Isinulat ni Jeaneisgracious
"no way! " malaks kong sigaw sa kaniya. "Ai, ayoko! Alam mo namang hindi ako nagsusuot ng ganiyan e." pagpupumilit ko pa.
Lumapit siya saakin at parang isinusukat niya sa harap ko ang damit na kinulang sa tela.
"oh, bagay naman ah." pagkumbinsi niya saakin.
Aishhhh!
Ang babaeng talaga na 'to ang kulit-kulit.
Hindi pa rin niya inaalis sa harapan ko ang makinang at kulay gray na damit na kulang na lang ay isinuot niya saakin.
"para saan ba kasi 'yan, kailangan pa ba niyan? " tanong ko.
"oo naman, ano ka ba. Mag mumukha kang manang kung hindi mo 'to susuotin." pagkumbinsi niya saakin.
Nagkamot ako ng ulo saka pinag-isipan kung tatanggapin ba ang sleeveless na dress na ibinigay niya saakin.
Sa palagay ko ay wala namang mali sa pagsusuot ng sexy dress paminsan-minsan.
Tinanggap ko na lang ang dress niya at umuwi na ng bahay, kung bakit pa kasi kailangan naming pumunta sa disco-han na 'yon e!
Pagsapit ng gabi ay sinundo na ako ni Aileen para raw ayusan sa bahay nila.
"ba-bye po aling Ester, ihahatid ko na lang po si Eirine." paalam niya kay mama.
"mag iingat kayo ro'n." paalala saamin ni mama.
Tumango lang kami saka lumabas na ng bahay, hindi nga sana ako papayagan ni mama na mag suot ng ganito ka-hapit na damit kung hindi lang siya pinagalitan ni papa.
"oh sige ipikit mo yung isa mong mata." sabi ni Aileen habang nilalagyan ng kolorete ang talukap ng mata ko.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi nga nagkamali si Aileen na bagay saakin ang mag make up.
"basta huwag kang hihiwalay saakin mamaya ha." paalala niya saakin.
Tumango lang ako saka tumayo na ng tapos na niya akong ayusan, inilugay ko lang din ang tuwid kong buhok.
Pumunta na kami sa lugar kung saan gaganapin ang disco at sobrang daming tao, tama nga si Aileen, walang sino man ang nandito na nagsuot ng pang manang na damit.
Kita ko sa buong paligid ang mga kapitbahay naming dumayo rin dito, nagsuot din sila ng magagarang damit, sayaw sila nang sayaw kasabay ang malakas na tugtog na nanggaling sa malaking speaker sa stage.
May mga nakikita naman akong table, may mga nakaupo rin do'n, ang mga nasa madilim na bahagi naman ay hindi na nakikita, nakikita lang sila kung kailan matatamaan ng LED lights ang mga mukha nila.
Pero kahit isa sa kanila wala akong makilala, siguro dahil masyado nang madilim sa buong paligid.
Hinila ako ni Aileen kung saan may mga nagsasayawan, muntik pa akong mabangga nung babaeng naka-itim na tube habang hila-hila yung isang lalaki, sinamaan pa ako ng tingin!
Hindi ko na lang siya pinansin at sumunod na lang kay Aileen.
"um, Aileen uwi na tayo." inosenteng sabi ko.
"ano ka ba! Hindi pa nga tayo nakaka-kalahating oras dito oh." pagrereklamo niya habang sumasayaw sa gitna ng sayawan kasama ang mga taong nakidayo rin.
Nag paalam muna ako kay Aileen na uupo dahil halos mamanas na ang mga paa ko kakatayo para antayin siyang tumigil sa pagsumayaw.
Umupo ako sa isang puting monoblock chair, hindi ko masyadong kita ang ginagawa ni Aileen banda sa pwesto ko, pero kitang-kita ko kung paano halikan ng isang lalaki ang babae habang naka-sandal ito sa dingding malapit sa gilid ng stage.
Iginagala nito ang mga labi niya kahit saan niya gusto, pati na rin ang mga malilikot niyang kamay ay hindi mapakali.
Lumunok ako saka umiwas ng tingin, mga walanghiya!
Dito pa talaga nila ginawa ang milagro nila.
Ilang sandali lang ay dumating si Aileen para iabot saakin ang isang alak.
"Oh Eirine, i-try mo. Bigay ng anak ni mayor 'yan!" Nakangiti niyang sabi.
