Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 15 - 15.

Chapter 15 - 15.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng bigla namang

bumukas ang pinto, kayat nahinto ang kanyang

pagbabalik tanaw.

"Don't you know how to knock?"

"Kumatok ako hindi mo ba narinig?"

Sinadya na kita rito.

"Hindi ba ngayon kayo magkikita ni

Mr.Ledesma?

bakit ka naririto?"

"Maagang natapos ang meeting namin kanina"

Anito at sabay upo ito sa upuan sa sulok na itinaas pa ang paa sa lamesa.

"Your manners pls,!,saway ng dalaga."Maghanda ka mamaya magkakaron ng paparty sa aniversary ng mag

asawang Santos.Wear your stlye!"

Napatingin ito sa kanya"So you like my stlye

Rebeca? ibig sabihin isa ka sa mga babaeng

tumitingin sakin nung gabing yon?."

"Anong pinagsasasabi mo??

"You're there!You saw me!"

Nakakalokong usig nito sa kanya na tila mayroon

siyang itinatago rito.

"Let say your'e right,so whats the big deal?Kahit na sino'y may kanya kanyang estilo"Mataray na sagot ni Rebeca.

"Wala naman,yung gabi kasing yon ang hindi

ko malilimutan."

Sabi nitong makahulugan ngumisi.

Baki bigla yata siyang namutla?.. (hindi kaya?!1)

imposible...no!, hindi naman siya siguro yon?God "It

cant be him! NOT HIM!! NOT HIM!!!

NOO0T....

"Your'e saying something Rebeca?

"Oh not-tthing"..

Nakatingin ito sa kanya ng makahulugan.

"So I will meet you there.

Ayaw kong masira ang mga plano natin."

Sabi niya sa lalaki ng makabawi na sa tila malaking bara sa lalamunan.

Napili ng dalaga ang kanyang isusuot ng pagpasok sa malaking garden ng mag asawang Santos ay may naramdaman siyang kumapit sa kanyang baywang na saglit na nakawala ng

kanyang composure.Naiiinis na tiningala niya kung

sino ang may kagagawan niyon at hindi nga siya

nagkamali.

"Baka sakaling nakalimutan mo ang konsorte

mo honey,hummmnn.."

"Sabi ng wag!"

Pagpoprotesta sana niya rito ng biglang.

"Hello there lady Tough! "

Bigla natigil ang dalaga ng namataan ang may bahay ni Mr.Santos na siyang bumati sa kanya.

"Hello Mrs.Santos"

Sabay ngiti sa ginang.

"Where's the lucky man?"

Tanong niya ulit rito ng mapansing hindi nito

kasama ang asawa.

"Kuuu!kanina pa yata doon sa banyo iha at

kanina pa yata nag aalburoto ang tiyan dahil

kanina pa umiinom.Oh by the way ,come and

pls enjoy yourselves!Napansin niyang nakatingin

ito sa kanyang konsorte.

"Your boyfriend perhaps? lucky you, young

man. Excuse for the both of you."

Sasagutin sana yon ni Rebeca kaso'y bigla itong

umalis at hinarap ang mga bagong dating na bisita.

Alam nyang hindi sa kanya nakatingin ang mga tao

sa paligid, kundi sa kasama niyang ubod ng gwapo.

Heto na nga ba ang sinasabi niya e,baka bukod sa

mapagkamalan syang umarkila lang ng konsorte e

baka sabihin pa na masyado na siyang desperada

dahil mukhang bumili pa siya ng lalaki.

Ipinakilala niya na si Devon sa mga alta sosyedad na

naroroon at kung anu ano pa ang mga sinabi niya

tungkol dito na magpapaangat lalo sa lalaki.

Uupo muna sana sila dahil nakakapagod na ang

ginawa nilang yon.

Nang sa kabilang dulo ay may dumating na

magkapareha na kilalang kilala niya.Ang kanyang

kiring step sister at ang magkapareha na kilalang kilala niya.Ang kasama nito na walang dilit

iba kundi ang lalaking laman ng kanyang isip. Si

Leonard. Nakasuot ito ng black suit at iiqaw  sana siya ng tingin ngunit nakita na siya nito

kaya hindi na siya nakapagtago rito at agad itong

lumapit sa mesa nila.

"Did you get the flowers?"

Tumango siya,hindi malaman ang

sasabihin.Nakatingin lang sa kanilang dalawa si

Devon.Parang galit ito na di mo mawari.

Para silang kapwa natigilan at hindi malaman ang

susunod pang sasabihin.Bukod sa nagpapaunawang

tingin ng lalaki sa kanya upang sumama't makipag

usap siya rito ay nahahaluan rin ito ng ibayong

lungkot na siyang nakasungaw ngayon sa mga mata

nito.

