REVIEW
Medyo maaga akong nakapasok sa trabaho ko at dahil iyon sa mabait na si Chad. Ibang-iba talaga siya sa isa sa mga kaibigan niya lalo na kay Zach. Paano kayang napagtitiisan niya ang lalaking 'yon, e ang sama-sama ng ugali niyon. Walang-wala siya kumpara kay Chad.
Iwinaksi ko na lang muna ang mga naiisip ko tungkol sa magkaibigang 'yon at nang makapasok sa bar ay nagsimula na rin kaagad magtrabaho. Sina tita Diana at tito Kris na ang nandito, kababalik pa lang habang si ate Cristal ay paniguradong nasa Flower Shop niya.
Sariling business niya 'yon at masasabi ko ngang doon na talaga ang buhay niyon. Tahimik lang kase roon at ang bango pa ng buong paligid.
Katulad ng dati, natapos ang trabaho ko ng hating-gabi. Ang hirap pang maghanap ng sasakyan pauwi sa ganitong oras. Mabuti na nga lang at may mga taxi pang paminsan-minsan akong nasasakyan pauwi.
Pero kung minsan kapag walang-wala na talagang dumadaang sasakyan ay wala na akong ibang magawa kun'di ang maglakad na lamang pauwi. Inaabot 'yon ng halos isang oras kaya nakakauwi ako ng mga alas dos na. Mas mabuti pa nga kung may taxing dumaraan, mas nakakauwi ako ng maaga.
Halos mag-uumaga na ng makauwi ako ng bahay, sobrang pagod ko pa dahil naglakad lang ako pauwi. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa maliit kong papag matapos kong tingnan si Nay na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito. Kanina pa ako inaantok kaya naman wala pang isang minuto ay nakatulog na kaagad ako.
Nagising ako ng antok na antok pa rin at gustuhin ko mang matulog ay hindi pwede dahil may quiz kami ngayon sa first subject namin kaya hindi kami dapat na malate.
Ipinaghanda ko muna si nay ng agahan, hindi ko na ito nasabayan pa sa pagkain dahil kailangan ko pang review-hin ang libro ko sa Physics na nasa locker ko. Hindi na rin naman siya nagulat roon at kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang nagawa. Nag-aalala man ay hinayaan na lamang niya akong takbuhin ang paroroonan ko.
Kaunti pa lamang ang tao pero sa sobrang bilis ng kilos ko ay parang late na ako nakarating dito. Kasalukuyan kong tinatakbo ang locker area para kunin ang isa pang librong kailangan kong ireview sa locker ko. Hinihingal akong huminto sa tapat ng mismong locker ko at nagpakawala muna ng malalim na hininga saka ito binuksan.
Tahimik akong nagreview rito sa isang bench sa likod ng isa sa mga main buidings rito sa HOuLYn Hellion University. Sa totoo lang ay ngayon pa lang ako nakapunta rito, tiningnan ko kase rito mula sa malayo at wala kong nahagip na tao sa side na ito kaya paniguradong tahimik rito, saktong-sakto para mabilis akong matapos na mag-review.
Nakaramdam ako ng gutom pero isinawalang-bahala ko na lamang iyon, wala na kase sa isip ko ang mag-almusal pa talaga kanina, ipinagluto ko lang si nay tsaka dumiretso kaaagad rito sa University. Kinain ko na lamang ang dalawang saging na tanging pagkain rito sa bag ko habang nakatutok sa binabasa ang atensiyon at mga mata ko.
Sa sobrang lubog ko sa pagre-review ay hindi ko na napansin ang dahan-dahang pag-iingay ng mga tao na naririnig ko mula sa malayo. Hindi ko man lang napansin na kalahating-oras na pala akong nagre-review rito at ang unti-unting pagdami ng mga tao rito.
