Chereads / Noli Me Amore / Chapter 5 - Kabanata 5

Chapter 5 - Kabanata 5

Agusto 17 1882

"Ipapapatay natin siya ulit, Fidel" sabi ni Gargo kay Fidel

Narinig lahat ni Ernesto ang pinag-uusapan ni Gargo at Fidel

Dali-dali siyang bumalik sa paglalakad patungo sa mansyon para ipaalam ito kay kapitan Halgo

Sa mansyon, bumaba ng palapag si Cisa at nakita ang kanyang dating manliligaw

"Cisa mi amor ay te extraño" sabi ng dating manliligaw ni Cisa

"Ano ang yong ginagawa dito Mauricio" sabi naman ni Cisa sa kanya

"Hindi kaba natutuwang makita ako, Cisa" balik na sabi ni Mauricio

"Walang natutuwang makita ka Mauricio" sabat ni Santiago

"Oh Santiago, ang anak ng taga-luto sa mansyon" pang-asar na sabi Mauricio kay Santiago

"At sino itong magandang binibining kasama mo Cisa?" nakakairitang tankng ni Mauricio

"Oh shut up Mauricio, no one is amazed to see you here and no one wants you here, so leave and never comeback" sabat ni Martha sa kanya

"Martha, Martha, ikaw pala yan, ang anak ng kasambay, tila ikay bihasa sa salitang ingles, ano ang nangyari?" Nakakaasar na pagkasabi ni Mauricio

"Hindi lang ikaw ang may kakayahan matuto ng ingles Mauricio, at para ipaalam ko sa iyo, hindi na ako anak ng kasambahay, isa na akong babaeng kilala sa bansang amerika" sabat nito kay Mauricio

"Hindi ka parin nag babago Martha, so snobby" sabi ni Mauricio at tumawa ng malakas

"Mauricio, ano ba, kung pupuwede umalis kana" sabi ni Cisa

Sa kabilang dako bumaba naman si kapitan Halgo mula sa kanyang silid at nakita niya si Mauricio

"Mauricio, is that you my boy" sabi nito kay Mauricio

"Papa Halgo" sabi naman Mauricio ng makita niya si kapitan Halgo

"Cisa, bakit hindi mo ipinaalam saakin nadadating pala si Mauricio, para naman napaghandaan natin ang kanyang pagdating" sabi ni kapitan

"Walang nakakaalam na dadating siya papa, at walang natutuwa sa kanyang pagdating, ikaw lamang papa" sabi ni Cisa at umaakyat siya sa kanyang silid

Sa mansyon, nakadating na si Ernesto at dala dala ang mga pinamili

Hinanap niya si kapitan Halgo sa buong sulok ng mansyon pero hindi niya ito masilayan kung nasaan

Nang ito ay kanyang mahanap sa likod ng mansyon kasama si Mauricio at tuwang tuwa itong kasama siya

Hindi nakagalaw si Ernesto sa kanyang nakita at siya ay napatayo lang sa kanyang puwesto

Napansin ni kapitan Halgo si Ernesto na nakatingin sa kanila at ito ay kanyang nilapitan

"Ito naba ang mga pinamili ko sa iyo, magaling Erenesto" sabi ni kapitan at inaabot ang mga pinamili kay Carlito

Agusto 18 1882

Kinabukasan sa mansyon, "sige buhatin mo yang mga prutas na iyan hanggang sa ikatlong palapag ng mansyon, kailangan ni Mauricio ang mga yan, dalian mo" nakakairitang sigaw ni Carlito kay Ernesto habang ito ay nag bubuhat ng dalawang punong bayong na may lamang mga prutas

Nakarating sila sa ikatlong palapag at nag-iintay si Mauricio doon sa mga prutas

"Carlito, tell this boy that he is slow" nakakairitang sabi ni Mauricio

"Ang bagal mo sa tagalog baka kasi..." Bago pa ito matapos ni Carlito ay pinigilan siya ni Ernesto, "akin itong naintindihan, hindi mo na kailangan pang ulitin" sabi ni Ernesto kay Carlito

Agusto 19 1882

Sa ikatlong araw, ipinalinis ni Carlito kay Ernesto ang kwarda ng mga kabayo ni kapitan Halgo