Parang tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa at

parang sila lang ang tao roon.Kapwa pipi na

nakatingin lang sa isat isa.

Siya namnan ay walang ekspresyon ang mga mata.

"So your'e here!"

Si Carla na ang tinutukoy ay si Devon. Nakatuon ang

mga mata nito na nagniningning sa kalandian.

Lumapit ito sa katabi niya sabay hatak dito palayo.

"Can we talk somewhere here? "

Parang wala sa kanyang sarili ang dalaga ng hinatak siya ni Leonard palayo sa karamihan.Nakakita sila ng upuan sa bandang dulo

at naupo doon.

Nakakatawang ang dalaga pa ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.

"Kamusta ka na?nakakatawang sa paglipas ng

maraming taon ay sakin pa mangagaling ang

tanong na iyan."

Mapait ang mga salitang galing sa kanya.Hindi nya

malaman kung maiiyak siya o matatawa.

At nagsalita rin ito.

"Malaki ang pasasalamat ko at binigyan mo

ako ng pagkakataong magpaliwanag."

Dumaan saglit ang katahimikan sa gitna nila.

"Gusto kong humingi ng kapatawaran sa mga

panahong sinaktan kita.

hindi ko sinasadya!."

"You are forgiven."

Pagak na tawa ang nanggaling sa kanya pagkatapos

sabihin iyon sa lalaki.

Dali dali rin siyang tumayo dahil pinipigil niya ang

luhang gusto ng kumawala kanina pa.

Pinigil siya nito sa braso"Pls stay.

just,.just for a while... pls!"

Pagmamakaawa nito sa kanya sa mababang tinig.

"Para ano pa?

para marinig ko ang mga kasinungalingan

mo?para pagtawanan ako?"

Gusto kong marinig mo ang paliwanag ko."

May diin ang salitang sabi nito.Wari ba'y walang

planong mag aksaya ng panahon.

Pinagbigyan niya ito dahil parang sinasabi ng

kanyang puso na makinig.Tinatalo ang kanyang isip

at katawan.

Nanahimik ito sandali bago nagsalita.Huminga ng

malalim at nagsimula.

"Noong humadlang sa atin si Mama at Papa,

at pilit akong pinakasal sa babaeng napipisil

nila para sakin ay nagalit ako.God knows

pinaglaban kita hanggang sa huli Beca!subalit

nang lalabas na ako ng pintuan ay biglang

inatake si Mama.

I have no choice...

Pero pagkalipas ng tatlong taon ay

naghiwalay din kami ni kathlyn."

"Hindi ba parang late kana masyado?For all

this years nasan ka?nasan ka nung namatay

ang Papa?nasaan ka nung kailangang

kailangan kita?"

Hindi na niya napigil ang kanyang luha sa pagpatak

at pagsikip unti unti ng dibdib.

Tinignan siya nito na punong puno ng awa para sa

kanya at kasunod ng pagapikit nito at pag iling iling.

"Na conmatose ako sa mahabang

panahon.Sising sisi sina Mama ng nalaman

nila kung bakit ako nadisgrasya,yun ay dahil

noong araw a sinundan ko ang asawa ko at

makitang may kasamang iba sa loob ng kotse

na alam kong kahit saan tignan ay tila may

mali ay hindi ko nakita ang papalapit na

sasakyang bumangga sa minamaneho kong

kotse na siyang naging dahilan kung bakit ako

nawala.'Yon ang dahilan Beca,pls believe me! That's

why I'm a little bit late,but not that late para

ipaglaban muli ang pag ibig ko sayo."

"Hindi ko alam Leonard!hindi ko alam kung

ano ang mararamdaman ko.Sa ngayon ay

pabayaan mo muna "ko,'yon lang ang

pakiusap ko sayo."

Maharan siyang lumakad papalayo at iniwan itong

nakatungo.

Sa paglalakad niya ay bigla siyang hinaklit ng kung

sino na ikinagulat niya.Nakita niyang pulang pula

ang mukha ni Devon na animoy galing sa sikat ng

araw.At ganun din ang mga mata nitong akala moy

lalamunin siya ng buo.

"Kaninang kanina kapa nawawala ah?

pinagmukha  mo nakong tanga sa

pakikipagharutan mo dun sa lalaking yon!"

Nagtaka man ay hindi siya kumibo dahil parang wala

siya sa sarili ng mga sandaling iyon.

"Shit!"

Pagkaraa'y narinig niyang isinunod nito.

Wala siyang pakielam at tila bingi sa buong paligid.

From the author:Hi readers!!! wag pong bibitaw sa mga kapanapanabik na mga tagpo na mag papagimbal sa katauhan ng isang babaeng pinatigas ng panahon.