Pagkatapos ng klase namin ay dumiresto agad kami ni Aileen sa library ng school, buong maghapon akong babad sa mga librong binabasa ko sa library.
Bukod sa iniiwasan ko si Arlo at Anteros ay kailangan kong humabol sa mga na-missed kong mga subjects kahapon.
Aish!
Bakit pa kasi ako umabsent kahapon e, ang duwag-duwag ko talaga pagdating sa Arlo na 'yon!
"e, Eirine. Bakit nga pala iniiwasan mo si Anteros?" biglang tanong ni Aileen.
Ako naman ay napatigil sa librong binabasa ko staka tumingin sa kaniya at kinunotan siya ng kilay.
"ano bang sinasabi mo? Hindi ko siya iniiwasan 'no!" may halong pagkainis sa boses ko.
Ewan ko ba, sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Anteros ay hindi ko maiwasang mainis.
"hay nako, the more you hate, the more you love! Hahaha!" tumawa siya ng pigil at halos hindi maipinta ang mukha niya dahil sa matinding pag tawa.
Napapatingin saamin ang mga kalapit naming upuan sa library dahil sa mala-chanak na tawa niya.
Anong nakakatawa sa sinabi niya?
Kahit ang isang taong gulang na bata ay hindi matatawa sa biro niya e.
"tsk, tumigil ka na nga at magbasa na lang diyan!" inirapan ko siya saka ibinalik ang paningin sa librong binabasa ko.
"oh, Aileen andito ka pala."
Napatigil ako sa boses na tumawag sa pangalan ni Aileen.
Napasulyap ako sa kung sino ang nagsalita at nakita ko kung paano nag slow-motion na lumapit saamin si Anteros.
"oy Anteros!" masayang bati ni Aileen sa kaniya, medyo napalakas pa ang boses ni gaga kaya nagtinginan nanaman ang mga studyante saamin.
Mabuti na lang talaga at medyo malayo kami sa librarian kung hindi baka na-ban na kami rito.
Napansin naman ako ni Anteros kaya mas lalong lumaki ang kaninang malungkot niyang ngiti, nakita ko rin ang dala niyang paper cup na sa tingin ko ay kape.
"hi Eirine! Kailangan mo ng tulong ko?" tanong niya naman.
Tsk!
Anong tingin niya saakin, tanga?! Bobo?!
Umiling naman ako at ngumiti. "nako hindi na, kaya ko naman na 'to!"
Lumapit naman siya saakin at sinilip ang ginagawa kong pagsusulat sa notebook ko.
"are you sure that you don't need help?" tanong niya ulit. "mahirap ang subject na research, try mong humingi ng tulong saakin at hindi kita tatanggihan." sabay ngiti niya ng malaki.
Kahit na siya ang pinaka-matalino sa klase namin ay hindi ako magpapatulong sa kaniya 'no!
Tanging tango at ngiti na lang ang isinukli ko sa kaniya.
Ang awkward ng mga pinagsasabi niya, nabarang ba 'to?
Nagsalita pa siya na ikinabigla ko naman.
"ah, btw. I got you a vanilla latte. I know you like those. " saka niya iniabot saakin ang paper cup na may takip na itim na cover, may nakatatak din ditong kulay green na drawing.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatulala lang ako sa kapeng inilagay niya sa harapan ko sa ibabaw ng table kung saan kami nakaupo ni Aileen.
"ehem." kunwaring umubo si Eirine.
Paano nalaman ni Anteros ang paborito kong kape?!
Saka ko tinignan si Aileen na ngayon ay pangisi-ngisi na saakin.
"oh Eirine mag ingat ka ha, mainit 'yan." saka ko narinig ang nakakalokong tawa ni Aileen.
Arghhh!
Anong nakain niya at naisipan niyang sabihin ang tungkol saakin kay Anteros?!
"ah sige mauna na ako ha, baka naaabala ko na kayo e." biglang sabi ni Anteros habang nag kakamot ng ulo niya.
Tatalikod na sana siya pero bigla akong napatayo at natawag ko ang pangalan niya.
"A-anteros!"
Napaharap ulit siya saamin.
Nagtinginan naman ang mga studyante sa library.
"um, may kailangan ka pa ba Eiri—"
"s-salamat sa kape..."
Pinutol ko na siya at nagpasalamat staka umupo ulit, napansin ko kasing nagtitinginan na ang mga studyanteng kasama namin sa loob ng library.
Hindi ko na siya tinignan pagkaupo ko at nagkunwaring nagsusulat kahit na ang totoo para na akong tangang balisa sa kinauupuan ko.
Nang mapansin kong wala na siya sa harapan namin ay doon ko lang ulit itinaas ang ulo ko at hinanap kung saan nagpunta si Anteros.
Akala ko nakalabas na siya ng library, putek hindi pa pala?!
Nakita ko kung paano niya ako tignan at kung paano siya napaiwas ng tingin saakin.
Napatakip tuloy ako ng libro sa mukha ko.
Kainis!
Kainis!
