Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 21 - 21.

Chapter 21 - 21.

Pag gising ni Rebeca kinaumagahan, Habang nagkakape ay nagtungo siya sa malaking sala upang buksan ang tv at manood ng balita.

Nasa screen ngayon si Congressman Villabente

sa kasong graft and corruption.Sa katabing letrato ay ang kanyang kapatid na kinasuhan din.

Kasabay ng paghahain ng demanda laban sa kanila

ng asawa nito,napangiti naman siya,heto pala ang

sinasabi ng lalaking yon.Mukhang consistent naman

pala ang lalaki pagdating sa kanilang usapan.

Ngunit sa kabila ng nangyayari sa ngayon ay

nahaharap siya sa isang malaking problema.

Ito lang yata ang problemang  hindi niya pa

nahahanapan ng solusyon.

kailangan makausap niya ang wala na sa katinuan na si Devon dahil sa pagpapadala

nito ng mga bulaklak araw araw,mabuti at hindi

nagagawi dito ang kanyang katipan at tanging siya

lamang ang nakakaalam kung sino ang totoong

nagpapadala ng mga iyon.

Naghanda na siya sa pagpunta pabalik sa opisina

niya.

Pagdating nya'y binati siya ng mga tauhan nya.

"Boss sabi nga pala ni sir n'yo ay tawagan n'yo

raw po siya pagdating na pagdating n'yo."

"Thank you Besy"

Kaagad niyang dinial ang number nito.

"Hello sweetheart,pinatatawag mo raw ako?

"Sweety mayroon kaming biglaang out of the

country bukas, siguro'y mga two to three

months kami doon dahil may aasikasuhin

daw kami with the big boss. Sinabi ko lang

sayo ng mas maaga para di kana mabigla,

isasama kita mamaya sa place ko."

"Bakit mukhang biglaan naman yan?!

wala nabang ibang representative na hahalili

sayo? Bakit kailangang ikaw pa?"Hindi alam ni Rebeca kung bakit nakakaramdam siya ng pag alala sa kaalamang magtatagal ang kasintahan sa malayo.

"Sweety try to understand alam kong alam mo ang pakiramdam."Tatlong buwan lang naman iyon.Kung

kumpara sa mga taong nagdaan na malayo

tayo sa isat isa.

"Yun na nga eh,matagal na ang panahong

nasayang tapos aalis kapa?May lungkot sa boses ni Rebeca.

"Hmmmm..akala mo naman ang mahal

ko,kung ikaw nga na hindi maiwanan ang

mga tao mo,ganoon karin diba?Tatawa tawa ito sa kabilang linya.Hayaan mo sweetie, pag uwi ko galing New york ay may sorpresa ako sayo.Huwag ka ng malungkot",

"Sige ,mamaya hihintayin kita."Ang nasabi nalang niya rito."

Mabilis lumipas ang oras, hindi napansin ng dalaga na

kanina pa pala ang uwian.Bakit kaya di pa siya

tinatawagan ng kasintahan?

mabuti pa'y bumaba na siya.Nang tumayo siya'y

naramdaman nya ang pamimitig ng kanyang mga

hita,masakit narin ang likod niya,nasa pinakababa na

siya ng masalubong niya si mang Dodong sa ibaba.

"Pauwi na kayo mam?"

"oho".

At napasulyap siya sa labas.Nakita nya ang pamilyar

na bulto ng lalaki na

nakatayo at matiyagang naghihintay.

"A mam, inggga...t!

ma"""m.. mam??!!!

(napakamot sa ulo si mang Dodong,)Nakita niya

kasing nananakbo ang babae papunta sa pinasulok

ng buillding sa bandang sarado ang ilaw.

Pawis na pawis si Rebeca sa kaba ng makarating sa

bandang madilim sa dulo.

bakit wala pa kasi ang lalaking 'yon?san ba nagpupunta ito?Gusto na nyang mainis.

Naailip niyang tumingin sa oras ang lalake sa labas at

ng makitang naka patay na ang ibang ilaw ay

humaurot na ito ng takbo papaalis lulan ng kotse nito.

Lumabas na siya sa pinagtataguan niya ng mga ilang

minuto na itong nakakaalis.

Ngayon niya  lang napunang mabilis ang pintig ng

kanyang puso.

Tila nakipag marathon sa sampung kabayo.

Dinial niya ang numero ni Leonard,sa pang apat na

ring ay sumagot ito.Pasensiya naraw siya dahil

naiipit ito sa traffic.Pag dating nito ay hinalikan siya sa labi.

"Miss me sweetheart?"

