Chereads / To Wake Up [TAGALOG] / Chapter 4 - A P A T

Chapter 4 - A P A T

ERINE'S POV

Kinabukasan ay nagising na lang akong nakahiga na sa kama ko, naka-bihis na rin ako.

Kinapa ko ang mukha ko kung may makeup pa rin ba ako sa mukha pero burado na rin ito.

Sino kaya ang kasama ko pauwi kagabi?

Mula sa pagkakahiga ay bumalikwas ng tayo para dumiresto sa banyo at mag hilamos ng mukha.

Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa pagkahilong naramdaman ko, siguro ay dala ito ng ibinigay ni Aileen kagabi na alak.

Saka ko lang naalala na siya pala ang kasama ko kagabi, lintek talagang babae 'yon oh!

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako kaagad para kumain ng almusal at pumasok sa skuwela.

Hinanap agad ng mga mata ko si mama, natagpuan ko siyang naglalaba sa labas ng bahay namin.

Lumapit ako sa pintuan at nakita ko siyang hirap na hirap na nagkukusot ng mga damit namin.

"ma..." tawag ko na siyang ikinagulat niya at agad na sinulyapan ako.

Binalik niya rin agad ang tingin niya sa mga nilalabahan niyang damit.

"mag almusal ka na, papasok ka pa." malamig niyang sabi.

Siguro ay nagkatampuhan nanaman sila ni papa, galit pa rin ba siya dahil pinagsabihan siya ni papa kagabi?

E, paano kasi itong si mama ayaw pumayag na sumama ako kay Aileen.

Tumango lang ako kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya saakin.

Dumiresto agad ako sa kusina pero bago ako makapuntang kusina ay nakita ko ang mga kapatid kong natutulog, napangiti ako dahil mala-anghel ang mga mukha nila.

Nagmana kaya sila saakin!

Pagkatapos kong mag almusal ay naligo agad ako at nagbihis dahil maaga akong papasok sa school ngayon, may gaganapin kasing tournament sa school namin at kasama ro'n si Arlo.

Isa rin sa nagustohan ko kay Arlo ay ang galing-galing niyang mag basketball, natutuwa tuloy ako tuwing ausulyap siya saakin kahit na puro panlalait ang ibinibigay niyang tingin saakin.

Nagpaalam na ako kay mama na papasok na dahil baka mahuli ako sa klase ko kahit na ang totoo ay manonood ako ng tournament ni Arlo sa school.

Pagkarating ko ng school ay hiyawan agad ng mga studyante ang narinig ko, rinig na rinig din ang pangalan ni Arlo.

"Arlo, Arlo, Arlo!!"

"whooo number 29!!"

Wala pa ako sa loob ng campus pero parang mabibingi na ata ako.

Papasok na ako ng gate nang harangin ako ng guardia.

"Ms. Saan ang punta mo?" tanong niya saakin.

Tinignan ko naman siya, medyo matangkad siya saakin kaya medyo nakatingala rin ako.

"s-sa loob po sana—"

"mamaya pa ang pasok niyo ah, bakit ang aga mo." putol niya saakin.

Ano ba naman 'to si manong, baka matapos na ang tournament nila Arlo!

"e-e kasi po—"

"papasukin niyo na siya manong, baka gusto niyang manood ng tournament."

Bigla akong nakarinig ng isang boses na hindi pamilyar saakin mula sa likuran ko, masyado kasing arogante at napaka-bigat ng boses niya.

Kaya sa curiousity ko ay bigla akong napatingin sa likuran ko.

Tinignan ko siya nang may gulat sa mukha, tinignan niya lang din ako pero inalis niya agad ang tingin niya saka niya ako nilagpasan ang pumasok.

S-si... Si Anteros 'yon 'di ba?!!

Ang palaging kaaway ni Arlo?!

Pinansin niya ako?

Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko para magising pero hindi talaga effective, totoong pinagtanggol niya ako sa kapreng guard na 'to!

Dahil sa pagmamayabang ko ay tinignan ko ang guardia nang may ngisi sa labi.

Akala mo ha!

Pumasok na ako sa loob ng gym namin kung saan nagaganap ang tournament nila Arlo, sapalagay ko ay galing ang mga kalaban nila sa ibang school.

Sumiksik ako para makapasok sa loob.

"aray! Ano ba 'yan."

"aray ano ba! Kita mong ang sikip na ng daan."

