Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Miss Tough Meets Devon

🇵🇭RAMILDEAZA
--
chs / week
--
NOT RATINGS
24.6k
Views
Synopsis
She's simple,ngunit siya ang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili.Kinatatakutan ng kanyang mga tauhan.Ang kapakanan ng pamilya'y mas higit pa sa kaysa sa kanyang sarili. REBECA RALLIOS. Ang lalaking nagtataglay ng kaakit akit na mga mata.Tall dark and handsome gigolo walang pinalalagpas at walang nakaliligtas sa kanya kapag ginusto niya lalo na kapag kumagat sa kanyang bitag. DEVON LACON. Pagtatagpuin ang dalawang nilalang na magkaiba ang paniniwala at pananaw sa buhay.Malalagay ang dalaga sa isang pangyayaring magbabago ng kanyang reserbasyon sa sarili at makagugulo sa kanikanilang sistema.
VIEW MORE

Chapter 1 - 1.Rebeca Rallios

Nagising si Rebeca sa malakas na sigawan sa ibaba ng umagang iyon.

Ganito nalang lagi,sa Araw araw na lumilipas kasama na ito sa pag gising niya.

Pagbaba niya mula sa itaas ng malaking bahay ay nakita niyang nagbabangayan na naman ang kanyang madrasta at ang nag iisa nitong anak na babae.

''Eto na naman po kami"

Kundi nga lang ba sa mga naipundar ng dalaga'y matagal na itong nawalan ng gana dahil sa mga eksenang ganito.Sa loob ng maraming taon ay marami na siyang naipundar dahil sa kanyang pagsisikap.Nuon pa lang ay nagbabanat na siya ng buto at katakot takot na pawis na ang kanyang ipinuhunan.Bakit ba'y bata palamang siya ng siyay maulila.Una ang kanyang ina.Nang mamatay ito'y nakapag asawa kaagad ang kanyang ama wala pang isang taon buhat ng namatay ang kanyang ina sa canser.

Nuong una'y hindi niya matanggap ang naging desisyon ng kanyang ama ngunit ano ang kanyang magagawa,bukod sa mabait ay masunuring anak si Rebeca.Bakit pa hahadlang ang dalaga kung sa isip nitoy makatutulong iyon sa kanyang ama dahil narin sa pangungulila nito sa nasirang asawa.

Ang lubos nitong ipinagtataka ay kung bakit nagustuhan ng kanyang ama ang pangalawang asawa nito gayong kung hindi sugarol ang madrasta'y ubod ang mga ito ng katamaran,isama pa ang anak na napaka materyosa at intrimitida.

Dahil siya si Rebeca'y  naihalintulad sa makabagong Cinderella'y napagtiisan niya ito lahat.Mabuti na lamang na bago namatay rin agad ang kanyang ama'y naipagpundar pa siya nito ng mga ilang propiedad.Kayat noong nasalamin ng dalagang maglalahong parang bula ang lahat ng iyon ng dahil narin sa mga kasama niya at naging tila pasananin na sa buhay na mag  ina ay nagsumikap siyang lalo sa pag aaral at pagpupursige na makatapos ng mga kursong gusto niya.Isa siyang Cum laude.

Ang dating maliit na kumpanya'y napalaki niya.Bukod sa naipon niya'y ipinagsapalaran niya ang iba nilang ari arian upang maging colateral sa bangko at iyon ang naging panimula niya.Nagpasalamat narin siya sa nasirang ama dahil hanggang sa huli'y hindi siya nito binigo.Kapakanan parin niya ang mas binigyan nito ng pagpapahalaga.Dalangin na lamang ng dalaga na sana magkasama na ang mga magulang sa langit.Nang mapatingin naman ang dalaga sa dalaang mag ina'y napailing na lang siya.''Yun nga lang nag -iwan pa ito ng mga pasanin sa kanya.''

Ang step sister ni Rebeca ay isa sa mga tauhan niya sa kumpanya.Dahil sa tamad ito at kung ano ano ang inaatupag sakit din sa ulo ang madalas na problema nito sa mga kalalakihan.Maganda at sexy ang babae nakamana pa ito sa unang kauli ng ina nito na may lahi.Kung ikukumpara naman ang hitsura ni Rebeca sa kanyang kapatid ay napakalyo ng kanilang pagkakaiba.Madalas kasing pintasan nito si Rebeca nuong mga bata pa sila.

Si Rebeca ay morena,payat at hindi katangkaran,hindi rin katangusan ang ilong,maraming nagsasabing magkawangis sila ng kanyang ina at marami nga raw napataas ang kilay ng patulan ito ng kanyang ama,ngunit sa kabila ng mga kapitasang iyon ng kanyang ina,mabait at maaalaga ito.Ilan din sa minana sa magilang ay ang taglay niyang kabaitan.Ngunit ang lagi namang sintemyento ng dalaga'y.''Aanhin niya ang taglay na kabaitan kung wala namang nagkakagusto sa kanya,dahil ba sa hitsura niya?''Ang maipagmamalaki lang ba niya lagi'y ang mapupungay niyang mga mata,na hindi man lang mapansin dahil narin sa kapal ng kanyang salamin,bata palamang siyang mag umpisa na itong lumabo.

