Agusto 26 1892
"Cisa, ayos kalang ba" bigkas ni Mauricio habang binubuksang dahan dahan ang pinto ng silid ni Cisa
Nakita niya itong naka higa sa lapag ng sahig at umiiyak, lumapit dito si Mauricio at umupo sa tabi nito, binuhat niya ang ulo ni Cisa at ipinatong ito sa kanyang hita
Hinahawi ni Mauricio ang buhok ni Cisa, "ano ang nangyari Cisa, bakit ikaw ay umiiyak" tanong ni Mauricio sa malungkot na boses
"Mauricio, gusto mo ba talaga ako o pinipilit mo lang ang iyong sarili sa akin" tanong ni Cisa kay Mauricio
"Ano ang iyong ibig sabihin Cisa, alam mo namang mahal kita" sagot ni Mauricio
"Pero hindi kita mahal Mauricio" diretsong sabi ni Cisa kay Mauricio
Napatigil si Mauricio sa paghawi ng buhok ni Cisa "ayaw mo bang ituloy ang ating kasal" tanong ni Mauricio kay Cisa
"Wala akong karapatan para itigil ang kasal natin Mauricio, dahil si papa ang syang nag desisyon para sa akin" sagot ni Cisa
"Simula ng bumalik ako matapos ang dalawang taon hindi naging maayos ang pagtrato mo sa akin, at nang mawala si Ernesto, umalis ka, ako ay nag alala kung ano naba ang nangyari sa iyo, nung bumalik ka naman ay hindi matigil ang iyong pag iyak, hindi ko rin kayang patigilin ka, kahit ng iyong ama, alam kong mahal mo pa siya Cisa at pinapalaya na kita" sabi ni Mauricio
"Ano ang iyong ibig sabihin Mauricio, pupwede bang sabihin mo na ang iyong punto" sabat ni Cisa
"Hindi na matutuloy ang kasal natin, Cisa" sabi ni Mauricio habang pinipigil ang kanyang pag iyak
Bumangon si Cisa sa pagkakahiga at tinitigan niya si Mauricio
Niyakap ito ni Cisa at bumulong sa kanyang tenga "salamat Mauricio, at sinisigurado kong makakahanap karin ng babaeng mamahalin ka Mauricio"
Kumawalag si Cisa sa pagkakayakap "patawad kong ang babaeng yon ay hindi ako Mauricio, patawad" sabi ni Cisa
"Cisa, sana ay maging masaya ka, hanapin mo si Ernesto, at ipaglaban mo siya mula kay kapitan, tandaan mo lang na, andito ako para sa iyo, at mahal na mahal kita" sabat naman ni Mauricio at niyakap si Cisa
Tumayo sila sa sa pagkakaupo at nang papalabas na si Mauricio sa pinto ay hinawakan ni Cisa ang kanyang mga kamay
Nilapit ni Cisa ang kanyang mukha kay Mauricio at ninakawan niya ito ng halik
"Maraming salamat, Mauricio" sabi ni Cisa, hindi nakapag salita si Mauricio sa ginawa ni Cisa at nagtungo nang lumabas ng silid ni Cisa
Sa bahay nila Carmila, "Isabella lumabas ka diyan sa loob at kausapin mo ako" sigaw ni Carmila habang kinakatok ang pinto ng silid ni Isabella
Sumuko na si Carmila na lalabas ng silid si Isabella at pumunta nalang ito sa pamilihan
Nang makaalis ni Carmila ay lumabas ng silid Isabella at nagtungo sa gubat
Nagtungo si Isabella sa isang bahay sa gitna ng gubat
Masaya niyang binuksan ang pinto nito subalit ang kanyang ngiti ay napawi ng nakita niyang walang tao sa loob ng bahay
Pumasok siya sa loob ng bahay at hinawi ang bawat bagay na kanyang nakita
Nang matabih niya ang isang piraso ng papel at nahulog ito sa lapag
Nang kanya itong buksan ay napangiti si Isabella sa nakita
Sa pamilihan, habang si Carmila ay bumibili sa pamilihan nakita niya ang isang pamilyar na mukha
"Bellen, ikaw ba yan" sigaw ni Carmila sa isang babae
