Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 13 - 13.

Chapter 13 - 13.

"Maupo ka."

Sabay turo ni Rebeca sa couch na nasa gilid.

"First magka liwanagan muna nga tayo. Una,

ayokong binabastos ako."

Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.

"Stop treating me like one of your

bitches!We're doing business here.Stop

playing games.Huwag mong dalhin dito ang

kabastusan mo.

Kung sanay ang iba sa ugaling mayroon ka,

pwes spare me.I don't mixed business with

pleassure and I don't play your games."

"Ok"

Seryosong sagot nito.

"And pls stop calling me Rebeca,call me Miss

Rallios."

"And I want it 'Rebeca'.Take it or leave it.

What's the big deal calling your name in the

first place?"

"Mayroon kang Rules,mayron din ako at kung

sa palagay mo ay ikaw lang ang masusunod?

Well the deal is off!"

Matapang na sagot ng lalaki sa kanya na ikinagulat ni

Rebeca.

"You don't know what your'e talking about

young man.

Malaki ang magiging pakinabang mo

dito.Hindi ito barya barya lang.

Bibilang ka ng ilang taon bago ka magkaron

ng malaking sáhod na tulad nito!

Tinitigan siya nito

"Rebeca, Rebeca, Rebeca.Kahit ibigay mo

sakin lahat ng kayamanan mo ay hindi ko

tatanggapin kung pasusunurin mo lang ako

na parang aso.Kung hindi mo matatanggap

ang mga kondisyones ko, ngayon palang

sinasabi ko sa'yong maghanap ka na ng

ipapalit sakin.

Sabay tayo sa kinauupuan ng lalaki.

Aalis na sana ang lalaki, Nang kusang nagsalita ang

kanyang bibig na para bang may sariling isip.

"Ok, your conditions?""

Napangisi ito.

"First, don't u ever call me young man, young

man.It gives me shivers when it comes from you,

2nd, don't act like I'm going to rape

you.Huwag mo kong ituring na parang may

nakakahawang sakit, dahil hindi ako ung tipo

ng namimilit

3rd,stop degrading me.

That's it."

"Noted."She replied.

"I would like to add.In the meantime.No

WOmen pls!,"

Tumango ito.

"Ipadadala ko sa iyo ang kopya ng kontratang

may pirma ko bukas na bukas din.

Nang nakaalis na ang lalaki'y,

saka niya pinatakas ang kanyang hininga. Kapag

talaga kasama niya ito ay parang laging hindi siya

makahinga.

"That man whore!."

Mukhang mahihirapan siya sa isang ito.Ano kaya

kung hindi na niya ituloy ang binabalak?0 sa iba na

lang niya iaalok?Mukhang hindi

mapagkakatiwalaan ang lalaki.May isang salita

kaya ito?Nagsisisi siya kung bakit hindi niya muna

ito pina imbestigahan.

Tama bang nagtiwala siya rito kahit hindi niya ito

masyadong kilala?Ngayon lamang siya nasira sa

diskarte.Dati ratiy kinikilatis niya munang maige

ang isang tao bago niya pagkatiwalaan.Hindi niya

alam kung nasaan naroon ng mga panahon na iyon

ang kanyang isip.Masyado kasi siyang naging

abala sa ilang mga bagay at ito ang isa sa kanyang

mga nakaligtaan.

Ngunit bukod rito sino ang magpapahinuhod sa

kanyang walang utang na loob na kapatid?Kaya

nga ba itong lalaki na ito ang kanyang napili dahil

malakas ang kutob niyang malaki ang potensiyal

nito.

Knowing her sister?Hindi ito katulad ng iba na

madaling ibagsak.Marami rin itong kakilala na

maiümpluwensiyang tao.

Pag gising niRebeca kinaumagahan ay nag alnmusal

kaagad siya.Binuksan niya ang kanyang cellpone at

tiningnan ang ilang missed calls. Nakita niya rin ang

ilang mensahe at nagulat siya sa mensaheng nabasa

niya.

"Good morning honey.Have you eaten?I miss

you!Did you miss me too?"

Maagang nasira ang araw niya,dahil walang dilit iba

ang nagpadala nito ay ang lalaking makulit pa sa

bata.Paanong nalaman nito ang numero ng cellphone

niya?

Nauubos ang pasensiyang idinelete niya ang mga

messages nito na tila nasa 20 beses yatang

iminessage nito ng paulit ulit.

...

Nalula si Devon sa mga assets ng ama.Hindi niya

alam na ganito ito kayaman.Tulad ng sinabi ng

kanyang ina na talagang hindi lang ito talagang

mayaman kung hindi ubod ng yaman.Para siyang

nakakita ng white house sa gitna ng golf course dahil

sa laki ng bahay at lawak ng lupain na kinatitirikan

nito.

Mga katulong na naghihintay sa labas ng tahanan

ang sumalubong sa kanila.Para siyang prinsipe na

niyuyukuran ng mga alipin sa isang palasyo.Pilapila

ang mga ito at naghihintay ng kanyang pagpasok.

Pagpasok niya sa loob ay higit siyang namangha dahil

sa laki nito .Inilibot niya ang kanyang paningin at

halos maliyo siya sa taas ng hagdan papunta sa

ikalawang palapag ng bahay.Yari sa makapal at

makintab na kulay black na granite ang sahig.Mula sa

ibaba papunta sa hagdan ang carpet na gawa sa

balahibo ang nagsisilbing tapakan sa pinakagitna.

Lahat ng mga mamahaling kagamitan ay naka kalat

sa ibat ibang bahagi ng buong kabahayan.Sa bawat

sulok ay karangyaan.

