Agusto 15 1882
Pagkatapos magpasya ni Ernesto kung dadalo ba sila ni Diego sa handaan ay pumunta sila sa isang kainan
Sa kainan na yon nakita nila ang kapatid ni kapitan Halgo na si Gargo at ito ay kumakain sa isang hapagkainan na siya lang mag isa
"Naka balik na pala ang kapatid ni kapitan" bulong na sabi ni Diego kay Ernesto
"Ako parin ay nag tataka, ngunit ano nga ba ang dahilan ng kanyang pag lisan" balik na patanong at pag bulong ni Ernesto kay Diego
"Ang kanyang palihim na nobya na si Nita ay tinakasan siya matapos itong takutin ni kapitan Halgo para sila ay layuan" bulong ulit ni Diego kay Ernesto
"Napaka sama talaga ng ugali ni kapitan, hindi siya karapat-dapat sa kanyang posisyon" bulong naman ni Ernesto pa balik
Natigil sa pag bubulungan sina Ernesto at Diego ng tumayo bigla ang kapatid ni kapitan sa kanyang inuupuan
Humarap ito sa kanila at lumakad papalapit na para bang hindi nito nagugustuhan ang kanyang mga naririnig
"Ano ang pinag bubulungan ninyo, tungkol ba yan sa akin?" tanong ng kapatid ni kapitan sa malalim na boses
"Ahh hindi..." Hindi natuloy ni Ernesto ang kanyang sasabihin ng takpan ni Diego ang kanyang bibig gamit ang kamay nito
Umalis ang kapatid ni kapitan sa senaryo at lumabas na ng kainan
"Bakit mo ginawa yun" tanong ni Ernesto kay Diego
"Hindi mo dapat sinasagot ang mga may mga mataas na posisyon hanggat hindi nila sinasabing sumagot ka" ani ni Diego
"Si Gargo ang susunod na magiging kapitan ng lugar na ito, kaya ayusin mo ang kilos mo Ernesto, hindi natin alam kung mas masahol pa siya kesa kay kapitan Halgo" dagdag ni Diego
"Kung ganon, ano ang mangyayari kay kapitan Halgo kapag nakuha na ni Gargo ang posisyon bilang isang kapitan" tanong ni Ernesto
"Hindi ko batid ang mangyayari kay kapitan Halgo, ngunit ang aking husga na ang kanyang nag iisang anak na si Cisa ay mananatili sa mansyon kasama si Gargo" sagot ni Diego
"Isa lang ang ibig sabihin non Diego" sabik na pagkasabi ni Ernesto sa malalim na boses
"Ano ang ibig mong sabihin Ernesto?" tanong ni Diego kay Ernesto
"Wala nang pipigil sa pagsasama namin ni Cisa" sigaw ni Ernesto
"Huwag kang sumigaw, nakakahiya sa ibang tao" bulong si Diego kay Ernesto at silang dalawa ay tumawa
Samantala sa mansyon ng mga Fernandez, sina Cisa at kapitan Halgo ay nag tatalo sa isang silid para sa handaan na mangyayari mamayang gabi
"Hindi mo iimbitahin ang mababang uri ng lalaking yon Cisa" sabi ni kapitan
"Subalit hindi yata patas yon papa, pwede kang mag imbita ng kung sino sino subalit ang sarili kong nobyo ay hindi pwede" ani ni Cisa kay kapitan
"Ako ang masusunod Cisa, at ayaw kong makita ang pag mumukha ng lalaking yon sa handaan mamayang gabi" sabat ni kapitan at umalis sa silid
Napaupo nalang si Cisa sa upuan at bumagsak ang kanyang luha dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman
Sa kabilang banda si Simon ay nakauwi na galing sa pamilihan na may dalang pagkain at gamot para sa kanyang ina
"Nay! Nay! Nay!" Tinatawag ni Simon ang kanyang ina subalit walang sumasagot
Nag-alala si Simon kayat pumasok na siya sa silid ng kanyang ina para silipin kung ayos lang ba ito at nakita niya itong nakahiga sa kanyang kama
"Nay! Meron na tayong makakain, nakabili narin ako ng gamot ninyo, bumangon na kayo nay" sabay sabi ni Simon na may pag-alala sa kanyang ina
Lumapit si Simon sa nakahiga niyang ina para ito ay gisingin subalit hindi niya ito magising
Agad na kinabahan si Simon at tinawag niya ang kanyang kapatid para dalhin nila ang kanilang ina sa pagamutan