Kung bakit kasi'y nagsabog ng kagandaha'y isang tabo lang yata ang dala niya'y hindi pa yata siya nakapuno dahil hindi niya makita  sa labo ng kanyang mga mata?Ang nasalok nga dalaga?Puro utak!wala ng iba.Gustuhin man nitong mag pa enhance ay hindi nito magawa kahit talamak ang pagpapaayos ng karamihan sa ibang bansa dahil narin sa takot ang dalaga sa karayom at sa isipin palang na bibiyakin siya ay mawawalan na siya ng malay.Matapang si Rebeca ngunit sa ibang paraaan.

Biglang napatingin ang dalaga sa salamin.Sinipat ang sarili sa tapat nito.''Hindi siya sexy.Buti nalang at wala sa bukabularyo niya ang pag aasawa.Sa edad na 34 ay dalaga pa siya.Isa pang kinatatakot niya kung mag aasawa siya.Hindi siya anggugustuhin kung sakali ng mapapangasawa kundi ang kanyang salapi.''

Sa pagbaba pa lang ng dalaga sa hagdan ay sinalubong na ito ng boses ng kanyang kapatid na tila sisira na naman sa kanyang araw.

''Hey dear sister mamayang gabi pagkatapos ng trabaho'y may lakad kami ng mga kaibigan ko,bka gusto mong sumama?May ipakikilala ako sa iyong tiyak na magugustuhan mo.''Sabay ngiti nito ng nakakaloko sa kanya."Huwag nalang at salamat,marami pa akong gagawin paglabas ng trabaho.Iyon nga palang pinagawa kong paper works sayo tapos mo naba?ipepresent na kasi natin iyon bukas.''Tanong naman niya rito sa kabila ng patutsada nito sa kanya.''Oo naman!mamaya ibibigay ko sa iyo.''Sabay ingos nito bago dumulog sa mesa para kumain.Akala mo'y may pupuntahang party dahil naka make up pa ito kahit nasa bahay lang.

''Siya nga pala,huwag nyo na muna akong hintayin sa pag uwi dahil may lakad kami ng mga amiga ko mamaya,tutal naman ay kumpleto ang mga katulong,bahala na muna kayo rito.''Ang kanyang madrasta ang nagsalita.

Hindi man sinabi nito ang pupuntahan ay pihadong sa sugalan na naman ang diretso nito kasama ang sinasabi nitong amiga.

''Ok lang po tita''Agarang sagot niya rito.

Pagkatapos nilang kumain ay nagprepara na ng isusuot si Rebeca.Isinuot na niya ang kanyang Bussines attire,itinaas na ang mahabang buhok at ipinudong sa tuktok.Suot din ang kanyang paldang hanggang lagpas tuhod ang haba at pinatungan ng blazer ang suot niyang blusang kulay krema.Sa kanyang kanang kamay ang attache.Pagbaba'y dumeretso sa kanyang koptseng kulay puti at pinaabante ito ng dahan dahan upang makalabas sa dulo ng nagtataasang gate.Habang papalabas ang kanyang sasakyan ay natanaw na naman niya ang isang lalaki na pamilyar na sa kanya ang mukha.Bakit hindi niya makakabisa,mukhang nangingibabaw sa karaniwan ang hitsura ng lalaking mestisuhin at tatanaw tanaw sa labas ng gate ng kanyang tahanan.NAgtatataka na siya rito kung bakit halos araw araw na yata niya itong nakikitang uwing umagang papasok siya ay naroon na ang lalaki at patanaw tanaw?SA kamay nito ay ang kulumpon ng rosas.Tulad dati'y pinabayaan niya muna ito.Bago niya makalimutan ay isa sa mga araw na ito'y kung naroon parin lagi ang lalaki'y kukompronathin niya ito.''Hindi kaya isa ito sa manliligaw ng kanyang kapatid?''

Naaninaw niyang nakatanaw rin ito sa gawi niya.Tila sinisipat kung sino ang sakay ,dahil dark ang tint ng kanyang kotse ay hindi nito mapagtatagumpayan ang ginagawa.Habang habol habol nito ng tanaw ang kanyang sinasakyan ay tiningnan niya narin ito sa side mirror.HIndi na nga siya nagkamali ng buhat sa kung saan ay sumulpot ang magaling niyang kapatid at nakasimangot na hinarap ang lalaki.

Nag umpisa na ang pakikibaka ni  Rebeca sa araw na iyon,HIling niya lang na sana ngayon ay walang gaanong  demands.HIndi niya lang kasi maiwasan na magsawa paminsan minsan dahil narin sa sobrang stress na kanyang nararanasan.Noon lamang nakaraaan ay kamuntik na silang hindi makaabot sa napag usapan dahil narin sa maraming conflicts ng produkto.Mahirap na masira sila sa mg kliyente,ayaw ng isang Rebeca Rallios na mapahiya kahit isang beses man lang sa napag usapan.Matindi ang kanyang prinsipyo,matatag ang kanyang paninindigan.Ang nasabi'y nasabi na niya,ang ipinangako'y naipangako na niya.

Kahit pagod sa trabaho'y iba ang adrenalin ng trabaho sa kanya,iba ang kaway ng salapi sa isang Rebeca Rallios.