Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

ANNOUNCEMENT

Lumipas ang mga araw, kahit papaano umayos-ayos na rin naman ang buhay ko sa loob ng HOuLYn Hellion University. Medyo naging tahimik din ang buhay ko. Matapos kasi ng naging eksena sa Restroom sa Zamian Mall ay hindi ko na nahagip pa si Zach Evilord na siya lang namang nagpapahirap sa buhay ko.

Sa sobrang lawak ng HHU sana nga tuluyan ko na siyang hindi makita at ng tuluyan na ring tumahimik itong buhay ko. Pero sa Hellion3 na hindi ko inakalang Hellion4 pala ay siya lang ang hindi ko na nakikita liban na lang doon sa isang nasa China raw. Madalas ko na kasing nakakausap ang dalawa, sina Chad at Cai.

Lagi silang sumusulpot sa kung saan lalo na si Cai. Palagi nila akong nilalapitan, sinasabayan at kinakausap. Kung sila hindi alintana ang mga taong ang sasama ng tingin kapag lumalapit sila, ako naman ay halos matunaw na sobrang kahihiyan. Umaabot pa nga sa puntong sa gitna ng napakaraming matang nakatingin ng masasama ay ginugusto kong kainin na lamang ng lupa.

Nakakapagtaka talaga ang ganoon. Naging kaibigan ko sila. Sila na dalawa sa Hellion4, sila na famous rito sa HHU. Pero habang lumilipas kasi ang oras na nakakasama ko sila, doon ko dahan-dahang napapatunayan na hindi naman pala lahat ng naririnig at alam ko sa kanilang hindi mga magaganda, na ang lulupit ng Hellion4, na nakakatakot sila.

Lahat ng iyon kahit papaano napatuyan kong hindi. Ang bait-bait ni Chad ganoon na rin si Cai. Medyo makulit nga lang, pero kahit playboy siya ang sobrang bait niya. Sa sobrang bait nga ay umiiwas na ako ng palihim. Para na kasi siyang nakikipag-fling sa 'kin kaya medyo umiiwas-iwas ako.

Si Chad naman noong una, habang tinitingnan ko siya sa malayo kasama si Esther, alam ko na talagang may pagkamabait siya pero nandoon parin talaga ang kaba kapag tinitingnan ko siya. Naka-poker face lang siya lagi at ang cold pa ng presence niya kaya napagkakamalang badboy. Pero dalawa silang habang tumatagal ay nakikilala kong sobrang bait.

Kapag kasama ko nga sila nakakalimutan ko ang mga matang nakatingin sa 'kin ng masama dahil sa sobrang saya nilang kasama. Pansamantalang nakakalimutan kong playboy si Cai, pansamantalang nawawala ang pagka-cold ni Chad at pansamantala ko ring nakakalimutang iba ako. Na nerd lang ako.

Kung madalas ko na silang kasama, mas na mas madalas ko pa ring kasama si Esther. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lamang kaming nagiging close. Halos araw-araw na nga kaming magkasabay na naglu-lunch, magkasamang tumatambay at maglibot-libot rito sa HHU sa tuwing nababakante.

Ang buong akala ko na nga noon, noong huling nag-usap kami sa Cafeteria na parang nagalit siya sa 'kin ay hindi na niya 'ko papansinin, pero nagulat na lang ako ng bigla na lamang itong sumulpot at kinausap ako, siya pa ang nagsorry sa 'kin kahit medyo may kasalanan din naman ako.

Sinabi pa niyang siya ang may kasalanan at hindi ako, na may narialized daw siya sa sinabi ko at nag-thank you pa sa akin. Napansin at narinig niya ring medyo napapalapit na 'ko sa dalawa sa Hellion4 kaya kinuwentuhan ko siya. Itinatanong ko pa nga sa kaniyang lumapit o kahit sumama siya sa 'min minsan o kahit ako pa nga ang magsama sa kaniya ay walang problema.

