Napagkasunduan nila ni Leonard at Rebeca na sa susunod na buwan na sila magpapakasal.Habang nagpaplano sila'y tila wala siya sa sarili nya si Rebeca sa kaiisip.Hindi kasi alam ng dalaga kung kailan e-eek
sena si Devon.Kabado siya araw araw,noong nag uu-sap sila'y hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob upang kausapin ito ng ganoon.
Kailangang magpakatatag siya,alang alang sa kasin tahan.Nahihiya siya rito dahil walang kaalam-alam ito sa nangyayari sa kanila ni Devon.Napakabait nito at mapagmahal. Kabaligtaran ng lalaking 'yon.Nagpatu
ang pang araw-araw na buhay ni Rebeca Paminsan - minsan ay lunmalabas sila ni Leonard.Hindi narin nanggulo pa si Devon.Na ipinagpasalamat niya.Ilang araw narin siyang stress na stress sa mga pinag gagawa ng lalaki.Sana nga'y manahimik na ito at huwag na siyang muling guluhin pa.
Iyon ang buong akala ng dalaga!
Palagay na sana ang kalooban ni Rebeca ngunit
ginulantang siya ng balitang ang lahat halos ng
kanilang investors ay sunod sunod na nag rerequest
na mag pull out ng kanilang shares.Nagtataka siya da - hil parang wala itong pagkakaiba sa dating kinaharap ng opisina.Hindi maaaring ang kapatid nanaman niya ang nasa likod ng pangyayaring ito?!Kaya't agad din siyang nagpatawag ng agarang meeting.
Magkakaharap sila ngayon sa long table. Kaharap ni Rebeca ngayon ang ibat ibang humahawak sa departa-
mento ng hotels at ibat pang manufacturer ng kanilang produkto kasama narin ang buillders trade.
Inalam ni Rebeca ang dahilan ng lahat ng iyon at saan nanggaggaling ang problema.At isa lang ang napag alaman niya, may gumapang pailalim sa mga pangyayari at upang maglipatan sa mga kumpanyang
nangangako ng higit sa mataas na pagkakakitaan,ang
iba'y nagbenta ng shares nila,kung bakit ay wala
siyang ediya.Sumasakit ang ulo niya maghapon, dahil parang saisang kisap mata ay mukang matatalo siya ng walang kalaban laban.Binilinan niya muna ang kan-
yang sekretarya na hindi muna siya sasagot ng tawag kahit kanino.Umuwi muna siya ng hotel at duo'y nagpahinga at nag isip isip kung paano ang dapat
gawin.Kinabukasan ay sinundo siya ni Leonard.Awang awa sa kanya ito,hinalikhalikan nito ang kanyang noo at kamay."Anong plano mo ngayon?"Sa ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan,"Sagot niyang nagu- luhan sa mga nangyayari."Sabihin mo lang sweetheart kung ano ang maitutulong ko.Kumuha narin ako ng mga taong mag iimbestiga sa nangyayari. May kakilala ako na makakatulong satin."Tinanguhan niya lang ang kasintahan.Ilang araw ng tuliro si Rebeca isa
nalang ang naiisip niyang paraan Aalis muna siya at
maghahagilap ng mga bagong investors. Lalapit siya
sa mga kaibigan niya doon kung kinakailangan at
gagamitin niya ang iba pa niyang koneksyon,hindi siya makapapayag na wala siyang gagawin.Gagamitin niya ang iba pa niyang koneksyon.Pati ang mga bangko'y kinakatok sila.Nagtatanong at humihingi ng report ukol sa nababalitaang bankruptcy na sa hinagap ay hindi naman niya idinedeklara!Inutusan niya ang kanyang sekretarya."Tawagan mo lahat ng nakasulat sa sa record book na iyan at i-book mo ako ng flight to Newyork .Kahit alam niyang malalagay sa alanganin ang kumpanya'y wala siyang pagpipilian,kaysa naman hayaan niya lang magkaganon.Sa malao't madali ay kaylangan na niya ng resulta.Humingi muna siya ng palugit sa bangko at pinabulaanan ang mga alegasyon.
