Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 26 - 26.

Chapter 26 - 26.

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Pauwi na si

Leonard.Ilang araw ding hindi nagpapakita si

Devon.Mainam narin 'yon ng mapalagay naman ang

isip kanyang isip.Isa pa ay tapos na ang napagkasunduan nila.Subalit bakit parang hungkag ang kanyang pakiramdam?.Ah,siguro'y nasanay lang siyang laging nasa tabi niya ang lalaki.

Sa NAIA...

Malayo palang ay kumakaway na sa kanya ang

kasintahan.Nakasuot ito ng polong kulay puti at

slacks na khaki.Gumwapo lalo ito sa paningin ni Rebeca at ng ibang kababaihang naroon.Lumapit ito at

hinalikan siya sa labi."Kamusta na ang sweetheart ko?

o mukang nagkalaman ka ah?" nasisiyahang sabi ng kasintahan."Alam mo bang maraming nangyari sa

pagpunta ko doon sweetheart!?Marami akong

natutunan."(marami ring nangyari sakin dito!).Biglang naibulalas ni Rebeca ng mahina.

"Ha!may sinasabi ka sweety?"Tanong nito.

"Huh! no-nothing."Napakagat labi siya.

"Halilka na at baka pagod at gutom ka sa byahe.May pinareserve na akong restaurant kanina."

Tamango ang dalaga at kumapit sa braso ni Leonard.

"Are you alright sweetheart?napansin kong mukhang pagod ka yata?sa trabaho ba?"Napuna kasi nitong hindi siya nagkikilkibo."No sweetheart,siguro'y pagod lang ako talaga."Napapabuntunghininga si Rebeca.

"Hayaan mo't pag nagpakasal na tayo ay maaari mo ng ipamahala sa iba ang negosyo,ng makapag pahi-pahi nga ka naman."bigla ang pagsulyap niya sa nasabi ng

kasintahan."Don't get me wrong sweety.Ang ibig kong

sabihin ay kumuha ka ng makakahalili mo sa

trabaho.Para naman maharap mo ang mga magiging anak natin."sabay ngiti nitong matamis sa dalaga.

Ngumiti lamang si Rebeca.Sa pagtanaw ng dalaga sa labas ng restaurant ay may nakita siyang pamilyar na bulto ng lalaki at babae na magka-akbay sa bandang kaliwa ng kalsada.Papasok sa kotseng sinasakyan ng mga nito.Hindi siya maaring magkamali.Si Devon ang lalaking yon.Palibhasa'y ang lugar na yon ay malinaw ang salamin kaya't tanaw ang mga nasa labas.Nakita niya ang kasama nitong babae na kahit na sa malayo ay hindi mo maipagkakailang maganda at sexy maha-

buhok buhok at mestisahin.Kaya pala hindi na nagparamdam ang lalaki ay dahil may bago na itong kinalolokohan.Tiyak niya na ang babae'y may sinabi rin dahil nakita na niya ito sa cover ng sikat na maga-

zine. Kung hindi siyanagkakamali'y isa itong modelo. tama ang sinabi sa kanya ng kanyang kapatid.Tama rin ang kanyang palagay,na siya ay pinaglaruan lamang nito.Siguro'y nagsilbing hamon lang talaga siya para sa lalaki .Wala siya sa kalingkingan ng mga babaeng nau-

ugnay dito kung panlabas katangian lang ang pagba-

sihan.At hindi siya nagkamali ng taong minahal.Si

Leonard.Narito lahat ang mga katangiang hinahanap ng isang babae.Dapat na niya talagang kalimutan si

Devon.Ang sa kanila'y isa lamang lumipas na paglala

ro,nagising din siguro nito ang isa sa kahinaan niya bilang babae.Sino nga ba kasi ang hindi man lang matutukso rito?Nahinto ang kanyang pagiisip ng halikan siya sa kamay ni Leonard."I would like to spend the rest of my life with my only love"

titig na titig ang maitim na mga mata nito sa kanya

habang siya ay nasorpresa."If you'Il have me, "Rebeca WILL YOU MARY ME?" Sabay labas ng singsing na may bato sa ibabaw.Hindi maipagkakailang diamond.

Sandali siyang natigilan.Walang paglagayan ang katuwaang mababakas sa mukha ng lalaki.Niyakap siya nito sa katuwaan at biglang kung saan ay nagpalakpakan ang lahat ng mga kumakain at biglang nagtayuan,sabay ang saliw ng violin.Itinayo siya bigla nito at isinayaw siya ni Leonard sa gitna ng karami-

han. Ang bawat kumakain ay may mga tig iisang white roses.Masyado siyang nasorpresa sa inihanda ng lalaki

para sa kanya.At pagkatapos ay ibinigay ng bawat isa sa kanya ang puting puting bulaklak.

