FRIEND
Naupo sila sa isang bakanteng table habang hindi pa rin mawala-wala ang mga tingin at tili ng mga tao, kabaklaan man o kababaihan, isama na rin 'tong bagong kakilala ko na nasa harap ko. "They're really handsome, especially Chad. I really hope that one day he'll gonna notice me," hindi nga mawalan ng pag-asa ang mga mata niya. Kitang-kita talaga sa kaniya ang pagkagusto niya.
"Sa'n ba yung Chad diyan?" Tanong ko habang nasa tatlo ang tingin.
"Iyang nasa gilid sa kaliwa," nakuha ko naman kaagad ang itinuturo niya.
Napaisip pa muna ako at 'di nagtagal ay siya nga yung saway ng saway sa agresibong na nasa gitnang 'yon, noong gabi sa bar. Mabuti naman at hindi siya nagkamali ng magugustuhan. Mabait naman siguro 'yon, pati na rin yung isang nasa gilid, playboy nga lang. Iyan lang talagang nasa gitna ang may problema sa pag-uugali at hindi marunong kumilos gamit ang tamang-asal.
"That's Chad Reil Arevallo, the good looking man and tender-hearted entity I have met in my entire life. He's so cute, adorable, loving, caring soon-to-be my boyfriend," punong-puno ng pag-ibig ang mga mata na aniya.
"Huwag kang mag-alala, kung gusto mo siya, susuportahan kita!"
"Ya! Ang bait mo, thank you, uh!" Kilig na kilig namang sabi niya at tumayo pa talaga para yakapin lang ako sa likod.
"Iyan namang isa na nasa gilid ay si Cairo 'short for Cai' Avila Cuesta, the handsome playboy pero may pagkamabait rin naman, short for gentleman that have plans. You won't believe but that guy did not only have 10 to 20 victims but literally hundreds of victims!"
She shouted.
"Imagine? He has hundreds of victims but he's not done yet, that guy is totally hot insane! He's like uses and playing girls around unlike Chad," bigla na namang kuminang ang mga mata niya ng mahinto sa Chad na iyon ang paningin niya.
"Mabuti naman at sa Chad na 'yan ka nagkagusto at hindi sa playboy na isang 'yan."
"Oo naman! Sensitive 'tong heart ko kaya iniingat-ingatan ko 'to, paniguradong sakit lang sa puso ang aabutin ko sa Cairo na 'yan."
"Kawawa naman pala ang ibang mga babaeng nagkakagusto sa playboy na 'yan."
"That's not our nor that playboy's fault anyway, kasalanan na 'yan ng mga kababaihang pumapatol diyan."
"Pero kahit na, may mali pa rin ang lalaking 'yan. Sigurado akong balang araw makakahanap rin ng katapat 'yan."
"Yea, I'm waiting for that girl to come too, let's see how it's gonna work. 'Yang nasa gitna naman ay si-"
"Zach," wala sa sariling pasiunang sabi ko, napabaling naman kaagad siya sa 'kin ng tingin.
"You know his name, how did you know then?"
"Uh, narinig ko lang sa mga bulong-bulongan, ang lalakas kase!"
"You're right, he's Zach Ecleo Evilord, the son of the owner of this University."
"Son?" Nagulantang ako.
"Yeah, son. Why? Is there a problem?" seryosong tanong nito.
"Uh, wala naman. Nagulat lang ako. Siya pala ang may-ari ng school na 'to!"
"I know! Nakakagulat nga, kung yung crush kong 'yon ay good boy at ang isa namang 'yon ay playboy, 'yan namang Zach na 'yan ay Badboy! Honestly, he's really scary like in small things that handsome guy dislikes, he's gonna transform into like an agresive beast! Sa kanilang tatlo, siya ang bully mapalalaki man o babae."
"Kung sino pa ang anak ng may-ari nitong University, siya pa ang bully, huh!"
"Even he's bully, there's still a lot of girls crazy on him. Napaka-hot at gwapo niya kase, all girls see him as a perfect guy, doesn't even think he's an immature bully."
"Tama ka, napaka-immature niya," hindi ko mapigilang aniya at napabaling naman siya ng tingin sa 'kin ng hindi inaasahan.
"Alam mo kanina pa kita napapansin, mukhang matindi ang galit mo kay Zach. You know them, especially on that one in the middle?" puno ng kuryosidad ang mukhang tanong nito.
"Sa totoo lang, hindi ko naman kilala ang buong pagkatao niya, may ilan lang kase akong nalalamang makapagpapatunay na masama ang ugali niya," wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya.
"Your kinda right, but sometimes he can be good naman. Particularly if he's with the one he can be comfortable with, like his bestfriends and his family. Harsh lang naman kase siya sa mga taong ayaw niya."