Kaunting-kaunti na lamang ang babasahin ko sa libro ko ng biglang may humalbot nito mula sa likuran ko. Mabilis kong binalingan ng tingin ang direksiyon niyon at hindi gulat ang naramdaman ko kun'di inis ng makita ko ang mukha ng ng lalaki sa harapan ko. Galit akong napabuntong-hininga saka mabilis na tumayo para kunin yung libro ko na hinalbot lang naman ng lalaking papansin na ito.
"Akin na nga 'yan!" Galit na sigaw ko rito habang kinukuha yung libro ko sa kamay niya at 'yon naman siya, paunti-unting itinataas yung libro hanggang sa tuluyan na ngang hindi ko maabot.
"Sandali..."
"Ano bang kailangan mo riyan sa libro ko?" Galit na tanong ko rito. Ano man ang rason o sagot nito, hindi na 'ko interesado roon dahil paniguradong kung ano-ano na namang masasakit na salita ang aabutin kong sasabihin nito.
Pilit kong inaabot yung libro ko pero dahil nga sa sobrang taas nito ay walang magawa ang parehong kamay ko. Tawa lang siya ng tawa habang naghihirap akong abutin yung libro ko sa tuktok ng kamay niya. Nagpakita lang ba talaga siya para gawin ito? Kung 'yon nga naman pala, sana hindi na siya nag-abala.
Ang pagkaka-alam ko, ayaw akong makita ng agresibong lalaki na ito, pero bakit ngayon bigla na lang siyang susulpot sa tahimik na lugar na 'io at guguluhin ako rito. Sa sobrang inis ko na ay hindi ko na namamalayang naisasa-dila ko na ang naiisip at namumuong katanungan sa isip ko.
"Akin na nga kase iyang libro ko. Ba't ka pa kase nandito, hindi mo naman ako gustong makita hindi ba? Pero ano itong ginagawa mo?" nguso ko.
Hinintay kong magsalita siya at ibigay ang pilit na inaabot kong libro pero hindi siya sumagot at masayang-masaya lamang ang mukhang itinataas lang ng itinataas ang libro ko. Kahit ano talagang pilit na gawin ko para makuha ang libro ko ay hindi ko maabot.
"Papansin ka kase, kaya abutin mo 'tong libro mo!"
At ako pa talaga ang papansin huh?
"Hindi mo talaga ibibigay, huh?" Wala na akong naiisip pang ibang paraan para mapadali itong eksenang 'to at male-late nang talaga ako. Malakas ang loob akong tumapak sa bench para madagdagan ang height ko at maabot ang libro ko.
Hindi lang natapatan, kun'di nalampasan ko pa ang height niyang nakatayo lang habang ako, rito sa may bench. Akala naman niya huh...
Kukunin ko na sana ang libro ko ng walang kahirap-hirap sa kamay niya ng biglang napakalakas na nagbell at hindi nga maitatangging bahagya akong nagulat sa lakas ng tunog na 'yon.
Aksidente kong natapakan yung balat ng saging na kaninang kinakain ko habang nagre-review ako. Sapat na sapat na dahilan para magkanda-buhol-buhol ang balanse ng paa ko na nakatayo lang naman rito sa may bench.
Tuluyan na nga akong nawalan ng balanse at hinihintay na lamang ang nag-slow-mo na paatras na pagbagsak ko ng biglang may humawak sa kamay ko at malakas ang puwersang hinatak iyon paabante.
Namalayan ko na lamang ang sarili kong nakasubsob ang mukha sa matigas na dibdib at nakakumbabaw sa napakabango niyang dibdib. Hindi kaagad na nawala ang mabilis na namuong kaba sa dibdib ko kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata at masuring pinakiramdaman kung ano ang sumunod na nangyari at mangyayari.
"Ang panget na nga, ang lampa pa," blankong aniya, kaagad naman akong tumayo at mabilis na kinuha sa kaniya ang libro saka mabilis na tumakbo paalis. Bahala na siya kung anong iisipin niya, ang importante ay makapunta na kaagad ako sa klase ko bago pa ako malate.
Mabuti na lamang at pagkarating ko ay hindi pa nagsisimula ang quiz namin kaya tahimik akong naupo matapos humingi ng paumanhin sa medyo pagkalate ko.
