Nakahiga na si Rebeca sa kama ng kanyang hotel at mag iisang oras na siyang nakapikit ay hindi parin siya
makatulog.
Nagulat pa siya ng tumunog ang kanyang cellphone.Nakita niyang ang kasintahan ang tumatawag.
"Sweetheart nakabalik kana ba? kamusta ang
lakad nyo?sorry kung hindi ako nakarating
sweety, pinatawag kasi ako ng big Boss eh."
"Ok lang po ako.Kanina lang ako nakauwi.''
Sagot niya sa lalaki.
"Take a rest.Sunduin kita mamayang dinner
ha!
babawi ako sayo.I love you!"
"I love you too!"
Naidlip lang siya ng sandali.Hinubad na niya ang
lahat ng kanyang suot.
Tutuloy na siya ng banyo ng sa paglakad niya ay bigla
siyang bumalik paatras sa salamin na nadaanan
niya.Dahandahan siyang lumapit dito at nanlaki ang
dalawa niyang mata ng makita ang sariling
repleksyon sa salamin.
Ano ito?!
Ang kanyang dalawang dibdib ay bahagyang
namumula ang kabuuan.Sa bandang umbok nito ay
mga love bites.Marami siyang nakita.May sa puson,
sa leeg, sa mga hita, sa tagiliran, sa magkabilang
ilalim ng hita,
sa itaas ng kanyang pang upo,tinadtad siya ng mga
tsikinini sa mga parteng maseselan.
ano to????napasabunot siya sa kanyang buhok.
Anong ginawa ng lalaki sa kanya habang siya'y
tulog?
Nagmamadali siyang naghalungkat ng di oras sa kanyang mga damit na bihira niyang gamitin.Mabibilis ang mga kilos dahil baka maya maya
lang ay nariyan na ang kasintahan at aksidenteng
makita siya nito sa ganitong ayos. At hindi nga
nagkabula nang sabihin ng lalaking nasa ibaba na
ito.nagmadali na siyang pumanaog.
Napakunot ang binata ng makitang ang suot suot
nya'y isang bestidang kulay lumot na turtle neck long
sleve na ang haba'y abot hanggang sakong. Binili niya
pa ito sa America nung minsang may bussines trip
siya,kayat sa
loob nitoy alam nyang pawis na pawis na siya.
"Sweetheart nilalamig kaba?"
Napalunok siya.
"Oo para kasi akong lalagnatin eh."
"Sige mamaya pag may nadaanan tayong
bilihan ng gamot hinto muna tayo.
Mukhang nakasama sayo ang huling lakad n'yo ah?"
Hinaplos nito ang kanyang buhok at mataman siyang
pinagmasdan.
Biglang namutla si Rebeca.
"Ang sabi ko mukha kang
magkakasakit.Sweety nahamugan ka ba?"
Nag aalala ang mukhang tanong nito.
"S- Siguro nga."Pautal niyang sagot sa tanong ng kasintahan.
Pagpasok nila sa loob ng isang japanese restaurant ay
parang nailang siya sa mga taong nakatingin sa
kanya dahil sa suot niya na halatang hindi naaayon sa panahon at napakainit lalo na ngayong summer.
Pakiramdam ni Rebeca ay para siyang tanga!.
Inorder nito ang mga paborito niyang japanese
food.Kinitilan siya nito ng munting halik sa labi.
Nag uumpisa palang siyang kumain ng may
magsalita mula sa likod ng dalagaNagkataong nakatalikod siya sa entrance ng restaurant.
"Nandito rin pala kayo?
napatigil si Rebeca sa tangkang pagsubo.
"Oh come and join us."
Bigla siyang natigilan sa sinabi ng kanyang nobyo.
Hindi na niya kinailangang lumingon dahil tumabi
na sa kanya si Devon.Pang apatang upuan ang
kanilang napili ni Leonard.
Hindi nya alam ang kanyang gagawin.May sasabihin
na ba ito?ano kayang binabalak ng lalaking ito?Bigla
tuloy siyang nawalan ng ganang kumain.
"Sweetheart are you alright?"
mukhang namumutla ka?Pagkatapos mong
malamnan ang tiyan mo ay inumin mo na ang
mga gamot na binili natin."
Nag aalalang sabi ni Leonard sa kanya.
indi nalingid sa kanyang nobyo ang kanyang naging
kulay.
"Something wrong miss Rallios?
sabi naman ni Devon.
"No ok lang ako!"
Biglang sambot niya sa tanong nito.
"Nalamigan yata si Miss Rallios kagabi?
nakapwesto kasi kami sa deck."
Kakaba kaba siya habang nagsasalita ang lalaki.
