Hinawakan ni Ernesto si Cisa sa kanyang beywang habang nakatingin sa kanila si kapitan Halgo
"Huwag kang mag-alala aking Cisa, hindi ko hahayaang saktan ka niya ulit" bulong ni Ernesto kay Cisa.
Ang hindi alam ni Cisa yun na pala ang huling pagkikita nila ni Ernesto
Hinanap ni Cisa si Ernesto at hindi siya nawalan ng pag-asa na mahahanap niya pa ito
Si Cisa ay nakaupo sa kama ng kanyang silid at umiiyak ng pumasok si kapitan Halgo
Umupo siya sa tabi ni Cisa at niyakap niya ito na para bang nakikiramay siya dito
"mukhang tinakasan kana ng iyong nobyo, sa halip na umiyak ka dito bakit hindi ka mag hanap ng mas karapat-dapat para sa iyo" sabay sabi ni kapitan
"alam ko na may alam ka kung nasaan man si Ernesto, at tandaan mo ito, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap" ani ni Cisa
Napatayo si kapitan Halgo at bigla niyang sinampal si Cisa sa pisngi ng napaka lakas
"ganyan ba ang natututunan mo sa iyong nobyo, ang sumagot sa kanyang ama" galit na sabi ni kapitan Halgo kay Cisa
"simula ngayon hindi ka lalabas sa silid na ito hanggat hindi ko sinasabi, tandaan mo yan" dagdag ni kapitan Halgo
Hunyo 03 1871
Naglalakad si Nita papuntang pamilihan ng biglang may mga kawal ang sumalubong sa kanya
"meron ho ba akong maipag lilingkod sa inyo mga ginoo?" tanong ni Nita sa mga kawal
Nang biglang ang mataas na kapitan sa kanilang lugar na si kapitan Halgo Fernandez ay dumating sakay sakay ng isang kabayo
"sige, dakpin ninyo ang maruming babaeng yan" utos ng kapitan sa kanyang mga kawal
Sumama ng hindi pumapalag si Nita at dinala siya ng mga kawal sa walang laman na selda
"kung ano man ho ang aking pagkakasala, ako ho ay humihingi ng kapatawaran" nagmamakawaang sabi ni Nita sa mga kawal habang nakaluhod
Dumating si kapitan Halgo at tinitigan niya si Nita "ano nga ba ang nagawa mong kasalanan, Nita?" tanong ng kapitan kay Nita
Nag taka si Nita sa sinabi ng kapitan sa kanya at hindi alam ang isasagot ng biglang dinala ng mga kawal ang kapatid ng kapitan at ang dalawang kamay nito ay nakatali
"oo Nita, alam ko ang namamagitan sa inyong dalawa ng aking kapatid" sabay sabi ng kapitan kay Nita
"hindi ko ho sinasadya kapitan, ngunit nag mamahalan kaming dalawa ng iyong kapatid" sagot ni Nita sa kapitan
"wala akong pakialam kung ano man ang namamagitan sa inyo, ang akin lang ay lumayo ka sa kanya, nakakadiri at isang katulad mo lamang ang kanyang gusto, ako ay may hinahangad na babae para sa aking kapatid at wala ni isa sayo ang hinahangad kong iyon" sabat ng kapitan
"Subalit..." bago pa matapos ni Nita ang kanyang sasabihin ay pinigilan na siya ng kapitan at hinayaang makaalis sa loob ng selda
"layuan mo ang aking kapatid kung ayaw mong bumalik sa loob ng selda Nita" banta ng kapitan kay Nita
"nauunawaan ko kapitan Halgo, patawad" sagot ni Nita sa kapitan pagkatapos siya ay umalis
Nakita ng kapatid ni kapitan ang lahat ng pangyayari at ang pag alis ni Nita at ito ay nasaktan dahil hindi man lang ipinaglaban ni Nita ang pagmamahalan nilang dalawa
Agusto 15 1882
Isang bata ang tumatakbo mula sa mga kawal dahil ito ay nag nakaw ng pera nang biglang nabangga niya ang isang lalaki na may magarang kasuotan
"bata ano ba yan, tumingin ka naman sa iyong dinadaanan" sabi ng lalaking may magarang kasuotan
"patawad ho ginoo" ani ng bata sabay mabilis na tumakbo palayo
"Ernesto!" sigaw ng isang lalaki at lumapit sa lalaking may magarang kasuotan
"Diego, antagal mo namang dumating kanina pa ako dito" sabat ng lalaking may magarang suot o Ernesto ang pangalan
