Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 32 - 32.

Chapter 32 - 32.

Pagdilat niya  ng kanyang mga mata ay nasa isang

silid sya.

"Saan ako naroroon?"

Hindi pamilyar sa kanya ang silid.

"Dinala ka sa lugar ko kung san malapit ang

İsa sa mga tinutuluyan ko."Si Devon dalawa sila ni

Leonard na nakaupo ngayon  sa magkabilang gilid ng

kama,parehas may mga pasa sa mga mukha at hindi na maayos ang pagkakasuot ng mga polo.Bigla niyang naalala ang pangyayari bago siya nawalan ng malay parang gusto na lang niyang hindi na magising.

Si Leonard na panay ang punas sa kanya ng basang

bimpo."Are you alright sweetheart?"May pag aalala ang muka nito na nakatunghay sa kanya.

"Ano bang nangyari?"

hindi nya napigilang itanong na siyang ikinataas ng kilay ni Devon.

"Bigla kang nawalan ng malay sweetheart"Sabay pisil nito ng mahigpit sa kanyang kamay.

"Maya maya'y darating na ang pinatawag

kong doctor na titingin sayo."

Sabad naman ni Devon habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Siguro'y kailangan mo ng mahabang pahinga

sweety,kailangan mo higit 'yon sa ngayon."

Sabi ni Leonard ng may pagsuyo.Narinig nilang may

biglang kumatok sa pinto.Sabay sabay silang

napatingin rito.

"Hello doc."

Unang bumati sa bagong dating si Devon.Tumango naman agad ang tinawag nitong doctor.

"O kamusta Devon? ahhh, siya ba ang

pasyente?"Tumango si Devon. Yumuko ang doctor at itinapat sa kanya ang gamit nitong stethoscope habang

tinitingnan siya nito.

"Ahhh, iha kelan ang huli mong

menstruation?"

Bigla siyang tinakasan ng kulay sa mukha sa

pagkabigla dahil narin sa kahihiyan ng tanong nito habang pinapagitnaan siya ng dalawang lalaki.

"Ah doc bakit po?"Tanong ni Leonard.

Bago pa makapagsalita ang doctor ay inunahan na

ito ni Rebeca. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Mayroon siyang hinalang hindi maganda.Bago pa mangyari ang susunod niyang bangungot ay mabilis siyang nagsalita.

"Ahhhh, Pwedeng iwan nyo na muna kami ni

doc sandali?"Kahit bakas sa kapwa muka ng dalawang lalaki na tutol ang mga ito sa gusto niya ay walang nagawa ang mga ito ng tumango rin ang doctor.

At lumabas na nga ang mga ito ng silid.

Ilang minuto  ng nakaalis ang doctor ngunit hangang

ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa sinabi

nito sa kanya.Siya buntis?? paanong hindi kaagad ni

minsan pumasok sa kanyang isip ang tungkol dito?!

Ngayon niya napatunayan na hindi porke matalino ay hindi na tanga!siya ang halimbawa noon.Ano't laking katangahan niya ng malimutan ang pinaka importanteng bagay na iyon?Dahil rin ba ng sa simula palang ay laging okupado ng stress ang kanyang utak at katawan dahil sa mga ginagawa sa kanya ni Devon?Nanghihina siyang napasandal.Hindi paman siya lubusang nakakabawi ay magkasabay naman ang dalawang pumasok uli sa kanyang silid .Kaagad na  nagtanong si Leonard."Ano raw ang sabi ng doctor sweetheart?"

"Over fatigue lang daw at mawawala rin ito

kapag naipahinga na."

"Nasaan ang reseta ng doctor?"

Si Devon na matiim na nakatitig sa kanya.

"Ah hindi na niya ko binigyan ng reseta dahil

meron na kong gamot para dito."

Hindi nya alam kung nakumbinsi niya ito o

hindi.Saka na niya puprublemalhin yon.Ang

mahalaga ngayon ay kung paano na ang kalagayan

nya.Ang tanging gusto  niya sa ngayon ay bumuka ang lupa at lamunin na lang siya.Sunod sunod naman ang kinakaharap niya ngayon.Lalong gumulo ang buhay nya ng dahil dito.Hindi niya alam kung anong mararamdaman .Isa lang ang

tiyak at napagdesisyunan na niya ng tuluyan.Kailangan na niyang magtapat kay Leonard

dahil hindi na niya ito maitatago.Ngayong isa na syang ina.

"Ihahatid na kita"

sabi ni Devon.

"No its ok ako na maghahatid sa kanya."

Singit ni Leonard na kanina pa nakakahalata sa mga

ikinikilos ni Devon.Masama parin ang tingin ikinikilos ni Devon.May pagtatagisan  parin ng salubungan ng tinginsa pagitan ng dalawa.

"C'mon sweetheart."

Nakaalalay na ito sa kanya.Inihatid siya ng lalaki

hanggang papasok sa kanila.

"Anong nangyari sayo sis?"

