Ilang linggo narin noong nakipagsara si Rebeca ng deal kay Devon.Iniisip ng dalaga kung bakit hanggang ngayon
ay wala pa siyang natatanggap na balita dito.Hindi
biro biro ang ipinahiram niyang halaga dito.Kahit pa
sabihing napakahirap ng gusto nyang mangyari. "a
deal is a deal."
Tinawagan na niya ang lahat ng contacs niya upang
tulungang maipakilala ang nagsisimula palang na
kumpanya.
Malaki na ang nalulugi sa kanya araw araw dahil sa
hindi mabilang na pagkalat ng tsismis mula sa ibat
ibang kumpanya.
Marami naring hinarang sa custom na mga
produktong galing sa kanila dahil sa balitang may
mga kontrabando raw ito na naipuslit galing china.
kailangang kumilos na si Devon.
Mamaya nga'y tatawagan niya ito.Nag uumpisa na
siyang mainis.Nasaan na ba ito at kung ano ano yata
ang inaatupag.
Nang may biglang kumatok sa pinto.
"Come in"
Ang kanyang sekretarya.
"Boss nandito po si mam Carla sa labas,
papasukin ko po ba?
Tumango siya.
Good morning mahal kong kapatid!"
"Bakit naisipan mo yata akong dalawin
ngayon?nakapagtataka naman para sa isang
katulad mo?
Hindi nya napigilang sabihin.
"Well, I heard na nalulugi raw ang iba mo
pang kumpanya?"
"At ano naman sayo kung ganun nga?
Huwag mong sabihin na all of a sudden ay
ngayon kalang tinubuan ng awa sakin?"
"Ewan! Im here to tell you na, if ever na malugi
kana ng tuluyan ay maisip mong makipag
merge sa kumpanya ko.Well siguro naman
nababalitaan mong hawak ko ang ilan sa mga
kumpanyang namamayagpag sa ngayon?"
"Well, I appreciate your proposal but sabi mo
nga ilan lang ang nalulugi.Alam mo namang
nakakalat ang aking mga negosyo at ang
pinakaayaw ko ay yung magkaroon ako ng
isang negosyong hindi galing sa sarili kong
pawis. "
"Ano ang ibig nong sabihin?
Anitong nanlilisik ang mata.
"Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko ano ba
sa palagay mo ang sinabi kong hindi mo
nagustuhan.?"
"Bahala ka! ikaw na nga itong inaalok ikaw
pang mayabang!sige magmayabang ka!tingan
ko kung san ka pupulutin."
Sabay alis.
Alam niya na nasaling niya ang pride nito.Ano kayang
masasabi ng tunay na asawa ni congresman kapag
nalaman nito na ang ibang kumpanya ng asawa nito
ay hawak ng kerida niyang kapatid?.
"Boss dumating naraw po ang ilan sa mga
investors galing Canada. they are expecting
you at the Manila hotel 3 in the afternoon."
Pagkasabiy nagpaaalam na ang kanyang sekretarya at
lumabas.
Sakay ng kanyang puting chevrolet cuzze ss,
bumaba siya ng sasakyan suot ang kanyang side
slitted dress na above the knee at tinernuhan nya ng
3heel black sandal na may kumikinang na rinestone sa gilid nito.
Malayo palang ay nakita niyang nakaup0 ang
kanyang mga ka deal.Isang may edad na lalake at
isang canadian na nasa katanghalian narin ang edad. )
"Hello gentleman."
Tumugon naman ang mga ito, sabay ngiti.
Naihanda na ang table at nagsimula na sana sila ng
magsalita ang isa sa mga ito.
"Excuse us Miss Tough but we have another
one with us.And he's in the john."
"Ohhh "Ngumiti siya sa mga ito.
habang nagsisimula silang nag uusap ay biglang may
nagsalita buhat sa kanyang likuran.
"Hello Beca."
Namutla siya sa kanyang narinig.
Kahit sampung taon na ang nagdaan ay hindi niya
makakalimutan ang tinig na iyon.
Habang nag uusap sila ay manaka naka siyang
sinusulyapan ni Leonard
kaya halos hindi dumulas ang kanyang kinakain sa
kanyang lalamunan.
Natapos na ang isang mahabang gabi subalit hindi
siya patulugin ng kaalamang nagbalik mula sa isang
kahapon ang lalaking una't huli niyang minahal.
May asawa na kaya siya ngayon?Ilan naba ang
ang mga anak nito?Saan ito nakatira?Dahil ang huli
niyang balita rito ay kasabay na umalis ng lalaki kanyang mga magulang, papuntang America.Napakagwapo
parin nito.
