Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 24 - 24.

Chapter 24 - 24.

Ngayon lang uli nakabalik si Rebeca sa mansyon.Totoo ang kasabihang "there's no place like home"

Na miss niya ang buong kabahayaan.Kanina lang ay

nakasalubong ni Rebeca ang madrasta na nagmamadali sa pagpunta sa kung saan naroroon ang magaling na anak nito.Ngayon siya nakaramdam ng pagod sa lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakakaraang araw,kayat ang ginawa niya maghapon ay ang matulog.Unti unti ng bumalilk uli sa dati ang ang takbo sa kumpanya,inulan sila ng mga bagong investors.Tumawag sa kanya ang dalawang lalaking

nakaapekto ngayon sa tahimik niyang buhay.Ang

isa'y nagkukuwento at nangangamusta ang isa

nama'y nag uutos.Nag half day muna ang dalaga dahil may pupuntahan daw sila ni Devon.

Pagbabang pagbaba niya ay nasa labas na ang lalaki at

naghihintay.Nilapitan ni Devon ang dalaga at inalalayan sa baywang.Tinanggal kaagad ni Rebeca ang mga kamay nito sabay sulyap sandali sa paligid.

Tila napipika naman ang lalaki sa kanyang ginawa ngunit dinaan lang siya nito sa nakakalokong tawa.

ilang oras din silang nagbyahe nang nakarating sila sa

Kanilang pupuntahan,Habang papasok sila sa lugar ay

nararaanan nila ang mga kabahayang tila mansyon

rin sa laki, malalaking mga bahay na tila mga

nagyayabang sa laki at ganda.Tumigil sila sa isang

malaking gate na para ring sa palasyo ang lawak at

gara.Bumaba sila sa tapat nito at inalalayan siya ni Devong makababa.Nang nakapasok na sila sa malawak na lupain ay hindi pa pala roon Bago pa kasi sila

makapasok sa nasabing tahanan ay dadaan muna sila

sa isang malaking halamanan.Ang mga puno'y

nakapilada sa malawak na hardin,mukhang ang mga

puno rito'y tila galing pa sa ibang bansa!

Sinalubong sila ng may edad na babaeng kahawig ni

Devon.Alam niyang hindi iba ang lalaki dito dahil

magkahawig sila ng Ginang.

Napasulyap si Rebeca sa lalaki.

"Nay! Sabay halik nito sa pisngi ng nasabing babae.

"Si Rebeca po."

"Ahhhh...siya ba?"

"Hello po!"

Sabay ngiti dito.

Laking gulat niya ng niyakap siya nito at hinalikan sa

pisngi.

"Pasok,pasok sa loob iha!"

Habang akay akay siya nito ay napapalingon siya kay Devon ng may pagtatanong sa kanyang mata.Para

namang walang pakielam ito, na nakasunod lang.

"Ikaw naman Devon hindi ka man lang nag pa

abiso kaagad ng mas maaga, aba'y kapapamili palang nila aling Linda ah"Ang pinatutungkulan tiyak ay ang mga kasambahay ng ginang.At tila ba nahihiyang pa-hayag pa nito."Naku iha alam mo bang masyadong mapili sa pagkain yang lalakeng yan!?abay

masyadong maarte ang panlasa,kayat pag

nadadayo itong anak ko rito ay hirap na hirap

ang mga kasambahay kung ano ang mga

lulutuin.Hindi ko naman na maharap ang

pagluluto.Alam mo naman pag tumatanda na

ay nagkaka athritis na."nakangiti nitong sabi.

"Kung gusto nyo po ay ako na ang magluluto! "Nailang na sabi ni Rebeca sa ina nito.

"Oh? you know how to cook pala iha? Im surprised!

Devon iho narinig mo!?marunong palang magluto itong si Rebeca napakaswerte mo pala kung gayon!"

Nakita niyang tinanguhan lamang iyon ng binata.

Pagkatapos nilang magpahinga ng ilang minuto ay

dumeretso na sila ng ginang sa malaking kichen American style ang tema ng kusina.Sa gitna ay  may malaking granite tiles table para sa gayatan ng gulay, nakasabit lahat ang ibang stainless  caserolle at mga basong pang iinuman.Puro mga drop   light ang nasa gitna.lahat ay yari sa natural granite.  Ang buong kabahayan ay napapalibutan ng mga  glass wall kitang kita ang kabuuan sa labas.Hindi rin  maitatangging marangya ito sa labas at loob.Nag uumpisa ng magtaka ang dalaga.Agad ding napalis iyon sa kanyang isipan at sinimulan naring magluto.

"Nasaan po pala ang ama ni Devon?"