Tumango lamang siya.Habang sakay siya ng kotse

nito ay nag iisip isip siya.

"Mukhanng malalim yata ang iniisip ng mahal

ko?

Bakit mamimiss mo ba kagad ako?"

Napangiti siya."Bakit naman kasi napakatagal

mong mawawala?."

Ngumiti naman ito sa kanya,

kasabay ng paghalik nito sa kanyang noo.

Ito ang isa sa mga katangiang nagustuhan nya rito.

Pag dating sa place na sinasabi nito sa City garden

kung saan ito nakatira, ay nakita nyang maganda ang

lugar. Malaki at magaganda ang mga kasangkapan

mga panlalaki ang kulay.Sa pinakataas ang

nagsisilbing kwarto.

Sa sentro nito ang malaking sofa.Kinuha ni Rebeca ang alak na nasa wine bar at kumuha narin ng dalawang kopita

Nakita niyang nakaayos na ang mga damit nito

sa ibabaw ng center table at ang maletang gagamitin

nito.

Binuksan ni Leonard ang malaking flat screen tv na nasa wall. Ekasaktong ang balita ay sa congressman at sa kanyang kapatid parin.

"Mabuti naman at nakasuhan na sila, hindi

biro ang ginawa nila sayo.mukhang hindi ka

na nila hinintay, may nauna ng iba para kasuhan sila

Ikaw ,anong plano mo sweetheart? "Tanong ng kasintahan sa kanya.

"Bahala na sila,hayaan mo nalang tutal naman ay

hindi na siya iba sakin, hindi naman ako masyadong

naapektuhan."

Lumapit sa kanya ito ibinaba ang kopita sa table,

inumpisahan siyang  halikan nito sa labi, sa

leeg,tumagal ito doon.Hanggang sa naramdaman nya

ang mga kamay nitong humahaplos sa kanyang

likuran pababa. Dahan dahan siyang inihiga nito sa

mahabang sofa.Nag uumpisa na itong hubarin ang

suot na polo long sleve.Hinubad narin nito ang black

pants nito. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Nasa

mga mata nito ang pagnanasa.

Napalunok siya.

Bigla namang nag ring ang telepono nito.

Sinenyasan  siya ng kasintahan at bahagyang lumayo

kanya.

Pagbalik nito'y nagkukumahog na ito.Takang taka si Rebeca.

"Bakit?"

Nagtatakang tanong niya dito.

Hinaplos sya nito sa mukha.

"Im very sorry sweetie,katatawag lang sakin ng Big boss. Na rebook daw

ang flight,instead na bukas ay tatlong oras

mula ngayon.I will make it up to you pag balik ko." hinalikan siya

nito sa labi at sa dalawa nyang kamay at alanganing

napangiti.

"Pag balik ko,ay pakakasal na tayo

sweetheart."

Seryoso ang mga matang sabi nito sa kanya.

Tuwang tuwa niyang  niyakap ito.

Lubos siyang naligayahan sa sinabi ng lalaki at hindi na niya napigilang mapayakap sa lalaki.

"Ill wait ."At siya na ang naunang humalik rito.

Hindi niya alam kung bakit may halong kaba ang

napipintong pag alis ni Leonard.

"Magiingat ka sweetheart.Ano ba ang gusto mong pasalubong?Hinimas himas siya nito sa buhok.

"Nothing.Basta umuwi ka lang agad ay sapat na sa akin."Ngiting malamlam ang mga matang sabi niya kay Leonard.

"Ops don't be sad!Pangit na papabaunan mo alo ng luha bago ako aalis,hindi naman tayo maghihiwalay.

Pinisil pisil nito ang kanyang pisngi at hinawakan naman niya ang mga kamay nito at inilagay niya sa kanyang mukha.

"Ewan ko ba,ayoko na kasing maghiwalay pa tayo ng matagal.Masyadong matagal ang tatlong buwan."

"Saglit lang iyon,kung sa matagal na panahon ngang nagkawalay tayo'y wala namang nabago,mahal parin natin ang isat isa sa kabila ng lahat."

Hinalikan na siya nito ng mariin sa labi at nagpaalam narin.Hindi narin ito nagpahatid dahio iyon daw yata ang pinakaayaw ng lalaki.

From the author:

Ang mga susunod na eksena ay rated 40.... maaring

ito ay may maseselang eksena ,gaya ng....SEX

kinakailangan ng patnubay ng magulang,lolo at

lola,kamag anak,kapit bahay,tsismosa't tsismoso..at

lahat ng tambay sa kanto.Ang mav edad na 18 pababa.