"hoy Eirine, ano ba nangyayari sa'yo? " tanong niya.
Bigla kong naibaling ang topic kay Aileen.
"Aileen naman e, bakit mo naman sinabi kay Anteros ang paborito ko?!" pasigaw pero pigil kong sabi.
"e kasi naman Eirine...."
"ano?!" tinaasan ko siya ng kilay.
"nagtatanong kasi siya kahpon nung absent ka kung anong mga paborito at gusto mo, kinukulit niya ako kaya napa-amin na lang din ako." nakayuko niyang sabi.
Na-guilty naman ako sa ginawa kong pagsigaw kay Aileen kaya nawala na rin ang inis ko sa kaniya.
"u-uwi na tayo, tara. " napatayo ako at iniligpit lahat ng gamit ko saka patakbong lumabas ng library, narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko magawang lumingon dahil sa sobrang kahihiyaang nakita ko sa mga mukha ng schoolmates namin.
Heartthrob si Anteros sa campus namin kaya imposibleng wala ring magalit saakin dahil sa nangyari ngayon.
Halos magkapantay sila ni Arlo na maraming admirer, siguro sumobra lang ng konti kay Arlo dahil na rin siguro sa maganda niyang katawan.
Pagkalabas ko ng pinto ng library ay napatigil ako dahil sa nakita ko.
Nakita kong naglalakad sa hallway si Arlo pati na rin ang mga barkada niya sa basketball, nagtatawanan sila habang si Arlo ay diresto ang mukhang nakatingin saakin.
Hindi niya manlang inalis ang tingin niya saakin kahit na tinatawag na siya ng mga kaibigan niya.
"oo nga pala Arlo, nakailang shots ka kagabi?" narinig kong tanong ni Sweven kay Arlo, isa sa mga barkada niya.
Nagtawanan naman sila pero hindi umimik si Arlo hanggang sa malagpasan nila ako.
Anong problema ng lalaking 'yon at masama ang tingin saakin?
Tsk, makauwi na nga!
"oy Eirine! Teka lang naman nakalimutan mo yung binigay na kape sa'yo ni Anteros kaya binalikan ko muna." rinig ko ang malungkot niyang boses.
Sinulyapan ko ang hawak niyang paper cup na binigay saakin kanina ni Anteros.
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. "sa'yo na 'yan, inumin mo na. Wala ako sa mood magkape." pagtanggi ko kahit na ang totoo ay kapeng-kape na ako.
Ayoko kasing tanggapin sa sarili ko na hindi si Arlo ang nagbibigay saakin ng mga bagay na gusto ko at siya sana ang magbigay.
Naglakad na kami palabas sa gate ng school, madalim na ang langit at tanging bituin nalang ang nakikita ko kasama ang sunod nang sunod na buwan saamin.
Bago kami lumabas ng gate sumulyap muna ako sa maingay na court dala ng pag-papractice nila Arlo, malapit na rin kasi ang competition kaya batak sila kung mag practice.
"um... Eirine." binasag ni Aileen ang katahimikan habang naglalakad kami sa maingay at mataong lugar pauwi.
Tinignan ko lang siya saglit saka ulit ibinaling ang atensyon sa kalsada.
"kanina ka pa tahimik simula pagpasok natin sa school hindi ka nagsasalita, ayos ka lang ba?" tanong niya.
Hindi muna ako umimik at huminga ng malalim.
"oum." tumango-tango pa ako.
"mukha kasing hindi." tipid niyang sabi.
"pagod lang. I'm just so, so tired, Aileen."
Wala talaga akong lihim na hindi nabubunyag kay Aileen, kainis!
"edi magpahinga muna tayo, halika." hinawakan niya ang wrist ko saka ako hinila papunta sa walang tao'ng waiting shed.
Pero bago kami umupo ay tumigil ako sa paglalakad.
"oh, bakit ka tumigil akala ko ba pagod ka?"clueless pa rin siya.
Minsan gusto ko na lang umiyak bigla dahil hindi ko alam kung paano i-eexplain ang nararamdaman ko.
Gusto ko iyakan si Arlo!
Gusto ko ring iyakan si Aileen dahil sa sobrang manhid at inosente ng pag-iisip niya.
Habang tumatagal mas nagugustohan ko si Arlo at wala akong magawa dahil isa lang akong hamak na mahirap na studyante at isang anak ng vendor!
Tumulo bigla ang luha ko pero hindi ko iyon magawang punasan.
Mula sa isang patak ng luha, hanggang sa patuloy na pag agos nito sa aking mga mata.
"it really hurts, Aileen." iyak kong sabi. "ibang pagod ang ibig kong sabihin." dugtong ko pa.
Hinila niya ako paupo sa waiting shed at pilit na pinipigilan ang pagtagas ng luha sa mga mata ko.
"shh, taha na... Hindi mo naman kasi nilinaw e." sabi ni Aileen habang hinaplos ang buhok ko. "alam kong nasasaktan ka."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
Ang daya-daya!
Bakit alam na alam ni Aileen ang tungkol saakin?!