Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

HIS SMILE

Ipinalibot ko ang aking paningin sa kabuoan nitong gym kung saan kasalukuyang narito ako. Na sa unahan ang table kung sa'n kami ngayon ni Esther nakaupo at malaya kong napagmamasdan ang sa bandang likod. Kung titingnan sa likod ay halos wala ng bakanteng table pero meron pa namang mga bakanteng silya.

Ang dami na talagang tao at bawat table ay may nakaupo ng magagara ang mga damit na suot. Limang tables ang pinakamalapit sa stage na siyang nasa unahan kung saan kami kasalukuyang nakaupo ngayon ni Esther. Siguro ay mga teachers and faculties ang mauupo roon. Sigurado na rin doon ang nasabing lolo ng emerald princesses at syempre si Mr. Principal.

Bigla na lamang nagkagulo sa labas at maging dito na rin sa loob sa hindi malamang dahilan.

"Girl what's happening outside?"

"God! The Emerald Princesses' arrived!"

"What! Really? Let's go, let's have a look!"

"Don't try girls! They're gone, sa backstage sila dumaan!"

"Haist! Sayang,"

"It's okay, we're gonna see them pa rin naman mamaya e!"

"Yea let's just sit,"

Sa narinig ko ay kinabahan ako na hindi maintindihan. Pumapasok sa utak ko ang mga negatibong kalalabasan ng mga pangyayaring ito. Bahala na talaga kung ano man ang mangyari!

Lumipas pa ang ilang minuto at nagsiupuan na rin ang lahat sa kaniya-kaniyang table at hindi nga ako nagkamali. Naupo roon ang ibang mga teachers and faculties sa mga nauunang table at ngayon ay tanging dadalawang table na lamang ang nababakante.

Sa isang table na siyang pinaka gitna at sa katabing table nito. Magsisimula na ang welcome party kaya naman wala ng may umimik pa ng pumunta sa harap ang SSG President na siya yatang emcee.

Pormal na pormal ang lahat, mapa-suot o kilos man at hindi ko mapigilang hindi manliit. Hindi man halata ay hindi pa rin talaga mawala ang mga masasamang tingin ng mga tao sa 'kin. Siguro'y napapaisip sila kung bakit ako rito nakaupo at alam naman nila at alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako dapat na dito umupo.

Kung hindi lang naman kasi dahil dito kay Esther ay hindi ako rito mauupo, kahit nga ang pumunta rito ay hindi rin mangyayari kung hindi lang dahil sa kaniya e. Kung may pagpipilian lang sana ako ay ayaw kong magtiis na makisama at pakisamahan ang mga tao rito gayong alam ko namang hindi ako nababagay rito at hindi ako katanggap-tanggap sa pagtitipong ito.

"Good morning ladies and gentlemen!" Masiglang bungad ng emcee. "I'm sure you're all going to enjoy this whole day for this most awaited special welcome party ever!"

Kasabay ng kaniyang pagtili ay ang pagpalakpakan ng lahat na may kasama pang kaunting sigawan.

"First let's all welcome and have a big round of applause to our dearest Mr. Principal! Dean Zacharias Evilord!" Palakpakan ang pumuno sa buong Gym kasabay ng paglabas ng matandang si Mr. Principal.

Nakangiti ngunit ma-awtoridad itong naglakad sa stage at kumaway sa crowd saka naupo sa magandang silya sa may  stage katabi ng iba pang mga nakatayo ngayong mga faculties na nagbibigay galang kay Mr. Principal. Naupo na rin ang mga ito matapos maupo ni Mr. Principal.

"And ofcourse we won't lose the most famous and really handsome one that women scream and fantasize about, including us gays! Hellion4 actually, but since the other one is absent... Hellion3 everyone!"

Kung kanina ay marami ang nagpalakpakan at kakaunti lamang ang nagsigawan ngayon ay talaga nga namang nakakabingi ang ingay sa palakpakan at sigawan na nilikha ng crowd. Umakyat sa stage ang tatlong hindi nga maitatangging naga-gwapuhang kalalakihan.

