Chereads / Noli Me Amore / Chapter 4 - Kabanata 4

Chapter 4 - Kabanata 4

Agusto 16 1882

"Ikaw ay may malubhang sakit na kanser Carmila" sabi ni doktor Dante kay Carmila sa malungkot na boses

"Huwag kang mag-alala dahil ang sakit na ito ay kayang gamutin, subalit sa ibang bansa lang ito magagawa" dagdag ni doktor Dante

"Doktor, totoo po ba ang inyong mga sinasabi" sabat ni Carmila

"Nakakalungkot mang isipin subalit lahat ng ito ay totoo Carmila" sabi ni doktor Dante

"Pa- pa- paano ko nakuha ang sakit na ito doktor? Subalit hindi pa ito laganap sa ating bansa" nangangatog na sabi ni Carmila kay doktor Dante

"Patawad subalit hindi ko masasagot ang iyong katanungan, ako ay mauuna na" sabat ni doktor Dante

Umalis si doktor Dante at napatingin si Carmila sa kanyang mga anak

"Nay, magiging maayos kalang ba" tanong ni Simon sa malungkot na boses

Hindi kinaya ni Carmila itago ang nararamdaman at ito ay napaiyak at niyakap ang kanyang mga anak

Kumawala si Isabella sa pag kakayakap at nag tungo kay doktor Dante

"Doktor, doktor, ano ang yong ibig sabihin na kanser, magiging maayos lang ba ang aking ina" umiiyak na sabi ni Isabella

"Kung kukuha ng kagamutan ang inyong ina sa ibang bansa siya ay magagamot, subalit malaki ang gastusin para sa kagamutang ito" sabi ng doktor kay Carmila

Napaiyak lalo si Carmila ng marinig ang mga sinabi ng doktor

Lumapit ang doktor sa kanya at siya ay niyakap nito

"Magiging maayos ang iyong ina" sabi ng doktor kay Isabella habang ito ay nakayakap sa kanya

Sa mansyon ng Fernandez, umakyat si kapitan Halgo sa entablado at hinampas ang kanyang babasagin na baso gamit ang kutsara para kunin ang atensyon ng lahat

"Buenas noches a todos ustedes, soy el capitán Halgo y me gustaría presentarles a todos a mi hermano gargo" (Magandang gabi sa inyong lahat, ako si Kapitan Halgo at nais kong ipakilala sa inyong lahat ang aking kapatid na si Gargo) sabi ni kapitan Halgo matapos kunin ang atensyon ng lahat

Sumunod na umakyat si Gargo sa entablado matapos tawagin ni kapitan Halgo ang kanyang pangalan

"Buenas noches a todos, por cierto soy Gargo y tengo muchas ganas de volver aquí a Filipinas para estar con mi hermano Halgo" (Magandang gabi sa lahat, ako nga pala si Gargo at gusto ko talagang bumalik dito sa Pilipinas para makasama si kuya Halgo) sabi naman ni Gargo sa lahat

Nagpalakpakan ang lahat at sila ay nagpatuloy na sa kanikaniyang mga ginagawa

"Te extraño Gargo, estoy tan contenta de que hayas vuelto" sabi ni kapitan Halgo kay Gargo

"Me alegro de estar de vuelta también, mi hermano Halgo" sabi naman ni Gargo kay kapitan Halgo at niyakap niya ito

Agusto 17 1882

Matapos ang buong gabi, sa pamilihan kinabukasan, "gusto kong bilhin mo lahat ng nakasulat dito gamit ang perang ito, yan ang una kong pagsubok sayo Ernesto, sana ay magawa mo ng maayos, Está bien y yo iré primero porque todavía me necesitan en la mansión" sabi ni kapitan kay Ernesto

Naglakad si Ernesto at naghanap ng mga mababang presyong mabibili na nakasulat sa papel subalit lahat ng mga ito ay pare pareho lang ang presyo

Samantala napansin niya na isa sa mga kawal ang kumukuha ng pera na kinita ng mga nag titinda

"Akin na ang lahat ng kinita mo!" Sabi ng kawal sa isang tindero sa malakas na boses