Na itanong niya."Ah may inasikaso iha!Sayang nga, hindi pa kayo nagkita.Tiyak matutuwa   yon pag nakita

ka,"Nakakahawa ang ngiti ng may edad na babae."Ah sayang naman po pala"Na sinuklian din ni Rebeca ng isa ring ngiti matapos sabihin iyon.

Nakadulog na sila sa hapag ng iserve na lahat ng

niluto niya Buttered shrimp,sweet and sour lobster na

hinaluan nya ng brocolli, at ang kanyang special chop-suey since hindi daw ito masyado sa meat.

Naobserbahan naman nyang maraming nakain si Devon."O mukhang naparami ng kain ang unico iho

ko"Sabi  ng ginang."Kaya nga nagustuhan  ko yan 'nay eh" sabay sulyap   sa kanya.Nagulat naman siya sa sinabi nito. .Isa pa sa ipinagtataka niya ay   kung bakit siya isinama nito rito?Malinaw pa sa sikat ng araw  na ngayon lang daw nagsama ng babae ito rito.  Mabilis lumipas ang maghapon."Oh iha, anytime na gusto mong pumunta rito ay welcome ka,baka naman mahi-ya  kapa."Ok po tita! ipagluluto ko po uli kayo kung

gusto nyo."Sagot ni Rebeca sa paanyaya ng Ginang.

"Anytimne iha, anytime."

"Aalis napo kami nay"Pagpapaalam ni Devon.

humalik ito sa ina,ganoon din siya.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay hinalikan siya ni Devon  sa noo."para san yan!?"Nagtatakang tanong niya sa ginawa nito."Para sa masarap na pagkain"Pag - tapos ay inihatid na siya nito sa bahay niya.

Doon sila nakita ng  kanyang step sister."So the new     flavor of the month!"

Sinulyapan ito ni Rebeca ng matalim dahil sa sinabi nito sa kanya."Huwag mo kong umpisahan  Carla ha!"

Hinalikan lang siya sa labi saglit ni Devon at hinatak

nito ang babae papalayo at tila galit din kay Carla ang lalaki.

Nasa itaas na si Rebeca  at nakapaligo na ay tumatakbo parin sa isip niya kung bakit dinala   pa siya nito at ipinakilala sa ina.Lalo tuloy siyang nakonsensya.Parang lalo siyang nag duda  sa lalaki.Anong uri ng lalaki ito na pumapatol pa   kung kani-kanino gayong tila may sinabi naman ang pamilya?Sayang at hindi pa sila nagkita ng ama nito.

Sandali natigilan si Rebeca.Bakit nga pala hinahangad niya pa iyon,ilang linggo nalang at darating narin si

Leonard.Bigla tuloy siyang napabulong sa hangin.

Sana'y maging maaayos na ang lahat at matapos na ito! Kahit anung gawin niyang pag iwas ay alam niyang

hindi siya mananalo kay Devon,dahil minsan

niyang napatunayan yon.Ito yata ang kanyang katapat!

Ito lang ang pinaka huling naiisip nyang paraan

upang tumigil ito.Ang pansamantalang pagbigyan   ito sa gusto.Alam ng dalagang  magsasawa rin ang lalaki.

Kahit pa sa mata ng kung sino ay pangit ang ginagawa   niya at mali ngunit wala siyang pagpipilian.Kailangan   niyang  makakawala rito, dahil alam nya na walang   kahihinatnan ang lahat ng ito.Alam naman

nya ring ang tulad nito ay hindi naniniwala sa salitang

kasal at pagmamahal.Ang lahat ng ito ay   pawang kalokohan lamang.Hindi niya alam kung bakit at kung

paano siya nasuong sa ganitong pangyayari at kung

kailan nagsimula ang lahat.

Hindi  alam ni Devon kung ano ang pumasok sa isip niya at dinala niya pa si Rebeca at ipinakilala pa sa kanyang ina.Minsa'y naguguluhan   din siya sa lahat

ina.Minsa'y naguguluhan din siya sa mga desisyon niya nitong mga huli.

Marahil ay para ito sa kanyang ina. Kung sa ibang

babae kasi'y baka masilo pa siya.Ngunit kung ang

katulad ni Rebeca ay malayo sa karakter nito.'Wag

nga lang na tangkain nitong siluin din siya! Kahit

hindi niya sinasabi ritong hindi siya naniniwala sa

kasal ay alam niyang matalino ito.Tulad ng lagi

niyang nasa isip.Isa lang ito sa kanyang mga

laro.Laro na sa ngayon ay hindi pa niya alam kung

kailan niya tatapusin.