Sa mansyon ng Fernandez habang si Cisa ay nag iisip ng paraan para sa pag dalo ni Ernesto sa handaan isang pamilyar na boses ang kanyang narinig
"Cisa!" Sigaw na narinig niya mula sa malayo, at sa kanyang paglingon nakita niya ang isang babae na kanyang kakilala
"Martha!" Pabalik sa sabi ni Cisa sa babae na kanyang kakilala
Silang dalawa ay naglapit sa isat isa at nag yakapan silang dalawa
"Kamusta kana, antagal mong nawala, saan ka nag punta?" Tanong ni Cisa kay Martha
"Ako ay nang galing ng ibang bansa at nag aral ng wikang ingles para hindi nako tratuhin ng ibang lalaki na isang mababang babae lamang" sagot ni Martha
"Mabuti para sa iyo" natutuwang sabi ni Cisa para kay Martha
"Ikaw ano ang yong pinag kakaabalahan?" tanong ni Martha
"Meron nabang lalaking bumihag sa iyo?" dagdag ni Martha sa kanyang tanong
"Oo, Ernesto ang kanyang pangalan, at nag iisip ako ng paraan upang siya ay maka dalo ng handaan mamaya dahil tutol si papa saaming dalawa" sagot ni Cisa
"Hayaan mo at tutulungan kita" sagot ni Martha kay Cisa
Sa pagamutan, "lalabas muna ako sandali Isabella" sabi ni Simon sa kanyang kapatid
"Sige kuya, ako muna ang mag babantay kay nanay" sagot ni Isabella sa kanyang kuya
Nang makaalis si Simon bigla namang dumating ang doktor na nag gamot sa kanila ina
"Doktor! ayos lang ba ang aking nanay?" Tanong ni Isabella sa doktor
"Maayos na ang lagay ng iyong nanay at kailangan nalang natin hintayin siyang magising at painumin ng mga gamot na makatutulong sa kanya para labanan ang kanyang sakit" sagot ng doktor
"Salamat doktor..." Napatigil si Isabella sa kanyang sasabihin dahil hindi niya alam ang pangalan nito
"Doktor Dante, yan nalang ang itawag mo sa akin" ani ng doktor kay Isabella, "Salamat doktor Dante" sabi ni Isabella sa doktor
Samantala habang si Ernesto at Diego ay kumakain sa kainan
Isang kawal ang pumasok sa kainan na tumungo sa lamesang kinakainan nila
"Ernesto Jacinto, tama ba?" Tanong ng kawal kay Ernesto
"Tama, yun nga ang pangalan ko, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo" sagot ni Ernesto
"Ako nga pala si Santiago kaibigan ni Cisa at Martha at isang kawal, kung gusto mong makadalo sa handaan mamayang gabi, pumunta ka sa lugar na ito para maka pasok sa mansyon" sabi ng kawal pagkatapos ay may inabot na papel at umalis
Nagtaka si Ernesto at binuksan niya ang papel at ang nakasulat sa papel ay ang likod na parte ng mansyon, nakasulat din sa papel ang oras at kung ano ang mangyayari kapag sila ay nakarating na sa lokasyon
Agusto 16 1882
Makalipas ang buong araw at gabi na, pumunta si Ernesto at Diego sa lugar at may kawal na nag hihintay sa kanila doon
"Ernesto ba ang pangalan mo" tanong ng kawal, "tama, Ernesto nga, may nag papunta..." Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin ay pinasunod sila ng kawal na sumunod sa kanya
"Ako nga pala si Jose, isa sa mga kawal na pinagkakatiwalaan ni Cisa, kaya wala ka dapat ipag-alala mula sa akin" sabi ng kawal habang nag lalakad sa hindi pamilyar sa daanan
Sa dulo ng daan ay nakita ni Ernesto ang mukha ng kanyang nobya na si Cisa at ito ay nag hihintay sa kanya
Napatakbo si Ernesto kay Cisa at agad niya itong niyakap
"Oh Ernesto kay tagal kong hinintay na mayakap kang muli" sabi ni Cisa
"Ganon din ang aking nais aking Cisa" sabi ni Ernesto
Nang biglang isang kawal ang naka kita sa kanila na magkasama
"Carlito ano ang iyong ginagawa dito" sigaw ni Jose sa kawal na nakakita sa kanila
Mabilis itong tumakbo at hinabol ni Jose para pigilan na magsumbong kay kapitan, subalit hindi niya ito naabutan
...