"Kahit naman ayaw ng tao sa isang tao, hindi pa rin tamang tratuhin niya ng masama ang kung sino mang taong magugustuhan niya. Porket gwapo at mayaman, mapagmalaki na."
"You have a point in what you're fighting for, but we can't really help it. We can't change him even if we want to, only he can change himself but I'm pretty sure he doesn't have a plan," napabuntong hininga nalang rin ako sa sinabi niya, kahit ano pa kaseng sabihin ko tungkol sa lalaking 'yun wala din namang mangyayari.
"Oo nga pala, ano nga pa lang pangalan mo? Nauna mo pa kaseng ipakilala sa 'kin 'yang tatlong 'yan kesa sa sarili mo," pag-iiba ko ng usapan, natawa naman siya sa sinabi ko. Nananatili lamang akong nakatingin sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.
"Oh sorry, I'm Charity Esther Amethyst Leigh. It's so nice to be friends with you," bigla niyang inilagay sa ere ang kamay niya at tinugon ko naman kaagad ito, nagshake hands kami.
"Ako naman si Yeri Miel Del Rey, masaya din akong maging kaibigan ka," sabi ko naman habang nakikipag-shake hands pa rin sa kaniya.
"Wala ka pa ring kaibigan sa section niyo?" tanong ko bago isinubo ang pagkain ko sa bibig ko.
"Meron naman kung friends lang ang pag-uusapan marami naman na akong friends."
"E bakit kasama mo ako ngayon at hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?"
"Mm, nothing, why, am I disturbing your time? If you want you can-"
"Hindi! Hindi mo naman ako naiistorbo. Nakapagtataka lang kasing sa ganda mong 'yan, sa 'king ngayong araw mo pa lang nakikilala ka sumama at hindi sa friends mo?"
"I have a lot if friends, but I'm only comfortable being with my close friends," bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya.
"E tayo? Close friends ba tayo at nandito ka ngayon kasama ko?"
"No. Honestly earlier, the only reason I approached you was because I mistook you for my close friend, even though it was vague from what you were wearing and the fact that they're not here anyway."
"Huh?" litong tanong ko.
"Dalawa lang kase silang bestfriends ko, they're just leave for some important reasons and I understand that even though I felt like they left and left me solely."
"Ang sakit niyon, pero babalik pa naman sila diba? Makikita mo pa sila," malawak pa 'kong ngumiti para palakasin kahit papa'no ang loob niya.
"Actually this school year, they're surely comeback and continue their studies here in Philippines," ang lapad ng ngiti sa mga labi niya at kumikinang pa ang mga mata sa sobrang excitement.
"Mabuti kung naman gano'n!"
"Yeah, I'm sorry nga pala," seryosong sabi nito na ikinabigla ko naman.
"Huh?"
"You might be shocked or wondered why I'm this kind of weirdo girl befriends with you and comfortable with you now even we have met just a few hours ago," biglang lumungkot ang mukha niya pagkatapos sabihin ang linyang 'yun. Kaagad ko namang hinawakan ang balikat niya at malapad siyang nginitian.
"Ano ka ba, hindi mo kailangang mag-sorry saka hindi naman ako nawiweirdohan sa 'yo. Kahit ilang oras pa lang tayong magkakilala komportable na rin naman ako sa 'yo. Unang tingin pa lang naman kase sa 'yo malalaman at makikita naman na kaagad 'yang magandang ugali mo. Thankful pa nga ako kung tutuosin. Hindi na 'ko nahirapang magkaroon ng kahit isang kaibigan dahil kusa kanang lumapit sa 'kin."
"Honestly, this is so unexpected. Wala kase akong planong maghanap ng kaibigan, I hope your not being offended, but I'm just really waiting for my two best friends to come. Even it's impossible or you won't believe it but I swear! Kaninang nakita kita, parang nakita ko sila sa 'yo kahit nakatalikod ka lang. Ibang-iba pa ang way ng pananamit nila sa way ng pananamit mo, but really para talagang nakita ko sila sa 'yo. Weird right?"
Wala na 'kong masabi, gusto ko na talagang tumawa kaso ang seryoso ng mukha niya kaya huwag na. Pa'nong nangyaring nakita niya sa 'kin ang dalawang best friends niya?
"Mukhang weird nga,"
"Tho we find it weird, masaya pa rin akong naging kaibigan kita. I just realized there's a lot of good people who can be your good friends too."
"Ano namang nagawa ko?"
"Marami talaga akong kaibigan, pero dalawa lang talaga ang pinakamabuti at pinaka pinagkakatiwalaan kong kaibigan."
"Hindi mo sila kaibigan kung ganoon, hindi mo masasabing kaibigan mo ang taong hindi mo naman kayang pagkatiwalaan. Kung ang isang taong katulad ko ang tatanungin, ayokong makipagkaibigan sa isang taong hindi ko naman kayang pagkatiwalaan o hindi mapagkakatiwalaan."
