Isinulat ni Jeaneisgracious
---
Ingay ng mga manok ni papa ang gumising saakin, nakakainis naman oh!
Kinusot ko muna ang mga mata ko saka ko nakita ang nakakasilawna sinag ng araw.
Sabado ngayon at kailangan kong tulongan si papa sa palengke, paano hindi pwedeng umaalis ng bahay si mama dahil may mga baby pa akong kapatid.
Si Asteria at Astoria, kambal sila kaya mahirap alagaan.
Bumuntong hininga ako saka tumayo sa papag na ginawa ni papa.
Sa totoo lang gusto ko naman na talagang magtrabaho, para na rin hindi mahirap sila mama at papa.
Sila lang talaga ang may ayaw na magtrabaho ako, tsk.
Okay nga akong maging working student, tutal nasa first year college na ako ng pae-education.
Humikab ako habang papalabas ng kwarto ko.
"oh, Eirine gising ka na pala." sabi ni mama habang nag piprito ng itlog na almusal namin.
Lumapit ako sa crib ng kambal at binuhat si Asteria, ang cute-cute niya para siyang anghel na nahulog dito sa lupa.
Hindi ko tuloy maiwasang halikan siya.
"ano ka ba naman Eirine, hindi ka pa nagsisipolyo. Mag sipolyo ka muna pagkatapos ay kumain ka na." saway saakin ni mama.
Eto talagang si mama, pagdating sa kambal strikta siya.
Ibinaba ko nalang si Asteria at pumasok sa banyo para mag sipilyo at maligo na rin.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna ako bago bumaba sa kusina para kumain.
"ma?" tawag ko kay mama habang kumakain kami ng agahan.
"hm?" napatingin siya saakin.
Kumuha muna ako ng lakas ng loob para itanong ulit sa kaniya ang balak kong pag ta-trabaho, alam ko kasing tututol siya.
"uhm... Mag...mag trabaho na po kaya ako?"
"ikuha mo nga ako ng kanin Ernesto." utos niya kay papa.
Hindi niya pinansin ang tanong ko, si papa naman ay walang imik at nakikinig lang saaming dalawa ni mama.
"ma—"
"hindi Eirine." matigas na sabi niya.
Napatingin saakin si papa at tumango-tango, parang sinasabi niyang siya na ang bahala kay mama.
Hindi na ako nagsalita ulit at tumayo na lang sa kinauupuan ko at dumiresto sa kwarto para kunin ang mga gamit na dadalhin ko sa palengke.
"pabayaan mo na ang anak mo Ester." sabi ni papa.
"Ernesto malakas pa tayo! Kaya pa natin silang buhayin. " rinig ko sa boses ni mama ang pagkalungkot.
Hindi naman iyon ang inaalala ko e... Hindi rin iyon ang gusto kong iparating.
Gusto ko lang mag trabaho at kumita sa sarili kong pawis.
Pinunasan ako ang luhang naglandas sa mga mata ko saka lumabasng kwarto, sinigurado ko munang hindi nila mahahalatang jmiyak ako.
"uh... Pa, ma. Mauuna na po ako sa tindahan." peke akong ngumiti sa harap nila.
Tumango lang si mama. "oh sige mag iingat ka, antayin mo nalang ako ro'n." sabi ni papa.
Tumango lang ako saka sila tinalikuran.
Kahit na hindi ko sabihin alm kong alam ni papa ang kagustohan kong magtrabaho, kaya lang siya naman ang patay kay mama kung sakaling payagan niya akong magtrabaho.
Dumating na ako sa tindahan namin at nakasalubong ko si Aileen, si Aileen ay kababata ko at best friend ko
Papalapit siya saakin at parang may gusto siyang sabihin.
"Rineeeee!" sigaw niya.
"oh?" tanong ko kahit na nasa malayo pa siya.
Nang makalapit siya saakin ay may ibinigay siya saaking papel, sa tingin ko ay invitation paper ito.
"samahan mo naman ako oh, may disco kasi sa bayan mamaya." malambing niyang sabi.
Binasa ko ang nakasulat at nakita kong alas osto hanggang umaga ang tapos ng disco.
"ikaw na lang Ai, may gagawin pa kasi ak—"
"sige na pleaseeeee" pag-mamakaawa niya saakin.
Ikiniskis niya pa ang dalawang kamay niya para kumbinsihin ako, napatawa ako sa ginawa niya.
"Aileen, alam mo namang hindi papayag si mama e." sabi ko.
At isa pa, hindi ko pa nasusubukang pumarty o gumala ng des oras ng gabi.
"akong bahala, ipag-papaalam kita." pagpupumilit niya saka mabilis akong iniwang nakatayo sa tapatn ng tindahan namin.
Aish! Ang kukit talaga ng babaeng 'yon.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at binuksan na lang ang tindahan namin.
Tanghali na at kasama ko na si papa sa tindihan ngayon, pinuntahan nanaman ako ni Aileen sa tindahan namin at ipinag-paalam kay papa.
Hayyyy nako!
Ang babaeng talaga na 'yon!
"mag iingat ka lang do'n Eirine." biglang sabi ni papa ng maka-alis na si Aileen.
Napatingin ako sa kaniya at nakita kong may inililigpit siya na kung ano sa shelves ng mga saging.
"po?" takang tanong ko.
Napatingin siya sa likod niya kung asan ako pero hindi rin ito nagtagal at ibinalik niya ang tingin niya sa ginagawa niya.
