Sa paglipas ng mga araw ay walang patid siyang
pinadadalhan ni Leonard ng nga
bulaklak.Tinatangkang tawagan.Ngunit gaya ng sabi
niya rito ay hindi niya pa kayang harapin ito.
Biglang nagring ang kanyang cellphone.
"Hello Rebeca!
Boses ni Devon.
"O napatawag ka?Anong balita sa magaling
kong kapatid?"
"So far so good,wala ka bang tiwala sakin?
Siya nga pala matutuloy na yung hinihintay
nating transaksyon sa mga investors natin
galing U.S.
mamaya ay magkikita kita kami".
"GOOD!"
Sabi niyang nasisiyahan.
Ang kapatid niyang walang utang na loob ay patuloy
parin sa pagsabotahe ng kanyang negosyo.
Sa oras na itoy sisiguraduhin niyang hindi na siya
malulusutan nitong muli.
Pagkatapos bolabolahin ni Devon si Carla ay
nagmamakaawa na huwag muna siyang iwan ng binata.
"Babe kailangan, dahil may aasikasuhin ako
sa opisina."
"Pagkatapos ng work mo, promise ha!"
Anang babae.
Ngumiti lamang si Devon.Alam nya na matagal na silang
tinitiktikan ng congressman alam niya ring alam na
nito na na may kalaguyo ang babae at inihanda na niya
ang kanyang alas.
Ang asawa nito.
Dahil sa bawat paglabas nila Carla at ng lalaking
kongresista ay siya namang pagpapadala niya ng mga
litrato nila kay Mrs Villavente.
Pagkatapos niyang maibulgar ang lahat ng mga baho
ng dalawa kasunod nito ang pagpapahalungkat niya
sa mga kasong pandarambong ng kongresista,
katulong ang maimpluwensiya niyang ama ay ang
plano naman niya ang balak niyang isakatuparan.Dito'y napangisi
siya sa kanyang binabalak...
Noong araw ding 'yon ay dumeretso si Rebeca sa isa
sa kanyang mga hotel at duon siya tumuloy muna,
aayusin niya ang iba pang kailangang
asikasuhin.Bukod sa paglalagay ng mga bagong
recreation dahil kailangan nilang
makipagkumpetensya sa ibang hotel.
At dito'y kailangan niya munang makapag isip isip.
Alam niyang buhay pa ang nararamdaman niya para
kay Leonard.Bibigyan niya pa ba ito muli ng isa pang
pagkakataon?
Biglang tumunog ang kanyang intercom.
"Boss may naghahanap daw po sa inyo sa
ibaba.Paakyatin ko po ba?Mr.Leonardo
Agustin daw po.
Hindi na siya nagdalawang isip na paakyatin ito.
Kakaba kaba siya habang hinihintay ang lalaki at may
halong pananabik.
Inihanda niya ang sarili at humugot ng malalim na
hininga
Sinuring muli ang maayos na at walang lukot na
blusang puti at slacks na kulay lumot.Inayos ang
ilang hibla na kumawala buhat sa pagkakapusod ng
buhok.
Maya maya ay may kumatok at nagmamadali siyang
umupo sa swivel chair niya.Pumasok ang lalaking
Naka asul na polo at may dalang isang boquet ng
bulaklak bukod pa sa nakapalibot sa opisina
niya.Nakatingin ito ng may pagsusumamo. Ang
mukhang payat na payat at nanlalalim ang mga mata.
Natahimik ito saglit at kagyat na nagsalita.
"Pls Beca,I never stop loving you.
Pls be my woman once again?"
Nagulat siya sa ginawang pagluhod nito sa kanyang
paanan.
"Yes!"
She replied.Nagulat din siya sa mabilis niyang
tugon.Siguro'y nanghihinayang siya sa mga
panahong nasayang nila. Isa pa wala naman itong
kasalanan. Napag isip isip niya na bakit pa niya
sisikilin ang nadarama.Kailangan naman niyang
pagbigyan ang sarili upang lmigaya.Tama na ang
mga panahong pinalampas nila.Hindi niya na
napigilan ang pamamalisbis ng kanyang mga
luha.Para siyang nakakawala sa hawlang
kinakukulungan niya sa mahabang panahon.
Gulat din ito sa biglang pagsagot niya.Siguro'y hindi
nito iyon inaasahan.Bigla niyang hinatak ito
papatayo at nagyakap sila.
"Thank you Beca! thank you!Hinding hindi ka
magsisisi.Pupunuan ko ang mga panahong
nagdaang wala ako sa piling mo."
"Sayang nakamatayan na ni Papa.Alam kong
bukod saki'y siya ang unang taong
matutuwang makikita ng maligaya ang kaisa
isa niyang anak."
Bigla niyang naalala ang kanyang ama.
"Sa ngayon ay alam niya na masaya kana.At
sigurado akong matutuwa 'yon kung saan
man siya naroroon ngayon."
Sabi ni Leonard habang yakap siya.
