Chereads / Noli Me Amore / Chapter 9 - Kabanata 9

Chapter 9 - Kabanata 9

Agusto 26 1892

"bakit parang gulat na gulat ka, hindi kaba masaya sa mapapangasawa ng iyong pamangkin?" Tanong ni Karmen

"Subalit si Cisa ay may nobyong nagngangalang Ernesto" sabi ni Gargo

"Sampung taon na ang nakakaraan, siguro ay naghiwalay na silang dalawa" sabi ni Karmen

"Hindi ako naniniwalang naghiwalay sila, Karmen, siguro ay merong kinalaman si kuya dito" sabi ni Gargo

"Kuya, huwag mong isisi ang lahat kay kuya Halgo, hindi dahil sa ipinaghiwalay kayo ni kuya Halgo ay siya narin ang may kinalaman sa hiwalayan nila Cisa at kung sino man ang Ernestong yan" sabat ni Karmen at unalis na dismaya kay Gargo

Hindi nag padaig si Gargo sa mga sinabi ni Karmen at nag planong alamin ang tunay na hiwalayan ni Cisa at Ernesto

Sa mansyon, "Ohh Cisa my love, are you already awake" sabi ni Mauricio habang kumakatok sa pinto ng silid ni Cisa

Gising na Cisa subalit hindi nito sinasagot ang tawag ni Mauricio sa kanya

Nakahiga si Cisa sa kanyang kama at nagmumukmok lamang

Iniisip ni Cisa ang muling pag balik ni Ernesto para sa kanya

"Sampung taon na Ernesto, nasaan kana..." Sabi ni Cisa sa kanyang sarili

Sa bahay nila Carmila si Isabella ay nasa kanyang silid at nakaupo sa sahig sa tabi sa tabi ng kanyang kama

"Dante, bat kita hinahanap hanap, pinalaya mona ako pero bat parang kulang ang pagkatao ko kung wala ka, Dante bat moko pinakawalan..." Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Isabella ang mga salitang ito

Hindi mapakali ang isip ni Isabella at tumayo ito sa kanyang inuupuan at dali-daling umalis ng bahay

Pumunta si Isabella sa pagamutan subalit hindi niya nakita doon si Dante

Nagtanong si Isabella sa ibang mga doktor subalit hindi rin nila alam kung nasaan si doktor Dante

Hinanap at hinanap ni Isabella si Dante kung saan-saan hanggang sa sumapit ang dilin

Bumalik ng bahay si Isabella na dismayado sa paghahanap kay Dante

"Anak, saan kaba nanggaling, kanina pa ako nag hihintay sa iyo, ayos kalang..." Hindi natuloy ni Carmila ang sinasabi kay Isabella nang bigla siyang sinigawan nito

"...ano ba nay, kung pupuwede pagod ako" sigaw ni Isabella sa kanyang ina

Nabigla si Carmila sa ikinilos ni Isabella at nag-alala para sa kanyang anak

Pumasok si Isabella sa kanyang silid at sinarado ang pintuan ng silid ng napakalakas

Nakuha ang atensyon ni Ernesto sa ingay na ito at agad na lumabas ng kanyang silid

"Nay Carmila ano ang nangyayari?" Tanong ni Ernesto kay Carmila

Hindi nakasagot si Carmila ng bumuhos ito sa pag-iyak

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa anak kong si Isabella, hindi ko gustong iwan siya, Ernesto, bakit siya nagkakaganto" sabi ni Carmila habang umiiyak

Niyakap ni Ernesto si Carmila, "nay Carmila tama na sa pag-iyak, magiging maayos din ang lahat, siguro ay dumadaan lang si Isabella sa parte na matanggap kayong muli, sampung taon kayong nawalay sa tabi niya, siguro ay hindi na niya nakasanayang nandito kayo habang siya ay lumalaki" sabi ni Ernesto at napakalma nito ang pakiramdam ni Carmila

Sa mansyon, "kuya andito na si Gargo" sigaw ni Karmen

Nakita ni Karmen na nakaupo si Halgo sa sala at hininhintay ang pag dating nila

"Kuya" sabi ni Karmen, "iwan mo muna kami, Karmen" sabi ni Halgo kay Karmen

Umalis si Karmen at umupo sa tabi ni Halgo si Gargo, "Kamusta kuya" tanong ni Gargo sa kabadong boses