Sa totoo lang ay gustuhin ko mang ituon ang atensiyon at mga mata kay Cairo at kay Chad ay hindi ko magawa. Sa kanila ko lang dapat na ituon ang mga mata ko dahil sila lang namang dalawa ang kaibigan ko. Pero bakit ganito, bawat segundo ay nahuhuli ko na lamang ang sarili kong nasa kaniya ang tingin. Hindi na nga lang yata nakatingin e, mukang nakatulala pa 'ko sa kaniya.

Hindi ko talaga maisipang hindi siya purihin sa isip. Napakagwapo niya sa suot niyang black suit. Ang lakas manghugot ng atensiyon ang kagwapuhang taglay niya at hindi ko matanggap na isa nga ako sa napakaraming mga babaeng nahuhumaling sa kaniya. Siya pa talaga ang nasa gitna huh.

Nananatili lamang silang nakatayo malapit-lapit ng kaunti sa kinauupuan ni Mr. Principal.

Napakurap-kurap ako nang sa gitna ng isang segundo ay napagtanto kong na sa 'kin na ang mga mata nito. Diretso ang mga mata niya sa 'kin, kanina pa akong nakatingin sa kaniya kaya naman mabilis na nagtama ang mga mata namin ng balingan niya 'ko ng tingin.

Ilang segundo kaming nagtitigan at babawiin ko na sana ang mga mata ko sa kadahilanang hindi ko na kaya ay bigla itong tahimik na napangisi. Hindi 'yon yung ngising dapat na ipagsaya, dahil 'yon yung ngising hindi ko na ulit gugustuhing makita.

Parang may kakaiba sa ngisi niyang 'yon, para iyong nagbabanta na may mangyayaring masama. Ewan ko! Hindi ko maintindihan basta't talagang nakakakaba.

"So, please welcome, the retired Professor here in HHU, our Mr. Principal's best friend, also one of the stockholders of this University and of course, the grandfather of our emerald princesses, let us all hear his very significant and most essential speech, Mr. Emmanuel Emerald!"

Marami ang nagpalakpakan, hindi man katulad ng kanina kalakas ay mayroon pa ring nagsigawan sa paglabas ng isang matandang lalaking halos kasing edad lang yata ni Mr. Principal.

Tumayo ang lahat habang nagpapalakpakan, gano'n na rin ang bilang lang na faculties na nakaupo sa silyang nasa stage at si Mr. Principal na talagang napakagandang pagmasdan ng mukha dahil sa namumutawi ritong kasiyahan lalo na sa mga mata na talaga nga namang walang kakayahang maitago ang sayang nararamdaman.

Katulad ng ginawa kanina ni Mr. Principal ay naglakad ito ng maawtoridad at nakangiting kumakaway sa crowd. Walang kahit anong ingay ang maririnig dito sa buong gym ngayong nakaharap na ang kagalang-galang na si Mr. Emerald sa mikropono sa stage. Hindi na mapalis ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya na nakaharap.

Ang mga ngiti niya, talagang sobrang napakaganda kahit medyo may katandaan na siya. Nakakagaan sa loob at para bang kaya niyong burahin ang kasalukuyang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko sa isang ngiti lang nito.

"Goodmorning everyone," bakas ang sayang paunang sabi niya at hindi na nga maitatangging naaapektohan na ang pananalita nito ng kaniyang katandaan.

Pilitin man kase niyang pasiglahin ang tono ng kaniyang pananalita ay halatang hindi na talaga niya magawa at sa tingin ko'y dahil 'yon sa kaniyang katandaan.

"I just want to thank all of you that are here right now. To all of you who come and attend this Welcome Party for me and ofcourse, for my two loving grand daughter. Thank you everyone, especially to my friend," nilingon niya si Mr. Principal. "Uh... our former Principal, I missed you my fellow man!" Pabirong aniya at nagtawanan naman ang iba.

Hindi ako kasama dahil sa tingin ko'y wala namang nakakatawa.

"Your efforts, from students to teachers and faculties and of course our former principal, it's all deeply appreciated from the bottom of my heart and surely my granddaughters' hearts too! You've all welcome us in such a glad, polite and delightful way and you've just made me and my two grand daughters grateful and no one knows how much this meant to us. So again, thank you very much everyone!"