"That's not what I'm aiming for, nabuhay kasi akong maraming kaibigan pero kaunting tao lang ang pinagkakatiwalaan."
"Uh! Nakukuha ko ang punto mo. Ako kase, hindi ko masasabing kaibigan ko ang isang taong hindi ko naman kayang pagkatiwalaan."
"So your not considering a friend on a person that you cannot trust," bakas ang gulat sa mukha nito at mabilis ko naman itong sinagot.
"Oo, magkaiba pala ta'yo ng depinisiyon ng kaibigan."
"Alam mo I like you," nabulunan ako.
"Huh? T-tomboy ka?"
"No, that's not what I mean," bahagya siyang natawa sa naging reaksiyon ko. "I just like you for being kind of direct to the point person. Your right, hindi ko dapat na iconsider na kaibigan ang isang taong hindi ko naman mapagkakatiwalaan, parang pina-plastic mo lang kase sila kung 'yon ang pagkakaintindi mo ng word na friend."
"Mabuti naman at nakuha mo ang punto ko, 'yung bestfriends mo, 'yon yung talagang kaibigan masasabi mong kaibigan mo at ang ibang mga taong tulad ko, hindi mo pa masasabing friend mo na talaga sila, kung hindi kapa gaanong may tiwala sa kanila."
"Ikaw?"
"Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"I consider you as my friend."
"Huh, ganyan ba kabilis na makuha ang tiwala mo?"
"Hindi naman sa ganoon,"
"E ilang oras pa lang tayong magkakilala, uh?"
"Friendship doesn't measure in time. You really help me the way your being yourself. I have learned a lot, you made me realized how can be a complete stranger become your friend, you thought me the real meaning of the word friend and you give me yourself to be my true friend."
Hindi na 'ko nakagalaw pa sa biglang pagyakap niya mula sa likuran ko.
"I hope one day I can consider you not only my friend but one of my bestfriends," sabi nito habang nakayakap pa rin mula sa likuran ko, napangiti na lang din ako.
"Sa wakas, may kaibigan na rin ako," kumawala siya bigla sa pagkakayakap mula sa likuran ko ng narinig ang sinabi ko.
"Wala ka pa talagang friends or even kaplastikan dito?"
"Wala e, pero okay lang. Unang araw palang naman ng klase kaya normal lang ang gano'n."
"Siguraduhin mo lang may kaibigan kana after how many days, huh? Kung normal sa iyo ang unang araw pa lang naman, puwes abnormal 'pag lumipas ang ilang araw ng wala ka pang kaibigan!"
Lumipas ang ilang minuto ng bigla na lamang nagbell kaya nagpaalam na kami sa isa't isa para pumasok na. Sa sumunod na araw ay magkasama pa rin kaming naglibot-libot kami rito sa HOuLYn Hellion University, nagsnack at tumambay sa cafeteria habang hindi pa nagb-bell. Naging komportable kaagad ako sa kaniya, liban nalang kase sa ganda niya ay gano'n rin kaganda ang ugali niya.
Ang lapad pa rin ng ngiti sa mga labi ko habang papasok sa room ko, nag-enjoy talaga ako ng sobra. Finally may kaibigan na rin ako! Dahan dahan akong pumasok sa room ko at dahan-dahan ring tinungo ang desk ko para maupo, habang nasa akin ang tingin ng halos lahat ng tao rito sa buong silid. Mukhang lahat sila nandito na, kaya lahat ng nga bashers at haters natipon na.
"You know girls, I saw that nerd with Charity Esther Amethyst Leigh on the cafeteria," talagang hindi na bulong 'yon, mukhang sinasadya na talagang lakihan ang boses para talagang umabot sa 'kin ang gusto niyang iparating.
"I saw it too, hindi na nahiya!"
"I don't really know what Charity saw on her to make friends with her!"
"Ano kayang ginawa niya at kinaibigan siya ng bestfriend ng Emerald Princess."
"Yea, that modest-looking girl is obviously a gold digger."
"Hindi na talaga nahiya 'yang nerdy btch na 'yan!"
It cannot be denied that I was hurt by what they said, but as long as I know for myself that they are wrong, I wouldn't react. They only stopped saying something bad against me when the lecturer came in and stood in front. Inumpisahan kaagad ang klase hanggang sa matapos ito at sumunod ring natapos ang iba pa.
Suddenly, the bell rang for the last subject and many of the students immediately ran out as if there were some people trapped in this room and trying to get out. It's still a bit early for the University to close, so I decided to get the four books that need to be reviewed and three books for homework that I also need to answer dahil may trabaho pa ako mamaya.