May panunukso sa mga mata nito na ipinagsalawang bahala ko na lang.
Pero bumaling ang tingin ko sa hawak niyang alak.
"Eh... Hindi naman ako umiino—"
"Ano ka ba naman Eirine! Nasa panahon ka pa rin ba ni kopong-kopong?" Putol niyang tanong saakin.
Gusto kong mainis sa kaniya pero may kung ano sa loob ko na gustong subukan ang ibinigay niya.
Sa curiosity ko ay tinanggap ko na lang ang ibinigay niyang alak, sinubukan ko itong tunggain gaya ng pagtungga na nakikita ko sa mga palabas sa tuwing iinom sila ng alak.
Gumapang ang init at pait nito sa lalamunan ko kasabay no'n ay pag ubo ko.
"Pwe! Ang pait pala niyan." Sabi ko kay Aileen.
"Masasanay ka rin 'no. " Pagtutol niya sa sinabi ko.
Naiinis na ako sa kaniya dahil kanina niya pa ako tinututulan.
Iniwan na ako ni Aileen at nakita kong bumalik ulit siya sa mga taong nagsasayaw, napailing na lang ako sa pagiging wild niyang sumayaw.
Habang ako ay naiwan sa kanina ko pa kinauupuan ay biglang nahagip ng mata ko si Arlo, ang siga sa school namin.
Pero bakit siya andito?
Ang akala ko ba high class ang gusto niyang bar napuntahan, tsk.
Matagal ko na siyang hinahangaan pero wala akong lakas ng na lumapit sa kaniya, dahil na rin siguro sa hindi niya rin naman ako papansinin at alam kong pagtatawanan lang nila ako masama ng mga barkada niya.
Sumasayaw din siya kasama ng iba pang tao tingin ko ay kasama niya ang mga kaibigan niya, kita ko sa mukha niya ang pag ngisi ng napatingin siya saakin na agad ikinabigla ko.
Hindi niya ako tinitignan ng gano'n... Ni ayaw niyang magdikit ang mga balat naming dalawa.
Napakurap-kurap ako pero nawala rin siya sa paningin ko ng idinilat ko ulit ang mga mata ko.
Hinanap ko siya pero hindi ko na siya makita, tumayo ako para sana hanapin kung asan siya nagpunta pero hindi kinaya ng ulo ko at bigla na lang umikot ang paningin ko.
Napadaing ako sa kirot na naramdaman ko, kainis!
Tumayo pa rin ako at naglakad para hanapin siya nakita kong may isang lalaki ang nakatayo malapit sa sagingan, medyo malayo na 'to sa party pero sinundan ko pa rin kung saan siya pupunta.
Lakas loob kong tinahak ang daan palapit sa sagingan, hindi ko na rin alam ang ginagawa ko dahil na rin siguro sa tama ng alak.
"Eirine!"
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa likuran ko.
Sinulyapan ko kung sino ang tumawag saakin at nakita kong patakbong lumapit saakin si Aileen.
"ano ka ba naman! Sabi ko naman sa'yo huwag kang lalayo sa tabi ko 'di ba?" galit niyang sabi.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay tumingin ulit ako sa direksyon kung asan ko nakita kanina si Arlo, sigurado akong siya yung nakita ko.
---
ARLO'S POV
Maingay at masyadong maraming tao sa lugar na 'to, dito piniling mag pa-party ni daddy dahil malakas siya pagdating sa botohan sa lugar na 'to.
Ang alam ko ay dito nakatira si Eirine, ang manang ng university namin.
Napatawa ako sa mga naiisip ko pero nawala rin ang tawa kong iyon ng makita ko si Eirine.. Nakatingin din siya saakin.
Nakasuot siya ng sleeveless gray na dress, nakalugay din ang buhok niya.
Ngayon ko lang nakitang nag-ayos ang manang na 'to, i swear to god na kahit anong ganda niya ay hindi ko pa rin siya magugustohan.
Parehas lang sila ng ex kong si Astraea, gold digger.
Kaya kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang babaeng 'to, masyado siyang maamo at hindi mo aakalaing pera lang ang habol sa'yo. Tsk.
Ngumisi lang ako sa kaniya saka umiling at umalis na sa party para umuwi, masyado na akong na su-suffocate sa amoy ng mga tao rito.