Nasa opisina si Rebeca at nag aasikaso ng ilang papeles ng tumawag si Leonard sa kanya. May mga kinukwento ito tungkol sa trabaho.Nakausap narin nito ang pakay doon.
Si Rebeca man kahit matagal na sa larangan ng ganito ay hindi parin nakakaharap ang isa sa mga pilantropong tumulong noon sa kanya kung paano makakapagsimula sa tulong ng taong iyon.Ilang beses din namang nalagay noon sa alanganin ang kumpanya pero ito ang tumulong sa kanya sa gitna ng laban at malaki ang utang na loob niya sa taong iyon. kailan may hindi niya nakadaupang palad ito ng personal,very private person kc ang taong iyon.Siguro'y katulad niya na umiiwas din sa media at isa ito sa pinakamayamang investors sa ibat ibang bansa.Bihira itong umuwi ng pilipinas.Kung dumarating man ang big boss ay puro representative lang ang pinadadala .Hindi nga nila alam ang hitsura nito.Ang mahalaga sa kanya ay iginagalang nya kung sino man ang tao sa likod ng kanyang pag asenso.
Habang nag uusap sila ni Leonard ay napapatawa
naman siya sa mga kinukwento nito.
kayat di nya napuna ang pagpasok ng isang lalaki na
matalim ang mga tingin sa kanya.Kaya medyo
lumayo muna sya malapit sa bintana sa loob ng
kanyang opisina.Habang nakaupo naman ang bagong dating na lalaki swivel chair niya.
Pagkatapos nilang makapag usap ni Leonard ay
lumapit ito sa kanya,hinalikan siya ng mariin at
itinaas ang baba niya ng bahagya.Pinabayaan lamang iyon ng dalaga.Hanggang sa mag panic ang dalaga.
"Wait! No! Ano ba?P-Pati ba naman dito?B-
Baka may biglang pumasok?"May halong panginginig na sa boses ng dalaga na pinaghalong galit at pagtitimpi sa lalaki.Tila wala nanamang narinig ang lalaki at ipinagpatuloy ang pagbitbit sa kanya papunta sa ibabaw ng kanyang desk at duoy hinawi ang mga
papeles na tumilapon na sa ibaba.
Itinaas ang kanyang palda at duoy ibinaba ang kanyang panloob.Wala man lang pasintabi na inulos kagad siya nito ng isang malakas.
Habang hinahalikan siya nito at minamasahe sa
dibdib ay daklot nito ang pang upo niya gamit ang
kamay.At napapapikit sya.At duon di'y natapos silang dalawa.Umalis ito buhat sa kanya at napansin niyang kapwa nakadamit pa silang dalawa.Napakabilis ng pangyayari.Siya namay dali daling nagdamit.Dahil ngayon lang pumasok sa isip nya ang pintuan.
"Isinara ko yan huwag kang mag alala."Kapagdaka'y sinabi ni Devon sa kanya dahil napunang napasulyap siya sa pinto.
"Mag ready Ka mamaya susunduin kita."
Bago umalis ay sinabi nito kay Rebeca.
Uwian...
Sakay sila ng kotse ng lalaki.
Dinala siya nito sa isang sikat na restaurant at
umupo sila sa pinakadulo.
Sa ibabaw ng mesa ay may isang bungkos ng mga
pulang rosas.
"For you!"
Tinanggap naman iyon ng dalaga ng nakakunot ang noo.
Tinignan lang naman siya ng lalaki.
Pagkatapos noon ay nagulat pa ang dalaga ng dalhin siya ng lalaki sa sinehan,kaya pala pumasok sila sa mall kahit alanganing oras na,nagtataka man ay hindi na siya kumibo hinayaan pang niya ang lalaki.Horror ang napili ng lalaki.Para itong batang
nagtatago sa kanya kapag hahabulin na ng killer ang
bida.Hindi nya naiwasang mapangiti. May tinatago
palang ganitong side ang lalaki na parang sa isang
bata.Lalo na ng sumabog dito ang mga popcorn na
kinakain.Tawa sila ng tawang dalawa.
