapat niya ang dulo ng violin sa may leeg niya at nagsimulang ipilig ang ulo niya at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.

Nanindig na naman ang balahibo ko nang magsimula na nitong patugtugin ang instrumentong hawak nito. Ang musikang kumakawala sa instrumentong iyon, para siyang hangin na pati loob ng katawan ko ay dahan-dahang pumapasok at doon ko mas lalo pang nararamdaman ang lamig na binabalutan ng napakagandang musika.

Sa ilang minuto kong pakikinig sa kaniyang musika ay parang inantok na talaga ako sa sobrang ganda. Kung hindi lang niya itinigil ay talagang tulog na 'ko ngayon dito mismo sa kinatatayuan ko.

"Ngayon mo sabihin sa 'king hindi pa perfect 'yon," sabi ko at napangiti lang ito at napailing-iling.

"I think that's enough, I just can't help myself but to be nervous," ako na mismo ang humakbang palapit dito.

"Naiintindihan kita, gano'n din naman ang mararamdaman ko kapag ako ang nasa sitwasyon mo. Pero kailangan mong tanggalin ang kaba riyan sa dibdib mo, dahil mga best friends mo lang naman ang pag-aalayan mo niyang pagtugtog mo, hindi naman ang ibang taong makikinig lang sa musikang patutugtogin mo, saka ayaw mo n'yon, paniguradong manonood si Chad."

Sa huli'y napabuntong-hininga na lamang ako.

"Mas lalong hindi ka dapat na magpadala riyan sa kabang nararamdaman mo. Hindi ko naman sinasabing pwersahin mo 'yang sarili mo na dapat na mas pag-igihan mo pa lalo ang pagtugtog mo dahil sa mga taong nakapaligid sa 'yo na nakadadagdag lamang ng presyon na nararamdaman mo."

Maganda siya, at ang ganda niya ay hindi nababagay sa salitang hiya.

"Kapag nasa harap ka na ng maraming tao, kasabay ng pagpikit ng mga mata mo ay isipin mong isa ka lang na pinapatugtog ang byolin na hawak mo. Katulad na lang ng kung anong nakikita mo kapag nakapikit 'yang mga mata mo."

Napangiti ako ng maglapat ang mga mata naming pareho.

"Maging malaya ka sa pagbabahagi ng musika na ibabahagi mo sa dalawang best friends mo ang sayang paniguradong mararamdaman ng dalawang best friends ang isipin mo at hindi ang iba pang mga tao na makikinig lang sa musikang ipapatugtog mo o kung magiging maganda ba 'yang performance mo o hindi. Best friends mo sila at paniguradong magugustuhan nila 'yon lalo pa't galing-"

Hindi ko na natapos pa ang susunod na sasabihin ko nang bigla na niya akong yakapin. "Thank you Yeri, I owe you a lot. That's why I want to introduce you to them even more!"

"Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako o hindi dahil sino ba naman ako, pero tingnan natin," iling ko at humiwalay naman ito ng yakap. Pero nananatili pa rin ang kamay nito sa magkabilang balikat ko.

"Hm... Same as mine, I don't know if they're going to like you too or not. May pagka-picky kasi minsan ang dalawang 'yon, minsan maarte, minsan naman hindi, I don't know!"

"Tss, huwag mo ng sayangin ang oras mo kaiisip diyan. Sila lang naman kasi ang makakasagot niyon. Mai-stress ka lang sa isiping 'yan," nakangiting sambit ko at bigla na lamang rin itong napangiti.

Hinawakan ko ang violin na nasa kamay niya at dahan-dahan yung nalilipat sa kamay ko. Pinakatitigan ko 'yon ng mabuti at kumikinang talaga ang kayumanggi nitong kulay sa mga mata ko. Napakaganda... kung marunong lang sana akong patugtugin ka.

"Marunong kang magpatugtog niyan?" Takang tanong ni Esther.

"Hindi e," may bahid ng lungkot na sagot ko.

"Gusto mo turuan kita?" Nakangiting tanong niya at wala sa saraling napalingon naman ako rito ng bakas ang gulat sa mukha.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ko at napangiti lamang siya.

"Oo nam-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil naputol iyon ng tunog ng cellphone na nanggagaling sa bulsa ng palda niya.

Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang palda at mabilis na pinindot iyon at iniharap sa tainga nito pagkatapos ng bahagya nitong pagtalikod.

"Hello?" Huling sabi nitong narinig ko at wala ng sumunod pa dahil itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa violin na nasa kamay ko. Wala pang isang minuto ay mabilis na kaagad nitong naagaw ang atensiyon ko pagkatapos ko itong sulyapang hindi na ayos ang pinta ng mukha.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniyang mabilis ang kilos na kinuha ang bag niya.

"Si Chad at ang mommy nitong si tita Shan nasa bahay!"