"sige, umuwi ka na sa bahay para makapag-handa kana para mamaya. Balita ko may sikat daw na dadayo sa disco mamayang gabi." pag-iiba ni papa ng usapan.
Sikat?
Hahahaha!! Eh wala nga halos gustong pumunta rito sa lugar namin dahil sa mga squater daw kami.
Tumayo na ako at kinuha ko ang sling bag ko at nag paalam kay papa na aalis na, pero bago ako makalabas ng tindahan ay hinarang agad ako ni Cyrus, isa sa mga manliligaw ko.
Hindi ko nga alam kung bakit sila nag aaksaya ng panahon para magdala ng chocolates at mga bulaklak saakin.
"hi Eirine!" masayang bati saakin ni Cyrus. "flowers." ibinigay niya saakin ang kulay pulang mga rosas na may kasamang sunflower.
Kinuha ko iyon saka lumingon sa likuran kung asan si papa, nakatingin na pala siya saamin kaya nginitian ko na lang siya ng awkward.
"u-uh." balik kong tingin sa kaniya. "s-salamat Cy, ha. Nag abala ka pa." nahihiya kong sabi.
Kinamot pa niya ang ulo niya saka tumingin sa likod ko.
"hi papa Ernes! Hatid ko na po si Eirine." pag papaalam niya kay papa.
"iuwi mo sa bahay ang anak ko ha, huwag kung saan-saan." may pagbabanta sa boses ni papa.
Napatawa naman ako sakaniya saka binigyan siya ng maasin na ngiti.
"opo." magalang na sabi nito saka ibinaling ulit ang tingin saakin.
Nag paalam na kami kay papa saka niya ako sinamahang maglakad papunta sa bahay.
"umm.. Cy, salamat nga pala sa flowers at chocolates mo. I really appreciate it." sincere kong sabi. "pero i think..."
"i know i should stop." putol niya sa sasabihin ko. "umpisa palang naman ng panliligaw ko alam kong wala na akong pag-asa e."
Tumigil kami sa paglalakad at humarap sa kaniya.
Ibinalik ko rin ang bulaklak na ibinigay niya saakin.
"Cyrus... I'm sorry, pero hindi pa ako handa la rito." diresto kong sabi sa kaniya saka siya tinalikuran.
Hindi niya na ako tinawag at hinayaan lang akong maglakad pauwi ng bahay.
Wala akong masabi sa kabaitan ni Cyrus, may itsura siya, mabait at masipag.
Pero hindi ko pwedeng pilitin ang sarili kong gumawa ng mga bagay na alam kong hindi ko gusto.
Isa pa, kapag sinagot ko siya tingin ba niya maiibigay ko sa kaniya lahat ng atensyon ko?
Hindi.
Masyado akong nakatuon sa pag-aaral ko, gusto kong makatapos para payagan na ako ni mama na magtrabaho.
Nakarating ako sa bahay na puno ng guilt, guilty dahil iniwan kong mag-isa ro'n si Cyrus, guilty kasi nasaktan ko ata siya.
Pagkapasok ko sa bahay nadatnan ko si mama na nagluluto na ng pananghalian.
Nagulat ko kaya napatingin siya bigla saakin.
"jusko naman anak! Sa susunod kumatok ka sa pinto kung nakarating ka na, ha." galit na sabi ni mama.
Tumango lang ako saka lumapit sa kaniya para mag mano, naiintindihan ko naman siya dahil magugulatin talaga siya.
Dumiresto agad ako sa kwarto para magpahinga pero hindi pa ako nagtatagal na nakahiga sa kama ay narinig ko ang sigaw ni Aileen.
"Eirine! Eirineeeee!"
Sigaw niya sa pangalan ko na siya namang ikinabalikwas ko ng tayo.
Hays, kahit kelan talaga itong si Ailen napaka-ingat ng bunganga!
Lumabas ako para harapin siya, at nakita kong kaharap niya na rin si mama.
"aling Ester, andiyan po ba si Eirine?" tanong ni Aileen.
"oo bakit, andito ako." inunahan ko nang sumagot si mama.
Napatingin silang dalawa saakin habang palapit ako sa kanila.
"halika, may ipapakita ako sa'yo." pag-aaya niya saakin
"oy teka teka, saan kayo pupunta ha." pigil na tanong ni mama.
"a-ah...sa bahay lang po aling Ester." palusot ni Aileen.
Alam kong nagpapalusot lang siya dahil sa inaasta niya, masyado ko nang kilala si Aileen para hindi malaman lahat ng galaw niya.
Hinila niya na ako papunta sa bahay nila na hindi kalayuan sa bahay namin.
Pinapasok niya ako loob at dumiresto kami sa kwarto niya, ang bahay nila Aileen ay gawa rin sa kahoy at fly hood katulad ng saamin, hindi rin ito kalakihan at halos tatlong tao lang ang kasya sa loob pero anim silang andito.
"ano ba 'yon Ai?" takang tanong ko sa kaniya.
May kung anong hinahalungkat siya sa luma niyang aparador.
"sandali, andito lang 'yon e." sabi niya habang hindi pa rin tumitigil ang mga kamay niya sa paghahalungkat.
Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya hanggang sa tumigil siya at para siyang nakakita ng kayaman.
"eto! Eto ang hinahanap ko!" sigaw niya.
Tinignan ko lang siya pati ang dress na hawak-hawak niya.
Kinunotan ko naman siya ng noo.
"oh, anong meron diyan?" tanong ko.
"eto ang susuotin mo mamayang gabi!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
No way!