Nakita ni Cisa ang paghihirap ni Ernesto at ito ay naawa na sakanya

Sa kabilang banda ang kaibigan ni Ernesto na si Diego na mahigit tatlong araw na niyang hindi nakikita ay nandoon sa mansyon at pinapanood siya nito habang nag lilinis ng kwarda

"Carlito, kung hindi mo masasamaain, ngunit gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ni Diego sa sulok na iyon kasama ang ibang kawal at nakasuot ng damit katulad ng mga nasa kawal?" tanong ni Ernesto kay Carlito

"Hindi mo ba alam na ang kaibigan mong si Diego ay inanyayahan ni kapitan bilang maging kanyang kawal at ito ay tinggap ni Diego, para na rin daw sa perang kikitain na makakatulong sa kanyang ina" sabi ni Carlito kay Ernesto

Nagkatitigan si Ernesto at Diego at nakita niya sa mga mata ni Diego na ito ay naawa para sa kanya, "ano ba, pakibilisan ang pag lilinis at marami pang mga utos ang kapitan sa iyo" gulat ni Carlito kay Ernesto

Agusto 20 1882

Sa ika-apat na araw ay patuloy parin ang pagpapahirap ni Carlito kay Ernesto

Kanya itong ipinaglakbay sa kagubatan upang mangaso ng hayop

Halos isang buong araw ang paghahanap ni Ernesto sa hayop na ipinahanap sa kanya

"Eto na ang aking nangaso, sana ay sapat na yan halos buong araw kong pinaghirapang mapatay yan" sabi ni Ernesto at inilapag sa sahig ang kanyang nangasong hayop sa harap ni Carlito

"Mabuti, at wala akong pakialam sa detalye, sige makakabalik kanalang kinabukasan" sabat naman ni Carlito

Tinulak niya palabas ng mansyon ni Ernesto at sinaraduhan ng pinto

Agusto 26 1882

Sa ika-sampung araw habang si Ernesto ay nasa likod ng mansyon at nag bubuhat ng mga punong kahoy, pumasok muli sa kanyang isipan ang plano ni Gargo at Fidel kay kapitan

Dali-dali siyang pumasok sa mansyon para ipaalam ito kay kapitan, subalit ang kanyang nasilayan ay ang masayang mukha ni kapitan kasama si Mauricio

"You are the perfect man for my girl, not like that Ernesto, hes just a poor slave" narinig ni Ernesto ang mga salitang ito mula kay kapitan

Nagtatawanan ang mga bisita ni kapitan pati narin si Mauricio ng marinig ang mga sinabi ni kapitan tungkol kay Ernesto

Si Ernesto ay tumatakbo papalabas ng mansyon ng bumuhos ang malakas na ulan

Napatigil siya at binuhos ang lahat ng kanyang galit sa pag-sigaw habang ito ay umiiyak

"Hayop ka kapitan, napakasama mo, balang araw ipapalamon ko sa iyo ang lahat ng mga kademonyohang ginawa mo, malalaman mo ang sakit na nadadama ko ngayon, at ang araw na ito ang tanda ng sakit na iyon, babalik ako, babalik ako..." Galit na sinisigaw ni Ernesto

Agusto 27 1882

Kinabukasan sa sakayan ng barko papuntang amerika, si Carmila kasama ang kanyang dalawang anak ay naroroon at may mga dalang bagahe

"Selia, salamat at pinahiram mo ako ng pera at salamat dahil pumayag kang alagaan si Isabella para saakin, pangako babayaran kita agad" sabi ni Carmila sa kay Selia

"Walang ano man, para saan pa ang pagkakaibigan natin, ayaw ko naman na mawala ka, mag papagamot ka, ipangako mo" sabi naman ni Selia kay Carmila

Sa kabilang dako naroroon rin si Ernesto at dali-daling sumakay ng barko

Napansin siya ni Simon at dali-dali itong nilapitan ni Simon

"Nay, siya ang sinasabi ko sa inyong mabait na ginoo na nag bigay sa akin ng pera" sabat ni Simon sa usapan ni Selia at Carmila

Nagkatitigan si Carmila at Ernesto at nanlaki ang mata ni Carmila ng siya ay maalala sa mukha ni Ernesto

"Carmila, siya si..." Naputol na sabi ni Selia ng itinuloy ni Carmila ang kanyang sasabihin

"...si Ernesto, ang anak ni Paula" itinuloy na sabi ni Carmila

...