Tahimik na natapos ang quiz ng hindi naman ako sobrang nahirapan. Mabuti na nga lang at hindi ako inatake ng antok kanina habang nagq-quiz. Friday ngayon at kapaag friday expected na talaga ang maraming quizzes, recitations at kung ano-ano pang kailangang gawin bago matapos ang buong araw.
Halos lahat ng buong topics sa Monday to Thursday, sa Friday ang bagsak sa sobrang dami ng pinapagawa at kung ano-anong pinapasagutan ng guro. Hindi pa naman ako nakakapag-review ng maayos dahil nasa trabaho ang pukos ko kapag wala nang klase at kapag wala talagang klase.
Sinisingit ko lang at salamat na rin dito sa utak ko, kahit laging perfect ang mga scores ko, ni minsan hindi ko 'to narinig na nagreklamo.
Sumapit na rin sa wakas ang lunch time kaya naman kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa Cafeteria ng may biglang lumapit sa akin. Binalingan ko ito ng tingin at 'yon na nga ang magandang mukha ni Charity Esther Amethyst Leigh. Ang sosyal ng pangalan niya. Ano kayang magandang tawag ko sa kaniya, hmm...
"Cafeteria?"
"Mm," sabay tango kong sagot rito at ngumiti lang din ito lalo.
"Great! Sabay na tayo," isiniksik niya ang kamay niya sa braso ko at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Cafeteria at naupo sa isa sa marami-rami pang mga bakanteng tables rito. "So, how's the half of your day?" Tanong niya habang kasalukuyan kaming umuupo sa magkaharap na silya dala ang tray ng pagkain namin.
"Ayos naman," Hindi naman ganoong kahirap magsagot ng mga pagsusulit kung nag-review ka lang. Nag-review naman ako kaya hindi ganoon kahirap para sa 'kin.
"Yea, ang daming mga quizzes, activities at recitations 'no?"
"Oo, huwag mong sabihing nahirapan ka? Isa ka sa mga famous student rito sa buong University na sobra na ngang ganda ang talino pa," sambit ko bago sumubo.
"It's not really that difficult you know, even though I'm smart, I still don't like Friday, there are so many things to do," bakas nga ang pagod sa mukha at tono ng pananalita nito.
"Huwag mong masyadong seryosohin, kalahati pa nga lang ng araw natatapos natin, e mayroon pang kalahati. Pero ayos lang 'yon, matalino ka naman e, saka huwag yung negative thoughts ang isipin mo. Nalagpasan natin ang nakakapagod na kalahati ng araw na 'to kaya paniguradong malalagpasan din natin ang kalahati pa," sambit ko.
Napansin kong tulala lamang siya sa pagkain niya kaya masuyo ko siyang tiningnan sa kaniyang mukha.
"May problema ba?" Hindi naman siguro siya magkakaganito ng dahil lang sa Friday ngayon?
"Nothing, I'm just wondering how Chad will going to like me," malungkot na aniya at natigilan naman ako.
"Alam mo, hindi naman kailangang isipin ang bagay na iyan. Hindi mo kailangang isipin kung paano ka niya magugustuhan. Hayaan mo lang ang mga mangyayari. Sigurado namang magugustuhan ka niya at mangyayari 'yon ng natural lang diba," sambit ko at napatango-tango naman siya.
"Yea, you have a point. I've liked him for a long time but he still doesn't know it. Kahit nga mapansin lang ako, hindi niya magawa, magustuhan pa kaya," habang sinasabi niya 'yon ay nalulungkot na rin ako sa para sa kaniya.
Napakalungkot kase ng mukha niya habang nagsasalita, hindi bagay sa maganda niyang hitsura. Damang-dama ko ang lungkot niya at wala kong magagawa para maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.
"Yung dalawa kong bestfriend, napansin naman sila ng dalawa sa Hellion4. Si Laira, he is being chased by a Cairo Avila Questa. Si Raila naman, boyfriend na niya ang isang Shawn Li Yu, tapos ako hindi man lang niya napapansin."
