Ilang araw ang lumipas at madalang ko na lang makita sa Arlo, ang palagi namang nanggugulo saakin ay si Anteros.
Tulad ngayon, kung saan-saan niya kami inikot dito sa loob ng mall, e silang dalawa lang naman ni Aileen ang nag e-enjoy e!
Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa kanila, sa mga tawanan nila habang pinaglalaruan ang mga flushies dito sa pinuntahan naming playgroud sa mall.
Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay may gusto si Aileen kay Anteros kaya siguro gustong-gusto niyang palaging kasama si Anteros.
Nawala ako sa pag iisip nang nagulat ako sa tumabi saakin.
"okay ka lang? kanina ka pa tahimik e." sabay tawa niya ng awkward.
Hindi ko naman maiwasang ikutin ang eyeballs ko at magpakawala ng buntong hininga.
"okay lang ako." walang gana kong sabi.
narinig ko naman agad ang pagtawa ni Anteros na siyang ikinalingon ko sa kaniya.
"ano?" tanong ko saka tinaasan siya ng kilay. "anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko ulit.
"ang cute mo kasi kapag galit ka." ngumingisi niyang sabi.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at naibalik ko bigla ang tingin ko kay Aileen.
"alam mo para mawala ang pagkainit ng ulo mo?" tanong niya ulit saka ko ulit siya nilingon.
Inantay ko susunod niyang sasabihin pero hindi ko aakalaing mabibigla ako sa sasabihin niya.
"go out with me. please."
"Eirineee!" narinig ko agad ang boses ni Aileen.
Tumayo agad ako sa kaba at nilapitan siya.
"andiyan na!" sabi ko.
Naramdaman ko naman na sumunod si Anteros.
"b-bakit?" utal kong tanong kay Aileen nang makalapit ako sa kinaroroonan niya.
"gusto mo ba ng kwintas na 'to?" nakangiti niyang sabi.
Itinuro niya ang kwintas na may ibon at blue ball sa baba, nakasulat sa loob ng pendat na ibon ang pangalan nitong 'blue bird'.
"hi ma'am gusto niyo po bang isukat ang Limited Edition naming blue bird necklace?" tanong saamin ng sales lady.
"opo, opo! gusto po naming itry." sagot agad ni Aileen.
Wala na akong nagawa kundi isukat at tignan sa salamin ang silver necklace.
Ang ganda niya at bagay na bagay saakin.
"ano Eirine? kukunin ko na ba ito? ako nang bahala sa bayad." masaya niyang sabi.
Tumingin ako sa kniya pero nakita ko lang ang mga titig saakin ni Anteros sa likuran ni Aileen kaya napaiwas ako bigla ng tingin.
Tama na 'to!
Alam kong may gusto si Eirine kay Anteros kaya hindi pwedeng pumayag ako sa tanong niya saakin!
"Eirine ang ganda ng kwintas, bagay na bagay sa'yo." narinig ko ang boses ni Anteros.
"kaya nga e, hihi. Eirine halika pipicturan kita." sabi ni Aileen.
Pinaharap niya ako sa kaniya at nakita kong inilabas niya ang cellphone niya, ramdam na ramdam ko naman ang titig saakin ni Anteros na siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"ah... Aileen halikana, umuwi na tayo medyo sumama kasi ang pakiramdam ko e." pagkukunwari ko.
Hindi ko na inantay ang kung ano mang isasagot niya, basta ko na lang siyang iniwan sa harapan ni Anteros, sa loob ng jewelry shop.
"oy teka!" rinig kong tawag saakin ni Aileen.
Nagmamadali akong lumabas ng mall dahil parang hinahabol ako ni kamatayan sa loob.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Nasaktan na nga ako ni Arlo tapos masasaktan ulit ako kay Anteros?
Aish!
Ano bang iniisip mo Eirine!
Niyugyog ko ang ulo ko at sakto namang dumating si Aileen.
"hayyy.... ang... bilis... mong t-tumakbo my friend..." hinihingal niyang sabi.
"umuwi na tayo." sabi ko saka lumakad papuntang sakayan.
Naramdaman kong hinahabol ako ni Aileen at alam kong may gusto siyang sabihin.
"Eirine, teka lang!" sigaw niya na siyang ikinatigil ko sa paglalakad.
"ano?" hinarap ko siya at binigyan ng nakakairitang tingin.
"ano kase... hindi ko nasabi sa'yo 'to kasi baka anong gawin mo..."
"ano ba kasing sasabihin mo, Aileen." pangungulit ko.
"kasi ano... grade 12 na tayo next year hindi ba?"
"so?" tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"ano kasi... si Arlo."
Tumaas ang balahibo ko sa sumunod na sinabi niya.
"partner mo si Arlo sa mga gagawing activities para kakapasa for upcoming school year."
Nawindang ako at biglang bumaba ang mga balikat ko.
"ano?!"" sigaw ko. "Aileen naman! hindi ba tayo ang palaging magkasama sa mga ganiyang bagay?!" galit kong sabi.
"wala akong nagawa e, si Sir Patrick kasi ang pumili ng mga mag partners."
Sa galit ko ay iniwan ko siya sa daan at dumirestong mag hanap ng jeep pauwi.
Nakakainis!
Wala akong magawa sa mga nangyayari, ayokong makaharap si Arlo, kaya nga ayaw ko siyang maging partner e!
Nang humupa ang galit ko ay saka ko lang narealize na iniwan ko pala si Aileen sa harapan ng mall kanina... pero huli na.
Nasa tapat na ako ng eskinita namin.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.
Ngayon ay sa sarili ko naman ako galit.
Kasalanan 'to nung Arlo na 'yon!
Sigurado akong galit saakin si Aileen, paniguradng hindi niya ako papansinin bukas.
"ano ka ba huwag mo ngang kunin ang French fries ko!" narinig ko ang isang pamilyar na boses galing sa hindi kalayuan sa eskinita ng bahay namin.
"haha!! penge lang naman napadamot mo."
Si Anteros?
Kaya naglakad ako ng kaunti para masigurading si Aileen at Anteros nga iyon.
"Eirine!" tumatakbong pinuntahan ako ni Aileen. "Eirine pasensya na, natagalan ka ba sa pagaantay? eto kasing si Anteros nilibre muna ako."
Nagkatitigan kami at gusto kong sapukin ang nakakapikon niyang titig saakin.
"oh sige Eirine, i have to go. kita na lang tayo bukas." palaam ni Anteros saka kami tinalikuran at naglakad papalayo saamin.
Kumapit naman sa braso ko si Aileen at parang kinikilig.
Kaya siguradong-sigurado akong may gusto si Aileen kay Anteros ay dahil sa mga kilos niya kapag umaalis si Anteros sa harapan namin.
"ang pogi pala ni Anteros sa malapitan, Eirine! hihihi" kinikilig niyang kwento.
Umikot bigla ang mga mata ko dahil simula pagpasok ay wala akong ibang narinig kundi Anteros at Arlo lang, kelan ba magsasawa ang mga tao sa school sa mga pangalan nilang nakakasuka?
Hays, sana hindi ako matulad sa kanila.