Hindi man lubusang maintindihan ni Rebeca ang kanyang nadarama, subalit alam niyang sa kabila non ay masaya narin siya.Sa mga oras nayon pakiramdam niya ay dapat na siyang makontento sa biyayang dumating sa kanya.Nasisiyahan siya na sa tagal ng panahong paghihintay ay darating din pala ang sandaling ito.At ito ang nararapat niyang pagtuunan ng pansin,higit sa ano at sino pa man.Nagyakap sila ng

mahigpit.Hindi na niya nakita ang lalaking nakamasid sa nangyayari sa loob.Biglang dumilim ang mukha nito

na tila hindi sang ayon sa nangyayari.

Nang makita ni Devon ang mga iyon kanina ay hindi niya napigilang lapitan ang lugar kung saang tila may biglang pagdiriwang na nagaganap.

Kaninang kanina pa siya kinakausap ng kasama

niyang kanina pa niya pinagmumukhang

tanga ngunit deretso parin ang kanyang tingin sa

salamin ng kanyang kotse.Nakaramdam siya ng paghihimagsik ng kalooban.Tapos na ang laro,ibinato na niya ang pamato at wala ng intensiyon pang pulu-tin Napatunayan na niya ang sarili.Ano pa at nanana-

tili ang tingin niya sa dalawang ngayon ay kapwa nakangiti at tila lalo siyang iniinis.Napapalo siya sa manibela kaya bahagyang napasigaw ang kanyang katabi."What the ...! Kanina pa ako nagsasalita rito

pero kanina mo pako binabastos!"Napasulyap siya sa katabi na kanina niya pa nakalimutan.Pinaharurot niya ang kotse na halos magpasubsob rito.Alam niyang napalingon ang mga taong nasa restaurant na iyon dahil sa lakas at bilis ng kanyang arangkada.Wala siyang pakieelam.Basta ang nararamdaman niya sa ngayon ay grabeng pagkainis.

Mabilis ang kanilang takbo at mas lalong mabilis ang

bunganga ng katabi niya katatalak.Nakilala niya ito

sa isang kaibigan at hindi na siya nilayuan magbuhat

noon.Lagi na itong nakabuntot sa kanya at laging tila

hinahamon ang pagkalalaki niya.Dumaraan ngayon sila sa isang liblib na lugar kung saan siya dinala ng kanyang sasakayan at inihinto niya sa isang lugar na walang dumaraan.Bigla siyang nagpreno.

Magdadadaldal sana ang katabi niya ng bigla niya

itong sinibasib ng halik.Hiniklas niya ang blusang

suot nito at sabay hinatak ang panloob sa ilalim ng palda.Ngunit imbes na matakot sa kanya ay napangiti ito sa ginawa niya.Doon mismo sa loob ng kotse ay ginawa nila iyon.Maingay ang babae at halos magwala ito sa tindi ng ligayang ipinalasap niya."That was awe-

some!"Pagkatapos nila ay sinabi nito.Napangisi lang siya at pinaharurot muli ang sasakyan.

Nang makauwi si Devon ay ibinagsak niya sa sofa ang kanyang katawan.Hindi na niya binalak pang magliwaliw kung saan,binuksan ang television at kung saan inilipat lipat ang palabas,hindi nakuntento at kumuha ng alak at kaagad nagsalin.Kumuha rin ng isang stick ng sigarilyo.Kung ano ano ang pumapasok sa isip niya kanina pa.Maraming tumatakbo rito ngunit isa man sa mga iyon ay ayaw niyang pakinggan at ayaw niyang papaghariin.Kailan niya ilalagay sa tahimik ang kanyang buhay?Lumilipas ang panahon ng walang patutunguhan ang kanyang sarili,mabuti pa nuong may pinangagaglingan ang kanyang galit,may dahilan siya upang magloko,ngunit natapos na ang isang pangit na yugto sa kanyang buhay at nailagay na sa ayos.Maayos na ang kanyang pamilya at wala silang problema ng kanyang ama lalo namang nasa maganda na at masaya narin ang kanyang ina.Siya?Kailan siya matatahimik?Iisa nalang ang pumipigil sa kanya na naging dahilan ng pagiging ganito niya.

from the author:

Good day!If you like my stories you can support me by sending some token of appreciation trough gacsh 09998134482 under the name of Sarah U.

(this is not obligatory)Any ammount will do and appreciated.Tnx!!!!

Note:To unlocked the next episode.I need atleast 10 "STARS"in returned for ur free reading.Please hit the stars of each episodes.To know if someone here really appreciate my works!❤️❤️❤️