Alam kong ang bait ni Chad, tinulungan niya ko at hindi katulad ng Zach na 'yon, marespetong tao siya at hindi nga maitatangging napakabait niya. Pero hindi ko talaga mapigilang hindi mainis sa kaniya sa mga sandaling ito. Alam ko namang siya lang ang makakapag-decide sa nararamdaman niya at nasasaktan si Esther ng dahil sa kaniya.
Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng inis sa kaniya, base kase sa sinabi nitong si Esther, ang manhid niya. Hindi niya napapansin gusto siya ni Esther, na matagal na siyang gusto ni Esther, na nasasaktan na niya si Esther. Ang bait bait niya pero hindi ko inaasahang ganoon pala siya kamanhid para hindi mamalayang nakakasakit na siya.
"But I still have no right to be mad just because I haven't noticed by the one I think I love. Masaya pa rin ako para sa dalawang bestfriend ko, gusto sila ng dalawa sa Hellion4. They're so lucky right?" Mapakla siyang napangiti. "Unlike mine."
Wala na 'kong nagawa kun'di hagurin ang likod niya at naaawang pinagmamasdan ang lumuluha na ngayong maganda niyang mga mata. Paanong hindi man lang siya napapansin ni Chad, e bestfriends naman pala ng mga babaeng gusto ng mga bestfriends niya itong si Esther.
"I don't know what to call this, is it like or is it love, but a big part of me considered it as a love. I love him so much that even he doesn't know, I always giving him a chance and a chance and a chance. Maybe this is not the right time, para magustuhan niya ako, na maging kami."
Pinunasan niya ang sariling luha niya sa mga mata.
"Kaya kahit sobrang sakit na, pinapalampas at pinapalampas ko lang, 'til one day, this pain he doesn't know he caused in my heart will be all worth it. I'm living in this hope na magustuhan niya ako and whatever happened, I can't let this hope just fade for nothing."
"Hindi mo siya binibigyan ng chance, Esther. Hindi mo 'yon matatawag na ganoon kung hindi naman niya alam na may tao pa lang sige lang sa pagbibigay sa kaniya ng chance."
Hinaplos ko ang buhok niya at hinagod ang likod niya.
"Sarili mo lang ang binibigyan mo ng chance, pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na magugustuhan ka niya at sa t'wing mapapatunayang malabo talaga o ipinapamukha talaga sa 'yo na hindi talaga, hindi mo matanggap, kaya umaasa ka."
Maging ako at naluluha na sa sakit na nararamdaman niya.
"Hindi mo kailangang mabuhay ng umasang magugustuhan ka niya at makulong sa maliit at malabong pag-asang iyon, dahil kayang-kaya mong palayain ang sarili mo. Huwag mong pilitin ang isang bagay na mukhang imposibleng mangyari."
"Anong magagawa ko, kung ayaw ng puso ko? Kung pwede lang namang pigilan 'tong nararamdaman ko ginawa ko na e, ayoko rin namang patuloy lang na ganito."
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat hagulgol niya.
"Gusto ko ring sa bawat kilos niya, wala na akong pakialam, sa kung anong gagawin niya hindi na ako aware pa pero hindi e, hindi. Sobrang sakit, Yeri at wala akong magawa para mapigilan itong bwisit na nararamdaman ng bwisit na puso kong ito, I'm sorry," tumayo siya bigla at tumakbo palayo ng wala pa ring tigil sa pag-iyak.
"Esther!" Tawag ko pero hindi na niya ako nilingon pa.
Bakit ko ba kase sinabi 'yon? Hindi ko man lang inisip kung ano ang nararamdaman niya, hindi ko man lang inisip na sobra na ring sakit ang kasalukuyang kinakaharap niya, tapos kung ano-ano pang sinasabi ko.
