Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 33 - 33.

Chapter 33 - 33.

"Pwede ba tayong mag usap mamayang

uwian?"Si Rebeca habang kausap niya sa telepono ang kasintahan.Tinugon naman siya ng lalaki.

Nagpapasalamat nalang siya na kahit papano ay wala

pang tumatawag sa kanila galing sa ibat ibang bangko.

Ilang araw na siyang nababahala sa mga ito kung ano

ang isasagot niya.Nagtataka man kaninang pagtawag niya si Leonard ay umo-o naman agad ang lalaki.Siya namang pagbukas ng pinto.Si Devon na may

mga bitbit na pagkain na mga nakabalot pa.

"Anong ginagawa mo rito???"

Nagulat si Rebeca dahil bigla na lamang sumusulpot ang lalaki, lalo na sa mga panahong hindi niya inaasahan."Pinagdala kita ng pagkain.Alam kong kanina kapa hindi kumakain"

"Bakit mo ginagawa ito?"

Hindi ito kumibo sa tanong niya bagkos ay Inilapag lamang nito sa kanyang table ang mga pagkaing bitbit.Hinawi patapon ang mga papeles na pinipirma-

han niya at lumakad ito paupo sa mahabang upuang itim sa pinakadulo ng kanyang opisina.Gaya ng naka-   gawian nito ay sumandal sa upuan at sabay taas ng paa sa center table.

"I'm not going anywhere unless you eat.O baka naman gusto mo pang subuan kita?"

"Leave me alone will you?"

"You eat then I leave.."

"Damn you!!!"Mura nya sa lalaki.

Bigla itong lumapit sa kanya.Inilapit ang mukha.

"Kakain ka o tatawagin natin ngayon si Leonard?"

Inilabas nito sa bulsa ang dalang cellphone.

Tinignan niya naman ito ng masama at sinimulang

buksan ang daladala nitong naglalaman ng

masasarap na pagkain, kasama ang ibat ibang klase

ng prutas.Ng susubo na sana siya ay bigla siyang hinalikan nito sa labi ng mariin.

"See you honey"Sabay tayo nito at lumabas ng kanyang opisina.Iiling iling siya ng lumabas ito.Saka nya napatunayang gutom na gutom na pala siya, bigla siyang napahaplos sa impis niyang tiyan.Kaya pala nitong nakakaraan ay parang nagsisikipan ang mga damit nya.Paano pag bigla nalang lumalki ang kanyang tiyan?At sino naman sa palagay nila ang makakapagsalita ng hindi maganda sa kanya?. At bakit tila maykakaiba ngayon sa lalaking iyon? Nagdala pa ng makakain.Kinakabahan man ay pinalis niya sa

kanyang isipan ang unti unti nabubuo rito.Ipinagkibit balikat niya lang ang nag uumpisang mamuo sa kanyang isip.Mahirap ang laging nag iisip sa kalagayan niya ngayon.After lunch ay nagsabi na siya kay Besy na lalabas na muna siya at kung may importanteng gagawin ay babalik siya kaagad.Kahit na hindi tama sa oras ang gagawin nyang pagtatapat ay kailangang sa malao't madali.Mahirap na baka maunaban pa siya ng kung sinong poncio pilato.

Malapit na siya sa meeting place nila ay nakita na ni Rebeca si Leonard na nakaupo sa may bandang kanan sa dulo.Nakita nitong papalapit na siya kaya bigla siyang sinalubong nito ng halik sa noo."What do you like to order sweety?"

"Juice will be better,tutal busog pa naman ako, and  ..um" samahan mo narin ng letcheflan"Sabi pa niya.Nagtawag na ito ng waiter at umorder."Sweety   ano  ba ang mahalaga nating paguusapan?mukha kasing hindi na makapag hintay  hangggang mamaya?Nakangiti ito sa kanya.May biglang bumara sa lalamu-

nan ng dalaga   ni hindi na niya  malunok ang mga inorder niya sa kaba.Nakataas ang kilay nitong naghi-

hintay ng kanyang isasagot ng biglang may nagsalita sa likod at biglang umupo sa hinatak nitong upuan.

Parang muling naulit ang pangyayari niyong nakaraan.

"Sorry leonard but it ends here!We have a

relationship dati pa,sorry brod kung medyo natagalan bago namin sabihin sayo at naghintay pa kami ng tamang pagkakataon.Hindi namin sinasadya, but it happened."Tuloy tuloy na sabi ni Devon na kadarating lang at hindi nila napansin.Tumingin sa kanya si Leonard ng naghihintay ng kanyang sasabihin. Si Rebeca nama'y napipi at wala ng salitang maapuhap ng mga sandaling iyon.Iyon na!ang kanyang kinatata-

kutan  at nangyari na nga.At ng mapunang wala siyang

balak magsalita ay may pagdaramdam itong tumayo

kaagad at iniwan silang dalawa.Wala ng lingon-lingon.