"Ikaw, kamusta kana, pasensya na aking kapatid kung kailangan kitang muli na ipadala sa ibang bansa para sa iyong pagpapagamot, hindi ko inaakalang mas tatagal ang iyong pag balik, umabot ng sampung taon ang iyong pagpapagaling at ang tagal kong hinintay ang iyong pag balik, maligaya ako at nandito kanang muli" sabi ni Halgo kay Gargo at niyakap niya ito

"Kuya, gusto ko sana na malaman mo, na hindi ako, ang may gawa nung araw na yun, inaamin ko, ako ang nauna, pero hindi na sa pangalawa, sana naman paniwalaam mo ako, kahit ngayon lang" sabi ni Gargo nang umiiyak at umalis

Narinig ni Karmen ang mga sinabi ni Gargo at napaiyak ito sa mga narinig

Agusto 27 1892

Sa bahay nila Carmila, "kuya Ernesto" tawag ni Simon kay Ernesto

"Ohh bakit yun Simon" sabi naman ni Ernesto habang ito ay naka tuwalya lamang

"Ayy kuya patawad hindi ko alam na maliligo ka pala" sabi ni Simon

"Huwag mo nang pansinin ang kasuotan ko at sabihin mona saakin ang sasabihin mo" sabi ni Ernesto kay Simon

"Kuya, ikakasal na daw pala ang anak ng kapitan sa isang lalaking nag ngangalang Mauricio, hindi ako makapaniwala, napakabilis ng panahon at ikakasal na si binibining Cisa" sabi ni Simon kay Ernesto at inabot ang papel ng naglalaman ng balita

Binasa ni Ernesto at balita at totoo nga ang sinasabi ni Simon

Pumasok si Ernesto sa kanyang silid at dali-daling nag bihis ng damit at nag tungo sa mansyon

Nakarating si Ernesto ng mansyon at inakyat ang silid ni Cisa para siya ay makita

Nakita si Ernesto si Cisa na nakahiga sa kanyang kama at ito ay mahimbing na natutulog

Lumapit si Ernesto kay Cisa at hinawi niya ang buhok nito

"Ohh Cisa, ang ganda mo" bulong ni Ernesto sa sarili habang nakatitig kay Cisa

Nang biglang nagising si Cisa at nagulat ito kay Ernesto

"Ernesto" sabi ni Cisa at tumayo sa kanyang kama at agad niya itong niyakap

"Cisa, ano itong nabasa ko na ikakasal kana" sabi ni Ernesto

"Ang kapal mong kwestyunin ako matapos ang sampung taon na hindi mo pagpaparamdam sa akin" sabat ni Cisa

"Patawad Ernesto, subalit hindi ako ang nawala ng sampung taon, nag intay ako sayong pagbabalik, at ngayon nandito kana, huli na Ernesto, huli na" sabi ni Cisa

"Hindi pa huli ang lahat sa atin Cisa, pupwede kang unatras sa mismong araw ng kasal, tumakas ka, sumama ka sakin, Cisa" sabi ni Ernesto

"Hindi ganon kadali yon Ernesto, wala ka dito nang ilibing si Martha, si Santiago umalis, si Jose iniwan ako, si Mauricio, siya lang ang nandito para saakin nung araw na yon, at hindi ko kayang talikuran at saktan siya, patawad Ernesto" sabi ni Cisa kay Ernesto

"Ano... Si Martha, wala na siya" tanong ni Ernesto at gulat na gulat

"Oo Ernesto, wala na si Martha, sampung taon na ang nakakaraan, sa araw ng iyong pag-alis, nasaksak si Martha at hindi mo alam dahil iniwan mo kami" galit na sabi ni Cisa kay Ernesto

"Hindi na mababago ang nakaraan Ernesto, mahal kona si Mauricio, kaya umalis kana" dagdag ni Cisa

Umalis si Ernesto ng mansyon at nang makaalis ito bumuhos sa iyak si Cisa

Pumunta si Ernesto sa sementeryo at hinanap ang puntod ni Martha

Nang makita niya ito ay bumuhos ng iyak si Ernesto

...