Hindi siya mapakali si Rebeca habang nakaupo sa upuan nya.Malaking desisyon ang kakaharapin nya sa
ngayon.Nakasalalay dito ang kanyang magiging
buhay sa piling ng lalaking matagal niyang iningatan
sa kanyang puso.Ang kumpanyang pinaghirapan niya
ng kanyang pawis at dugo.Wala siyang pagpipilian
kung sakaling ang piliin niya ay si Leonard.Humanda siya sa pagbagsak ng kanyang mundo.Yun ay kung patawarin siya nito.Sa tanang buhay nya'y ngayon lang siya tinakasan ng kumpiyansa sa sarili.Ngayon lang...
Kung si Devon ang kanyang pipiliin ay hindi niya
alam kung ano ang pinaplano nito.Alam nyang
mapapariwara siya dito sapagkat kilala ito bilang
isang gigolo.Ano nalang ang sasabihin ng kanyang
mga business partner kapag nalamang nakipagrelas- yon siya sa isang katulad lang nito.Nakakilala ba ito ng isang mayamang makapangyarihan?At bakit ito naghahabol sa kanya?Samantalang gaya nga ng sabi nito ay walang makatatanggi babae sa isang Devon.
Sumasakit na ang ulo nya sa kaiisip subalit wala man
lang siyang makuha ni kapirasong sagot sa mga
tanong nya.Ano ba ang gusto nito sa kanya na wala sa iba?Hahayaan ba niyang patuloy na pababain nito ang
kanyang moral?Ito ba ang magbabagsak sa kanya?
Hindi matapos tapos ang tanong niya sa sarili.
Hindi matapos tapos ang tanong niya sa sarili.
Pakiramdam nya'y tumanda siya ng sampung taon sa
kaiisip.Ano ba ang dapat nyang gawin upang layuan siya nito?Sino ang taong nasa likod nito?
Ilang minuto na siyang nakatingin lang sa kanyang
cellphone. Kanina pa niya balak tawagan ang kasin- tahan ngunit tila may pabigat na malaking bato ang mga kamay niya.Sanay mapatawad siya nito.Ngunit paano niya sisimulan?paano niya sasabihin dito ang
pagtataksil na ginawa niya habang wala ito?.Bahala na.Manapa'y ihanda na niya ang kanyang
sarili sa gagawin nyang pagtatapat.Lalong nadagdagan ang sama ng pakiramdam niya.Idinial na niya ang numero nito dahil baka mapigilan pa siya ng sarili mismo niya kung hindi niya ito gagawin." Yes sweet
heart?"Sabi nito sa kabilang linya.Sinabi niya rito ang pakay.Kaninang nasa sasakyan palang sila ay patuloy parinsiyang nag iisip.Hirap na hirap ang kanyang
kalooban sa gagawin niya.Papasok palamang sila sa
paborito nilang kinakainan ng may makasabay sila sa
pagpasok sa glass door.Nanlamig ang mga palad niya ng magtama ang kanilang paningin ng kapapasok palang.Nagbabanta ang mga mata ni Devon kahit na
may mga kasama itong tatlong lalaki.Isa'y mukhang hapon at isa naman ay amerikano.Bakit ba naman sa dinami-dami ng kakainan ng mga ito ay duon pa mismo sa napili nila?Para namang nananadya ang pagkakataon.Nang uupo na sila sa kanilang ipinare-
serve na mesa ay siya naman ding upo ng mga ito sa gawing kanan na animoy nananadya dahil malapit ito sa kanila.Kumaway naman si Leonard sa lalaki bago pa niya ito mapigil."So sweetheart ano ba ang mahala-
ga mong sasabihin sakin? "Sabay ngiti nito sa kanya.
"Kumain muna tayo"Sabi nya."Narito rin pala sila!"na ang tinutukoy ang kabilang mesa.Hindi niya nabigyan pansin ang tinutukoy nito."Kamusta sweetheart ang negosyo?Si papa,matutulungan niya tayo.I'm sure na matutuwa 'yon,dahil nuon ko pa nasabi ang pagpa-plano natin tungkol sa kasal,"Ngumiti naman ang da-
laga.''So ano ba nga yung sasabihin mo sweetheart?Wag mong sabihing your'e having a cold feet?"
ngumiti ito sa sinabi."'Wag naman sana.Sabay bawi nito.Nang hindi siya kumibo'y nagpatuloy uli ito.
