Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 35 - 35.

Chapter 35 - 35.

Kinabukasan gaya ng nangyari nung una ay

nagkakagulo nanaman sa opisina,kanina

lang ay nakatanggap na sila ng katakot takot na email. ang dahilan ang ibang tauhan ni Rebeca ay nagrarally narin sa labas at ang iba'y nag file ng resignation letter nila,mukang na pirate na ng ibang kumpanya.

Ang mga nagrarally sa labas ay dahil sa sunod sunod na delay ng kanilang pasahod.Hindi nya alam kung paanong sa loob lamang ng ilang araw ay malaki na ang naging problema.Nagsimula naring magkaroon ng maliit na problema sa ibang company nila.The whole company is in chaos.

Tumunog ang kanyang telepono at nakatanggap si Rebeca ng tawag mula sa kanilang Big investor,ang big boss.At ipanatatawag siya.

Of all people ay ito mismo ang haharapin nya?

Ito ang pinakamaraming share sa kumpanya.Subalit

low profile ito.Kahit ito ang may pinakamalaking

share ay hindi nagkainteres itong maging

presidente.Hinayaan siya nitong mamuno ng hindi

nya nakikita ni ang anino nito.Kahit worried ay wala

siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakita dito ng

personal.Ipinapasumdo siya nito sa isang tauhan.

Pumarada ang isang bmw na gray sa kanyang

harapan na parang pamilyar sa kanya.Parang nakita

na nya ito.Hindi lang niya alam kung saan. At kilala

nya rin ang driver na umalalay sa kanya.

Ang biyahe nila'y umabot lamang sa 20 minuto buma ba sila sa isa sa mga hotel na pag aari din ng kumpan-

ya.Diyata't naroon pala ito ngayon!Umakyat siya sa

pinakahuling palapag gaya ng ibinigay na impormas-yon ng kanyang sekretarya.Pagpihit niya ng seradura ay bukas ito at mukhang ina asahan na siya nito tala-ga.Pinihit na niya ang pinaka handle ng pinto na kulay ginto.Nakita nyang nakatayo roon ang big boss, nasa

pinakadulo at sulok ng silid.

Malaking lalaki pala ito siguro'y nasa lampas 6o

na.Kahit ganoon ay mababakas mo parin ang gandang lalaki nito nung kabataan .Mestiso ito at kulay abuhin ang mga mata,hindi maipagkakamaling may dugong banyaga.Tila pamilyar din kay Rebeca ang feature ng muka nito ngunit hindi nya matuko'y kung saan nya ito huling nakita.

"Hello miss TOUGH"

nakangiti ito sa kanya naipinagtaka nya."

"Maupo ka muna!"

Sabay lahad ng palad nito sa upuan sa unahan. Tuma-lima naman kagad siya, kahit may kaunti siyang ka-

bang nararamdaman."

"Nanghihinayang ako na sa ganitong paraan tayo nag kaharap .Matagal na kitang kilala at sinubaybayan ang iyong pagpupursige ng mahabang panahon.Natutuwa akong makita ka ng personal kahit sa ganitong pagka-

kataon."

"Pasensya napo kayo Big-ahhh..Boss.???

Hindi niya tuloy alam kung ano ang itatawag niya

rito.

"Its alright iha!" Nginitian siya nito.

"Asahan nyo po sir na maayos ko po ang "Asahan nyo po na maaayos ko ang gulong ito. Gaya po ng sinabi nyo'y matagal kong pinaghirapan ang estadong kinalalagyan ko ngayon at hindi ko po hahayaang ang lahat ng pinagpaguran ko'y mapunta lamang sa wala. Bigyan nyo po ako ng isang pagkakataon,'wag nyo po sanang gawin sakin ito."

"Kumain kanaba iha?lets forget the problem

just for a while..." Sa mababang tinig.

Nagulat siya sa sinabi nito.Bigla tuloy siyang nahiya.

"Ok lang po sir, tapos napo kanina pa."

"Oh wag mo na muna kong tanggihan sa

ngayon.kumain muna tayo.Masarap ang

pagkaing ipinahanda ko buhat sa aking mahal na asa-wa huwag mong tatanggihan iha at ang tumatanggi sa grasya ay lumalabo raw ang mata.Isa pa, kapag nakarating ito sa aking maybahay ay hindi nya magu-gustuhan kung sakaling may taong tatanggi sa kan-

yang masasarap na luto,hindi mo naitatanong iha, katulad mo'y mahilig ding magluto ang aking

asawa."'nakangiti ito.

Kaya't wala siyang nagawa kundi kumain kasama ang

may edad na lalaki.Masarap itong kakwentuhan, kung saan saan napunta ang kanilang usapan, na wala namang kuneksiyon sa kinakaharap ng kumpanya sa ngayon,na labis nyang ipinagtataka.hanggang sa nagpa alam na ito.Hindi niya iyon inaasahan,ang buong akala pa naman niya'y pagsasalitaan siya nito ng kung ano-ano.Pagagalitan at bibigyan ng ultimatum.

