Isinulat ni Jeaneisgracious
Isang linggo na matapos ang pag ko-confess saakin ni Arlo at pakiramdam ko hanggang ngayon ay nakalutang pa rin ako sa langit.
Isang napakalaking achievement para saakin ang mapa-amin ang long term crush ko, kaya naman pagkapasok ko ng school ay dinalhan ko siya ng paborito kong ulam, ako pa mismo ang nagluto dahil gusto kong matikman niya kung gaano ako kasarap magluto.
Nagtanong pa nga si mama kung para kanina ang niluluto ko kaya ang sinabi ko na lang ay para kay Aileen.
"paksiw?! Nako naman Rine, bakit naman paksiw ang naisip mong iluto kay Arlo?" bungad agad na sabi saakin ni Aileen nang malaman niyang pinagluto ko si Arlo ng paborito kong ulam na paksiw na bangus.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko ng marinig ko ang sinabi ni Aileen.
"eh kasi... Eto lang naman ang alam kong madaling lutuin e." mahina kong sabi.
Narinig kong bumuntong hininga siya kaya napa-angat ako ng tingin, sakto namang nahagip ng mga mata ko si Arlo.
Ayos na ayos ang buhok niyqla at parang buhok ni Dao Ming Si ang ayos nito, naglalakad siya papunta sa isa sa nga building ng campus namin habang naka-sukbit sa braso niya ang itim niyang bag.
Ayos na ayos ang suot niyang puting polo uniform, sa sobrang puti nga nito ay tinalo niya ang tide magtanggal ng mga mansta, kitang-kita rin ang id lace niya na nakasukbit sa leeg niya.
Biglang kumalabog ang dibdib ko at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa Tupperware ng paksiw na bangus.
"Eirine!" rinig kong tawag saakin ni Aileen.
"Aileen...s-si Arlo..." ang tangi ko lang nasabi habang nakatitig sa naglalakad na si Arlo, saka ako patakbong lumapit sa kaniya dala ang Tupperware.
Muntik pa akong mabangga ng isang lalaki at muntikan na akong masubsob sa lupa, kung nangyari 'yon ay mapapahiya nanaman ako sa buong campus lalong-lalo na kay Arlo.
Ngayon pa na nag-confess na siya saakin?!
Palapit na sana ako sa kaniya pero bigla kong nakita sa gilid ng mga mata ko si Elowen at ang mga kaibigan niyang ubod ng kapal ang make up, hindi ko sila pinansin pero huli na ng malaman kong tinisod pala nila ako.
Natisod ako habang papalapit kay Arlo dahilan para madapa ako kasama ng paksiw kong bangus.
Tumalsik ang Tupperware pati na rin ang ulam na niluto ko para kay Arlo.
Narinig kong nagtatawanan nanaman sila na parang mga buang pero hindi ko iyon pinansin, narinig kong tinawag ako ni Aileen habang tumatayo ako, naramdaman ko na lang na yakap-yakap na niya ang balikat ko.
Gusto kong umiyak sa nangyari at manghingi ng tawad kay Arlo, pero huli na, nakita kong puno na ng sabaw ng paksiw at sibuyas ang damit niya.
Nakita ko ang matalim niyang titig saakin at ang pag-igting ng panga niya.
"Eirine, ayos ka lang?" hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus ay nakipag-titigan pa rin ako kay Arlo.
"what the hell is wrong with you?!" sigaw niya saakin ma siyang ikinagulat ko.
Lumunok ako at akmang lalapitan siya para sana punasan ang natapon na sabaw sa kaniya pero umatras siya.
"i-I'm sorry, A-Arlo..." iyak kong sabi.
Narinig kong nagtawanan sila Elowen sa likuran namin at nakita kong ibinaling saglit ni Arlon ang tingin niya sa kanila at ibinalik din saakin
"ano na ngayon? Are you going to cry now? " sarkastiko niyang sabi saakin.
Kilala si Arlo bilang malakas na bully sa campus na 'to, kaya hindi ako magtataka kung marami ang nakatingin ngayon at pinapanood lang ang kahihiyan nagawa ko.
"halika na Eirine." pagkumbinsi saakin ni Aileen pero hindi ko siya pinakinggan.
Tinignan ko ang paanan ko at nakita kong natapon ang iilang pirasong isda na niluto ko pa ng sobrang aga, nawala lahat ng sayang gusto ko sanang ipakita sa kaniya.
Galit lang siguro siya dahilan natapunan ko siya ng mabaho at maasim na amoy ng ulam pero alam kong gusto niya pa rin ako.
"pasensya na talaga Arlo, g-gusto ko lang naman ibigay sa'yo ang dala kong pagkain." paghingi ko ulit ng tawad habang nakayuko pa rin.
Narinig ko ulit na tumawa siya ng mahina kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya, nakangisi na siya ngayon at titig na titig saakin.
"you're so pathetic! I won't forget this." may pagbabanta sa boses niya bago siya umalis.
Tinalikuran niya ako habang hinuhubad ang polo uniform na suot niya saka itinapon sa lupa at iniwan ro'n na parang basura lang.
Ako na lang siguro ang bahalang maglaba ng damit niya, tutal ako naman ang mag kasalanan bakit uminit ang ulo niya saakin.
Kaya mula sa pagkakatayo ay lumakad ako papalapit sa lugar kung saan inihagis ni Arlo ang uniform niya, narinig ko pa ang sinabi ni Elowen sa mga kaibigan niya kahit obvious naman na ako ang pinaparinggan niya.
"you always ruin everything." saka siya tumawa kasama ang mga kaibigan niya at maarteng umalis kung nasaan kami kanina.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dinampot ang uniform ni Arlo, mahigpit ko iyong hinawakan saka ko iyon ipinasok sa bag ko.
Nawalan ako bigla ng ganang pumasok sa klase pero kailan kong makapasok ngayon dahil ngayon ang exam namin.
Kaya dahil sa no choice ay sabay kaming pumasok ni Aileen sa classroom namin.
Nakita ko pang biglang tumingin saamin ang mga classmates namin saka nagbulongan.
"hayaan mo na sila." bulong saakin ni Aileen saka ako inalalayang umupo sa upuan namin.
Si Aileen lang palagi ang maasahan ko sa campus na 'to.
Hinanap ng mga mata ko si Arlo pero hindi niya ako tinapunan kahit na isang kusing na tingin, kahit na rinig na rinig naman niya ang pangalan ko dahil sa mga nagbubulongan naming mga classmates.
Paano kung hindi niya naman talaga ako gusto?
Gano'n ba talaga ang pagmamahal?
Nananakit?
Kailangan kang masaktan?
Bumuntong hininga na lang ako saka inilabas ang alcohol na dala ko dahil nasugatan ang tuhod ko kanina nang madapa ako.
Bwesit na Elowen 'yan, alam kong sinadya niya ang lahat para mapahiya ako kay Arlo!
Makakaganti rin ako sa maganda pero walang utak na babae na 'yon!