"Huh?" Naguguluhang tanong ko. Dapat masaya siya gayong nasa bahay niya si Chad, pero bakit iba ang nakikita ko sa mukha niya. Para siyang kinakabahan na hindi maintindihan.

"I really don't have time to explain, let's go, no, I'll just send you straight to your house-"

"Hindi na, mahaba-haba pa naman ang oras ko at pupunta pa akong library. Mauna ka na lang na umuwi."

"I'm really sorry, Yeri. Promise, I'll explain everything to you maybe... tommorow, I'll go ahead, bye!"

Mabilis siyang tumakbo paalis at naiwan naman akong hinahabol ito ng tingin hanggang sa tuluyan na nga siyang mawala. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagtungo na sa library. Ang magtungo sa library ang isa sa mga magagandang kong pinupuntahan rito sa HHU, kinahihiligan kong basahin ang kahit anong makapagbibigay ng kaalaman.

Hindi iyong mga novel types, iyon talagang mga may matututunan ako yung gusto ko. Medyo kakaiba lang pero nakaka-relax sa 'kin ang pagbabasa ng mga gano'ng libro. Halos dalawang linggo akong hindi lumipat sa mga librong related or about sa biology. Wala kong tinira at lahat binasa at inaral at talagang isinaisip ko.

Hindi ko hinahayaang lutang ang isip ko sa pagbabasa ng kahit isa lamang salita dahil sa kagustuhan kong matutunan at mas matutunan pa lalo ang mga bagay bagay tulad na lamang sa kung paanong ang mga tao, hayop, halaman, kapaligiran at iba pang mga nabubuhay at may buhay nakikipag-ugnayan at naipluwensiyahan ang isa't isa sa pagkakaiba-iba ng kanilang mga antas.

Pero ngayong sa tingin ko ay na-satisfied na ang utak ko sa mga natutunan ko, tumatawid na 'ko sa mga bagay na gusto ko pa lalong malaman at matutunan. Kinuha ko sa bookshelf ang isang librong alam kong konektado o talagang nasa pokus ang Jungian and transpersonal psychology at nagtungo sa isang table na bakante saka binuklat iyon at nagsimulang basahin.

Sinisimulan ko sa kakaunting mga bagay-bagay tungkol sa psychology ang lahat. Psychology ang pokus ko ngayon at para sa magdadaang mga linggo. Napag-isip-isip ko lang. Para na rin ito sa lalaking 'yon na madalas kong tawagin noong una sa isip kong abnormal.

Kahit pa hindi ko na siya nakikita, marahil kanina nakita ko siya pero baka sa imahinasyon ko lang talagang nais ko pa ring magkaroon ng maraming alam tungkol sa kaniya at sa mga katulad niyang mga psycho.

Nais kong mas lumawak pa ang kaalaman ko tungkol sa sikolohiya at baka naman makuha ko ang ilang mga senyas na magdadala sa 'kin para makuha ang pinakasagot kung bakit gano'n na lang kasama ng mga attitude at personality ng ibang mga taong nakakasalamuha ko sa mundong 'to, lalo na ang mapanghusgang Zach na 'yon.

Halos isang oras pa muna akong nanatili sa library bago nagpasyang umalis. Pagkalabas ko ay don ko lamang napagtantong wala ng masyadong tao at kanina pa yatang nagsiuwian.

Balik na naman ako sa regular na gawain ko nang makalabas ako ng HHU at makarating sa bahay. Naghanda para sa pagpunta sa Baylen's Bar at nang makarating ay sinimulan kaagad ang trabaho.

Medyo nagulat lang ako ng hindi sina tita Diana o tito Kris ang sumalubong sa 'kin kun'di ang nag-iisa nitong anak na si ate Cristal. As usual, nakasimangot na naman ang mukha nito. Hindi pa ko nasanay, hindi ko pa naman kasi talagang nakitang umayos ang mukha nito dito sa loob ng Baylen's Bar na pagmamay-ari mismo nila e.

"Ate Cristal? Ba't nandito ka, diba ayaw mo dito?" Pang-uusisa ko rito. Napabuntong hininga muna ito bago sagutin ang tanong ko.

"What can I do, mommy and daddy are out of town again!"

"Mga ilang araw daw?"

"Ewan, maybe one to two weeks I don't know!"

Hindi na 'ko umimik pa at baka pati ako ay masinghalan pa nito kahit medyo malabo. Sa mukha pa lang kasi niya ay makikita na talaga ang galit. Hindi maipinta ang mukha at kahit taong walang kamuwang-muwang ay hindi gugustuhing kausapin siya sa kasalukuyang ekspresyong nakaukit sa mukha niya.

"Sige ate Cristal, magsisimula na 'kong magtrabaho," paalam ko rito.

"Yea, you can go sa kitchen na rin ako," tanging sambit niya at nagkahiwalay na kami ng paroroonan.

