Septyembre 04 1882
Dinakip ng mga kawal si Gargo at dinala sa isang abandonadong bahay
"Ano ang dahilan ng pag dakip ninyo sa akin" tanong ni Gargo sa galit na boses
Hindi nag salita ang mga kawal at iniwan nila si Gargo doon
Nang si Carlito ay dumating at may dala dalang isang timba ng tubig
Ibinuhos ni Carlito ang tubig kay Gargo at hinawakan niya ito sa kanyang baba
"Sabihin mo sa akin Gargo, ano ang dahilan ng pagpapapatay mo kay kapitan?" tanong ni Carlito
"Ano ang ipinagsasabi mo?" Balik na tanong ni Gargo kay Carlito
"Alam natin na ikaw lang ang may kakayahan na papatayin si kapitan, Gargo, ginawa mo na ang pangyayaring ito noong iniwan ka ng iyong nobya, isinisi mo ang kanyang pag lisan sayo kay kapitan, tama ba" sabi ni Carlito
"Kaya ka nga ipinadala ni kapitan sa ibang bansa para ilayo sa kanya dahil isa kang banta sa buhay niya" dagdag ni Carlito
"Oo, ako ang nag-papatay sa kapatid ko dati, at isinisisi ko hanggang ngayon ang pag lisan ni Nita sa kanya, dahil tinakot niya ito, hindi aalis si Nita kung hinayaan niya lang kami" nanggigigil na sabi ni Gargo at ang kanyang mga luha ay pumatak sa sahig
"Pero wala akong kinalaman sa pagpapapatay sa kanya kagabi, ipinatigil ko kay Fidel ang plano namin na ipapatay ang aking kapatid subalit nag desisyon na akong aalis sa bansang ito" sabi ni Gargo
"Kung ganon, sino ang nag..." Bago pa matapos ni Carlito ang kanyang sasabihin ay ginambala na ito ni kapitan Halgo at lumabas ito isang sulok at nag simulang mag salita
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo Gargo, hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo, umamin ka nalang at magiging maayos na lahat ng ito, ibabalik kita sa ibang bansa para mag pagamot, umamin kalang Gargo" sabi ni kapitan sa nanggigigil na boses
"Maniwala ka aking kapatid subalit wala akong kinalaman sa pagpapapatay sa iyo kagabi" sabi ni Gargo sa kumpiyansang boses
"Hindi ka talaga aamin?" Tanong ni kapitan kay Gargo na galit na galit
"Kung ganon, Carlito ipalisang muli si Gargo sa ibang bansa at ipagamot sa magagaling na doktor" utos ni kapitan kay Carlito
"Gagaling ka aking kapatid, hindi mo na kailangang mag hirap sa kondisyong iyong kinakaharap" sabi ni Halgo kay Gargo
"Subalit wala akong sak..." Bago pa ito matapos sabihin ni Gargo kay kapitan ay umalis na si kapitan at hinayaan si Carlito na gawin ang kanyang trabaho
Ipinalisan ni Carlito pabalik sa ibang bansa para mag pagamot si Gargo dahil naniniwala si Halgo na may sakit sa utak ang kanyang kapatid
Agusto 18 1892
Makalipas ang sampung taon...
