Isinilat ni Jeaneisgracious
Pagkatapos ng exam namin ay pinauwi agad kami, kailangan ko pang hanapin kung asan si Arlo, pero sigurado naman ako na nasa gym na iyon at nag pa-practice ng basketball.
"sure ka bang mauuna na akong umuwi?" tanong saakin ni Aileen habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"oo, hayaan mo mabilis lang ako." ngumit ako sa kaniya.
"kasalanan lahat 'to nung bruhang Elowen na 'yon e! Mukha siyang bruha!" galit na sabi ni Aileen.
"hayaan mo na, alam kong kapag naging kami ni Arlo ay tatahimik din ang isang 'yon." confident kong sabi.
Umikot-ikot pa ako sa corridor na parang prinsesa at nagiimagine na nakasuot ng malaki at magandang gown.
Pero kung mamalasin ka nga naman!
Narinig ko ang pinaka-pangit at pinaka-nakakadiring boses sa balat ng campus na 'to.
"oh, hindi mo naman sinabi na pati ang pagfe-feeling prinsesa ay kinareer mo na?" sarikastiko niyang sabi.
Tumigil ako sa pagikot ko at hinarap ko siya.
"hooooy! Kung sino man dito ang feelingera ay ikaw 'yon!" narinig kong sigaw ni Aileen.
Tumawa sila at parang iniisip nila na mga baliw kami.
Lumapit saakin si Elowen pero hindi ako nagpakita ng pagiging takot sa kaniya.
"layuan mo si Arlo." malamig niyang sabi saka umalis at binangga ang balikat ko, sumunod naman sa kaniya ang mga alipores niya.
Sinabi niya ay nakaramdam agad ako ng insecurities.
Maganda kasi si Elowen, siya ang tipo ng babae na lahat ng lalaki ay mapapatingin sa kaniya, bakit?
Simple lang, may dating ang mga pananamit niya hindi katulad saakin na pati pagsuot ng uniform ay hindi maayos.
Isa pa, magaling mag ayos ng buhok niya.
Eh ako?
Walang-wala ako sa kaniya.
Sa yaman palang nila ay walang binatbat ang pagiging vendor namin sa palengke.
Nawala ako sa pagiisip ng sikuhin ako ni Aileen, hindi ko alam na simula pala pag-alis nila Elowen ay nakatitig ako sa kaniya.
"ano ka ba, huwag mo na gang isipin ang ipis na 'yon." may panguuto sa boses niya.
Alam ko namang pinapalakas lang niya ang loob ko.
Nawala na tuloy ako sa mood para puntahan si Arlo, pero hindi pwedeng matapos ang araw na 'to nang hindi ko siya nakakausap!
"ah... Sige Aileen ha, mauna ka na." pag-iiba ko ng usapan saka tumakbo papunta sa gym.
Hindi ko na siya inantay na magsalita dahil alam ko namang aasarin niya lang ako.
Pagkadating ko sa gym ay marami parin pala ang studyante ang nanonood sa kanila, palubog na ang araw pero wala pa rin silang tigil kakalaro.
Inilibot ko ang mata ko at nakita kong break time na Arlo, umiinom siya ng tubig mula sa water bottle niya may hawak-hawak din siyang puting panto.
Naalis ang tingin ko sa kaniya ng makita kong lumapit sa kaniya si Elowen at napuno ng bulongan ang gym ng mga students na nanonood sa practice nila, hindi iyon pinansin ni Arlo bagkus ay tumayo agad siya mula sa pagkakaupo niya staka kinuha ang bola at nagsimulang magpractice ulit.
Sa bawat galaw na ibinibigay niya sa paglalaro ay pakiramdam ko ay kaming dalawa lang sa buong gym, kami at ang bolang hawak-hawak niya.
Nawala rin agad ang pag iisip ko ng bigla kong maramdaman ang malakas na pwersa galing sa harapan ko at nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa lupa.
Arayyyy, ang sakit ng pwet ko!
Inangat ko ang paningin ko at tinignan ang kung sinong panget ang bumangga saakin, pero hindi pala pangit, maganda at dyosa pala.
"nakaharang ka kasi sa daraan ko, kasalanan mo 'yan." mataray niyang sabi saka umalis at nakasunod nanaman ang mga kaibigan niya sa kaniya habang nakatingin saakin.
Nakita ko ang tingin ng mga schoolmates namin na parang hinuhusgahan din ako, ganiyan ako titigan ni Arlo.
Puro panlalait.
Napansin kong may kamay na nakaharang sa mukha ko kaya inangat ko ang tingin ko at nakita ko nanaman siya... Nakita ko nanaman si Anteros.
Ilang segundo ko pang tinitigan iyon hanggang sa mapagdesisyonan kong tumayo pero sumakit bigla ang balakang ko.
"can you walk?" tanong niya.
Aalalayan niya pa sana ako pero tumangi ako.
"ayos lang ako." nahihiya kong sabi.
Kahit na hirap na hirap at gusto kong umiyak sa sakit ay pinilit kong maging normal sa harapan niya.
Paano niya nagagawang maging mabait saakin?
Naramdaman kong nakatitig siya saakin habang pinapagpagan ko ang palda ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Ang bilogan niya agad na mga mata ang bunungad saakin, ang ganda pala ng mga mata niya sa malapitan hazel ang kulay ng mga mata niya ang alam ko ay may lahing western si Anteros pero hindi ako masyadong tutok sa issue niya dahil mas tutok ako palagi kay Arlo.
