Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 7 - 7.

Chapter 7 - 7.

"May kumakalat na balita.

ang kumpanya mo raw ay nagsisimula

ng malugi.Ang materyales na

naggagaling sa kumpanya ay pinababa

ang kalidad.Nag uusap usap sila laban

sa iyo Rebeca.

Alam mo naman ang balita mabilis

kumalat iha, lalo na pag ito'y

nakarating na sa mga investors .Lagi

mong tatandaan na ang isang matatag

na business ay saglit lang pabagsakinsa isang iglap lang."Sabi pa nito.

"Thanks for your consern Mr.choi.

Talagang maasahan kita"

"Wala namang ibang magtutulungan

kundi tayo tayo rin.As always, I have faith in you iha."

Nakangiuing sabi nito sa kanya.

"Sa malaot madali ay malalaman ko rin

po kung sino ang may kagagawan nito."

"I know that.Sabihin mo lang kapag kailangan mo ang tulong ko."

Pagtitiyak nito sa kanya.

Tumango lang siya sa sinabi nito.

...

Kanina pa nauubusan ng pasensiya si

Devon sa sa paghihintay sa babaeng

dalawang oras na yatang nag aayos ng

kanyang sarili sa itaas ng mala palasyong

bahay na ito.

Kahit saan idako ang kanyang paningin

ay masasabing larawan ng karangyaan.

Hindi na siya nakapaghintay at umalis

na siya sa lugar na 'yon. Wala sa

bokabolaryo ng isang Devon ang

maghintay para lamang sa isang babae.

Nang maalala niya ang kaninang babae

ay parang pamilyar sa kanya ito.Hindi

niya lang matukoy kung saan at kailan?.

Sa ngayon ay naisipan niya na umuwi

na muna sa kanyang ina dahil medyo

matagal tagal na silang hindi nagkikita

nito at pihadong matutuwa ito pag nakita

Siya.

Tama ang kanyang hinala ng nakauwi na

siya sa wakas sa kanila.

"O anak iho!Salamat sa Diyos at

naisipan mong umuwi?Saan kaba

nagpupunta nitong mga nakakaraan,?

Kamusta naman ang trabaho?Busy ba

palagi ang gwapo kong unico iho at

hindi na nabibisita ang kanyang ina?"

May pagdaramdam na wika nito sa kanya.

Nangiti siya bigla.

"Kaya mahal na mahal ko kayo 'nay eh"

Sabay yakap dito ng binata.

E ikaw naman kasing bata ka bakit

bahhh,di ka pa kasi mag asawa?

Aba'y nasa edad kana ah?Para naman

may naiiwan at nakakausap ako dito sa

bahay kahit wala ka.

Ako lang mag isa lagi dito sa malaking

bahay na ito anak.wala man lamang

nagtatakbuhang mga

maingaydito,kailan ba darating yon iho!?"

"Ang inay,alam n'yo namang

nagpapayaman pa ang anak niyong

pogi."

"Aba'y dali dalian mo't hindi kana

bumabata.Kailan mo pa ako bibigyan

ng apo?Kapag nakahiga nako sa

malalim na lupa?"

"Ang inay'wag nga kayong magsalita

ng ganyan, mahabang mahaba papo

ang pagsasamahan natin.At darating

din ako sa ganyan.Hindi pa nga lang sa

ngayon."

"Siya nga pala 'nay marami po akong

pasalubong sa inyo.Kayo napo ang

bahalang magdischarge niyang mga

nasa bag."

"O siya sige anak magpahinga ka

na muna.Mukhang malayo pa ang

pinanggalingan mo."

Dinampian niya ng munting halik sa pisngi ang ina at napangiti ito.

Habang nag sho shower ang binata'y bigla na lamang kanyang isipp ang mga

nagdaang gabi na laging umuukilkil sa isip

niya.Noong gabing iyon kung saan ang

napagkamalan niyang isa sa mga babaeng

nahuhumaling sa kanya ang babaeng nakaulayaw sa dilim.Mayroon itong pinakamalambot na labi na

natikman niya.Ang amoy nitong parang

kakaiba.Ahhhh, shea butter

Her own scent.

Kakaiba ang dating sa kanya ng babaeng 'yon.Naramdaman niyang nag init siya at kaagad napadako ang tingin niya sa alaga.Nagtaka ang binata.Ganito naba siya kauhaw?Hindi naman siya nagpapabaya?

Itinapat niya iyon sa dutsa ngunit talaga yatang...

Isip palang ay tinatablan na siya.Ano ba ang nangyayari sa kanya?Siguro'y dahil sa hindi niya ito natikman.Kung baga sä pagkain

pinadilaan lang sa kanya.Tsk!

Nakahiga na siya ng maisip niya ang

plano kay Carla.

Masyadong maarte ang babae sapalagay niya.Ang tanong sa Isip ay kung Sino ang babaeng nakusakay sa kotseng itim nuong umagang yon?Ngayon niya lang nakita ang laman ng kotseng itim.ito rin

ba ang aruw araw dumadaan?Na minsay

sakay rin ng kotseng puti?.

Dahil sa tuwing pupunta siya doon ay lagi nalang paalis ito.