Siya lang talaga itong ayaw, nakapagpasiya na siyang hindi na siya masyadong aasa kay Chad at susunod na lamang daw siya sa agos. Kapag gumagawa kase siya ng paraan para mapansin ito ay nararamdaman niyang parang minamadali niyang magustuhan siya nito.

Kaya sa halip na 'yon ang gawin niya ay pinili niyang sumunod na lamang sa agos para daw mas maging natural ang lahat. Walang halo at magugustuhan siya nito na matatawag na natural lamang na pangyayari at walang ng iba pa. Sa sinabi niyang iyon noong araw na tinanong ko siya ay napangiti ako bigla, nagma-mature na siya at masaya ako para sa kaniya.

Dalawa lamang sila sa tatlo kong kaibigan rito sa loob ng HHU at alam ko ang kaniya-kaniyang dahilan at nangyayari at hangganan ng kaalaman nila sa mga bagay na mahahalaga sa 'kin kaya wala akong karapatan at hinding-hindi ko gagawin ang husgahan silang pareho na isang punong-puno ng pag-ibig sa kaniya at sa isa namang walang kamalay-malay na may nagmamahal pala sa kaniya.

Pero alam ko, alam kong aabot din sila roon. Naniniwala akong may kapalit ang lahat ng sakit na naramdaman ni Esther. Ang mga pagkukulang at naidulot na sakit ni Chad kay Esther ay pupunan iyon ng sobra-sobrang pagmamahal pagkalipas ng panahon. Balang-araw, Esther. Kung ikaw ngayon ang nahihirapan, mas mahirap panigurado para kay Chad kapag narealized niyong ikaw ang gusto niya.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa aking silya at matamang nakikinig sa gitna ng discussion ng guro. Thursday ngayon at hinahanda ang sarili para sa Friday. Sa totoo lang ay kanina pang kumukulo itong tiyan ko, hindi kase ako nakapag-agahan kanina sa sobrang pagmamadaling makapasok ng HHU.

Hinihintay ko na lamang na matapos ang oras ng panghuling klase ng makapunta na rin ako ng Cafeteria at magkalaman itong tiyan ko. Sakto namang ilang segundo lang ang nakalipas ay nagbell na palatandaan na alas dose na ng hapon.

Mabilis na nagsitayuan ang marami sa amin na atat makalabas ng biglang maawtoridad na nagsalita ang guro at pinabalik kami sa aming pagkakaupo. Wala naman na rin kaming nagawa kaya tahimik na lamang kaming bumalik sa pagkakaupo. Ang marami pa ay nagdabog at nagpabulong-bulong pang nagsalita.

"Before you go to... somewhere you are planning to go, Mr. Zacharias Evilord, the owner of this HOuLYn Hellion University will going to have a very special announcement for everyone and it will be held at 12:10 at this afternoon. All the students here in HHU will only have 10 minutes to go to the Gymnasium where Mr. Principal's formal statement is going to be heard. Now, starting from Mr. Alliano you will form a line as you go outside and walk up until you all arrived at the Gymnasium with no one attempting on breaking the molave line, understood?"

"Yes ma'am!" Sa narinig ko ay parang lahat kami nawala ang lahat ng gutom at mabilis na tumayo at katulad nga ng sabi ng guro ay lumabas kami at naglakad papunta sa may kalayuan ring Gymnasium ng nasa isang linya lamang.

Medyo na lula pa ako ng matingnan ang labas dahil ganoon na rin ang ginagawa ng ibang mga estudyante. Nakapila rin sila sa pila sa section nila at naglalakad na rin papunta sa Gym.

Bago pa magsampung minuto ay nakarating rin kami sa wakas sa bukana ng napakalaking Gymnasium na ito. Talagang sobrang laki at nang makapasok na kami na nanatili pa ring na sa pila ay mas lalo lamang lumaki ang mga mata ko. Nakataas lamang ang tingin ko sa kabuoan ng Gymnasium at hindi ko talaga mapigilang hindi mamangha sa sobrang ganda.