Ang dali lang naman kasing sabihing kalimutan na lamang ang isang tao pero alam kong kailanman ay hindi 'yon magiging ganoon kadali dahil wala ka naman talagang karapatang kumalimot o kalimutana ng isang tao. Ang puso mo ang may karapatan at hindi ang kagustuhan mo lang at ang hindi ko inisip ay yung puso niya.
Wala naman sigurong taong tanga ang gugustuhing magpatuloy lang ang nararamdaman kahit nasasaktan na, kahit ga'no mo pa kagustong kalimutan ang isang tao, kung ayaw naman ng puso mo ay wala kang magagawa. Aywan ko ba kasi sa mga puso ng mga tao e, gustong-gusto nilang nilalapitan ang direksiyon kung saan sila nasasaktan.
"I'm sorry Esther," tanging sambit ko habang nakayuko at nasa pagkain ang tingin, pero nasa mukha ni Esther ang isip. Hindi ko naman gustong masaktan siya at mas lalong wala naman akong intensiyon o planong saktan siya. Kaibigan ko na rin siya kahit papa'no kaya naman ayaw kong nalulungkot siya.
Kung bakit naman kase sobrang manhid ni Chad. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kaniyang matagal na siyang gusto ni Esther ay ginawa ko na para malaman na kaagad ang katanungan sa 'kin lalo na kay Esther kung ano ang magiging sagot nito ay ginawa ko na.
Pero wala naman akong karapatan para makisawsaw sa kung anong meron silang dalawa, kaya mas mabuti sigurong manahimik na lamang ako.
Lumabas ako ng Cafeteria at naglakad-lakad na lang muna habang iniisip pa rin ang napag-usapan namin kanina ni Esther. Sana naman magkabati pa rin kaming dalawa, ayaw kong masayang ang pagkakaibigan namin. Siya lang naman kase ang nag-iisang kaibigan ko rito sa loob ng University at ngayon, hindi ko alam kung magkaibigan pa kami.
Baka kase lagpasan niya na lang ako at bumalik na naman ako sa pagiging totally lonely. Mabait pa naman si Esther. Hindi ko na namamalayang nahinto ako sa harap ng isang bench rito sa likod ng isa sa mga main buildings rito sa school kung saan ako nag-study kani-kanila lang.
Ba't dito ako dinala ng mga paa ko? Hindi na 'ko nag-abala pang isipin ang sagot sa katanungan ko sa sarili ko sa halip ay dahan-dahang naupo na lamang sa may bench at nagsimulang ibuklat ang isang libro ko para makapag-review-review rin at masiguradong pasa sa quiz mamaya.
Hindi pa man ako nakapagsisimulang magbasa ay pumasok na kaaagad sa isipan ko si Zach, na kani-kanina lang ay nandito at imbis na insultuhin ako ay ginulo lang naman ang pagre-review ko.
Knowing that guy, mukhang hindi na naman siguro 'yon babalik dito lalo na't naabutan niya ako rito kanina. Alam ko na naman siguro sa sarili ko kung pa'nong pinandidirian ako ng lalaking 'yon.
Nagfocus na lamang ako sa pagbabasa sa libro ko nang biglang may pabagsak na naglapag ng isang libro sa mesang nasa harap ko. Sa lakas ng pagkakalapag nito ay 'di nga maitatangging nagulat ako. Salubong ang kilay na binalingan ng tingin ang kung sinong taong ito-Zach?!
Nagulat man ako ng tingnan ang mukha niya ay hindi ako nagpahalata sa halip ay salubong lamang ang kilay itong kinuwestiyon kung bakit nandito siya at walang galang na kikilos rito sa harap ko. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko ay tanong lang ang isinagot nito.
"What are you doing here?" Blankong tanong niya sabay upo sa isa pang upuang nasa unahan ng inuupan ko sa kabilang side ng mesa. "Umalis kana nga!" Dagdag pa nito na mas lalo lang kinainis ko.
Pwede ba naman 'yon? Papaalisin ako ng taong kakarating lang rito?? Nas'an ang hustisya ro'n???