Hindi kaya!?Bigla siyang napabangon at napangisi.

Lady Tough!

Bakit di nga ba niya iyon natuklasan

kaagad? Para siyang tangang hintay ng

hintay sa butong lagi lang palang pakalat kalat sa tabi niya nuon palang!

Napangisi sya sa natuklasan

"found the JACKPOT"

Hindi muna siya pupunta roon kailangan

niyang pag isipan muna ng mabuti ang

mga gagawing hakbang kung paano ito

kakagat sa pain niya.Kailangan niyang

Mag-ingat sa mga kilos sapagkat ngayon

lang niya napagtagni tagni ang mga

pangyayari na ang babae ring 'yon ang

nakakita sa kanya noong kasama niya ang isa sa mga parokyano niya.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon?kapag nakulaan para sa iyo ang isang bagay ay hindi mo na kailaungang hanapin pa.Para itong isdang kakagat sa pain niya kapag nagkataon at walang kahirap hirap.

Kailangan niya munang mag lie low nito ng wala sa oras

Magiging akin karin pasasaan ba?

kailangan ng isang maganda gandang

tiyempo.Mukhang mapapasubo siya

sa paghinto muna panandalian sa

pambababae niya.Maraming naglalaro

sa kanyang isipan ng sandaling

iyon.Sisiguraduhin niyang mahuhulog

Sa kanya ang dalaga at gagawin niya ang lahat upang mapasa kanya ito.Pagkatapos ay ito mismo ang magbibigay sa kanya ng malaking pera.Paiikutin niya ito sa Kanyang mga palad at pagsasawaan ang babae. Ipatitikim niya rito ang isang

kakaibang karinyo.Ang karinyo brutal.

Para siyang nasisiraan ng bait na tumawa ng walang tunog habang umaalog alog ang mga balikat.

Pagkatapos ay binuksan ang laptop

at sinimulang tumipa tipa,na ang

layon ay malaman lahat ng tungkol

kay LT kung saan ito madalas at kung

ano ano ang mga pinagkakaabalahan

ng dalaga.Kakaiba ang pagkakataon ngayon.Ngayon lang siya parang nasabik sa balak niya dahil ito narin ang huli.Masuwerte ang dalaga dahil ito ang pinaka espesyal sa lahat ng naging trabaho niya.Pagkatapos niyang ubusin ang kayamanan nito ay lilipad sila ng kanyang ina papunta sa ibat ibang bansa at duon na niya paplanuhing magbagong buhay.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang silid.

"O anak bakit tumayo kana?Tapos kana

bang magpahinga?"

Saglit na napatingin ang kanyang ina sa ayos niya.

"Saan ka nanaman pupunta?"

May pagdaramdam na maririnig mula sa tinig nito.

Hinalikan niya kaagad ito sa noo.

"Dont worry ma!Babalik kaagad

ako.May aasikasuhin lang ako sandali"

Hindi na muna niya ginamit ang motor

dahil may plano siyang bilhin.Bibili siya ng kotse at mga bagong damit.

Bumili rin siya ng mga bagong sapatos at mga pabango.Nagpagupit din siya

ng buhok.Nanghihinayang man sa hanggang balikat niyang nakapusod na buhok ay hinayaan na rin niya,para ito sa nalalapit niyang mga plano.

Inabot na siya halos ng gabi ng matapos

siya.Lahat ng mga babaeng nadadaanan niya ay hindi napigilang tingnan at lingunin siya.Bakit hindi lalo na ngayon na higit siyang makaagaw pansin dahil sa ayos.Nagmukha na siyang bussinesman.Sinong makapagsasabing isa siyang gigolo sa ayos niyang iyon ngayon?.

...

llang araw ng balisa si Rebeca.Hindi

niya naman alam kung para saan iyon?.Para bang may mangyayaring hindi niya inaasahan.Hanggang ngayon ay iniisip niya parin ang tungkol sa mga

panaginip.Panaginip na nasundan pa ng isa pa at isa pa.Halos paulit uit iba lang ang lokasyon ngunit pareparehas ng tinutumbok,puro balong malalalim at madidilim.

Kung ano man iyon ay kailangan niyang maghanda.Ano man ang

mangyari'y kailangan niyang maging

matatag.Maraming tao ang umaasa sa

kanya at walä siyang planong biguin

ang mga ito.Hindi bat ilang institusyon

at foundation narin ang kanyang

naipatayo?.Kung sa ganang kanya naman ay kayang kaya niya kung tungkol sa trabaho ang paguusapan. Ngunit ano itong kanyang

nararamdaman?Kakaiba ito sa lahat at

hindi niya matiyak kung ano iyon.

Kailangan niya pa kayang umupa ng

manghuhula?Ngunit isa lang ang tiyak

niya.Hindi siya naniniwala sa hula.Gusto

niyang matawa sa sarili. Bakit ba isip pa siya ng isip?Kung sa palagay niya ay kaya nga niya iyon kahit hindi pa dumating

ay ano ang ipag aalala niya?.

"Tama na nga!.Para siyang baliw na

kinakausap ang sarili at nag aalala sa

isang bagay na wala naman."