Chereads / Noli Me Amore / Chapter 3 - Kabanata 3

Chapter 3 - Kabanata 3

Agusto 16 1882

"Ano ang ating gagawin" takot na sabi ni Cisa kay Ernesto

"Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaang saktan ka ni kapitan" sabi ni Ernesto kay Cisa habang niyayakap niya ito

Nag tungo sila Ernesto, Cisa, Diego at Jose kung saan ang handaan ay nagaganap

Nakita nila ang kawal na si Carlito ay nag susumbong kay kapitan Halgo nang makita sila nito

Napatayo si kapitan Halgo sa kanyang inuupuan at nag tungo sa puwesto nina Cisa at Ernesto

Hinwakan ni kapitan si Cisa sa kanyang braso at sinubukang hilain ito papalayo kay Ernesto

Subalit si Ernesto ay nakahawak sa kabilang braso ni Cisaat hindi hinyaang kunin ito ni kapitan

"filiae meae brachium meum vadat" sabi ni kapitan Halgo kay Ernesto na may galit

"Paenitet sed adleviata kapitan" sabat ni Ernesto kay kapitan

"Huwag mo akong galitin Ernesto at bitawan mo ang braso ni Cisa" galit na galit na sabi ni kapitan

"Hindi" pasigaw na sabat ni Ernesto kay kapitan at ang lahat ay napatingin sa kanila

Napa bitaw si kapitan sa braso ni Cisa nang grupo ng tao ang lumapit sa kanila at mabilis na inilayo ni Ernesto si Cisa kay Kapitan

"Ahahaha, walang nangyayari dito mga binibini at ginoo, ituloy ang kasiyahan" sabi ni kapitan sa mga bisita at sa kanyang pag lingon pabalik kina Ernesto at Cisa ay wala na ito

"invalidi" pabulong na sabi ni kapitan at agad niyang hinanap ang dalawa

Nakita niya si Ernesto at Cisa sa hapagkainan kung saan ang mga pagkain ay nakalagay

Napansin ni Ernesto na nakita na sila ni kapitan at agad itong kumilos para ito ay galitin pang lalo

Hinawakan ni Ernesto si Cisa sa kanyang baywang habang nakatingin sa kanila si kapitan Halgo

"Nakatingin siya saatin, subalit huwag kang mag-alala aking Cisa, hindi ko hahayang kunin ka niya mula saakin" pabulong na sabi ni Ernesto kay Cisa

Mabilis na hinila ni Ernesto si Cisa at hinalikan ito sa harap ng maraming tao

Galit na galit ang dugo ni kapitan kay Ernesto subalit ayaw niyang masira ang handaang kanyang inasiko para sa pag uwi ng kanyang kapatid

At nang biglang may tumapik sa likod ni kapitan Halgo at ito ay si Gargo ang kanyang kapatid

"Siya ba ang nobyo ng iyong anak?" Tanong ni Gargo kay Halgo

"Ikinahihiya mo ba na makita ang mababang lalaking ito kasama ang iyong anak?" Dagdag na tanong ni Gargo

"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan, subalit ang panahon ay babago rin Halgo, hindi lahat naka tuon sa kasikatan, kayamanan at pangalan, ang mahalaga ay ang anak mo at ang lalaking ito ay nagmamahalan, ayaw mo bang sumaya si Cisa, sana hindi mo gawin ang ginawa mo saamin ni Nita dati" sabat ni Gargo

Napaisip si kapitan sa sinabi ni Gargo sa kaniya at agad itong nag bago mula sa galit at kamaldong sarili

Lumapit siya kina Cisa at Ernesto at agad na pinuwesto ni Ernesto si Cisa sa kanyang likuran

"Kapitan..." Bago pa matapos ni Ernesto ang kanyang sasabihin siya ay napatigil ng agad na hinawakan ni kapitan ang kanyang kaliwang kamay

"Patawad, Ernesto at Cisa kung ako ay humadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa, kung kayo ngang dalawa ay nag mamahalan patunayan mo yan saakin Ernesto" sabi ni kapitan sa kalmadong boses

"Lahat gagawin ko para kay Cisa kapitan" sabat ni Ernesto kay kapitan

"Mabuti kung ganon" sabi ni kapitan Halgo kay Ernesto

Sa kabilang dako sa pagamutan kung saan naroroon sina Isabella, Simon at Carmila

Nagising na si Carmila mula sa pag-kakawalang malay nito

"Isabella" sabi ni Carmila sa mahinang boses ng makita niya si Isabella na nakahiga sa kanyang mga hita