Marami ang nagpalakpakan nang ngumiti siya ng pagkaganda-ganda. Matapos niyang magsalita at sa sobrang ganda pa ng pagkakangiti niya ay hindi ko maiwasang hindi mapatulala. Hindi rin niya alam kung paanong napapagaan ng ngiti niya ang mabigat kong nararamdaman.

"You're very welcome, Mr. Emerald! You've been very kind to us eversince you've become our professor and teacher to some students here. And this welcome party isn't enough for saying thank you for teaching us not only lessons that are  connected to your subject but also to become a better person."

Singit naman ng emcee sa harap.

"Even you don't really mind, we can't deny the fact that you've once become our inspiration and it is such an honor to us for making this welcome party for you and for the emerald princesses, right everyone?"

Nagsitanguan at nagsigawan naman ang iba, tanda ng pagsang-ayon sa SSG President. Nginitian siya ng pagkaganda ni Mr. Emerald bilang tugon sa kaniyang tinuran saka ito tinalikuran at naupo sa silyang para talaga sa kaniya na na sa tabi ni Mr. Principal. Nagyakapan ang dalawa ng sa unang pagkakataong magkalapit sila at nagpalitan ng mga salitang hindi ko na alam dahil hindi ko naman marinig.

May ngiti sa mga labi lang sana akong pinagmamasdan ang dalawang matanda nang biglang hinila pabalik ang mga mata ko ng Zach na iyon na kanina pa palang nakatingin sa 'kin ng masama. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, pero kung makatingin parang malala ang napinsala ko sa kaniya.

Siguro sinasaktan ko na naman ang mga mata niya ngayon tulad ng sinabi niya no'ng una. Wala pa 'kong ginagawa pero nananakit na ang mga mata niya. Bahala siya, hindi niya dapat ako tinitingnan o kahit balingan lang ng tingin gayong hindi naman ako gusto ng mga mata niya. Gano'n lang naman kadali 'yon e, pero bakit ganito? Binabalingan ako ng tingin?

Titingnan na nga lang niya ako, masama pa!

Nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniya bago pa ako madala at tuluyang matakot rito. Binalingan ko na lamang ng tingin si Esther na kasalukuyan namang wala sa sariling nakangiti at nakatulala kay Chad na na sa tabi lang ng Zach na iyon na kanina pa tingin ng tingin sa 'kin ng masama. Kaunti na lang talaga, iisipin ko ng may gusto siya sa 'kin, tsk!

"Now, the most awaited everyone! The Emerald Princesses!" Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay ang sigawan rin ng crowd at ang paglabas mula sa backstage ng dalawang napakagandang babae.

Sabay silang naglakad at parehong nahinto sa harap ng Hellion3 na hindi ko namamalayang dalawa sa tatlong ito ay may hawak na ngayong bouquet at 'yon ay sina Cairo at ang Zach na iyon. Ngunit wala nga rito ang kabuoan ng atensiyon ko dahil mabilis iyong nabawi ng dalawang magagandang babae.

Halos magkaparehas lang ang dalawang ito ng height, mahaba ang buhok ng isa samantalang maigsi naman ang isa. Ngunit halos magkakapantay lang silang pareho kung kagandahan lang naman ang pag-uusapan. Singkitin ang isang may mahabang buhok at masasabi kong sakto lang ang laki naman ng isang may maigsing buhok.

Talagang maganda sila, ngunit sa magkaibang paraan. Ang gaganda ng katawan nila, parehong makukurba na mas lalo pang nagpapadagdag sa kanilang kagandahan. Ang suot-suot nilang dresses na medyo may kahabaan rin at pareho pang kulay green.

Dark green ang isang may maigsing buhok samantalang lightgreen naman ang isang may mahabang buhok. Ang gaganda ng suot nilang damit at kakulay ko pa. Napatingin ako dahan-dahan sa damit ko at unti-unti ngang napagtatanto na purong kulay green ang kulay nito.

Hindi light at hindi rin dark, talagang saktong green lang ang kulay niya. Magkaganoon man kahit napakadali lang ay hindi ko magawang mai-picture ang sarili ko na nakapagitna sa kanila dahil talagang malabo hindi lang sa paningin ko, dahil malabo talaga siyang mangyari.

