Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 27 - 27.

Chapter 27 - 27.

Matunog na matunog na sa opisina ang

pagpopropose ng kanyang kasintahan kay Rebeca kayat lahat ng tauhan ni Rebeca  ay binabati siya kanina pa.Kung  may good news ay may bad news din.Kung bad news nga na matatawag.May linaw na ang kasong isinampa laban sa kanyang kapatid at ilang araw nalang ay mahahatulan na ito sa sala-salambat na kasong ilegal na isinampa laban dito at ang adultery mula sa asawa ng kongresman,kahapon pa tawag ng tawag sa kanya ang madrasta ngunit hindi nya sinasagot sa dahilang hindi nya alam kung paano ito matutulungan.Nang biglang kumatok naman ang kan-

yang  sekretarya."Boss may imbitasyon po kayo ma-

mayang 8:00 oclock  galing sa mga Ricaforte."Ok salamat besy"Tumango lamang ito at lumabas na.Magkasabay ang magkasintahang Leonard at Rebecang pumunta sa tahanan ng mga Ricaforte.Ki-tang kita sa malaking bakuran nito ang mga bisitang nagkikislapan ang mga damit na halatang kapwa mamahalin.Hindi na nagulat si Rebeca ng makita niyang naroon din si Devon kasama ang bagong babaeng kinalolokohan nito.Habang nakaupo ang mga ito at ang babae sa bandang duloy tinitis nyang huwag sulyapan ang dalawa,ayaw biya ring magpaapekto sa mga taong walang kwenta at mga walang magawa sa buhay.Nilibang niya ang sarili sa pag aasikaso sa pagkain nila ng kanyang kasintahan. Sa pagiging abala niya ay hindi na niya namalayan na kanina pa siya nakakadalawang pinggan na puno.Marami silang napag usapan ng makaramdam siya ng panunubig. Saglit muna siyang nagpaaalam sa mga ito.

Pagkabukas niya ng banyo ay may humila sa mga

braso niya. Kinaladkad siya nito sa may bandang

likuran palabas.Isinandal siya bigla ng kung sino sa bakod na napapalamutian ng mga gumagapang na halaman."Devon?!!anung ginagawa mo rito?nasaan

ang kasama mo? at bakit mo ko dinala rito?!"Gulat na sabi ni Rebeca na hindi inaasahang susundan siya ng lalaki.Naguguluhan niyang tanong rito.Malilikot din ang kanyang mga mata na nag aalala na baka may

makakita sa kanila sa bahaging iyon.

Hindi nito sinagot isa man sa mga tanong niya.Sa

halip ay sinil siya nito ng nagbabagang halik sa labi

na may kasamang pananaliksik sa kanyang bibig,

"Let go of me!"

Nabigla siya sa ginawa nito.

"Shhhhhhhh!"

bulong nito sa kanyang tenga.

Hinawakan nito ang magkabila nyang kamay

patalikod.Pilit siyang kumakawala.Kabado siya sa

maaaring kahinanatnan ng ginagawa nito.

"Hindi ba tapos na sa atin ang lahat?

Sabi ni Rebeca rito sa gitna ng ginagawa ng lalaki sa kanya.Mukhang wala itong planong sagutin siya,dahil mula sa kanyang blusa ay isinungaw nito ang isa niyang dibdib at nanalakay roon.

Muli siyang pinatahimik nito sa mga halik ng isang eksperto.

Shit "I cant get enough of you Rebeca!" sabi

nito ng paanas.

Habang init na init ito sa ginagawa sa kanya,ay may

narinig siyang tumatawag sa kanyang pangalan,bigla

ang bitaw niya dito.Ngunit ayaw siyang pakawalan.

"L-Let go of me,pls!"

"San..dalii nalang."Paanas at tila nananadyang sabi nito.Tinukso tukso pa ng lalaki sa maliliit na halik ang ibabaw ng kanyang dibdib pababa at parang bakal ito na nakapalupot sa kanya.Noong nag kulay suka na siya habang papalapit ang tinig na nagmumula  sa likurang bahagi ng pinasukan nila ay saka  lamang siya binitiwan nito ng matapos ng nakakalokong ngisi.Siya naman ay hindi magkanda tuto sa pag aayos sa sarili.Palabas na si Rebeca mula sa pinagkukublihan nila ng may pagmamadali ng bigla siyang hawakan nito muli,hinawi nito ang buhok niya at...

