Agusto 26 1882
"Martha, martha" paulit-ulit na sigaw ni Santiago habang sila ay nasa daan patungong pagamutan
"Martha, gumising ka..." Sigaw ni Santiago habang ito ay umiiyak
Sa mansyon, si Mauricio at kapitan ay nag sasaya sa pagkawala ni Ernesto
"Ohh im so glad he's gone" sabi ni Mauricio at uminom ng alak
"The same as you Mauricio" sabi ni kapitan at uminom ng alak
Habang si Diego ay nasa tabi nila at nakatingin na may sama ng loob
"Ganyan po ba kayo kasamang tao" sabat ni Diego kay kapitan
"Ano!" sabi naman ni Mauricio at tumingin kay Deigo sa masamang titig
"Oo alam ko may galit kayo kay Ernesto kapitan, subalit mabait na tao si Ernesto, kesa sa isang ito, Mierda tonta" sabat ni Diego
Tumayos sa inuupan si Mauricio at balak pagbuhatan ng kamay si Diego subalit pinigilan siya ni kapitan
"Hindi ako galit sa kanya, galit na galit ako, sa tingin ba niya ang katulad niyang mababang tao ay magiging parte ng aking pamilya, pwes nagkakamali siya, masaya ako na wala na siya, at dapat ikaw rin, mapapahamak ang posisyon mo at trabaho mo, pati narin ang bubay mo, dahil hawak na kita Diego, kaya ayusin mo ang tono ng mga pananalita mo" sabat ni kapitan kay Diego
"Patawad kapitan" sabi ni Diego sa takot na boses, "you should be" sabat naman ni Mauricio
Sa pagamutan sa abandonadong silid, umiiyak si Isabella habang nakaakap sa kanya si Dante
"Tahan na Isabella, mag pasalamat ka at hindi ko binuhos lahat ng pagmamahal sa iyo at buhay kapa ngayon" sabat ni Dante at napatigil si Isabella sa pag iyak
"Nakakadiri ka" sabat ni Isabella kay Dante sa galit na boses
"Oo alam ko, pero Isabella, mahal na mahal kita, aalagaan kita, magkakasundo tayo kung mananatili ka saakin, yun lamang ang aking hiling" sabat ni Dante
Hinalikan niya si Isabella sa pisngi at nagbihis ng damit, umalis siya sa silid na iyon at ikinandado ang pinto para hindi makalabas si Isabella
Bumalik si Dante sa hindi abandonadong parte ng pagamutan at naroon si Santiago buhat buhat si Martha
"Tulungan ninyo ako" sigaw ni Santiago at agad na lumapit sa kanya si Dante
"Ano ang nangyari sa kanya" tanong ni Dante kay Santiago
"Nasaksak ng isang sandata" sagot ni Santiago kay Dante
Pinahiga nila sa kama si Martha at ginamot ito ng mga doktor
Umiiyak sa takot si Santiago na baka ay hindi makayanan ni Martha ang sakit at mawala na panghabang buhay
Sa kabilang dako napansin ni Santiago ang parte ng pagamutan na abandonado at pumunta roon para doon ilabas ang nararamdaman
Sinusuntok niya ang pader para ilabas lahat ng galit dahil sinisisi niya ang kanyang sarili na napahamak si Martha
"Tulong" sigaw ni Isabella na narinig naman ni Santiago
Nag taka siya kung sino ang kanyang narinig at ng kanyang bubuksan ang pinto nagulat siya bigla kay Dante
"Ano ang ginagawa mo dito" tanong ni Dante sa nakakatakot na boses
"Ahh wala, nilalabas kolang ang mga nararamdaman ko ngayon dahil ang aking kaibigan ay naroon at nagaagaw buhay, at kasalanan ko..." Sabi ni Santiago at umiyak
Nilapitan siya ni Dante at hinawakan sa balikat at tinungo sa hindi abandonadong parter ng pagamutan
"Isabella, isabella" sigaw ni Selia at hinahanap si Isabella kung saan saan