"Wahh! We miss you emerald princesses!"

"There's no changes back then! Both of you're still beautiful, emerald princesses!"

"Ang ganda mo Laira!"

"Ang ganda mo Raila!"

At marami pa ngang sigaw ng crowd na hindi pa nakuntento at napatayo pa sa kanilang kinauupuan at talaga nga namang naging agresibo pa. Dahan dahan kong kinalabit ang katabi kong si Esther na kanina pang hindi mawala ang ngiti sa mukha.

"Hm?"

"Saan diyan yung Laira at Raila?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa 'kin at inginuso ang isa sa kanila na siya yatang may maigsing buhok.

"That girl with a short hair is Laira, she's half Thai and that girl on the other side with a long hair is Raila. She's half Chinese, that's why her eyes are kinda narrow like that."

"Uh," napatango-tango ako.

Wala ng nakapagsalita pa sa aming dalawa at itinuon na lamang sa harap ang mga mata. Naupo ang may maigsi buhok na si Laira habang dumiretso naman sa may mikropono sa harap ang Raila na may mahabang buhok.

"Thank you so much everyone for this precious welcome party y'all have made for us. We really appreciate it and I'm so much happy to finally come back here. I really missed you everyone especially to our best friend, miss you na Esther!" Kinawayan niya ng may malapad na ngiti at panggigigil sa mukha si Esther at naghiyawan naman ang iba.

Medyo nagulat din ako, Esther din pala ang tawag nila rito kay Esther. Ang akala ko ay ako lang ang tumatawag sa kaniya niyon dahil lahat Charity ang tawag rito sa kaniya. Napangiti naman si Esther ng kawayan siya nito at pati na rin ako ay nahawa na. Ang cute nilang tingnan.

"And of course, also a special thank you to our Mr. Principal here. I know you are the mastermind at this welcome party, ninong," tumawa lang si Mr. Principal sa kaniyang sinabi at may iilan-ilan ring natawa rito sa mga audiences.

Ninong pala niya si Mr. Principal at mukang close rin ang dalawa. Nagpalitan ang dalawang emerald princesses. Ang isang si Laira naman ang tumayo para mag-speech habang naupo naman ang isang may mahabang buhok na si Raila.

"Hello everyone!" Nagsitilian kaagad ang crowd. "It's just a small speech, so don't worry and we can start having fun after this. First, I also want to thank you ninong Emman, the honorable former Principal of this HHU," nagpalitan ng ngiti ang dalawa saka ito muling humarap sa crowd. "Students, I owe you a lot for making this welcome party beautiful but of course I'm more than beautiful. Right?"

Tinanggal niya ang mic saka iniharap iyon sa crowd. Walang ano-anong nagsigawan naman ang crowd tanda pagsang-ayon rito.

"Yea, right!"

"Wahh! Ang ganda mo Princess Laira!"

"Ang ganda mo rin Princess Raila!"

"Mabuti alam mong sobra mong ganda Prinsesa!"

"Okay, okay," pinakalma muna nito ang crowd at dahan-dahan naman iyong sumunod. "I know, I know. Alam kong maganda ako. No need to tell it in a loud voice 'cause they can see this beauty that I have."

Tama nga 'tong si Esther. Mas malala 'tong Princess Laira na ito. Halong malditang maarte. Ang gandang kombinasyon, siya ang labas.

"I miss you all students lalo kana Esther!" Nagsitilian na naman ang mga estudyante at nahihiyang ngumiti naman itong si Esther. Kumindat pa talaga ang Prinsesa kay Esther nang balingan siya nito ng tingin. "That's all, hope you all have a great day!"

Nagpalakpakan ang crowd at nang tumalikod na ito ay sumunod namang bumalik ang baklang SSG President ng may napakalapad na ngiti sa mga labi.

"Thank you so much for that wonderful speech of you both emerald princesses," matamis na aniya sa dalawang prinsesa at pagkatapos ay saka naman ito humarap sa crowd. "Ready yourself students 'cause the dancefloor now is currently ready to fight!"