"Ipagpaumanhin mo Ernesto ngunit ang aking ina ay hindi ako hinayaang umalis ng bahay hanggat hindi ko siya naipagluluto ng agahan" sagot ni Diego
"naiintindihan ko ngunit hindi yon rason para mahuli ka sa usapang oras natin, dapat inagahan mo ang pag-gising Diego" sabat ni Ernesto
"Hayaan mo na at tayo'y umalis na, baka mahuli pa tayo sa misa" ani ni Diego kay Ernesto
Habang nag lalakad papuntang simbahan napansin ni Ernesto na nakatumpok ang mga kawal sa isang gilid at may bata silang pinililit hulihin
Lumapit si Ernesto para tignan ang nangyayari at namukhaan niya na ang bata na kanilang dinadakip ay ang batang naka bangga sa kanya kanina
"mga ginoo, ngunit ano ang rason para kaladkarin niyo ang batang yan" pagpigil ni Ernesto sa mga kawal
"nag nakaw ang batang yan kaya dapat siyang ikulong" ani ng isang kawal
"pakawalan ninyo ang batang yan, utos ko, kilala ninyo naman ako, ako ang nobyo ni binibining Sisa ang anak ng kapitan" utos ni Ernesto sa mga kawal
Pinakawalan ng mga kawal ang bata at lumapit si Ernesto sa bata para ito ay kausapin
"ayos kalang ba bata? totoo ba ang binibintang nila sa iyo" tanong ni Ernesto sa bata
"nag nakaw lang naman ho ako ng kaunting pera ginoo para sana sa pambili ng gamot ng aking ina na may sakit" sagot ng bata
"ibalik mo ang pera sa mga kawal at ako na ang bibili ng gamot ng iyong ina" sabi ni Ernesto
"pero Ernesto kung sasamahan mo pa ang batang iyan ay mahuhuli na tayo sa ating misa" pigil ni Diego kay Ernesto
"mauna kana sa misa Diego at susunod nalang ako" sabat ni Ernesto
Ibinalik ng bata ang pera sa mga kawal at hinila ni Ernesto ang bata para makaalis na sa senaryo
Sinamahan ni Ernesto ang bata sa pamilihan upang bumili ng gamot
Nakarating sila ng bata sa pamilihan at pumasok sa isang tindahan kung saan nakakabili ng gamot
"ano ang gamot na kailangan mo bata" tanong ni Ernesto sa bata
"gamot para sa trangkaso ho ang aking kailangan ginoo" sagot ng bata sa tanong ni Ernesto
"kuya, isa nga hong gamot para sa trangkaso" sabi ni Ernesto sa nag titinda
"bata, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong muli ni Ernesto sa bata
"Simon ho ang pangalan ko ginoo" sagot ng bata kay Ernesto "ano naman ang pangalan iyong ina?" dagdag ni Ernesto
"Carmila ho ginoo, at meron din ho akong kakambal na si Isabella, tatlo nalang ho kami dahil sa iniwan na kami ng aming ama ginoo" sagot muli ng bata kay Ernesto
"Gamot para sa trangkaso!" tawag ng tindero at inabot ito kay Ernesto
"ohh eto na ang gamot na kailangan mo, dadagdagan ko yan ng pera para sa pangkain ninyo, ohh sige mauna na ako at mag iingat ka" ani ni Ernesto kay Simon
"maraming salamat ho ginoo" pasalamat ni Simon kay Ernesto bago ito umalis
Nakarating ng simbahan si Ernesto ngunit tapos na ang misa at nakita niya si Cisa na paalis na kasama ang kanyang ama na si kapitan Halgo
"nahuli kana" biglang sabi ni Diego kay Erenesto na may pagtapik sa kanyang likuran
"sayang ngat hindi ko man lang nakausap si Cisa kahit sandali, mukhang mag hihintay nanaman ako ng isang buong linggo" sabi ni Ernesto
"May isang paraan pa para makita mo si Cisa ng hindi nag hihintay ng isang buong linggo Ernesto" sagot ni Diego kay Ernesto
"kung gusto mong makita ang iyong nobya, mamayang gabi ay merong handaang magaganap sa kanilang mansyon, puwede kang dumalo" ani ni Diego
"alam mo namang may galit saakin si kapitan Halgo, dahil tutol siya sa aming dalawa ni Cisa hindi ba" dagdag ni Ernesto
"nobya mo siya, nobyo ka niya, si kapitan Halgo ang walang karapatan subalit kayong dalawa ay nasa tamang pag-iisip na" ani ni Diego
"sabagay may punto ka, sige, dadalo tayo sa handaang iyon" sagot ni Ernesto
...