Matapos mangalay ng leeg katataas ng tingin sa kabuoan nitong gymnasium ay bumalik na rin kaagad sa reyalidad ang diwa ko. Sobrang dami ng tao. Unti-unti ng nawawala ang pila, bawat pila kase ay dumidikit sa isa pang pila at ganoon rin ang iba at ang iba pa kaya hanggang sa magkadikit-dikit na ang lahat, lahat na nasa harap ang tingin kung nasaan ang napaka-eleganteng stage.

Biglang tumahimik ang lahat ng maglakad na sa harapan ang matandang principal, si Mr. Zacharias Evilord. Wala ng kahit anong ingay ang maririnig pa sa bawat hakbang nito. Huminto siya dala ang isang mikropono pero hindi niya iyon inihaharap sa bibig niya sa halip ay tinitingnan lamang nito kaming mga estudyanteng nasa harapan.

Kapansin-pansin na rin ang pagkabuhay ng kaba sa aming mga katawan sa presensiya at mga titig nitong talagang maawtoridad. Rinig ko pang marami ang lumulunok at napapalunok sa kung paano kaming titigan ng napaka-mapanuri nitong mga mata. Nakakatakot ang mukha nito at hindi nga maitatangging nakakapagpabuhay ito ng kaba.

Napapaisip tuloy ako kung ano ang sasabihin nito. Kasalukuyan ngayon nitong kausap ang isa sa mga head teacher na lumapit kanina sa kaniya sa harapan. Hindi ko man marinig ang pinag-uusapan nila, pero makikita talaga ang pag-galang sa kaniya ng head teacher na kausap nito.

Blanko pa itong napapatango-tango sa harap ng head teacher na hindi nagtagal ay biglang nagsalita gamit ang isa pang mikroponong nasa kamay nito. Tunggkol saan naman kaya ang announcement na paniguradong importante. Minsan lang daw itong mangyari kaya asahan na raw talagang napakaimportante.

"Students of HHU, kindly listen to the very important announcement of our former Principal Mr. Zacharias Evilord," mahinang nagpalakpakan ang pumuno rito sa loob ng Gymnasium at pagkatapos ay nagsimula namang magsalita ang kagalang-galang at maawtoridad na si Mr. Principal. Wala na ring nag-ingay pa at ang lahat ay itinuon ang atensiyon sa kung ano nga ang anunsiyo nito.

"Good afternoon to all of you, student's of HHU, teachers and lecturers who are now at the back, magandang tanghali sa inyo," paunang sabi nito ng may kaunting ngiti sa mga labi. "First of all, I want to say sorry for the inconvenience I have caused to all of you especially to those student's who are hungry right now."

Nagpakawala muna ito ng isang buntong-hininga saka nag-angat ng tingin sa aming mga estudyante na na sa gitna.

"I'm very busy and this is my only vacant time on this day so I hope you'll all understand. I'm sure you all know Mr. Emmanuel Emerald and the Emerald Princesses-"

Umugong kaagad ang malakas na bulungan matapos marinig ang sinabi nitong halata namang hindi pa tapos ay nagchismisan na kaagad. Bigla tuloy nahinto si Mr. Principal dahil sa biglang lumakas na bulungan. Hindi pa nga natatapos ang sasabihin ay marami na kaaagad ang biglang nagsaya at ang iba pa'y tumalon-talon pa sa sobrang tuwa.

Natigil lamang ang lahat nang biglang tumikhim ang head teacher na nasa tabi ni Mr. Principal at nang maagaw nito ang atensiyon naming lahat ay bigla kami nitong pinandilatan ng mata ng hindi pinahahalata sa nasa tabi nitong si Mr. Principal.

"Students your all being disrespectful! Mr. Principal's formal announcement are not done yet, so why chattering? You are lacking of respect to the honorable and respectable Mr. Principal! Be ashamed students!" Galit na sabi nito na nagpatahimik sa sobrang dami ng tao ngayon dito sa buong Gym.

Hindi naman kasi tama, binabastos nila ang taong may-ari ng paaaralang pinapasukan nila, ang Principal ng HHU.

"It's okay, Ms. Elsher."

