FACADE
Alam ko ang dahilan kung bakit gano'n ang naging reaksiyon niya at naiintindihan ko siya. Pero ginagawa ko naman 'to para makatulong sa pang-araw-araw naming dalawa. Para matulungan siya at hindi masiyadong maging pabigat sa kaniya lalo na kung kaya ko rin namang kumayod para matustusan naming dalawa ang pinansiyal naming mga pangangailangan.
Tanging 'yon lang naman ang gusto ko at isa pa ay masiyado ng matanda si nay para asahan pa sa mga ganitong problema. Ayaw ko na ring nakikita siyang nahihirapan at ang pinakaayaw ko pa ay yung wala lang akong ginagawa. Mas pipiliin ko pang hayaan ang sarili kong nasubsub sa kahit isang daan pang trabaho kaysa hayaan siyang mahirapan ng mas malala pa sa sitwasyon ng buhay na hinaharap namin ngayon.
"Miel, hindi ba't nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito?" Wala pa ring pagbabago sa guhit ng mukha niya mula pa kanina ng sabihin niya ang linyang iyon.
"Nay, huwag po kayong mag-alala. Pang weekend lang po yung trabahong 'yon kaya hindi po iyon makakaapekto sa nalalapit na pag-aaral ko."
"Hindi naman iyon ang punto ko, ang ipinupunto ko lang ay 'yang mismong sarili mo. Hindi mo na nga inaalagaan 'yang katawan mo tapos ngayon dadagdagan mo pa 'yang sandamakmak mong trabaho. Linawin mo nga sa 'kin Miel, ano bang tingin mo diyan sa sarili mo?" Sa tono ng pananalita niya ay nahihimigan ko na talaga ang konting konting konting galit sa sermon niya pero alam kong dahil lamang iyon sa nag-aalala siya.
"Pero nay, gusto ko lang naman pong tumulong sa inyo. Huwag niyo na po akong pagalitan dahil paniguradong magagalit lang ako sa sarili ko 'pag ngumanga lang ako at hayaan kayo."
"Una sa lahat Miel, tumutulong ka na. Ano pa bang depinisyon mo sa salitang tulong? E'sa sitwasyon natin ngayon, sandamakmak na ang trabaho mo samantalang pananahi lang ang pinagkakaabalahan ko. Ako nga yata ang siyang tumutulong sa 'yo e!"
"Nay-"
"Pangalawa, hindi kita pinapagalitan. Pinauunawa ko lang sa iyong sobra-sobra na ang mga ginagawa mo para sa pang-araw-araw nating dalawa. Hindi lang sapat anak, sobra-sobra 'yon. Kapag sinabi kong sobra, totoo 'yon anak. Bakit kapa naghahanap ng ibang trabaho kung sandamakmak ng trabaho ang tina-trabaho mo?"
"Alam ko na po 'yon, nay. Sayang lang po kase, pang-ipon para kung may panggagamitan tayong impo-"
"Pangatlo, hindi ka ngumanganga, depende nalang 'pag tulog ka," napanguso naman ako ng wala sa oras.
Okay na sana e, kaso nagmala-philosopher 'tong nay ko, tsk!
"Huwag ka sanang masaktan anak, pero hindi talaga biro 'yon hehe," hindi pa nga umaayos sa pagkakanguso ang mukha ko, e ngumuso na naman ulit sa huling sinabi ng nay kong ang gaganda ng lumalabas sa baba 'pag inaatake ng topak.
"Nay naman e! Ang gaganda talaga ng naririnig ko sa inyo sa kalagitnaan ng ganitong seryosong usapan 'no?"
"Pero seryoso talaga, nak, hindi ko nagustuhang may bago ka na namang trabaho."
"Hayaan mo na nay, dadagdagan ko para mas lalong magustuhan niyo hehe."
"E kung batukan kita diyan, baka mawala na kaadikan mo sa kahahanap mo ng trabaho."
"Biro lang e," napatiklop naman ako sa pambabanta niyang akala mo naman tototohanin.
"Pwes hindi ko gusto 'yang nga biro mo!"