Napaluhod si Selia at hinawakan ang kanyang dibdib ng ito ay atakihin ng sakit sa puso
Nahimatay si Selia at dali-daling idinala ng mga taong nakakita sa kanya sa pagamutan
Sa mansyon, si Cisa at Jose ay nag kukuwentuhan ng dumating si Santiago at may mga dugo ang kanyang damit at mga kamay
"Si... si Martha" sabi ni Santiago sa mabagal na boses at pinipigilan ang sarili na umiyak
Napatayo si Cisa sa kanyang kama at dali-daling nagtungo sa pagamutan kasama si Jose
"Martha" sigaw ni Cisa at nakita ang katawan ni Martha na tinatakpan ng kumot
"Wag, wag" sigaw ni Cisa at lumapit sa katawan ni Martha, inalis niya ang kumot at sinubukang gisingin si Martha
"Wala na siya binibining Cisa" sabi ng isang doktor kay Cisa
"Hindi... Hindi to pwede... Martha gumising ka..." Sabi ni Cisa habang ito ay umiiyak
Lumapit sa kanya si Jose at hinawakan ang balikat at nilayo sa katawan
Niyakap ni Cisa si Jose at umiyak ito sa dibdib ni Jose, "Hindi to pwede... Jose..." Sabi ni Cisa habang umiiyak
Dali-dali namang pumunta ang mga doktor ng nadala na ng mga tao si Selia sa pagamutan
Ipinahiga nila si Selia sa isang kama at sinubukang gamutin si Selia subalit hindi na ito naagapan
Septyembre 02 1882
Makalipas ang pitong araw, pagkatapos ng libing ni Martha
Sa mansyon sa silid ni Cisa, hawak hawak ni Cisa ang litrato nilang dalawa ni Martha at ito ay umiiyak
Pumasok si Jose sa kanyang silid at tumabi kay Cisa "Cisa, bukas na pala ang kaarawan ng iyong ama, alam kong malungkot ka sa pagkawala ni Martha subalit kailangan ka ng iyong ama sa araw na yon na masaya, at gusto ko rin palang sabihin na si Santiago ay umalis na ng mansyon, at hindi na muling babalik, nais niyang mapatawad mo siya dahil hindi niya na protektahan si Martha" sabi ni Jose
"Pinapatawad ko na siya, at susubukan ko maging masaya bukas, para kay papa" sabi naman ni Cisa
Sa sementeryo, si Dante ay pumunta sa puntod ni Selia na may dalang bulaklak
"Ako na ang mag-aalaga sa kanya, patawad at alam ko na kasalanan ko ang nangyari sa iyo, kung ibinalik ko lang siya ay buhay kapa ngayon, hindi ko gustong maging responsable sa kamatayan ng iba pero hindi kona mababago ang nangyari, patawad ulit Selia" sabi ni Dante sa puntod ni Selia
Septyembre 03 1882
Kinabukasan sa araw ng kaarawan ni kapitan, "Carlito, nasaan na si Cisa, kung pupwede puntahan mo dahil kailang ko siya dito" sabi ni kapitan kay Carlito
"Masusunod kapitan" sagot namab ni Carlito kay kapitan at nagtungo sa silid ni Cisa
Kumatok siya sa pinto ni Cisa at ito ay nakabukas, at wala si Cisa sa kanyang silid
Nakita niyang bukas ang bintana ni Cisa at dali-dali itong bumaba para ipaalam kay kapitan
"Kapitan, si Cisa ay tumakas ng mansyon" sabi ni Carlito kay kapitan Halgo
"Ano" sagot ni kapitan, nang biglang may bumaril kay kapitan at siya ay natamaan sa kanyang braso
Nagtakbuhan ang mga bisita at nagkagulo sa mansyon, tumago ng mabilis si kapitan at nakaalis sa senaryo kasama si Carlito at Mauricio
Galit na galit si kapitan at may husga na siya kung sino ang bumaril sa kanya
Septyembre 04 1882
Kinabukasan pagkatapos ng gulo sa mansyon may mga kawal na nagtungo sa silid ni Gargo ay siya dinakip ng mga ito
...