Chereads / To Wake Up [TAGALOG] / Chapter 7 - P I T O

Chapter 7 - P I T O

Kinabukasan ay hindi ako pumasok, nag dahilan nalang ako kila mama at papa na masakit ang ulo ko pero ang totoo ay ayoko lang pumasok dahil sa nangyari saamin ni Arlo bago umuwi.

Hindi rin ako sumama kay papa sa palengke para magbantay sa tindahan namin.

Masyado akong nasaktan sa inasta ni Arlo kahapin, ang akala ko kasi kapag mahal mo hindi mo sasaktan.

Pero bakit parang baliktad ata ang nangyari saamin?

Para tuloy akong lantang gulay na hindi makabangon mula sa pagkakabaon sa lupa.

Ganito pala dapat ang pakiramdam ng pagmamahal?

Dapat masaktan ka ng sobra?

Hindi ko na siya crush e, mahal ko na siya!

Pero siguro ganito lang sa umpisa, masasanay din ako...

Tanghali na pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko, nihindi pa nga ako kumakain.

Nagulat ako sa sunod-sunod na katok na narinig ko mula sa kahoy na pinto ng kwarto ko.

Agad akong bumangon at pinagbuksan ang kumakatok.

"ano ba! Kanina pa ako katok nang katok ah." galit na sabi ni mama.

"sorry ma..." matamlay kong sabi.

Napansin ata ni mama ang pagiging matamlay ko kaya nilapitan niya ako.

"ayos ka lang?" tanong niya.

Hinawakan niya pa ako sa leeg at noo para icheck kung may lagnat ba ako.

"wala ka namang lagnat ah, ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya ulit.

Nalilito pa ako sa isasagot ko sa kaniya

Kung sasabihin kong oo nagsisinungaling ako, kung sasabihin ko namang hindi mag-aalala siya.

Kaya sa takot kong sumagot ay hindi na ako sumagot sa tanong niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, hindi ako nakatingin sa kaniya dahil natatakot akong baka malaman niya na may problema ako.

Although hindi malaking problema, pero problema pa rin!

"halika nga rito, anak." inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad papunta sa papag kong kama.

Sumunod naman ako.

"ano ba talagang problema at hindi ka pumasok sa school?" tanong niya.

Nahihiya akong aminin sa kaniya dahil masyado na akong matanda para ikwento sa kaniya ang lahat, isa pa hindi ako sanay na magsabi sa kaniya.

"m-masakit po ang ulo ko ma—"

"may sinabi saakin si Ai-ai." putol niya saakin.

Sa gulat ko ay napatingin ako sa kaniya.

"a-ano pong sabi niya?" utal kong tanong.

"may... May nangyari ba sa school niyo? " tanong niya ulit.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayokong malaman niya sa mata ko ang sagot.

Ayokong mag alala siya saakin dahil sa nangyari, para saakin maliit na bagay lang 'yon at kaya kong protektahan ang sarili ko.

"wala po ma." tumayo ako saka kunwareng nag ayos ng kama ko.

Narinig ko ang pagsinghap niya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Pakiramdam ko tuloy inaantay niya na lang akong umamin.

Lumapit siya saakin at naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko.

"mag sabi ka lang..."

Nakita ko ang ngiting ipinakita niya saakin saka ako tinalikuran at iniwan sa kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag ng isinarado niya ang pinto ng kwarto ko saka umupo sa edge ng kama ko.

Hindi ko alam kung paano ako makakapasok bukas ngayon pa na nagkakainitan kami ni Arlo?

Dumating ang kinabukasan at eto nanaman ang mainit na pakiramdam sa dibdib ko na hindi ko mapigilan.

Papasok na ako sa school ngayon dahil hindi pwedeng araw-araw akong absent.

Takot akong makita si Arlo dahil sa nangyari nung isang araw, baka alam na ng lahat ang nangyari saakin.

Baka mapahiya nanaman ako dahil sa kayabangan ko.