Si Ernesto, Carmila at Simon ay nakabalik na galing sa ibang bansa
"sawakas ay nakabalik na tayo" sabi ni Simon at sininghot ang amoy ng hangin
Binuhat ni Simon ang kanilang mga bagahe, lumabas ng barko si Carmila at tila ba ay may iniintay na sasalubong sa kaniya
Lumabas naman ng barko si Ernesto at nakita na tila bang nag-aalala si Carmila
Hinwakan niya ang mga balikat nito at sinabing, "nay ayos kalang ba, sino ang inyong iniintay" sabi ni Ernesto kay Carmila
"Ernesto, ang akala ko kase ay nandito si Isabella at Selia sa ating pag balik subalit hindi ko sila masilayan" sabi ni Carmila
"Baka naman nay nasa bahay at inaantay tayo para mag diwang sa ating pag balik" sabat ni Simon
"Siguro nga" nag-aalalang sabi ni Carmila, umalis ang tatlo sa sakayan ng barko at nag dali-daling pumunta sa bahay nila Carmila
Subalit wala silang taong nasilayan roon, nag tungo rin sila kina Selia at tila ba abandonado na ang mga bahay nila
"Wala na ang nakatira diyaan, si Selia, inataki sa puso at pumanaw na" sabi ng isang kapitbahay
Napaluhod si Carmila sa kanyang narinig at nagbuhos ng iyak, niyakap siya ni Ernesto at sinusubukang pakalmahin
Pumunta ang tatlo sa puntod ni Selia at may dalang bulaklak
Napansin ni Simon na may bagong bulaklak na nakalagay sa puntod ni Selia
Kanya itong inabot at nakita na ang bulaklak ay ang paboritong bulaklak ng kaniyang kapatid
"Nay, ito ang bulaklak na paborito ni Isabella, ito rin ang bulaklak na palagi nilang itinatanim ni tiya Selia" sabi ni Simon
"Ano ang nais mong ipahiwatig Simon?" Tanong ni Ernesto kay Simon
"Siguro ay kagagaling lang dito ni Isabella at siya ang nag-lagay ng bulaklak sa puntod ni tiya" sabi ni Simon
Gumaan ang loob ni Carmila ng marinig ang mga sinabi ni Simon
Pumunta agad si Carmila sa prisinto at humingi ng tulong sa mga kawal
Agad namang nag bigay ang mga kawal ng utos na ipahanap si Isabella
Agusto 25 1892
Hindi nag tagal ng isang linggo ay nahanap ng mga kawal si Isabella sa isang parte ng kagubatan
Siya ay hubot hubad at walang suot ng kadamitan ng siya ay mahanap ng mga kawal
Dali-daling pumunta ng prisinto si Carmila ng makita ang kanyang anak
Niyakap niya si Isabella at bumuhos ng luha sa pag-iyak dahil sa sayang ligtas si Isabella
Tinanong ng mga kawal kung ano ang nangyari kay Isabella subalit hindi sinabi ni Isabella kung ano talaga ang nangyari sa kanya
Sa pamilihan habang si Ernesto ay bumibili ng mga panindang gulay nakita niya si Diego at may kasama itong babae
"Diego!" Sigaw ni Ernesto subalit hindi lumingon sa kanya si Diego
Nalungkot si Ernesto ng hindi ito lumingon sa kanya, hindi ginambala ni Ernesto si Diego at umalis ng pamilihan ng mabili ang mga kanyang bibilhin
Sa bahay nila Carmila kinagabihan, sa hapagkainan, inihain ni Carmila ang masarap na pagkaing kanyang niluto
"Hmm, sinigang, antagal ko itong hindi natikman" sabi ni Simon na masaya
"Isabella, ayos kalang ba?" Tanong ni Carmila kay Isabella dahil ito ay hindi umiimik simula ng siya ay makita ng mga kawal
"Isabella, sana ay magsabi ka kung ano ang nangyari sa iyo" sabi ni Simon kay Isabella
Agusto 26 1892
Kinaumagahan, sa sakayan ng barko si Gargo ay bumaba ng barko at masayang nakabalik muli ng Pilipinas
"Gargo my brother" isang babae ang sumalubong kay Gargo
"Karmen ang aking bunsong prinsesa" masayang sigaw ni Gargo at niyakap ang babae
"Oh i miss you Gargo, it's been along time since you and i see each other" sabi ni Karmen
"I miss you too my sister" sabi naman ni Gargo kay Karmen
"Nasaan pala si kuya?" Tanong ni Gargo kay Karmen
"Malungkot kong sasabihin sa iyo ito subalit ayaw kang makita ni kuya, mukhang hindi siya na maniwala na hindi talaga ikaw ang nagtangka ng buhay niya, hindi ba talaga ikaw?" Sabi ni Karmen
"Pati ba naman ikaw Karmen, hindi nga ako ng nagtangkang pumatay kay kuya, hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon, siguro ay hindi ko lang matanggap na iniwan ako ni Nita pero ngayon kinalimutan kona ang lahat ng iyon" sabi ni Gargo
"Sana ay totoo ang lahat ng sinasabi mo, ah sige at umalis na tayo, naghihintay pa si Cisa sa akin sa mansyon" sabi ni Karmen
"Nakabalik na si Cisa?" Sabik na pagkatanong ni Gargo kay Karmen
"Oo, Gargo mahigit dalawang taon na siyang nakabalik, at ikakasal na siya" sabi ni Karmen
"Kay Ernesto?" Tanong ni Gargo kay Karmen, "sino si Ernesto?" Tanong ni Karmen na nagtataka
"Ang nobyo ni Cisa" sabi ni Gargo kay Karmen, "hindi, kay Mauricio siya ikakasal, Gargo" sabi ni Karmen
"Ano..." Gulat na pagkasigaw ni Gargo at nabigla si Karmen sa kanyang reaksyon
...