Hindi ko pinansin ang mga babaeng galit na galit saakin, inggit lang sila dahil hindi nila kayang sumiksik sa makipot na daan tulad ko 'no!

Pagkapasok ko banda sa entrance ng gym ay nakita kong pawisan si Arlo habang pinupunasan siya ni Elowen ang noo niya.

Huh? Nagkabalikan na sila?

Si Elowen ang ex-girlfriend noon ni Arlo, pero hindi ako inform na nagkabalikan na pala sila.

Bigla akong nanlumo sa itsura ko kaya sumiksik ulit ako palabas ng daan habang pigil-pigil ang luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.

Kainis!

Gusto ko nga si Arlo e!

Patakbo akong dumiresto sa pinakalikod ng campus kung saan makikita ang maraming puno, ang sabi nga ng mga teachers namin ay dito raw ginagawa ng mga students ang mga milagrong hindi nila mapigilang ilabas.

Umupo lang ako sa isang malaking bato na nakatayo malapit sa puno ng balate habang pinupunasan ng paulit-ulit ang mga luha kong paulit-ulit ding lumalabas.

May araw ka rin saakin Arlo!

Mapapasakin ka rin kahit hindi ko ipilit!

Pagkatapos ng tournament ay siya namang pagpasok ng mga students, kasama na ako sa kaniya-kaniya naming mga room

Pinilit kong ibalik ang mood ko sa pagiging masaya pero hindi ko na nagawa kaya buong klase ay naka-yuko lang ang ulo ko at parang walang gana sa buhay.

Pagkatapos ng klase ay umuwi akong luhaan dahil binully nanaman ako ni Arlo kasama ng mga barkada niya.

"pustahan tayo, kahit mag-ayos pa ang babaeng 'yan hinding-hindi ko siya magugustan."

Rinig kong sabi ni Arlo at nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.

Gusto kong lumaban pero ayokong mapahiya sa bandang huli dahil hindi ko kayang labanan ang mga sinasabi nila, lalong-lalo na siya.

Nasaktan ako dahil sa kaniya ko mjsmos na ririnig lahat ng panlalait na narinig ko na sa buong buhay ko, sanay na nga sana ako e.

Kaya lang sa kaniya la nanggaling kaya mas lalong masakit.

Nakaupo ako ngayon sa isag upuan sa canteen at nag papalipas ng oras nang maramdaman kong may lumapit saakin kaya napatingjn ako sa gilid ko, nakita kong nakatitig saakin si Arlo.

Nagtama ang paningin namin dahilan upang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko.

Parang kanina lang ay halos isumpa ko na siya pero ngayon para akong isang sorbetes na natutunaw dahil sa matinding init ng araw, at siya ang araw na gustong tutunaw saakin.

Hihihi.

"let's talk."

Malamig niyang sabi saka ako tinalikuran at dumiresto sa likod ng campus kung nasaan ako tumambay kanina

Napakunot ako ng noo, ano namang nakain niya at kinausap niya ako ng maayos?

Tumayo na lang ako at dinala ang gamit ko saka siya sinundan.

Nang makarating ako sa likod ng campus ay nakita kong nakatingin siya sa malayo, parang malalim ang iniisip niya.

Puntahan ko na ba siya?

Baka kung anong gawn niya at masampal niya pa ako.

Owno!

Pero lumapit parin ako at at huminga ng malalim ng nasa likuran niya na ako.

Naramdaman niya atang nakalapit na ako sa kaniya kaya nagsalita na siya.

"c-can we talk?" Rinig ko sa boses niya ang pagkautal.

Nauutal pala ang isang Arlo Sebastian Aguilar?

"n-nag uusap naman na tayo—"

"i think i like you." diresto niyang sabi saakin.

Napatigil ako sa paghinga saglit saka hinawakan ang dibdib ko, tumitikbok, malakas, sobrang lakas.

"h-huh?"

"hindi mo ba ako narinig? I think i might love you." sarkastiko niyang sabi saka umalis at agad na naglakad paalis sa likod ng campus.

Totoo ba 'yon?

Normal lang ba ang ginawa niya?

Ano ba talagang dapat sabihin?

Arghhh! Ang bobo mo talaga Eirine!

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis at sa pagkakilig dahil sa wakas ay umamin na rin saakin ang long term crush ko.

Si Arlo Sebastian ng palawan ay mahal na mahal ni Eirine Chavez!!