Totoong masarap ang mga ipinahanda nito.Bigla niya

tuloy naaalala ang ina ni Devon.Kamusta na kaya ito?

sayang naman at hindi na uli sila nagkita.Ngayon ay

nakasalalay sa kanyang mga kamay ang kinabukasan

ng lahat n'yang empleyado,aminin niya ma't sa hindi

ay importante ang mga ito sa kanya.Hindi niya

lamang ipinakikita, upang maging seryoso ito sa mga

trabaho at para narin sa mga ito.Bakit ba naging ganito ang takbo ng kanyang buhay?Iisa ang respon-

sable sa lahat ng ito at kilalang kilala niya iyon.

Bakit nga ba kasi nakapuntapunta pa sya sa party ng gabing 'yon?Kamusta na kaya si Leonard?.Hangang ngayon ay nalulungkot parin siya para sa lalaki. Binig-

yan nga sila ng pagkakataong muling dugtungan ang kanilang napigil na pagmamahalan dati, ngunit ganito naman ang nangyari.Sana pala noong umpisa palang noon si Devon ay nagmadali na siyang magpakasal sa kasintahan ng sa gayon ay hindi na umabot sa ganito ang lahat. Isa pa ang nangyari sa ngayon.Walang naging malinaw na naging usapan sa pagitan nila ng big boss kanina.Basta't ang sinabi lang nito ay huwag siyang mag alala. Kung hindi lang siya nahihiya rito ay

sinaklawan na niya ang mga sinasabi nito na pulos

malalabo pa sa hindi tinining na tubig.Paanong

huwag siyang mag alala sa ganoong sitwasyon?Ito huwag siyang mag alala sa ganoong sitwasyon?Ito na raw ang bahala sa lahat.Saka nalang daw sila mag usap sa susunod dahil nagmamadali raw ito.Hindi naman niya ito mapilit.Pag uwi niya ng bahay ay nakita niya

na naroon narin ang kapatid.Nakita niyang nag iinom ito sa sala.''Naku iha mabuti't narito kana.Ikaw nga

kumausap diyan sa kapatid mo at baka sa iyo'y maki-

nig!"."Bakit po ma?ano po ang problema?"Tanong niya rito."Naku ilang araw ng ganyan iyan.Tinatanong

ko nga pero ayaw naman magtapat.Ewan ko ba diyan sa kapatid mong iyan, masyadong malihim."

Tumango siya sa itinuring na niyang ina at lumapit

sa kapatid.

"Ate ikaw pala.Tara inom tayo,pampawala lang ng stress."

"Sigurado kang sa stress lang iyan?"

Bigla itong natahimik.

"Akala ko ba magkapatid tayo?bakit ayaw

mong sabihin sa akin ang problema mo?"

"Alam ko kasi na mas marami kang

hinaharap na problema ngayon kumpara sa

akin.Baka makadagdag pa ako."Sabi nitong nasa mala-yo ang tingin.Tumabi siya ng upo rito.

"Ano kaba?ok lang iyon.Basta para sa iyo ay handa akong makinig."Napailing ito naman si Carla sa sinabi nya.

"Ate naranasan mo naba ang magmahal ng taong ni katiting ay walang pagmamahal sa iyo?May mahal siyang iba at iyon ang masakit.Ngayon lang ako nag-

mahal ng ganito ate. "

Hindi na nito napigilan ang hagulgol.Hinaplos niya ang kapatid sa ulo at nagsimulang maawa rito.Kaso

mukhang kabaligtaran naman ngayon.Tila hindi ito mahal ng taong minamahal.Napakasakit nga kung

iisipin.Nangyari narin sa kanya ito minsan,ngunit sa

ibang konsepto.Masyado siyang nasaktan noon ng

iwan siya ni Leonard pero pagkatapos ay nagbalik ito

pagkaraan ng ilang taon.Ngunit ang mas masakit ay

ang iwan siya ulit nito sa pangalawang pagkakataon. Nakakahiya dahil kung noon na nagawa

nito iyon sa kanya dahil hindi nito kasalanan.Pero

ang pangyayari ngayon, malinaw na nagkasala siya.

Kaya kung hindi na ito magpapakitang muli sa kanya

ay maiintindihan niya at pipilitin niyang tanggapin.

Ang iwan ng taong minamahal ay masakit.Ngunit

ang lokohin ng taong minamahal ay terible ang sakit

na mararamdaman.At iyon ay ng dahil sa

kanya.Nang dahil sa karupukan niya.Hinayaan niya na muna ang kapatid.Kapag ready na ito ay kusa naman itong sasabihin iyon sa kanya.Niyakap niya ang kapa-

tid upang kahit papaano ay maibsan ang nararamda-man nitong kalungkutan.Umiyak ito ng umiyak sa bisig niya habang naaawang napaluha narin siya para rito.

NOTE :here's my gcash account #09998134482

Sarah U.To support me coming from your heart.It's not obligatory but if u feel to support.Any ammount will do and appreciated!❤️❤️❤️