Giniya siya ng kanyang ama sa mga nakasabit na mga

gahiganteng painting na gawa ng mga sikat na pintor

mula paraw sa ibat ibang panig ng daigdig.

"Hindi pa ba tayo kakain mahal?"

Boses ng kanyang ina na pinuna silang dalawa dahil

sa kaabalahan nilang mag ama.

"Ah, oo.haha! Sa sobrang katuwaan ko sa

aking anak ay nakalimutan ko ang pinaka

importante sa lahat.Ang kumain."

Nakangiti ang kanyang ama.

Sa hapag kainan ay nakahain ang masasarap at ibat

ibang putahe na ang iba ay hindi niya niya halos

makilala.Kahit pa marami na siyang nakasamang

mayayaman din ay iba ito sa kanyang paningin.

"Masasarap lahat iyan anak at tiyak kong

magugustuhan mo.Sige kain na."

Nang mapuna nitong tinititigan niya muna ang

pagkain.

Nag umpisa na siyang kumain at tulad ng sinabi ng

kanyang ama ay pawang walang itulak kabigin ang

mga ipinahanda nito.

Sinamahan siya nito sa kanyang silid sa itaas.At

pagkatapos ay saglit na muna itong nagpaalam.

Pagpasok niya ay dahan dahan siyang umupo sa

isang malaking kama na nasa gitna ng ilid na

malawak rin.

Lumakad siya

malapit sa malaki at mahabang

kurtina at mula roon ay hindi parin natigil ang

kanyang pagkamangha sa nakita.

Mula ngayon ay wala ng makapipigil sa kanyang

mga

nais.Hindi niya na kailangang ipangalakal ang

katawan para lamang mabuhay ng

marangya.Magagawa na niya ang lahat ng taas noo at

walang pinangingilagan

Parang isang pelikulang nagbalik sa kanyang ala-ala

ang nakaraan.

Ang unang taong minsan ay minahal niya,pagkatapos

ay iniwan.

Nang mga panahong pinagtatawanan siya ng mga

babae noon sa eskwelahan dahil sa pangangahas

niyang manligaw dahil narin sa ang tanging baon

niya sa araw araw kundi itlog ay sardinas

lang.Pudpod na ang kanyang sapatos dahil sa wala

siyang maipambili ng bago.Madalas din siyang ibully

ng mga kaklase dahil bukod sa kapayatan ay lampa

pa siya.Kaya noong marunong na siyang dumiskarte

ay nagpalaki siya ng katawan sa gym.

Kahit malakas na ang kanyang dating noon pa man

ay tila natatakpan ito ng kahirapang nakadikit sa

kanyang pagkatao.Kahit alamn niyang marami ang

nagkakagusto sa kanya noon ay nauudlot ang mga ito

kapag nalamang wala siyang sinabi.Pero kahit

ganoon ay hindi niya kahit kailan sinisi ang kanyang

ina.Mahal na mahal niya ito kaya nga buhat ng

matuto siya kung paano lumaban sa buhay ay

nagkaroon siya ng poot sa mga babaeng may mga

salapi dahil para sa kanya ay dapat lamang itong

paglaruan sa kanyang mga palad.

Pareparehas lamang ang mga ito.

Ngayon!. Ngayon lalo sila magsipagmalaki sa

kanya,tingnan niya ang galing ng mga ito.Sa

kapangyarihan at kayamanang kanyang tatamasain

sa ngayon ay magsisikap siyang lalo sa buhay upang

sa pamamagitan ng kanyang mayamang ama at sa

impluwensiya nito ay makikilala siya. Hindi lang sa

pagiging anak ng mayaman kung hindi sa

pamamagitan ng kanyang diskarte at pagsisikap.

Wala ng babaeng makatatanggi lalo sa kanya

ngayon,lalo na sa kinalalagyan niya.Lahat ay luluhod

at magmamakaaawa mapansin niya lamang.

niyang manligaw dahil narin sa ang tanging baon

niya sa araw araw kundi itlog ay sardinas

lang.Pudpod na ang kanyang sapatos dahil sa wala

siyang maipambili ng bago.Madalas din siyang ibully

ng mga kaklase dahil bukod sa kapayatan ay lampa

pa siya.Kaya noong marunong na siyang dumiskarte

ay nagpalaki siya ng katawan sa gym.

Kahit malakas na ang kanyang dating noon pa man

ay tila natatakpan ito ng kahirapang nakadikit sa

kanyang pagkatao.Kahit alam niyang marami ang

nagkakagusto sa kanya noon ay nauudlot ang mga ito

kapag nalamang wala siyang sinabi.Pero kahit

ganoon ay hindi niya kahit kailan sinisi ang kanyang

ina.Mahal na mahal niya ito kaya nga buhat ng

matuto siya kung paano lumaban sa buhay ay

nagkaroon siya ng poot sa mga babaeng may mga

salapi dahil para sa kanya ay dapat lamang itong

paglaruan sa kanyang mga palad.

Pareparehas lamang ang mga ito.

Ngayon!. Ngayon lalo sila magsipagmalaki sa

kanya, tingnan niya ang galing ng mga ito.Sa

kapangyarihan at kayamanang kanyang tatamasain

sa ngayon ay magsisikap siyang lalo sa buhay upang

sa pamamagitan ng kanyang mayamang ama at sa

impluwensiya nito ay makikilala siya.Hindi lang sa

pagiging anak ng mayaman kung hindi sa

pamamagitan ng kanyang diskarte at pagsisikap.

Wala ng babaeng makatatanggi lalo sa kanya

ngayon,lalo na sa kinalalagyan niya.Lahat ay luluhod

at magmamakaaawa sa kanyang paaanan patulan

lamang niya.

At humalakhak siya na ang sarili lamang ang

nakakarinig.