Hinaplos niya ang mukha ni Isabella at agad itong nagising

"Patawad anak kung nagising kita sa iyong pag tulog" agad na sabi ni Carmila sa kanyang anak

"Nay, gising na kayo" sabi ni Isabella at napahikab ito nang biglang si Simon ay nakabalik na mula sa pag-bili ng kanilang makakain

"Kuya ang tagal mo namang bumalik, sabi mo sandali kalang" sabi ni Isabella kay Simon

"Nakabalik na ako kaninang hapon at tulog ka, ayaw naman kitang gisingin sa himbing ng tulog mo" sabat ni Simon

"Nay kamusta ang pakiramdam niyo, sabi ng doktor ayos na kayo, totoo ba nay, sumasakit pa ba ang ulo niyo nay" tarantang tanong ni Simon sa bagong gising na nanay

"Parang maayos na ang pakiramdam ko" sabat ni Carmila

"Sandali, subalit saan ka pala kumuha ng pera para bumili ng mga pagkain na yan, at ano ang gagamitin natin sa pang bayad dito sa pagamutan?" tanong ni Carmila

"Wag kang mag-alala nay, may mabait na lalaki ang umabot saakin ng pera at ginamit ko yon para bayaran ang pagamutan at makabili ng makakain natin" sabat ni Simon

"Hindi kaba nag nakaw Simon, baka bumalik ka nanaman sa pag nanakaw?" tanong ni Carmila kay Simon na pag dududa

"Hindi nay, grabe naman kayo" agad na sabat ni Simon kay Carmila

Nang biglang lumapit si doktor Dante sa kanila at may balita itong hindi maganda

Sa mansyon ng Fernandez, sa taas ng mansyon sa kwarto ni Gargo

"Nita aking sinta, hahanapin kita at siguraduhin kong hindi na tayo mapaghihiwalay ni kuya ngayon at nakabalik na ako dito" may galit na sabi ni Gargo habang hawak ang isang sulat na galing kay Nita

Nang biglang isang katok sa kanyang pintuan ang gumulat sa kanya

Binuksan niya ang pinto at nakita ang isang kawal doon na may mensahe para kay Gargo

"Ipinatatawag na kayo ni kapitan Halgo, ginoong Gargo" sabi ng kawal kay Gargo

"Susunod ako doon, pakisabi nalang yon, at kung maari lang Fidel, huwag ka munang lumapit lapit saakin at baka makahalata ang aking kuya sa ating dalawa" sabat ni Gargo sa kawal

"Masusunod ginoong Gargo" sabi ni Fidel kay Gargo at nag tungo kat kapitan

Sa baba ng mansyon, "ano ang nangyayari doon, mukhang malalim ang pinaguusapan ng iyong nobyo at ama Cisa" sabi ni Martha kay Cisa

"Hindi ko alam subalit akoy kinakabahan para kay Ernesto, pati narin kay Diego at Jose at baka may mangyaring masama sa kanila" sabi ni Cisa

"Huwag kang mag-alala Cisa, magiging maayos lang si Ernesto" sabat ni Martha

Nang biglang sumabat sa usapan nila si Satiago, "mukhang nasa matinding kapahamakan si Ernesto" sabat nito

"Ano kaba Santiago ginulat mo ako" gulat na sabi ni Martha at hinampas si Santiago sa kaniyang balikat

Samantala, "pumapayag kaba sa aking kasunduan" tanong ni kapitan kay Ernesto

"Ako ay pumapayag kapitan..." sabat ni Ernesto kay kapitan nang biglang dumating ang kawal na si Fidel na pinapunta ni Kapitan para sunduin si Gargo

"Kapitan susunod nalang daw siya" sabat nito sa usapan ni kapitan at Ernesto

"Maraming salamat Fidel at pupuwede kanang bumalik sa yong mga ginagawa" sabat ni kapitan kay Fidel

"Tandaan mo ito Ernesto, hahayaan kong naging kayo hanggat susunod ka sa mga patakaran ko, naiintindihan mo" sabat ni kapitan

"Naiintindihan ko kapitan" sabat naman ni Ernesto kay kapitan

"Mabuti at nag kakalinawan tayong dalawa" sabat ni kapitan at umalis

"Sa totoo lang, ako ay bilib sayo" sabi ni Diego kay Ernesto, "ganon din ako, akalain mo yon at pumayag si kapitan na maging kayo ni Cisa" sabat naman ni Jose

"Subalit may mga dapat akong gawin para mapanatili namin ang pagmamahalan namin ni Cisa, at baka hindi ako mag tagumpay" sabat ni Ernesto

...