Nagkulo ang dugo ni Ernesto ng makita ang senaryong ito at agad na lumapit dito

"Mawalang galang na subalit mali ang iyong ginagawa sa mga tindera at tindero ginoo, pinaghirapan nilang kitain ang perang iyan at iyo lamang itong kukunin" galit na sabi ni Ernesto sa kawal

"Sino ka at ano ang iyong karapatan para pag salitaan ako ng ganyan" sabat ng kawal

"Ako si Ernesto Jacinto ang lalaking iniibig ni Carmila na anak ng kapitan" sabat ni Ernesto

Natakot ang mayabang na kawal kay Ernesto at mabilis itong umalis papalayo kay Ernesto

"Maraming salamat sa iyong tulong" sabi ng tindero kay Ernesto matapos nitong mapaalis ang mayabang na kawal

"Walang anuman" sabi naman ni Ernesto habang ito ay masayang nakikita ang kampanteng mukha ng tindero

"Ibebenta ko sayo sa kalahating ang bawat isa sa mga paninda ko, ano ba ang iyong bibilhin" agad na sabi ng tindero bago pa makaalis si Ernesto

Tinignan ni Ernesto isa isa ang mga tinda ng tindero at bawat isa dito ay nakasulat sa papel na binigay ng kapitan

Kinuha niya ang mga nakalista at binayaran ang mga ito at agad itong dinala sa mansyon

Sa mansyon ng Fernandez, "sa tingin ko ay papalpak ang iyong nobyo sa unang pagsubok ng iyong ama sa kanya" sabi ni Martha kay Cisa

"Ako naman ay ipinag-aalala mo Martha" sabat ni Cisa kay Martha

"Hahaha, ako ay nagbibiro lamang, matalino ang iyong nobyo at mabait pa, kaya hindi na ako magtataka na magagawa niya ang unang pagsubok ng iyong ama" sabi ni Martha kay Cisa para hindi ito mag-alala

Sa daan habang tumatakbo papunta si Ernesto sa mansyon, napansin niya na isa sa mga kawal kagabi ang kausap ni Gargo sa likod ng mga puno

Naalala niya na ang pangalan ng kawal ay si Fidel at ito ang inutusan niya para ipatawag si Gargo kagabi sa handaan

Lumapit siya upang marinig ang kanilang pinag-uusapan at nagulat ito sa kanyang mga narinig

Sa pamilihan si Diego naman ay nagtatrabaho upang kumita ng pera

Ng dumating si Jose sa kanyang pinagtatrabahuhan at ito ay may mensahe para kanya na galing sa kapitan

"Diego, ako ay pinapunta ng kapitan dito para ipaalam sa iyo na may trabaho siyang gusto niya na tanggapin mo" sabi ni Jose

"At ano naman iyon?" Pagtatakang tanong ni Diego kay Jose

"Sumunod kanalang saakin para iyo itong malaman" sabi ni Jose kay Diego sa nakaktakot na boses

Sa mansyon, mabilis na umakyat si Satiago patungo sa kwarto ni Cisa

"Cisa! Ang iyong dating manliligaw ay nasa baba ng mansyon at hinahanap ka" tarantang sabi Santiago kay Cisa

Sa ibang kwarto sa mansyon, "Carlito, gusto kong pahirapan mo si Ernesto" sabi ni kapitan

"Masusunod kapitan" sabi naman ni Carlito kay kapitan

"Hindi ko hahayaang mapunta lang si Cisa sa katulad niya na isang mababang lalaki" sabi ni kapitan

"Ipahanap mo si Nita, akala ba ni Gargo hindi ko alam ang kanyang plano sa kanyang pag-balik dito" dagdag ni kapitan

"Masusunod kapitan Halgo" sabi naman ulit ni Carlito

"Hindi ko hahayaan na may isang maduming kung sino lamang ang maging parte ng aking pamilya, hindi ko hahayaang masira ang binuo ng aking ninuno, kahit magbago ang panahon sisiguraduhin kong walang hampaslupa ang magiging parte sa pamilyang ito" sabi ni kapitan sa kanyang isipan

...