I'm currently walking down the corridor to the lockers area. Pagkarating ko ay saka ko na kinuha ang mga libro ko sa locker ko at naglakad pabalik sa room ko. While walking I noticed that I only had six books with me. Kulang ng isa! I frowned and took a breath and looked at my books to know what I had left behind.
"English," pagkakabasa ko nung unang librong nasa kamay ko habang naglalakad. "Literature, Anthropology, Earth Sciences, Statistics," pagkakabasa ko sa huling librong hawak ko. I thought hard about what book I left behind and just a few seconds later I suddenly remembered what it was.
"Yung science para sa homework ko mamaya!" Inayos ko muna ang mga librong dinadala ko at nagpasiyang bumalik sa locker ko. Kulang na kulang ako sa oras, ang dami ko pang re-review-hin, at homeworks na sasagutan.
Bahala na!
I ran back and didn't bear the weight of the book I was carrying. I was just running when suddenly someone hit my foot causing me to lose my balance and this time everything suddenly slowed down in my sight.
Napasigaw ako ng wala sa oras pero namilog ang dalawang mata ko ng makita ko si Chad sa harap ko, kung saan talaga ang direksiyon ng pagbagsak ko. Dahan-dahan ang mga pangyayari sa paningin ko habang pinakatitigan lang ang mukhang babagsakan ko. My mind was already blank so I just closed my eyes tightly until I fell on his chest and with the force of the impact of my fall, he also lost his balance.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa ibabaw ng Chad na 'to. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at doon ko nakita ang gulat parin niyang mukha pero talaga nga namang ang gwapo pala niya. While looking at him, I couldn't even blink. I was just brought back to reality only when I heard his cold voice.
"M-Ms.," parang nag-aalangang aniya at doon lamang ako napakurap-kurap. Kaagad akong tumayo sa pagkakakumbabaw sa kaniya ng maalala kong may pumatid nga pala sa 'kin kanina kung kaya't nangyari 'to.
Kaagad kong binalingan ng tingin ang direksiyon ng lalaking pumatid sa 'kin at naramdaman ko kaagad ang pagkulo ng dugo ko ng makita kung sino iyon. Kilalang-kilala ko na siya kahit nakatalikod pa siya at ganoon na lang ba 'yon? Magmamartsa na siya paalis pagkatapos niyang mamatid?
"Hoy!" tawag ko pero hindi pa rin siya tumigil at dire-diretso lang sa paglalakad. Kaagad ko naman siyang hinabol at ng makalapit ay matapang itong hinarap ng nakahawak sa dibdib niya. Napatingin muna siya sa mga mata ko at dahan-dahang ibinaling ito sa dibdib niya kung sa'n naroroon ang dalawang palad kong pumipigil sa kaniya.
Nanginginig ang kamay na tinanggal ko naman iyon sa dibdib niya at sinubukang titigan ulit siya sa nga mata. "Matapos mo kong patirin, aalis ka na lang na parang walang nangyari?" Sinubukan kong ikalma ang tono ng pananalita ko pero puno na talaga ako sa lalakeng 'to!
"Kasalanan ko bang lampa ka?"
"Hindi naman kase ako babagsak sa sahig kung hindi mo ko pinatid?"
"Tumingin ka kase sa dinadaanan mo, maraming paang nakapaligid sa 'yo. Tulad ng kanina, baka pumatid lang rin 'yun sa 'yo."
"Walang paang papatid sa 'kin dahil gawain lang 'yun ng mga immature na katulad mo!"
"Immature, huh," nag-iba ang boses nito at pumungay ang mga mata nito ng sabihin ang katagang iyon. Humakbang ng konting-konti ang mga paa niya at napaatras na lamang ako ng wala sa oras.
Anong gagawin niya? Huwag niyang sabihing hahalikan niya ako? Bago pa siya makahakbang ay mabilis na lamang akong nag-isip ng mga salitang pwedeng sabihin na makapagpapatigil sa kaniya.
"Magsorry ka!" wala sa sariling nauutal na sabi ko at buti na lang, bumalik kaagad ang usual niyang ekspresyon sa mukha at bigla na lang rin nawala ang kaninang nakita ko sa mga mata niya. Kakaiba ang nakita ko sa mga mata niya, mas lalo lang pumungay bigla at parang may kung ano sa boses ng pananalita niya kanina, parang... hindi ko alam! Basta kakaiba talaga siya!
"Sorry?" The side of his brow rose up.
"Iyon lang naman yung sa 'kin. Magsorry ka! Sinadya mo man o hindi, magsorry ka lang papalagpasin kita," matapang kong sabi sa kaniya at napangisi naman siya pero yung ngising 'yon, parang naiiritang galit na ewan.
"Ba't pa 'ko magso-sorry? Nagustuhan mo namang bumagsak ka sa kaniya," malamig nitong sabi at nilagpasan akong tulala sa sinabi niya.