Siya si Dev Lacon.
Gigolo,rude,oozing with sex appeal,animal in bed.Walang ibang alam kundi kumita ng salapi sa pinakamadaling paraan.Hinahabol ng mga kababaihan,lalo na ng mga matrona sa bar na iyon.Tila isang greek God!
Ipinanganak si Devon sa mabahong lugar sa isang sulok ng Tondo sa may riles ng train.Anak siya ng isang sikat na hostes sa Maynila noong araw.Si Aling NIda na kahit may edad na ay bakas parin sa mukha ang kagandahang taglay.Kahit ganoon ang ina ni Devon ay mahal na mahal niya ito.Ito lamang ang natitirang dahilan upang siya'y mabuhay.Ang natatangi niyang inspirasyon.Naitaguyod siya ng ina sa pag aaral.Hindi man nakapagtapos ng architecture ang binata'y nakapag aral naman siya sa isang sikat na Unibersidad.Nahinto lamang si Devon ng pag aaral ng magkasakit si aling Nida,doon nagdesisyong huminto ang binata at tulad nga ng ina'y iisa lang ang kinasadlakan niya at ito.Siyempre pa'y inilihim niya ito rito.Bagaman iyon ang nakamulatan niyang hanap buhay nito ay pinalaki naman siya ni Aling Nida sa kagandahang asal at maayos na paghuhutok ngunit iba ang naging kaiisipan ng binata.
Bakit pa siya magpapakahirap sa disenteng trabaho'y kaya niya namang kumita ng higit pa sa doble ng aasahang maging sweldo ng may mataas na pinag-aralan?Hindi niya niya tuloy alam kung matutuwa siyang wala siyang kinalakhang ama,ayaw na ayaw niya kasi ang pinakikielaman sa mga desisyon at kalokohan niya.Maige na lamang at kahit papano'y magaling magdonor ng semilya ito at naging magandang lalaki siya.Namana raw niya sa ama ang kanyang hitsura't pangangatawan.Bata pa lamang siya noon ng maging tampulan ng agawan at tuksuhan sa panig ng mga bubot pang Eba.Alam niyang nangingibabaw siya.Hangang sa tuluyan nga siyang nagbinata'y lalong nadagdagan iyon dahil nag umpisa na siyang mag gym para sa kanyang itinuturing na trabaho.Katakam takam siya sa mga kababaihan.
Habang umiinom ang binata ay may namataan kaagad siyang prospect.Alam niyang maraming may interes na matrona sa kanya sa mga naroroon subalit pihikan siya.Kailangang mas may mataas na kilatis ng Ginto ang papatulan niya.Nagtama agad ang kanilang mga mata ng babaeng may edad na na kasalukuyang papunta sa gawi niya at kunwa'y umupo sa kahilera ng inuupuan niya sabay umorder rin ng inuming nakalalasing.Siyempre pa'y iyong pinakamahal.
Sa lahat ng pinupuntahang bar ng binata'y,dito ito mas madalas,dahil dito mas may malaking tilapyang mabibingwit.Dahil sa taglay niyang karisma'y alam na niyang nakuha na niya ito sa isang tingin palang.Hindi na siya nakapagpigil pa'y nilapitan na niya ito kaagad at hinalikan sa labi ng mapusok.Nasulyapan niyang iiling iiling at tatawa-tawa naman sa kanya ang bar tender sa kanyang ginawa.Wala siyang pakialam!
Hinatak na niya ang babae sa loob ng cr na walang laman.Inilock niya ang pinto habang hatak naman nito ang kanyang kurbata.Inangat niya ito upang ipatong sa makintab na baldosa at doon kuyumusin ng kanyang nagbabagang halik.Noon di'y ipinosisyon niya ang babae habang humihingal ito sa kasiyahan.Napaingit ito ng ipinasok na niya ang kanyang kaganapan dito kasabay ng dalawa niyang daliri.Walang ginawa ito kundi ang humalinghing at halos hindi na maimulat ang mga mata sa kaligayahang ipinalasap niya rito.
Napapakapit ito ng mahigpit sa kanya sa kanyang bawat ulos.
''Who are you?''
Nang matapos sila'y tanong sa kanya ng babae.
Nakangisi siyang sumagot.''I'm Dev,but my friends call me Devon,ikaw?''
''You can call me whatever you like''Sagot nito.''You're an Animal.Saan kaba nandoon sa panahong ito?''Tanong uli nito.
''I'm always here,waiting for you.Magbihis ka na,kanina pa tayo kinakatok.''Sabay kindat niya rito.
''OH''
Nagpatinuna ang binata sa labas at tuluyan ng iniwan ang babae.