Nag asikaso na ako at sinundo na ako ni Aileen sa bahay, palagi kaming sabay na pumapasok sa school.

Tahimik lang kaming dalawa ni Aileen habang nasa loob ng tricycle, walang balak kumibo ang isa saamin.

Alam kong alam na niya na sinabi na saakin ni mama ang nangyari nung isang araw, inaantay ko siyang magsalita para naman hindi ako padalos-dalos sa pagiging bintanggera ko.

Hanggang sa pinutol niya na nga ang katahimikang kanina pa nagkukubli sa loob nitong tricycle na sinasakyan namin.

"um.." tumikhim siya.

Hindi ko pa siya tinatapunan ng tingin at hindi la ako umiimik.

"sorry Rine... Na-nasabi ko sa mama mo ang nangyari nung isang araw." pagtatapat niya.

Tama nga ang hinala kong sinabi niya, pero hindi ko gustong awayin si Aileen kaibigan ko pa rin siya after all.

Si Aileen kasi kapag pinilit siya ni mama hindi niya matiis si mama sa tuwing nagmamakaawa ito sa kaniya!

Lumunok muna ako saka nagisip ng sasabihin pero nagsalita ulit siya.

"I'm sorry Eirine, alam kong galit ka saakin."

Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman ang pamamasa ng mata ko, ewan ko ba bakit ako naiiyak.

Hindi ko alam kung anong dahilan.

Dahil ba sa nasaktan ako ni Arlo?

O dahil sa ginawa ni Aileen?

Ah basta!

"a-ayos lang." tipid kong sabi.

Pagkatapos naman ng sinabi ko ay hindi na niya ulit ako kinausap hanggang sa makarating kami sa school.

Bumaba na kami ng tricycle at saktong kasabay naming lumabas si Arlo galing sa itim at makintab niyang sasakyan at mayabang na naglakad papalapit saamin.

Eto nanaman ang kilig na mararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya, ang tanga-tanga ko talaga!

"hi Eirine." rinig ko ang masayang boses ng isang lalaki saakin.

Nawala sa paningin ko si Arlo dahil humarang sa harapan ko si Anteros.

Ang pogi-pogi niya rin, ang ganda-ganda niya rin magdala ng uniform.

Ganito ba talaga ang mga mayayaman?

"h-hi." tipid kong sabi staka sinilip ang likuran niya para tignan kung andoon pa si Arlo, peri bigo akong masulyapan ulit siya.

Lumingon naman ako banda sa may gate at doon ko nakita kung paano siya pagtinginan ng mga babae habang mayabang na naglalakad papasok.

Tsk, puro kayabang ang alam niya!

"um, sabay na tayo."

Sa sobrang focus ko kay Arlo ay nalimutan kong andito pa pala si Anteros kaya naman sinulyapan ko ulit siya.

Nagtama naman ang mga mata namin dahilan upang mapaiwas agad ako ng tingin.

"sureee! Halika ka sabayan mo kami ni Eirine." ang kaninang tahimik na si Aileen ay bigla namang nagsalita.

Tumango lang ako saka naunang naglakad sakanila, ewan ko ba pero nahihiya akong kasama si Anteros.

Habang papasok kami ng school ay rinig ko ang bulongan ng mga schoolmates namin, sigurado ay alam na nila ang nangyari nung isang araw at wala akong pakealam ro'n.

Natapos ang buong araw namin sa klase pero hindi nagpapakita sa klase si Arlo, pero kumpleto naman ang mga kaibigan niya.

Saan kaya nagpunta ang isang 'yon?

Pero ano bang pakealam mo, Eirine?!

Umirap na lang ako sa kawalan pero narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko, mahina ito pero ramdam mong masaya siya sa nakita niya.

Kinunotan ko siya ng noo at tinanong.

"bakit? Pangit ba ako?" tanong ko.

Mas nakita ko ang ngiti niya na abot tenga na halos mawala na ang bilugan niyang mata.

"nothing..." pailing-iling la siya habang tumatawa. "i just... I just adore you."

....