Eksakto'ng palingonlingon si Leonard ng makita nya

"O sweetheart,sinundan kita rito ng

mapansin kong natagalan ka.Saan kaba nag

punta?"Nagtatanong ang mga mata nito.

"Nagpahangin lang ako sandali".At kabado kumapit dito ang dalaga.

Si Devon naman ay namataan niya sa di kalayuan na

nakatingin sa kanila.Kung ano ang iniisip nito'y hindi

kayang basahin ni Rebeca.

Hiyang hiya si Rebeca kay Leonard sa nangyari,kung kailan naman iniiwasan niyang  makapagsolo sila ni Devonay hindi siya kailan man nagtagumpay.Alam ng lalaki kung kailan siya susukulin.Ipinapangako niya sa kanyang sarili na ito na ang huli.Sa susunod ay hindi niya na ito pahihintulutan.Sumosobra na ang lalaki.Ni hindi na namimili ng lugar.Paano kung may makakita sa kanila sa ganoong tagpo?At paano kung hindi lang si Leonard ang makakita sa kanila?tiyak niyang napakalaking eskan dalo ang mangyayari.Ano raw ang sabi nito kanina,ano ito naloloko na?hindi ba't malinaw ang usapan nila na titigilan na siya nito kapag nasunod niya ang napagka sunduan nila?.Ano nana- man ang pumasok sa kukote ng lalaki at  ganoon nanaman ang sinasabi nito?Kung ano man ang binaba

lak  nito ay hindi niya pahihintulutan.Ngayon pang malapit na silang ikasal ni Leonard?.

Kanina ng makita ni Devon ang babae'y wala naman

siyang planong ganoon.Hindi niya alam kung anong

nangyayari sa kanya. Mentras tinatanggal niya sa

isipan ang babae ay pilit itong nagsisiksik sa kanyang

sistema,lalo ng malaman niyang matutuloy na ang

pag iisang dibdib ng mga ito,ay lalong nakagulo iyon.

Sabik na sabik siya sa babae na hindi pangkaraniwan

sa isang tulad niya.Napahilamos siya sa mukha at tinadyakan ang oto ng walang makitang mapagbun-

tunan ng inis na nararamdaman.Pagkatapos ay parang sira ulong napangiti.Sana pala ay hinayaan na lang niyang mahuli sila kanina ng nobyo nito.Nang malaman nito kung anong klaseng babae ang minamahal.Di bale marami pa namang susunod na

pagkakataon,at sa pagkakataong iyon ay sisiguraduhin niyang makakapuntos na siya.

Hindi na napigilang tawagan ni Rebeca si Devon ng sandaling iyon.

"Wala kang isang salita!Hindi ba't nagkaintindihan na tayo?Ano'ng gusto mong palabasin at heto ka't nang gugulo?Kailan mo ako balak tigilan????"

"At ikaw?! Ano ipinagmamalaki mo?Hindi ba't marumi ka narin?Parehas lang tayong marumi Rebeca!Hindi mo rin ako kayang tanggihan,alam kong hinahanap mo rin ang mga yakap ko't halik,ang mga haplos ko sa iyong katawan,ang mga-"

"Hayup ka!Nilinlang mo ako!Alam mong hindi ko kayang gawin ang lahat ng iyon kundi sa panggigipit mo sa aking walanghiya ka!Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sayo at ginaganito mo ako!Wala akong naalalang may atraso ako sa iyo para gawin mo sakin ito!Manahimik kana at tapos na tayo!Ibaon mo sa limot ang lahat ng nangyari at bayad na ako sayo!"

"Paano ka makakabayad wala ka namang ibinibigay pa?May natanggap ba ako mula sayo?"Boses ng lalaking tila lalo siyang ginagalit.

"Paanong-?! A-Ang ...???? Ibinigay ko sayo ang pinakamahalagang bagay na mula sa akin.H-Hindi pa ba sapat na kabayaraan iyon gayong wala naman akong natatandaang pagkakautang?"

"Maaaring wala ka ngang pagkakautang ngunit isa karin sa mga babaeng nagpapanggap na akala mo'y kung sinong malinis.Ngunit sa isang sitsit lang ay magkukumahog na upang lumapit." Kasabay ng halakhak ng lalaki.

"Wala na tayong dapat pang usapan!Sapagkat walang kahihinatnan ang paliwanagan ka!Isa kang lalaking walang bayag at nasisiraan ng bait!!!!!

Hindi na binigyan ng pagkakataon ni Rebeca na pagsalitaan pa ng kung ano ano ng lalaki agad niyang ibinaba ang tawag.

Animal!!!