Ilang araw nalang ay kasama na niyang aalis si si Leo-nard.Nang makita ng dalaga na may nagpadala ng mensahe buhat sa kanyang email.Nakalagay dito ang lugar at oras kung niya kakatagpuin ang taong makatutulong daw sa kanya sa panahon ng krisis.Alam niyang maraming kumakalat na hoax pero kailangan niya bang maniwala sa isang sulat lang?Ano ang motibo nagpadala kung kilala niya ito bakit hindi
nagbigay ng detalye sa pagkakakakilanlan? Ngunit sa
isang desperadong katulad niya ay kakagatin niya
ang mga posibleng bagay na makatutulong sa
kinakaharap na problema ng kumpanya.Ibayong
iingat nalang ang kanyang gagawin.Papalabas siya ng lugar na'yon ng may pumaradang ford na gray sa kaniyang harapan."Kayo po ba si mam Rallios tuma-
ngo naman agad siya.Bumaba ang driver nito. Luma-
pit at nagtanong sa kanya."Sakay na po kayo at ihahatid ko kayo sa pupuntahan nyo." Kahit nagdada - lawang isip na baka isa lamang itong bitag ay sumama parin siya. binaybay nila ang Edsa at huminto sila sa isa sa mga building na nagtatayugan sa taas,Pumasok napo kayo,room 135,14nth floor. Umalis na ito pagka-
tapos nitong maibigay sa kanya ang card.Diyata't malapit lang ito?paran ilang minuto lang silang bum-yahe?Bagamat kabado ay sumakay na siya ng
elevator.Nakakalula ang building na ito,lalo pa at sa
pinakamataas pa yata nya katatagpuin ang taong hindi niya nakikilala.Pagtapos nyang iswipe ang card ay bumukas ito.Madilim sa loob at napakalamig ng silid.
Nangangapa siya sa dilim upang hanapin ang ilaw,
ng bigla itong bumukas.Bumaha ang liwanag sa loob ng malaking silid.Napatalon siya ng marinig ang boses nanagmumula sa dulo.Nakatayo ito patalikod."Ikaw na
naman?"Gulat na gulat siya ng makita ang lalaki."Ako nga!Sino pa sa akala mo?"Anong?,, bakit narito ka?anong ginagawa mo rito?Huwag mong sabihing ikaw ang taong tutulong sakin?"Sunod-sunod na tanong ni Rebeca sa lalaking iyon na hindi niya inaasahang naroroon ngayon at mukhang nasorpresa siya ng husto
"You said it right!"
"What?I-I dont get it!Paanong?"
"Huwag ka ng magtaka.Because you don't
know me! You don't know how powerful I am!"Iiling -iling ang lalaki.
"S-Sino ka?Ikaw ba ang nasa likod ng lahat ng
ito?"Sino pa sa palagay mo?"halakhak ni Devon."Pero napaka imposible!Isa ka lamang,,,Isa
ka lamang..."
"Ano Rebeca?bakit hindi mo ituloy?Isang
ano?Isang gigolo na umasa sa mga babae?
Well,dati iyon!Nung hindi pa bumabaligtad
ang mundo.Ang sabi nga nila ang buhay daw
ay parang gulong.Nasa ibaba ka dati,ngayon
ako naman ang nasa itaas."
"I cant believe it!"
"Believe what you want to believe.I don't
care, Rebeca!"
Napahugot si Rebeca ng malalim na hininga."Ano ngayon ang gusto mong palabasin kung bakit mo ito ginagawa? Para ano?para madagdagan pa ang pera mo?Sabihin mo kung magkano para lang tigilan mo ako."Nagpupuyos ang kalooban ni Rebeca habang sinabi iyon.Sandaling tumahimik ang lalaki at nakita ni Rebeca na galit ang mga mata nito."I, want,you! I want you to stop seeing that lousy guy! You hear me??!!!
Nanlaki ang mga mata ni Rebeca sa narinig."At sino ka upang sabihin iyan sa akin?Sino ka para turuan ako?"
"But I'll assure you na kung hindi mo
gagawin,hindi lang iyan ang mangyayari sa
buong empire mo!Mark my words woman!.
"N-No."Mahina na at tila mismo siya ay hindi na marinig ang boses sa sobrang hina niyon.
"You can go for now.That's my deal.All you
have to do is to choose then decide."
"Do I have a choice?O kaya'y iba pa na maaari
kong gawin.Huwag lang iyon pls!!!!"
"So you know how to say pls?You have a
choice and that's what I already said earlier."
Nilingon siya nito pagkasabi niyon.
Iminwestra ng lalaki ang pinto na nagsasabing tapos na ang kanilang pag uusap.
Paglabas na paglabas ni Rebeca ng pinto ay napaupo siya at umagos ang pinipigil na luha kanina pa.Hindi niya alam na aabot sa ganito ang lahat.Kasalanan niya ang lahat.Sa dinami rami ng mapag a-alokan niya ay dito pa siya napatapat.Hindi niya alam kung kaya niyang malayo kay Leonard o mas higit pa na sabihin niya ang pinasasabi ni Devon.