Napalingon ang babae sa kanya at napangiti ito ng makita si Carmila
"Carmila..." Sigaw ni Bellen kay Carmila at lumapit ito kay Carmila
"Kamusta kana" tanong ni Bellen kay Carmila, "ito maayos na maayos" sagot ni Carmila
"Alam mo marami akong balita para sa iyo" sabi ni Bellen kay Carmila
"Tulad ng?" Tanong ni Carmila kay Bellen, "huwag kang mabibigla" sabi ni Bellen kay Carmila, "bakit ano ba yang balita mo para aking ikabigla" tanong ulit ni Carmila
Sa kulungan ng mga masasamang tao, nagtungo doon si Isabella at kinausap ang isang kawal
"Nais kong makausap si Dante" sabi ni Isabella sa kawal
"Maraming Dante ang nakabilanggo dito, ano ang huling pangalan niya" tanong ng kawal kay Isabella
"Dante Kanto, isa siyang doktor" sabat ni Isabella sa kawal
Sinamahan ng kawal si Isabella kung saan nakabilanggo si Dante
Nang sila ay makarating dito nakita ni Isabella na nakaupo si Dante sa isang sulok
Tinawag niya ito at ng lumingon ito sa kanya ay nagulat si Dante sa kanyang nakita
"Isabella" sabi ni Dante, "ilalabas kita dito, Dante, magsasama tayo, tayo ng magiging anak mo" sabat ni Isabella
Nagulat si Dante sa kanyang narinig at hindi nakapagbigkas pa
Sa bahay nila Carmila, umuwi si Ernesto ng umiiyak at nag tungo sa loob ng kanyang silid, "kuya Ernesto ayos kalang ba" katok ni Simon sa pinto ng silid Ernesto at tinanong ito
"Oo ayos lang ako Simon" sagot naman ni Ernesto, hindi naniwala si Simon dito at binuksan ang pinto ng silid ni Ernesto
"Ano ba talaga ang nangyari kuya" tanong ulit ni Simon at lumapit kay Ernesto
"Si Cisa, ay ikakasal na, nalaman ko rin sa kanya na wala na si Martha" sagot ni Ernesto, "kuya, magiging maayos din ang lahat" sabi ni Simon at niyakap ni Ernesto
Sa mansyon, "kuya Gargo, kuya Halgo, may gusto pala akong sabihin sa inyo" sabi ni Karmen
"Ano iyon Karmen" tanong ni Halgo, "kuya Halgo, paano kung nagsasabi ng totoo si kuya Gargo na hindi siya ang nag papatay sa iyo, may posibilidad na ang mga kaaway niyo ito" sabi ni Karmen kay Halgo
"Sinasabi mo bang masama akong tao at marami akong kaaway" sabat ni Halgo, "hindi ganon kuya" sagot ni Karmen na kabado
"Tama na Karmen at kuya" pigil ni Gargo sa kanilang dalawa
"Carlito, Fidel, iiwan ninyo muna kaming tatlo" sabi ni Gargo kina Carlito at Fidel
"Masusunod" sabi ni Fidel at Carlito ng sabay at umalis
"Kuya Halgo, alam kong hindi na magiging maayos at pagitan sa ating dalawa, kung ayaw mo akong paniwalaan, sige, naiintindihan ko, hindi ako nagtagal ng sampung taon sa Amerika dahil sa pagpapagamot, dalawang taon lang ang itinagal ko doon sa pagamutan dahil napatunayang wala naman talagang mali sa akin, dahil paniniwala mo lang yun na may sakit ako kuya, ang totoo niyan sinulit ko ang sampung taon ko doon dahil malaya ako na wala ka na wala ang katulad mo doon, sana kung sino man ang nag tangka ng buhay mo sa araw na yun ay balikan ka, at sana magtagumpay na siya na mapatay ka, galit ako sayo kuya, pero mahal kita, sana ganon din ang tingin mo samin ni Karmen, kapatid mo kami kuya, wag kang magdesisyon sa buhay namin dahil hindi ikaw ang Panginoon kuya" sigaw ni Gargo at umalis
Hindi nag salita si Halgo at tinigan ito ni Karmen, "kuya, ang laki ng pinagbago mo" sabat ni Karmen at umalis
...