Katulad ng sinabi niya ay nagtungo na nga siya sa may kitchen habang ako naman ay nagtungo na rin sa may customer na na sa table na binabantayan ko. Habang palapit ako sa dalawang customer sa isang table ay napapamilyaran ako sa kanilang dalawa. Nang makalapit ay hindi nga ako nagkamali, sina Chad at Cairo.

"Uh... anong order niyo?" Tanong ko na nakapagpaagaw ng atensiyon nilang dalawang hindi napansin ang paglapit ko.

"Yeri," medyo bakas ang gulat na sambit ni Cai, samantalang nananatiling blanko lamang ang mukha ni Chad.

Kinuha ko ang order ng dalawa na talaga nga namang isa sa mga mamahalin na inumin rito sa Baylen's Bar. Ilang minuto lamang ang lumipas at naglalakad na naman ako pabalik sa kanila dala ang order nila.

"Busy ka?" Nag-aalangang tanong ni Cairo habang inilalapag ko ang order nila sa mesa.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumunod na naman itong nagsalita.

"Can we talk to you in just a second?"

"Uh-"

"Great, sit here," naghila ito ng upuan para sa 'kin at nag-aalangan naman akong naupo.

Wala pa namang omo-order kaya naupo ako. Nagtataka kong binalingan ng tingin si Cairo samantalang nakikita ko lamang sa gilid ng mata ko si Chad na naglalagay ng Balvenie Scotch Whiskey sa bordeaux glass nito.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"May pakiusap lang sana ako," napatitig ako lalo rito ng puno ng kuryosidad ang mga mata.

"Pakiusap?"

"Yea, I want you to help me," nahihiyang tugon nito.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng pagkakataong magantihan ito ng tulong. Maraming beses na sa totoo lang akong hinahatid nito o 'di kaya'y dinediretso pauwi. Minsan papunta sa bar kaya makakabawi na rin ako rito sa kung ano mang tulong na hinihingi nito kung kaya ko naman, bakit hindi?

"Bakit, ano ba 'yon?"

"Uh... Uh..."

"He want your help to get the Emerald Princess Laira," diretsong sagot ni Chad na hindi masabi-sabi nitong si Cairo.

"Huh? Bakit ako?" Sabay turo ko sa sarili ko.

"Not that I want you 100 percent help, just a little advices. Ang galing mo kasing mag-advice-"

"Ako?!" Pagpuputol ko rito. "Magaling mag-advice?"

"Yea,"

"Alam mo, sa halip na sa akin ka humingi ng tulong 'yang sarili mo ang hingan mo ng tulong. Sa pagkakaalam ko, lahat halos ng babae sa buong HHU nakuha mo. Tapos isang babae lang hindi mo kaya?"

Ano pang silbi ng pagiging playboy niya kung hindi niya mai-apply ang mga galawang playboy niya sa isang babaeng gusto niyang maging biktima. Talagang isasama niya pa 'ko sa hindi tamang mga gawain niya. Dapat pala hindi na 'ko nag-advice sa kaniya!

"Iba naman kase siyang babae. She's different from all girls around, just like you."

"Nerd siya?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang napangisi naman ito, maging si Chad ay lihim ring napangisi.

"She's Emerald Princess-"

"Uh! Sorry," nahihiyang sabi ko rito. Ano ba naman 'tong sarili ko, humanda ka mamaya. Babatukan talaga kita!

"So, payag ka?"

Hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Minsan lang dumating 'to, ang magantihan ng tulong 'tong playboy na naging kaibigan ko. Pero mali naman yatang isama niya ako sa pangongolekta ng mga bukang puso rito sa mundo.

"Pasensiya na Cairo, pero ayo-"

"Miss, Whiskey please!" Biglang sigaw ng isa sa mga customer na nasa binabantayang table ko.

"Pasensya na talaga Cai," malungkot na sabi ko rito.

"No it's okay, I understand, " nakangiting pilit na aniya sa malamig na boses.

Hindi ko mapigilang malungkot habang napagmamasdan ang malungkot niyang mukha. Pero wala kong magawa at gustuhin ko mang tulungan siya at hindi naman 'yon gano'n kahirap para tanggihan ko ng ganoon kabilis pero wala talaga e.

Kaibigan ko siya, pero kahit gano'n alam kong playboy siya. At paniguradong sasaktan niya ang kung sino mang babae na 'yon na gusto niyang makuha gamit ang tulong ko na hindi naman gano'n kagaling mag-advice.

Pero sinasabi niyang magaling daw. Naiisip ko pa lang ay naaawa na 'ko sa babaeng sunod na gusto niyang biktimahin at ayokong maging parte ng kahit kaunti kung bakit nangyari 'yom.

Iniwan ko na ito at naglakad patungo sa isang customer na kaninang tumawag sa 'kin.

Pasensiya na talaga Cai...