Wag naman sana.Sabay bawi nito.Nang hindi siya
sumagot agad ay muling nagsalita."Anyway that's nor-
mal sweety,sabi nga ng ibang kaibigan ko e, natural lang yan at isa 'yan sa mga nararanasan ng mga ika-
kasal,pero ako siguradong walang ganyan dahil mata-
gal ko na itong hinihintay.Hinimas siya nito sa mukha.
"What's the problem sweetheart?"Duon na nag alala si
Leonard ng makita ang kanyang hitsura.Ginigitilan na kasi siya ng pawis sa noo ng hindi parin siya nagsasa-
lita.Nang ibubuka na niyang pilit ang kanyang bibig ay
biglang may tumabi sa kanya.Napabaling siya kaagad sa taong tumabi sa kanya at hindi nga siya nagkamali.
"Gusto mo bang tulungan kita sa pagsasabi Rebeca?"
Sabay akbay nito sa kanya.Namutla siya at nahintaku-
tan rito.Pinisil niya ang braso ni Devon at nakikiusap ang mga matang tinignan niya ito.Nagpa lipat lipat ang tingin sa kanila ni Leonard na tila takang taka sa nangyayari subalit nagsisimula ng maging alanganin ang ngiti."Bakit sweetheart ano ang hindi mo masabi?"
Ang kanyang kasintahan na ngayon ay nakatingin na
sa mga braso ni Devon na nakaakbay parin sa kanya.
"H-Hindi ba't may mga kasama ka?"Sabi ni Rebeca at lumingon pa sa kabilang table na ngayon ay bakante na pala.Mukhang hindi talaga umaayon sa kanya ang mga pangyayari.
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya Rebeca?"
"Ano ang dapat kong malaman sweety?"
Madilim na ang nmukha nito kay Devon.
Napalunok siya at parang may bikig ang kanyang
lalamunan.Mabilis na kumilos si Rebeca at may pagmamadali siyang tumayo at walang sabi
sabing hinatak ang braso ng kasintahan."I'm sorry I think we have to go."Habang hawak niya ang braso ng kasintahan ay nagsalita siya ng hindi tumitingin kay Devon.Nagtataka namang sumunod sa kanya ang kasintahan.Kumakabog ang kanyang dibdib habang akay niya ito sa paglalakad.Madaling madali ang kan-
yang mga hakbang.Nang biglang tumigil ang lalaki.
"Tell me what's going on pls."Natigilan siya paghawak rito gayon din sa paglakad."It's nothing huwag mo siyang intindihin."At dahan dahan niya itong hinarap.
"Liar!bakit hindi mo sabihin sa kanya ang buong kato- tohanan Rebeca!"Si Devon na nasa gilid lang pala nila.Kaya siguro huminto rin ang kanyang kasintahan.
"A-anong katotohanan?"Naguguluhang tanong
muli ng kasintahan.
"Huwag mo siyang pakikinggan.Sinunghaling
siya!"Natatarantang sinabi ni Rebeca kay Leonard.
"Pare kanina kapa nangingeelam sa usapan."Matigas na ang tinig ni Leonard na ngayon ay nakaharap na kay Devon.
"Marami kang hindi alam."Sabi naman ni Devon na matatag din sa pagkakatayo at tila nakahanda na sa su
sunod na mangyayari.
"Pwede ba Devon,hayaan mo na kaming dalawa!"
boses ni Rebeca na may halong pakikiusap.
"At kailan mo pa balak sabihin ang lahat?Bakit hindi mo sabihing ayaw mo ng-"
Hindi niya na narinig ang kasunod na sasabihin ng
lalaki.Hindi na nakapagsalita si Rebeca dahil ang sumunod na pangyayari ay iyong hindi na niya inaasahan.Nag pang abot na ang dalawang lalaki Nakita niyang sinuntok ni Leonard si Devon at duon ay sumagot din ng suntok si Devon.Nagpabasan narin ang mga tao sa restaurant at nagsimula ng magkaroon
ng komosyon,lumala na ang mga pangyayari.Nagsisi-
gaw narin si Rebeca,hanggang umikot ang kanyang paningin at tuluyang bumagsak.
....
Habang nakapikit si Rebeca ay parang ayaw na niyang dumilat.Sa nangyari'y tiyak niyang hindi na niya mapipigilan ang lahat.Tuluyan na niyang haharapin ang iniiwas iwasan.Tila bangungot na pabalik -balik ang mukha ni Devon sa kanyang isipan,nananakot nanunukso.Kung maibabalik nya lang sa dati ang lahat.Kung sana ay hindi na siya lumapit rito at inignora nalang ang lahat.
Kung maibabalik nya lang ang orasan...