Si Carla.Nitong mga huling araw ay nakitaan niya ng

malaking pagbabago.Mukhang tinablan narin ang

malaking naitulong niya sa kaso nito.Dahil siya higit

kanino man ang gumawa ng paraan upang hindi ito

matuloy.Ginamit niya ang iba pa nyang koneksyon

upang maiayos ang lahat. Binayaran niya lahat ng

pagkakautang nito sa bangko at pinakiusapan si

Mrs.Villavente at nangakong hindi na mauulit ang

kontrobersyang ginawa ng kanyang step sister bilang

kilala siya nito dahil sa laki ng paghanga nito sa

kanya.Hindi niya rin inaasahan na pagbibigyan siya

ng Ginang.Kapalit ng pangakong hindi na ulit ito

magpapakita sa asawa.

Mula noon ay unti unti niyang nakitaan ng mga

pagbabago ang kapatid.Mabuti na nga lang na hindi na ito dumadagdag sa kanyang mga alalahanin.Kung sasabay pa kasi ang kaso ng kapatid niya ay baka kung ano nalang ang magawa ni Rebeca sa sarili.

Pati ang kanyang madrasta ay bihira ng umalis ng

bahay. Isang araw ay humingi sa kanya ang mag ina

ng kapatawaran na hindi niya inaasaahan at hindi naman siya Diyos upang hindi magpatawad.

Basta't alam nyang bukal sa puso ang paghingi ng

tawad.Nuon niya nasabi sa kanyang isipan na sana'y

nuon pa man ay nangyari na ito,Ang magising ang mga ang mga ito sa matagal na pagkaka himbing.Napapagod na kasi siya.

"Ok lang ako"

ngumiti siya sa kapatid.

Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas at

ipapapanhik ko kay manang Adel sa kwarto

mo?

Napasulyap ito kay Leonard na tila nahihiya pa

"Pls do!"

Sa palagay niya ay kailangan niya ito dahil

siguradong hindi siya makakatulog mamaya.

"Sweety huwag mo namang pinapagod ang

sarili mo.I will do my best to help you with

this.Stop worrying to much."Hinalikan siya nito sa noo

pagkatapos siyang alalayan papanhik sa kwarto sa itaas ay hinalikan siya nito sa noo at nagpaalam narin.

Pagkatapos umalis si Leonard ay hindi nyana naman

naiwasang mag isip.Ano na ngayon ang

kahihinanatnan niya? Siya na si Rebeca Rallios ay

isang disgrasyadang ina.Napahikbi siya.Ngayon hindi

lang isa ang kasalanan niyang dapat ikumpisal kay

Leonard,hindi na siya umaasang mapapatawad pa

nito.At kailangan niya 'yong tanggapin.sa ayaw nya

man o sa gust0.

Narinig niyang may kumatok sa pinto bago ito

bumukas at iniluwa noon  si Carla ang nanasok na dala

ang isang basong gatas.Lumikot ang mga mata nitong parang may hinahanap.

"Umalis na siya kanina lang bago ka pumanhik."

Sagot niya sa paghahanap nito.

"Maswerte ka sa kanya ate no?Mukhang napakabait niya at mapagmahal.Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na pag aalala sa iyo kanina.Nakakainggit ka."

Ngumiti ito ng mapait.

"Ayan ka nanaman.Huwag kang mag alala makakakita karin ng magmamahal sa iyo."

"Sana nga.Sana makakita rin ako ng katulad

ni Leonard.Napakaswerte mo sa kanya ate."

"Salamat."

Hindi lang alam ng kapatid  na baka masukat ang

pagmamahal ng lalaki sa kanya kapag nakapagtapat

na siya rito.

"Sige ate inumin mo na ang gatas mo.Ako

mismo ang nagtimpla niyan,para naman

makabawi bawi ako sa mga kasalanan ko sa

iyo."

"Ano kaba!sabi ng wag mo ng alalahanin iyon."Nginitian niya ang kapatid.

"Are you sure ate?"

Tumango siya rito.

"Mukhang namumutla ka ate.Saka nalang

tayo ulit magkwentuhan kapag ok kana.Baka

kailangan mo ng magpahinga."

"Salamat Carla ha!"

Ngumiti naman ito bago umalis.

At nagpahabol pa ng salita.

"Kung may kailangan ka nandiyan lang ako sa

kabila ah!"

...

Ano ang mangyayari sa ating bida ngayong

nasasadlak sya sa mabigat na problemang kailangan

nyang harapin.

abangan...

from the author:Paki hit po ang star at paki follow narin po para updated po kayo sa bago kong account.Muli ko po uling ire rewrite ang aking mga nobela unti unti at ang TRES BASTARDOS ay isisingit ko po sa mga naghihintay sa luma kong account na nahacked.

Muli maraming salamat sa suporta sa mga baguhang manunulat na katulad ko.

I love you readers!!!!

NOTE :here's my gcash account #09998134482

Sarah U.To support me coming from your heart.It's not obligatory but if u feel to support.Any ammount will do and appreciated!❤️❤️❤️