Ani Mr. Principal sa nai-stress ng head teacher at hindi ko mawari kung pilit lang ba iyong ngiti o hindi. Alam kong takot ang lahat ng mga estudtante rito. Nagulat lang siguro sila nang marinig ang emerald princess.

"Maybe they are just surprised... no, I'm sure they are surprised. Mr. Emmanuel Emerald is my bestfriend and also a stuck holder of this University. I just want to welcome him and the Emerald Princess as they're back here in HHU. We will be having a celebration, a welcome party celebration for our retired teacher of this University and of course, his two grandchild the Emerald Princess."

Napakarami ang natuwa at ang iba pa ay nagsitalon pa. Kesyo may party daw sobrang sayang magbabalik na rin sa wakas ang emerald princess na matagal na nilang hinihintay at sobrang excited pa.

Habang ako ay hindi naman ganoong kasaya tulad ng nararamdaman nila dahil hindi ko naman masiyadong kilala ang emerald princess. Naiisip ko lang ngayon ay si Esther, bestfriend siya kaya paniguradong masaya 'yon ngayong magbabalik na sila. Masaya ako para sa kaniya.

"Kawawang nerdy girl, mapapalayo na rin kay Charity kapag dumating na ang emerald princesses."

"Hayaan niyo 'yan, sipsip lang naman 'yan e!"

"Tama lang 'yan sa kaniya, lahat na lang ng famous rito sa University dinidikitan!"

"Yea, isusumbong talaga natin 'yang nerdy girl na 'yan once dumating na ang emerald princess!"

"Tama! Paniguradong may balak 'yang masama kay Charity at dikit ng dikit!"

"Sa libre lang yata ni Charity nabubuhay!"

Nagtawanan ang lahat sa huling sinabi ng babae sa likod ko na halatang pinaparinggan talaga akong nakatayo at nagpapatay malisya na lamang rito. Wala kong pakialam sa totoo lang kung anong pinagsasasabi nila, basta alam ko sa sarili kong mali ang pinagsasasabi nila ay hindi na lamang ako kikibo.

"They'll be back tomorrow and I, the principal of this University declared to cancel all of your afternoon classes and help the officers to decorate this whole Gymnasium for the biggest welcome party tomorrow. If it's possible, maybe at least ten students by section to  volunteer."

Maliwanag siyang napangiti.

"I want this Gymnasium to be more presentable and of course with all your cooperations for the preparation of the welcome party. Again good afternoon everyone, you'll know how much this is important to me and thank you for those who are now planning to cooperate.  Thank you students of HHU."

Ngumiti ito ng napakatamis bago tuluyang ibinaba ang mikropono na nasa harap ng bibig nito. Kaagad namang sumunod na nagsalita ang head teacher na nasa tabi niya.

"Students, I hope you will all cooperate. You can go now, the announcement is already done."

Hindi na nasunod ang pila at nagsiksikan na ang lahat palabas kaya na traffic. Nandito pa naman ako sa may pinakadulo kaya naghintay pa muna akong lumuwag-luwag ang labasan ng makalabas na rin ako at makakain na. Kanina pang kumukulo itong sikmura ko sa gutom.

Tahimik na nakatayo lamang ako sa likod ng maraming tao nang may biglang kamay na umakbay sa balikat ko. Mabilis ko iyong sinulyapan sa balikat ko at nalaman ko na kaagad kung sino ang may-ari niyon dahil sa nakita kong relo na nasa pulso ng kamay nito. Marami kaagad ang nagtinginan sa direksiyon pagkalipas lamang ng ilang segundo.

Ang bibilis talaga ng mga mata ng mga tao rito sa HHU. Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko pero mas lalo lang yung bumibigat sa balikat ko habang tinatanggal ko kaya wala na akong nagawa kun'di hayaan na lang at binalingan na lamang siya ng masamang tingin.

Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito! Habang tumatagal na mas lalo siyang sumusulpot ay mas lalo lamang siyang nagiging makulit! Gwapo nga, nakakainis naman!

"Ano bang kailangan mo? Tanggalin mo nga 'yang kamay mo, pinagtitinginan tayo oh," inis na sambit ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at mas lalo pang diniinan ang kamay sa balikat ko.