At ang tanging nagawa nalang ni Rebeca'y habulin ng tingin ang lalaki at duo'y di na niya napigilan ang mapaluha.Pagkatapos ay bumaling siya sa katabi nag-

pakawala siya ng isang malutong at napakalakas na

sampal na nagpayanig sa pisngi ng lalaki.Pulang pula ang mukha niya sa galit.Matalim ang kanyang tingin at tinalikuran iyon ni Rebeca na planong habulin sana si Leonard.Ngunit bigla naman nitong dinakma ang bra-so niya at napapapihit siya paharap rito."Hanggang kailan mo siya paghihintayin? Sa palagay mo ba,kung hindi ako dumating ay sasabihin mo sa kanya ang lahat?"

"At bakit hindi!Sa palagay mo ba ay may kakayanan pa akong itanggi?"

"Hah! When you even lose your tounge when

you started to tell him the truth!Your'e supposed to thank me for that."

"Well,salamat sa pakikialam mo at sa pangunguna mo."

"Why?sa palagay mo hindi siya masasaktan kapag sinabi mo na ang totoo?"

"Wala kang pakielam! Damn you!"

"Sige sundan mo siya!at pagkatapos mo siyang aluin saka ka bumalik!"Sabi nito sa kanya na tila nang iinsulto.Ipiniksi niya ang kanyang braso at lumakad paalis sa lugar  na iyon.Galit na galit siya ng mga oras na iyon wala nasiyang pakielam lalo na ngayong nabulgar na ang lahat,nabawasan ang mga panghahawakan sa kanya ng lalaki.Huwag lang sanang malaman nito na nagdadalang tao siya.Wag naman!...

Galit na galit si Devon ng mga oras na iyon.Simula pa ito ng makita niya noon ang dalawa sa restaurant

dati.Pakiramdam niya ay nagpupuyos ang kanyang

kalooban sa pambabalewala ng babae sa kanya.Ito na

nga ang nilalapitan niya ngunit ito pa ang nagmama-

malaki.Sinundan niya ang babae at nakita niyang

palingalinga ito at pilit hinahanap kung saan dumaan

ang lalaki.Nakita pa niyang sumakay ito ng taxi.

Napa ingos siya.Sa palagay mo ay kakausapin ka noon pag naabutan mo?hah! Tingnan natin.Ngayon ay malaking alas ang hawak niya at tiyak niyang panalo ang hawak niyang baraha.

Kanina pa nag bibibrate ang kanyang cellphone at ng

tingnan kung sino ang tumatawag ay lalo siyang

nabadtrip.Pinatay niya ang cellphone at umalis na

rin.

Uminom si Devon ng gabing iyon.Habang umiinom siya ay may lumapit sa kanyang isang sexy at magandang babae.

"Hello.Matagal na kitang inaabangan rito pero ngayon lang kita natyempuhan.Ako nga pala si-"

"Can't you see I'm busy?"

Mukhang napahiya naman ang babae at bago umalis ay may inilapag itong tarheta sa tabi ng kanyang basong iniinuman.

Dinampot naman iyon ni Devon at sabay nilukot.

"Dev,naninibago ako ngayon sayo ah,"

Ang katrabaho ni Devon nuon sa club na siyang iniinuman nya ngayon.

"Busy lang ako."

Natatawang naiiling ang bagong dating na lalaki sa sinabing iyon ni Devon.

"Nuon walang lugar sayo ang salitang busy.Ibang iba kana talaga.Bilib ako sayo.

Maya maya pa'y nilapitan uli sila ng babaeng kanina pa nakatingin sa gawi ni Devon at ang tanging narinig niya sa kasama ay"Hindi yan pwede ngayon Bar,may regla.Ako nalang."

Nanahimik lamang siya sa mga sinabi nito sa babae at nagpatuloy sa paglagok ng alak.

from the author:Paki hit po ang star at paki follow narin po para updated po kayo sa bago kong account.Muli ko po uling ire rewrite ang aking mga nobela unti unti at ang TRES BASTARDOS ay isisingit ko po sa mga naghihintay sa luma kong account na nahacked.

Muli maraming salamat sa suporta sa mga baguhang manunulat na katulad ko.

I love you readers!!!!

NOTE :here's my gcash account #09998134482

Sarah U.To support me coming from your heart.It's not obligatory but if u feel to support.Any ammount will do and appreciated!❤️❤️❤️