Bago sila umuwi, ay dinala muna nito ang sasakyan
sa over looking.At duoy iniupo siya sa ibabaw ng hood ng sasakyan, habang nakatanaw sa kalangitang nabubudburan ng maraming bituin at ng mga oras na iyon ay bilog na bilog ang buwan.
Inakbayan siya nito.Tamang tama lamang sa dapyo
ng hanging malamig.
Ilang minuto na silang nakaganon ngunit walang
nagsasalita isa man sa kanila.
Parang inagaw ng magandang tanawin ang kanilang
mga isipan.Langhap nila ang malamig na
hangin.Nqpatingin lamang sa kanya ang lalaki ng magsalita siya."Bakit ka napasok sa ganoong uri ng trabaho?I mean,nakita ko kanina na mukhang maayos
naman kayo?."Nakita niyang tinignan lang siya ng lalaki."Well kung ayaw mong sagutin ay ok lang."At nanahimik nalang ang dalaga."Ngayon lang kami nagkitang mag ama matagal niya kaming nakalimutan."Siya naman ang napatingin sa lalaki ng magsalita ito.
At nagpatuloy sa pagsasalita.
"He had partial amnesia."
"Im sorry!"Sabi ng dalaga.
"Its ok.That's part of the past.What is important now, is that he returned."
Napatango tango ang dalaga at ninais niyang humilig sa lalaki.
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang
nadarama ng sandaling iyon.Sa hinaba haba ng
pakikipagsapalaran niya sa mundong ito na wala
siyang inasahan kundi ang sarili lang niya buhat ng
siya ay maulila ay ngayon lamang siya nakaramdam
ng katulad ng ganito.Para bang kaya siyang
pangalagaan ng katabi.Na kaya siyang alagaan
nito.Masarap pala ang pakiramdam ng may
sinasandalan at may inaasahan. Naranasan niya sa
piling nito ang maging ganap na babae.
Tiningnan ni Devon ang babaeng nakahilig sa kanyang
balikat.Mayroon siyang nadamang tila pamilyar sa kanya,ngunit ayaw niyang bigyan ng pangalan.Walang laman ang kanyang isip ngayon,ngunit hindi ang kanyang damdamin,Kung ano man ang nadarama ng kanyang kalooban.Ayaw niyang bigyang pansin kung ano man iyon.Biglang may kung aninong muling nagbalik sa kanyang isipan ng sandaling iyon.Ang anino nglumipas na ayaw na niyang balikan.Noong panahong para siyang tangang umaasa ngunit ang naging kapalit ay kabiguan.
Isinumpa niya sa sariling iyon na ang huli at hindi na
kailanman iyon mangyayari.May mga pangyayaring makapagtuturo sa iyo ng isang malaking aral upang magsilbing babala ng sa gayon ay hindi na muling maulit ang nakaraan.
Bigla niyang tinanggal ang pagkakahilig ng babae sa kanya at bumalik sa loob ng kanyang sasakyan.Nang makita namang nakabalik narin ang babae'y muli silang kinain ng katahimikan.
Bagaman nagulat naman si Rebeca sa ikinilos ng binata'y nakaramdam siya ng pagkapahiya sa naging bunga ng kanyang kapangahasan.Saglit siyang nakalimot,ang akala niya'y tulad ito ng pangkaraniwang lalaking nasa matinong kaisipan ngunit ito pala ay milya milya ang layo kung ikukumpara nga naman sa mga lalaking matitino at nasa ayos ang mga ikinikilos at isinasagawa.Magsisi man ay saglit siyang nagkamali.Damang dama agad ng dalaga ang natapakang pride,nakaligtaan niyang tapos na pala siya sa mga ganoong pakikitungo.Natapos na ito ilang taon narin ang nakakalipas ngunit muling nagbabalik.Sigurado si Rebeca na ang lalaking makatutugon ng hinahanap niya ay wala sa lalaking ito kundi naroong lahat kay Leonard.Ang kanyang kawawang Leonard.Hindi kasi malayo sa salitang pagtataksil ang ginagawa niya,subalit ano ang natatanging paraan?wala!...