Ah,bakit nagkita pa silang muli!?
Imbis na unti unti nya na itong nakalimutan.Hindi
nya maiiwasang makita ito sa mga susunod na araw
dahil isa na itong kaparte ng TOUGH BUILDERS"'s
Sanay hindi na sila nagkita pa.
Kinabukasan pagpasok palang niya ng opisina ay
pinagtitinginan na siya ng mga tauhan nya.Nang
tinitigan niya ang mga ito ay sabay sabay
nagsipagbaba ng tingin.
Pagpasok niya sa loob ng kanyang office ay
humalimuyak na ang nagbabanguhang bulaklak na
nakalapag sa kanyang office table .Ang lakas ng
kabog ng kanyang dibdib dahil alam na alam nya
kung kanino galing ito.
White roses.
Nagbalik sa alaala niya ang kahapon...
24 anyos siya ng makilala niya si Leonard, noon.Nag
aaral siya sa culinary school. Nakita niyang kasama
ito ng kanyang mama na may ari ng pinapasukan
niya. Gwapo ito sa suot na black jeans and white
fitted shirt ng nakikipag usap ito sa phone kasabay
ang ina nito na napadaan sa pasilyo.Mula nuoy
nagkakausap na sil,dahil ang mga kabarkada
niyang lalake ay kaibigan pala nito,matagal lamang
itong napatira sa ibang bansa.
At nang nakilala siya ng husto nito ang kanilang
pagkakaibigan ay nauwi sa pag iibigan, na hindi
nagustuhan ng ina ng lalaki.Ipinagpatuloy nila ang
kanilang relasyon kalhit maraming nagsasabing hindi
sila bagay lalong lalo na ang mga babaeng naiinggit
sa kanya.Nang malaman ito ng magulang ng lalaki,ay
sukat pinilit silang papaghiwalayin at isinama ito
pabalik uli sa ibang bansa.
Magmula noon magpahanggang ngayon ay wala na
siyang balita pa dito.
Bakit ngayon ay bigla itong gagawa ng ganoon?Sino sa
sa akala ng pangalawang hudas na ito?.
Subalit tama ba na hangang ngayon ay mag pa
apekto pa siya rito.Hindi ba matagal na niya itong
nakalimutan?Ano ang ipinagkakaganoon niya?Dahil
ba sa kabang nararamdaman niya sa kanyang dibdib
noong muli silang nagkaharap.Bakit pa niya muling
paguguluhin ang buhay niya.Hindi porke bumalik ito
at nagplanong suyuin siyang muli ay para siyang
isang teen ager na muling kikiligin at magpapatianod
sa gusto nitong mangyari.
Kung talagang mahal siya nito bakit siya tinalikuran
at iniwan upang sundin ang mga magulang ng
lalaki.Bakit hindi siya ipinaglaban nito noon kung
talagang mahal sya!?Maraming "bakit"ang sabay
sabay na nagsalimbayan sa isip niya.
Kahit ano pa ang gawin nito ay hindi siya ganoon
kadaling muling magpapabola rito.Baka nga may
asawa at anak na ang lalaki,at bakit ba siya apektado?
hindi malabo magkatotoo ang kanyang hinala rito.Sa
estado nito ngayon ay hindi katakataka.
Muli siyang napasulyap sa mga rosas na galing rito.
Ngunit ano ang kahulugan ng mga bulaklak?bakit ito
mag aaksaya ng panahong bigyan siya ng ganito lalo
pa at ang rosas na puti ang paborito niyang bulaklak
na laging ibinibigay sa kanya ng lalaki noon.
Hindi siya aasa.Baka mayroon lamang itong nais sa
kanya na magiging pakinabang nito.Ngunit kung
mayroon man.Ano kaya yon?.
Sumabay pa ito sa problema niya.Marami na siyang
iniisip sa ngayon.Pati ba naman ito ay hahayaan
niyang makagulo sa kanyang isipan?.
Binasa niya ang bagong kararating lang na mensahe
buhat sa hindi kilalang numero.
Did you get the flowers? Can you forgive me?Lets
talk.Pls!"
Kahit na hindi niya alam kung kanino at saan galing
iyon,ay tiyak niyang kay Leonard iyon.Napaupo siya
at natigilan bigla.
Ganoon nalang ba iyon?Napakadaling humingi ng tawad para rito.Ngunit bukod sa paghingi ng tawad ano paba ang inaasahan niya mula rito?At kung patawarin niya ay ano?At kung hindi'y ano rin ang susunod.
Basta siya?...