Hindi naman ako nasasaktan pero mas lalo lang akong napapasubsob sa kaniya kaya hayun na naman ang mga tao. Masasama ang tingin habang nakatingin sa 'kin. Tapos itong lalakeng 'to parang wala lang, mabuti sana kung siya itong tinitingnan ng masama, tsk!

"You heard it, they're going to be back! I'm so excited, sana magbukas na kaagad." Halata ang sobrang saya sa tono pa lang ng pananalita nito. Hindi pa matanggal ang saya sa ekspresyon ng mukha nito at nakakaagaw talaga ng pansin ang mga mata nitong kumikinang sa sobrang saya, kaya naman masaya na rin ako para rito.

"Alam kong excited ka, pero huwag mo namang masyadong hintayin pang mag-umaga, sige ka, mas lalo lamang yung tatagal."

"Tss, whatever. Let's go!"

Mas lalo lamang ako nitong iginiyang maglakad paabante ng hindi man lang tinatanggal ang mabigat na kamay nito sa balikat ko kaya wala na 'kong nagawa at napapasabay na lamang sa lakad niya. Hindi ko man lang napansin ang pagkawala ng mga tao sa pagsulpot nitong si Cai kaya naman nakalabas na kaagad kami ng Gym.

"Saan naman tayo pupunta, saka iyang kamay mo tanggalin mo na ang bigat, Cai, maawa ka naman!" Angil ko pero ngumisi lang siya.

"Susulitin na natin 'tong mood ko. Lunch tayong cafeteria, treat ko," hindi na lamang ako umimik pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng cafeteria. "Miss Beautiful, come here!" Tawag niya sa babaeng waitress na sobrang saya ng mukha ng tawagin siya nitong si Cai.

Mabilis itong lumapit sa direksiyon namin ng namumula na ang mukha sa sobrang kilig. Walang tigil na kinikindat-kindat pa nito ang mga mata nito kay Cai habang si Cai naman ay halata ang pandidiri, ngumingiti na lamang ng pilit para magmukhang hindi.

"Uhm... W-what d-do y-you want s-sir?" Kilig na kilig na tanong nito kay Cai.

"I want all my favorite foods in your menu, I'll order all of it and bring it here as fast as you can, nagugutom na 'tong kasama ko," pilyo itong ngumiti sa 'kin pero inirapan ko lamang ito.

"Right away sir!" Malakas ang boses na sabi ng babae na sumaludo pa talaga. Walang sabi-sabi na itong tumakbo para sa order na hindi pinangalangan basta paborito raw nitong si Cai.

Ilang minuto lamang ang lumipas at kasalukuyan na nga ngayong nakalapag ang napakaraming pagkain ngayon rito sa mesa. Iba't ibang klase ng mga pagkain, pero hitsura pa lang ay talagang masasarap lahat. Pero kahit ano pang sarap ito ay hindi ko 'tong lahat mauubos. Halos mapuno na ang mesa sa sobrang dami ng pagkain.

"Ang dami-dami naman nito?"

"Hindi lang naman ikaw ang gutom!"

"Pero kahit dalawa tayo, hindi natin mauubos 'to?" Mabilis niya akong malamig na binalingan ng tingin.

"Ayaw kong sinasayang ang pagkain."

"Pero paano nga natin mauubos lahat ng 'to?"

"You won't be the only one to eat. I'll help you eat it and trust me, none of this food will go wasted."

"Kaya mo?" Nauutal na tanong ko at ngumiti naman ito.

"Oo, ganito talaga ako kapag masaya ako gusto kong kumakain ng marami."

"E paano kapag malungkot ka?"

"Hmm... hindi naman ako kumakain, wala akong gana e."

"Kaya mo?" May panunukso kong tanong rito.

"Oo naman, when I'm really like pissed off automatic na talagang wala na 'kong gana n'yon. I can and only eat a lot when I'm in a great mood. It depends on that actually."

"Kawawa ka naman pala kapag makungkot ka," wala sa sariling usal ko at ngumiti lang siya.