"Akala mo naman gusto ko yung kaniya e," pabulong ko namang saad habang kunwaring hinihimas-himas ang batok ko.
"May sinasabi ka, Miel?"
"Ay, wala po, nay. Depende na lang rin po kung may narinig kayo," hindi muna siya nagsalita pero halos limang segundo lang iyon dahil nga gano'n si nay. Para sa 'kin ay mahaba na ang limang segundong hindi siya nagsasalita dahil mas madalas ay tumitigil lang siya panandaliang magsalita 'pag bumubuntong-hininga siya o nawawalan na talaga siya ng hininga kakasalita.
"Pero anak, nag-aalala talaga ako sa 'yo. Alam kong gusto mong makatapos, hindi mo lang gusto kun'di pangarap mo. 'Yang mga bakanteng oras mo, ituon mo na lang 'yan sa pag-aaral mo, kaysa ipuno mo sa paghahanap mo ng trabaho. Hindi sayang ang advice learning-"
"Advance Learning po 'yon, nay," sambit ko.
"Advance nga! Hindi sayang ang advance learning, ang interviewing-"
"Reviewing po ulit 'yon, nay," sabat ko na naman.
"Reviewing nga! Hindi sayang ang advance learning, reviewing, ang standing-"
"Studying po," sambit ko pa.
"Oo nga, studying naman yung sinabi ko uh! Ang bata-bata pa, bungol na!" Pikong aniya.
"Sa'n na nga ba tayo?" Bigla pa siyang tumingin sa kawalan at hinilot-hilot ang panga niya na animong nag-iisip kung saan na ba siya nahinto sa monologue niya.
Habang nag-iisip siya ay iniisip ko naman ang kaninang mga sinasabi niya, ako na nga yung nagtatama sa mga wrong grammar niya, ako pa yung napagsasabihang bungol daw! Pero ayos lang 'yan, nay, basta na-korek na kita. Matandaan mo sana.
"Naalala ko na, hindi sayang ang advice learning, ang interviewing at ang standing para ipagpaliban mo, magkaroon lamang ng bagong trabaho," bumagsak bigla ang isang braso kasabay ng pagtapik ng isang kamay ko pa sa noo ko sa 'di ko inaasahang matalinong aniya ng nay ko.
Wala parin pa lang silbi ng pagtatama ko sa mga rong grammar niya, gayong wrong grammar pa rin pala talaga siya. Mahal na mahal ko ang nay ko at ni minsan hindi ako nagsisising siya ang binigay sa akin ni Lord na tumayong magulang ko, hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong Nanay pa ang perpektong maging choices ko.
Siya at siya pa rin talaga ang pipiliin ko. Pero minsan napapaisip rin talaga ako na siguro, mabuti na lang at nagmana ako sa tay ko at masasabi ko ngang matalino ako. Pero sigurado naman akong kung pagmamahal lang ang pag-uusapan ay nagmana ako sa kanilang dalawa ng nay ko, hindi ko man naabutan si tay.
Sigurado akong kung ganitong mapagmahal akong tao ay dahil iyon sa pagmamahal na pinagbuklod nilang dalawa hanggang sa nabuo ako at hindi na rin naman questionable sa 'kin yung pagmamahal ni nay. Dahil simulat-sapol, alam ko ng punong-puno ng pagmamahal ang puso niya at tanging pagmamahal lang ang naroon at pumupuno sa puso ko.
"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko, lalong-lalo na ang pag-aaral ko."
"Anong huwag mag-alala, e hindi nga ako sigurado kung buhay ka pa sa dami ng trabaho ang kasabay mo sa pag-aaral mo. Baka nga isang linggo pa lang ng eskwela, lantang lanta ka na o baka nga isang buwan pa lang ng eskwela puso mo na lang ang lumalaban sa 'yo sa sobrang pagod na ng katawan mo o baka isang taon ka pa lang sa eskwela pati puso mo pagod na."
Suminghap siya.