Nagsitayuan na ang ibang mga mahahalagang teachers and faculties na kanina pang nakaupo sa stage. Magkasabay ring tumayo ang kanina pang nag-uusap na si Mr. Principal at Mr. Emerald at saka ito bumaba ng stage at dumiretso sa may nasa pinakagitnang table sa unahan kasabay ng ilang mga mahahalagang guro.

Sabi na nga ba't sila ang mauupo sa banda ro'n e. Bumaba rin ang dalawang emerald princesses na inaalalayan ng Hellion3 na makababa sa maliit na hagdan. Dumiretso ang mga ito sa table namin at nang makalapit nga ay sabik na sabik itong lumapit kay Esther na ngayon at nakatayo na sa harap nila.

Nagyakapan ang tatlo nang makalapit sa isa't isa at napatalon-talon pa talaga habang masayang niyayakap ang isa't isa. Napangiti na lang ako sa sobrang ganda at cute nilang tingnan.

"Yey! We really miss you Esther, mas lalo kang gumanda!" Ani Prinsesa Raila ng maghiwa-hiwalay sila ng yakap.

"Tsk, nambola pa ang siyang mas lalong gumanda!"

"Shut up, Esther! Ako dapat ang mas lalong gumanda!" Saway ng isang si prinsesa Laira.

"Hay... pagbigyan mo na Esther," pabirong inirapan ni Prinsesa Raila si Prinsesa Laira.

"Ikaw rin naman. Hindi ko na 'yon kailangang sabihin pa 'cause I know that you already know that," nginitian lang siya nito ng medyo hindi pa rin talaga mawala ang katarayan sa mukha. Ang saya nilang tingnan, talagang magbe-bestfriend.

"Esther?" Ani Prinsesa Laira ng may pagtataray sa tono ng pananalita.

"Huh?"

"Mind telling us who's this girl sitting on our table now?"

Napakurap-kurap ako ng balingan ako nito ng tingin. Kinabahan ako, medyo nakakatakot ang tingin niya at hindi parang, dahil talagang nanunuri ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin.

"Uh! I'm sorry Yeri, I've lost my mind on you!" Agad niya 'kong nilapitan at nginitian ko naman kaagad ito.

"Wala 'yon ano kaba, naiintindihan ko," nagpapasalamat itong ngumiti sa 'kin at saka ako nito iniharap sa dalawang prinsesa.

"Uhm, this is Yeri... my friend," walang may tumugon sa kanilang dalawa at parang naging awkward na ang lahat. "She's kind, generous, selfless kind of girl, uh... hindi siya masamang tao guys, mabait talaga siya at magugus-" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya ng lumapit si prinsesa Raila sa 'kin at yinakap ako ng mahigpit. "-tuhan niyo siya."

"Nice to meet you, Yeri," binigyan ako nito ng matamis na ngiti pagkatapos ako nitong yakapin.

Dalawa kaming nagulat ni Esther pagkatapos niya kong yakapin at sabihin ang mga katagang 'yon. Nagulat na naman ako ng sumunod akong yakapin ng maarteng si prinsesa Laira. Naestatwa ako at hindi ako makagalaw.

"Nice to meet you too Yeri,"

"Hindi kayo nandidiri sa 'kin?" Hindi ko mapigilang tanong.

Nakakapagtaka naman, hindi lang ako at si Esther ang nagulat dahil gano'n rin ang mga tao sa paligid nang yakapin nila akong pareho.

"Of course not!" Pagalit na sambit ng prinsesa Laira.

"I thought... I thought... nevermind! I'm so happy you like her!" Esther.

"Once in a blue moon lang magkaroon ng kaibigan 'tong si Esther, well me and Laira doesn't counted. I know Esther's taste on people she's being friend's with. Alam kong mabait ka. Besides, unang impression ko pa lang naman sa 'yo alam ko nang mabait ka."

"Well, even you're not that beautiful like me. I trust Esther and Coz is maybe right, you're that kind of kind girl and honestly I like you... a little bit! I know the reason why your being introduced to us, so welcome to our friendship Yeri! Let's have a sit now," diretsahang sambit nito at walang pakialam na naupo.

Hindi naman yata siya napipilitan?