At kapwa sila may mga luha sa mata.Paulit ulit
siyang inikot nito habang karga siya.Mahihigpit ang
mga yakap nitong tila wala ng balak pang pakawalan
ang dalaga.
"May ipapaki usap sana ako sa iyo."
Pagkaraa'y sabi niya rito.
"What is it love?"
Nakakunot na tanong nito sa kanya.
"Pwede mo naman ako bigyan ng ganyan."
(Inginuso niya ang isang boquet ng bulaklak sa
ibabaw ng table niya.)
Siguro kahit hindi na yung ganito karami,kasi
nahihirapan kaming buhatin lahat at iuwi sa
bahay araw araw.Sa dami niyan ay pwede na
yata akong magtayo ng flower shop ano sa
palagay mo?"
Sabay silang nagkatawanan. Pagkatapos ay siniil siya
Sabay silang nagkatawanan.Pagkatapos ay siniil siya
nito ng nagbabagang halik at gumanti naman siya.
"Mukhang bihira ka ng naliligaw ngayon dito
ah?Mukhang nakabingwit ka ng malaking
isda?Sabit mo naman kami diyan tol."Mula sa kinaroroonan ni Devon ay tinawanan lang niya ang mga ito.Nagpainom kasi
siya bilang selebrasyon sa sunod sunod na swerteng
dumapo sa kanya.
Hindi nga lang niya maintindihan na sa kabila noon
ay nagpapatuloy parin siya sa paglalaro.Mukha
kasing kakaiba ang isang ito.Mas masarap paglaruan
mas masarap tikman.Mukhang ngayon lang siya
nagkaganito.Araw araw ay panibagong chalenge.Isa
pa,hindi pa naman niya alam kung ano ang una
niyang gagawin.Hindi naman din nagtatanong ang
kanyang ama kung ano ang plano niya ngayon.
Marami siyang iniisip na gawin.Mas masarap siguro
kung gagamitin niya ang talino at husay ng babaeng
iyon.Tama ng magkaroon naman ito ng pakinabang
sa kanya.
Ito narin ang huling punta niya sa ganitong klaseng
lugar.Hindi na siya nababagay rito.Pinabaha niya ng
alak sa lamesa At tuwang tuwa ang mga kasama
niya.Hindi alam ng mga ito na ito na ang huli.
Kanina pa ring ng ring ang kanyang cellphone at ng
tingnan niya ay ang mga kliyente niya.Sunod sunod
ng tawag pati ang messages. Puro booking ang habol
nito sa kanya.Sa inis niya ay hinugot niya ang sim
card at niyapakan upang masira.Hindi na siya
ngayon isang mababang uri.
Mapapasakanya na ang bawat niyang naisin.
Siya ang bagong Devon.Makapangyarihan,mayaman
at Demonyo.
Tinawagan niya si Rebeca gamit ang bago niyang
cellphone.Ilang dial na ang ginawa niya ngunit hindi
nito sinasagot ang tawag niya.Napipikon na siya sa
pagpapakipot ng babae.Masyado ng matagal para sa
kanya ang paghihintay kung kailan niya maikakama.Nagsawa siya sa katatawag ngunit wala
paring sumasagot.
Para siyang napahiya sa sarili sa ginagawa.Humanda
ito sa kanya,sa oras na makahanap siya ng
pagkakataon ay hindi niya na ito palalampasin.Bad
trip na badtrip siya kaya idinaan niya nalang sa inom.
Ilang beses ng iniignora ni Rebeca ang tawag sa kanyang cellphone at ilang beses narin siyang tinanong ni Leonard kung baka importante ang tawag at ayaw niyang sagutin.Ayaw niyang masira ang gabing iyon ng dahil lamang kay Devon.Alam niyang kukulitin lang siya nito.Narito sila sa pinakamamahaling restaurant at masayang binabalikan ang magagandang alaala nuon.Marami na itong naikwento sa kanya ngunit kahit anong pilit nitong magkwento rin siya ay panay ang tanggi niya.Wala naman kasi siyang magandang sasabihin rito.Mistula kasi siyang robot ng iwan siya nito.
Pilit niya naring binubura sa isipan ang hindi
magagandang nangyari sa kanya,dahil alam niyang
iyon ang nagbibigay sa kanya ng kahinaan.Bubuo ulit
sila ng magandang kwento at iyon ang importante.
maikakama.Nagsawa siya sa katatawag ngunit wala
paring sumasagot.
Narito sila sa isa sa pinakamamahaling restaurant at
masayang binabalikan ang magagandang alaala
noon.Marami na itong naikwento sa kanya ngunit
kahit anong pilit nitong magkwento rin siya ay panay
ang tanggi niya.Wala naman kasi siyang magandang
sasabihin rito.Mistula kasi siyang robot ng iwan siya
nito.Panandalian niya munang isasantabi ang mga
problema sa opisina.Hahayaan niya munang lasapin
kung paano muling lumigaya sa piling nito. Ang
kanyang pinakamamahal noon at ngayon walang
nabago tiyak niya iyon.