"Hindi na nakapagtataka 'yon kung pati puso mo sumuko na. Depende kung hindi niya na kayang lumaban o wala siyang lakas na lumaban dahil kahit ikaw na nagmamay-ari sa kaniya ay hindi mo maalagaan, kahit maisip man lang," hindi na 'ko nakapagsalita pa dahil bukod sa tama siya wala na rin akong masasabi pa.
Tama si nay, hindi ko nga maitatangging napababayaan ko minsan ang sarili ko.
"Iyon lang naman ang ipinupunto ko, ang taong katulad mong pabaya sa sarili ay hindi nalalayong lapitan ng sakit. Hindi yung purong trabaho ang inaatupag. Ang katawan tinitirahan iyan ng lakas. Ang magiging ipon mo, ang mga kita mo sa trabaho mo, para mo lang 'yang iniipon para pambayad sa hospital 'pag nagkasakit ka, e! Mag-aalala pa 'ko sa 'yo, mawawala pa lahat ng mga pinaghirapan mo, 'yon ba ang gusto mo, Miel?"
"Hindi po," mahinang tugon ko habang nakababa ang tingin at hindi na magalaw ang pagkain sa harap ko, sigurado rin namang hindi ko siya magagawang titigan 'pag ganitong nagmo-monologue siya.
"Naiintindihan mo sana ang mga ipinupunto ko ng sa gayon ay hindi na ako mapagod kakadaldal rito. Hala! Balik na tayo sa pagkain ng makapagpahinga na tayong pareho, lalo kana."
"Opo, pagkatapos ko po namang maghugas ay matutu-"
"Ako na ang maghuhugas."
"Pero nay-"
"Ikaw ano bang lasa ng shabu mo at napakaadik mong magtrabaho? Ibenta mo nga 'yang flavor niyang nilalanghap mong shabu. Siguradong aasenso ang bansa natin kapag nagkataon, talo pa ang China, kahit USA pa!"
"Maghuhugas lang naman po ako, kung ano-ano nang pinagsasasabi niyo."
"Alam mo, hindi ko na talaga alam kung sadyang masipag ka lang talaga o sadyang adik kanang talaga!"
"Adik! Saan pa ba, nagmana sa inyo e!"
"Ano? Hindi naman ako adik sa trabaho uh at kung adik sa droga, lalong hindi? Adik saan ba?!"
"Sa pagmamahal, yiee."
Lumipas ang mga araw at naging maganda naman ang tatlong trabaho ko. Ang pagbebenta ng ice cream, mas lalo lang gumaganda ang kita. Maraming mga bata ang halos sabay-sabay na pumupunta sa banda ng icecream truck ko para bumili.
Pinaka-best seller talaga namin noon hanggang ngayon ay ang pandan flavor na talagang malaki ang tulong para lumaki rin ang kita. Bwenas kase sa akin ang pandan, dahil bukod sa paburito ko ang pandan flavor, favorite ko rin yung kulay green.
Nagkakatugma-tugma ang lahat kaya swerte ang labas. 'Buti na nga rin lang puro bata na ang bumibili at hindi na ako nakaka-engkwentro ng mga walang galang na mga tao. Mas mabuti pang bata ang bumili kesa naman kagaya ng... sino nga ba ang pangalan niyon?
Hindi ko na matandaan basta yung magandang maarte at kung makapandiri hindi yata alam na nasa loob ang dumi. Kung sino pang mga taong nasa tama ang edad 'yon pa ang mga taong kailangan pang turuan ng mga tamang asal.
Pero okay na, atleast hindi na bumilik pa yung babaeng 'yon at hindi ko na muling nakita pa. Mabuti na nga 'yon e, siguradong lalait-laitin lang ako niyon kesyo nerd daw ako, panget daw ako, kapag nakita ako.
Bilang waitress naman sa bar nina Ate Cristal, mabuti at wala ko ng naging problema. Hindi ko na nakita pa yung lalaking gwapo nga, agresibo naman na nag-eskandalo pa sa loob ng bar.
Siya lang naman ang pinakamabigat na naging problem ko, kaya nang hindi na siya nagpakita pa ay naging kampante na rin akong hindi ko na siya makikita pa, sa loob man o labas ng bar. Sana nga hindi na ako makatagpo pa ng mga taong kagaya nilang sukdulan ang sama ng ugali at parang hindi mga tao kung tumuring ng tao.