Naramdaman niyang buhat sa ilalim ng mesa'y
hinawakan nito ang kanyang hita.
Naibagsak ni Rebeca sa mesa ang hawak nyang chopstick.
Dinampot niya kagad iyon upang di siya halatang natetensyon. Pahiklas niyang ibinaba ang kamay ni Devon na ipinatong nito sa kanya sabay sulyap dito upang bigyan ng matalim na tingin subalit para namang nananadya ang lalaki na nakikipagusap naman sa dalawang
lalaking walang kamalay malay.
"Ikaw Miss Rallios anong masasabi mo sa
suggestion ni Mr.Molino?
Ang mga kamay nitoy ibinalik sa kanyang hita
habang hinimas nito paakyat paakyat ng paakyat.
"huh???!! Am.."
Lalo nitong pinalalim ang nadarama niyang kaba.Tila
nagkakaisa naman ang mga ito na naghihintay sa
isasagot niya.
"I think I'll excuse myself for a while.Iyon ang mabilis na paraan na naisip ni Rebeca upang takasan ang kalokohang ginagawa sa kanya ni Devon.
Tumango naman ang mga ito.
"Excuse me".
Ang sabi niya kay Devon dahil nasa pinaka sulok siya katabi nito.
tumayo ito upang bigyang daan siya.
Nasa harap na siya nito ng ito ay nagsalita "I like
your dress honey"
Sabay kindat sa kanya.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang sumulyap sa gawi
nila Leonard.
Natakot siyang narinig ng mga ito ang sinabi ni
Devon.Nakita naman niyang busy ito sa pakikipag
usap sa katabi.Nakahinga ng maayos si Rebeca.
Pag dating nya ng banyo, nakita nyang kulay suka siya sa salamin.
"Damn that man!'
Kailan kaya siya titigilan nito?Balak pa yata nitong
iblackmail siya at parang nagbabanta lagi na kaya
siya nitong pasunurin sa pamamagitan ng mga
pananakot nito sa kanya gaya na lang kanina.
At bakit ba siya matatakot?Bigla tuloy siyang
natigilan sa mismong itinanong niya sa sarili.Una ay
wala naman siyang ginagawang hindi maganda.Hindi
ba at ito ang dapat niyang tinatakot?Umpisa palang
ay ito na ang nangungulit sa kanya.Dapat siyang
kumilos habang maaga,habang hindi pa siya nito
nahahawakan.Bakit may plano ba siyang
magpahawak rito?At bakit siya magbababa ng
depensa?Nasa kanya ang lahat ng pagpapasya.
Ngunit paano?Paano nga ba?Ah!ang katulad nito ay
hindi pinoproblema.Hindi ba matapang siya?Bakit ng
dumating lang ang isang tulad nito ay nagkakaganoon siya? Lintek kasi ang kapatid niya sa ama.Ito ang may
kasalanan ng lahat.Ngayon niya nalaman ang
kagagahang nagawa niya.Sino ba naman kasing ang
isang katulad niyang matalino ay nakapagpasya ng
isang walang kwentang proposal?Sinong maniniwala
na ang isang katulad niya ay nagkamali at gumawa
ng isang basurang desisyon.Baka maniwala siya sa
kasabihang Ang matatalino kadalasan ay tanga
Marami na ang nakapagpatunay niyan at aamin ba
siyang natupad sa kanya ito?
"This is bulshit."
Siya ba talaga ang may kasalanan nito?Bakit ba sa
dinami-dami ng mga kalalakihang mapag aalukan
niya ng walang kwentang iyon ay ang isang katulad
pa nitong manyak at tila may kulang na isang
turnilyo sa utak.
At ano ang nais nitong palabasin ngayon?Ano kaya
kung pagbigyan niya ito kahit isang beses lang ng
matigil na ito?Kapag nalaman kaya nito na isa siyang
walang alam at walang karanasan sa kamunduhan ay
titigilan na siya nito?After all siguro naman ay sa
dinami dami ng babae nito ay madidissapoint ito sa
kanya?.Ang pumapasok kasi sa kanyang utak ay baka
nachachalenge lang ito sa ginagawa niyang pag iwas
rito. Baka bago sa pakiramdam nito ang iwasan dahil
nga naman parang sampal ito sa isang tulad nito?.
"Stop it Rebeca!this is nonsense.Bakit siya patatalo?
at may plano pa siyang pagbigyan ang lalaki?
baliw ba siya o tanga lang?mukhang imbes na utak ang
laman ng bungo niya ay pera na?dahil wala ng
kwenta ang mga ipinroproduce ng utak niya?
Totoo bang nangyayari ito ngayon sa kanya?Sumasakit ang ulo niya buhat palang noong una silang magkita ng lalaki.