Tatawa tawa siya ng marinig niyang humahangos ito habang tinatawag siya.Bumilang muna siya ng hanggang tatlo at dahan dahan niya itong nilingo.Isinenyas niyang tignan nito ang papel na inilagay niya sa mga kamay nito at ipinagpatuloy na ang kanyang pag alis.Isa iyon sa mga estilo niya kung paanong baliwin ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya.
Minsan ay napapagod narin siya at naiisip na magretiro narin subalit ang kabila niyang utak ay hindi pumapayag,hindi pa ngayon.Marami pa siyang pangarap na hindi pa naisasakatuparan.Wala siyang planong lumagay sa tahimik na laging ikinukulit sa kanya ng kanyang ina.Walang mahalaga sa ngayon kundi ang kapakanan ng ina.Nais niyang buhayin ito sa karangyaan.Takot siyang bumalik sila sa paghihirap.At hindi niya iyon mapapayagan.
...
''Pare narito kaparin?''
NIlingon ni Devon ang nagsalita at nakita niya ang kakilala niyang katulad rin niya ang trabaho.Napuna niyang may kaajbay itong matandang babae na tila isang payaso dahil sa kakapalan ng make up.Tiyak niyang nakabingwit ang lalaki ng isang matabang isda ngayong gabi ngunit wala iyon sa kalingkingan ng iba niyang nabibingwit sa araw araw.Napuna rin niyang malagkit ang pagkakatingin ng babaeng kasama nito sa kanya.Kung gugustuhin niya'y kaya niya itong sulutin sa katrabaho ngunit hindi niya iyon gagawin dahil kahit papano'y marunong din naman siyang makisama dahil alam din niya kung paano mawalan.Pagkatapos ay tinanguhan niya ito at agad na umalis.
Sakay ng kanyang itim na motor ay pinaharurot niya ito ng mabilis ngunit kaagad niya ring naramdamang tila malambot ang kanyang hulihang gulong.Ilang minuto pa'y nakarating na siya sa gasolinahan at pinahanginan na niya ang malambot na gulong.Habang sinisipat niya kung ayos na ang lahat ay hindi niya naiwasang tumingin sa babaeng kabababa lang ng kotseng alam niyang mamahalin.Napakunot siya ng tila ba pamilyar sa kanya ang sasakyan at ang plate number nito.Mula sa bag ay inilabas nito ang cellphone at nag umpisa ng lumakad.Base sa hitsura ng babae'y mukhang bigatin ito at alam na alam niya iyon dahil naaamoy niya.Mukha kasi itong boss.Naka business attire at nakasalamin.Nakapusod ang buhok at tila walang pakielam ito sa paligid,tinutumbok nito ang lugar kung nasaan siya.Ninitian niya ang babae ngunit parang hindi siya nito napansin at tuloy tuloy sa ginawang paglakad.
''Hey Miss!''Sigaw niya rito.Pakiramdam niya kasi'y nahamon nito ang pagkalalaki niya lalo na't hindi siya uli lingunin nito.Naiiwan sa hangin ang amoy ng babae.Napaisip siyang bigla na mukhang hindi nga siya nagkamali ng hinala na kilala niya ang kotseng kinalululanan nito,lalo na ng bumuntot siya sa huli nito upang muling tingnan ang plate number.At kung tama man ang kanyang hinala ay hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na maparusahan ito sa iniasal sa kanya kanina.
Narinig naman ni Rebeca ang pagtawag sa kanya ng lalaking iyon ngunit sadyang hindi niya ito pinansin,alam niya kasing kilala niya ito.Ito ang lalaking nakikita niya na halos araw araw na nakatanaw sa labas ng kanyang bahay.Ayaw niya sa mga ganoong uri ng tao,mangyari nga lamang na hindi niya na napigilang hindi huminto kanina roon upang magbanyo.Nakilala na niya agad ang lalaki kaya nagmamadali siyang umalis sa lugar na iyon sa kaaalamang baka naroon pa ito at hindi nga siya nagkamali.
Pagsakay na pagsakay palang niya ng kanyang kotse'y nabigla siya ng cinut siya ng kung sino.Nakapreno naman agad siya parang sinadya pa nitong bagalan ang takbo sa ubahan niya.Sa inis niya'y binusinahan nya ito ng malakas at nakita niyang tumabi ito at sumabay sa pagmamaneho niya sabay saludo sa kanya.Tama nga ang kanyang hinala.Bastos at wlang modo ang lalaki.Kaparehas ng ugali ng babaeng sinusuyo nito.Kaawa awa naman ang mga magulang ng mga katulad ng lalaki.