Sa Zamian Mall naman bilang janitress ay walang kaproble-problema. Natatapos ko ang trabaho ko ng maayos. Marami na rin akong mga kaibigan doon. Mga kaibigang kapwa ko janitor at janitress. Habang si Ms. Jovial naman ay may panlalait pa rin ang mga mata 'pag nakatingin sa 'kin at habang meron pang ganoon akong nababasa at nakikita sa mga mata niya ay hindi pa 'ko aasang babait siya sa pagturing sa 'kin.
Pero kahit gano'n, naniniwala pa rin akong may tamang panahon para diyan, hindi nga lang ngayon pero darating naman siguro ang takdang panahon.
Sa bilis ng paglipas ng mga araw ay gano'n naman kalapit ang pasukan. Nae-excite na rin ako, sa susunod na linggo na kasi. Kahit sa isang linggo pa naman ang simula ng klase ay tapos ko ng labhanin ang bag kong ginamit ko noong nakaraang pasukan sa dating public school na pinapasukan ko para kahit papaano ay magmukha itong prisentable sa unang araw ng klase.
Ang sabi ni nay, sa pangalawang linggo pa makukuha ang uniforms ng mga estudyante kaya inihanda ko na rin ang susuotin ko para sa unang araw ng pasukan. Ang mga damit na madalas kong isuot sa t'wing may lakad o may malayong pupuntahan ako.
Ang isa sa mga palda kong kulay dark na dark na green na hanggang sa daliri ng mga paa ko ang haba at isang longsleeve na halos kakulay lang rin ng palda ko at ang gawa sa kahoy na inukit at hinulma kong bakya.
Ganoon lang naman kasimple ang suot ko pagpasok sa unang araw ng klase kaya hindi na 'ko naglaan pa ng mahabang oras para rito sapagkat alam ko namang matatapos ko ito ng mas mabilis. Paano din ako magtatagal kung alin o saan ang susuotin ko gayong lahat naman ng mga damit ko ay ganoon ang estilo ng desenyo at hitsura.
Sa umaga naka-asign sakin ang trabaho bilang janitress at para hindi magkaroon ng suliranin sa trabaho ko sa ice cream truck ay nakiusap ako sa manager nito na si Mrs. Linda na kung maaari ay pahintulutan niya akong sa linggo na lamang niya ako palaging tawagan sa trabaho.
Para mas maunawaan niya ang lahat kasama na ang ipinupunto ko ay isinalaysay ko sa kaniya ang kawalan ko ng oras, sa kadahilanang magsisimula na rin ang pasukan, may trabaho ako sa isang mall at sa isang bar.
Ngunit sa halip na hindi ako payagan at pagalitan ay hindi niya ginawa sa halip ay hinangaan niya pa ang kakayahan ko at hindi panunumbat ang nadidinig ko kun'di mga komentong may paghanga sa mga mata ang sinasambit niya sa harapan ko.
Masaya niya kong pinayagan at hindi ko na raw kinakailangang magpasalamat pa dahil maliit na bagay lang naman daw ang hinihiling ko. Siya na talaga ang pinakamabait na amo ang nakilala ko. Wala ng mas babait pa sa kaniya at lalong wala ng papalit sa kaniya sa pwesto niyang pinakamabait sa puso ko, syempre maliban kay nay.
Lumipas pa ang ilang araw at nagising na lang ako ng 'di ko namamalayang unang araw na ng klase. Maaga akong nagising at nagluto ng agahan, pagkatapos ay naghanda para sa unang araw.
Bago pumutok ang liwanag ay handang-handa na 'ko pati na rin sa pagbihis sa sarili ko. Nag-agahan kaming dalawa ni nay at medyo may kahabaang payo naman ang ginawa niya muna habang kumakain kami hanggang sa matapos, pati na rin sa pag-alis ko ng bahay.