Nawala ang titigan namin sa isa't-isa nang may marinig kaming pito kasabay no'n ang pagtawag sa apilyedo ni Anteros.
Sabay kaming napatingin sa kung sinong pumito
"Sguerra! Last game na 'to para makauwi na kayo!" sigaw ng coach niya.
"yes coach!" sigaw niya pabalik.
Ibinaling ulit ni Anteros ang paningin niya at nakangiti na siya ngayon, nagpaalam na siya saakin saka patakbong lumapit sa coach niya.
Nakita ko pang nagtinginan ang mga babaeng kanina pa pala nanonood samin.
Binigyan nila ako ng maasim na tingin pero hindi ko iyon pinansin, ano namang pake nila?!
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Arlo ay galit na siyang nakatingin kay Anteros.
Hala, anong nangyari ro'n?
Habang nakatitig ako kay Arlo ay parang may kung anong malakas na pakiramdam ang bigla na lang nagparamdam sa dibdib ko.
Malakas ang kalabog nito, parang naghahabulan ang kung anong meron dito.
Bigla siyang napatingin saakin na ikinabalik ko sa sarili ko, iba ang tingin na 'yon.
Katulad iyon ng tingin niya mang makita ko siya sa barrio namin.
Maitim ang aura niya ngayon at parang may kung ano siyang balak gawin.
Hindi ko pa man nahuhulaan ang iniisip ko ay bigla na lang akong nakarinig ng sigawan.
"ahhhh!!! Anteroooos!"
Sigawan ng mga kasama kong babae sa gym, dahil sa dami nila ay natulak na nila ako papasok ng gym hanggang sa umabot kami sa loob ng gym at napapalibutan na namin ang basketball team, kasama roon sila Anteros at Arlo.
Tinignan ko si Anteros at laking gulat ko nang nakabulagta na siya sa sahig ng gym.
"pahingi ako ng ice cubes!" sigaw ng coach nila.
Kita ko ang pagkataranta ng coach niya pati na rin ang team ni Anteros, pero nang tignan ko si Arlo ay hindi ko iyon nakitaan ng kahit ano mang pagsisi.
Doon tumubo ang pagkainis ko sa kaniya.
Paano niya nagagawang ngumisi pang sa harapan ng nadigrasya niya?!
Wala talaga siyang kwentang lalake!
Hindi rin kami nagtagal sa loob ng gym dahil pinalabas kami ng coach nila, masyado raw nawawapan ng hangin si Anteros kahit na napakalaki naman ng gym namin.
Sumabay ako sa paglabas sa mga babaeng ngayon ay nagbubulongan tungkol sa nangyari kay Anteros ar Arlo.
"siguro ay dahil iyon kay Elowen, hindi ba ex ni Anteros si Elowen?" sabi ng isang babaeng payat at matinis ang boses.
Hindi ko iyon pinansin dahil ang utak ko ay nasa loob ng gym.
Paano kung may mangyari kay Anteros?!
Inantay kong maglabasan ang basketball team sa loob, nakita ko namang inaalalayan na si Anteros ng mga ka-teammates niya pero nahagip ng mga mata ko ang mayabang at walang iniiaip kundi ang sarili niya na si Arlo.
Nanggagalaiti ako sa ginawa niya kay Anteros, gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magagawang saktan si Arlo.
Lumapit ako sa kaniya at hinarang siya sa paglalakad, nakita kong natigilan ang teammates ni Arlo sa paglalakad sumunod naman siya.
Malamig niya akong tinignan.
Nginisihan niya ako saka akmang tatalikuran ako pero hinatak ko siya, hindi iyon malakas pero hindi rin iyon mahina sakto lang para mapatigil silang lahat sa paglalakad.
"ano bang problema mo Arlo?!" sigaw ko.
Pakiramdam ko tuloy ay mapapahiya lang ako sa gagawin ko, pero alam kong ang ginagawa ko ay tama.
Hindi pa rin siya nagpakita ng emosyon.
"bakit mo ginawa 'yon kay Anteros?" tanong ko ulit.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"oh, ngayon nagpapaka-bayani ka na rin?" sarkastiko niyang tanong.
Iniinis ba ako ng isang 'to?!
"sagutin mo na lang ang tanon—"
"you know we all hate you, right?" direstong tanong niya.
Tahimik at walang imik ang mga ka-teammates niya sa usapan namin.
Alam kong ayaw nila saakin, pero hindi niya kailangang sabihin at ipamukha pa saakin!
Wala na talagang siyang pag-asang magbago.
Mayabang at mataas na talaga ang tingin niya sa sarli niya.
"hindi 'yon ang usapan natin—"
"get out of my life!" bigla niyang putol saakin.
Mas nasaktan ako sa sinabi niyang iyon, para bang sinasabi niya na hindi totoo ang confession na sinabi niya saakin kahapon.
Was it all a joke?
Binibiro niya lang siguro ako nang sabihin niya iyon.
Sa inis ko ay tumakbo ako palabas ng gate ng campus habang pinupunasan ang mga luhang kanina pa pala tumutulo habang kausap ko siya.
Pailang beses niya na ba akong pinaiyak?!
Ang kapal ng mukha niyang saktan ako!