"Basta anak mag-iingat ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, ang baon mo nga pala, sandali at-"
"Nay na sa akin na po. Huwag na po kayong mag-alala at hindi ko naman pababayaan ang sarili ko. Higit pa nga akong nag-aalala sa inyo kumpara sa pagpasok ko. Pa'no, walang magbabantay sa inyo sa hapon, magluluto ng tanghalian-"
"Huwag mo na iyong abalahin pa at ang isipin mo ay iyang pag-aaral mo, kaya ko rin ang sarili ko at huwag mo akong alalahanin dahil mas mag-aalala ako kung ang ibang tao ang inaalala mo at hindi ang pag-aaral at sarili mo. Basta't mag-ingat ka Miel. Sundin mo ang lahat ng mga habilin ko, pag-aaral lang ang pagkakataon mo, kaya huwag mo itong sayangin."
"Pakatatandaan ko po ang lahat ng mga habilin niyo at makakaasa po kayong wala kong lalabagin ni isa man sa mga payo niyo, nay. Kaya naman mauuna na po ako at ingatan niyo rin po ang sarili niyo, hm?"
"Oo na, mag-iingat ka, nak huh?"
"Mm! Salamat po nay. Sige po aalis na po ako, paalam po ulit!" Hinalikan ko siya sa pisngi at masaya itong tinalikuran.
Dumiretso lang ako hanggang sa nakasakay na 'ko ng jeep at ilang minuto lang ang nakalipas at pagkababa ko ay nasa harapan na 'ko ng isang napakalaki, napakagara at napakagandang Unibersidad. Bagaman nandito palang ako at nakatayo sa harap ng entrance gate at nakatingala sa kabuoan nito ay alam ko na agad na sobrang yaman ng paaralang 'to.
Dahan-dahan kong ibinaba sa pagkakatingala at inilibot ang paningin sa mga taong pumapasok sa entrance. Sa panunoot palang nila ay makikita na talagang sobrang yaman nila. Tiningnan ko ng dahan-dahan ang kasuotan ko at pagkatapos ay ibinaling sa kanila ang paningin ko, masasabi ko talagang sobrang iba at layo ng diperensiya sa suot nila at sa suot ko.
Hindi naman sa naiinggit ako at gusto kong gano'n din ang suot kong kasuotan ngayon, sadyang kakaiba lang talaga ng suot ko. Hindi na rin naman nakakagulat 'yon, aware din naman kase ako sa kung ano ang kilos, pananalita at kasuotan ko at higit sa lahat sa pagiging nerd ko.
Mukhang ako lang yata ang mahirap na nag-aaral rito base sa nakikita kong mga estudyanteng pumapasok rito. Halatang pangmayaman lahat ng mga kasuotan nila, pero ayos lang sa 'kin 'yon. Kahit magkano pang kamahal lahat ng suot nila, hindi ko pa rin maitatangging lahat ng iyon ay mga revealing.
Yung iba mga putol ang pang-itaas na damit kaya kitang-kita ang pusod. Ang iba naman kitang-kita ang mga dibdib sa sobrang hapit at kakulangan sa tela ng mga pang-itaas na damit. Kumpara sa mga nakapantalon ay mas marami talaga akong nakikita ritong puro naka palda ang masama pa ro'n ay sobrang igsi.
Sa tingin ko ay isang talon mo lang kita na ang panty mo. Ako lang talaga ang naiiba kung titingnan in general, marami kasing naka-pantalon, mas marami ring nakapaldang sobrang igsi. Ako lang yata ang nakapaldang pangmatanda na nga ang kulay hanggang sa paa pa ang haba.
Pero matagal ko naman ng naisip na mas kumportable ako rito. Ang kahit maisip man lang na nakapalda ako na gano'n rin kaigsi ay hindi ko ma-imagine. Talagang sa tanang buhay ko ay hindi ko naisipan o kahit maiisipan man lang magsuot ng kahit anong damit na masasabi kong revealing.
Hindi ko namamalayang nakatulala lang ako sa mga estudyanteng pumapasok rito sa entrance at nabalik lang ako riyalidad ng may biglang bumunggo sa harap ko at sa sobrang taas nga nito ay tumama ang likuran nito sa noo ko.