Naramdaman na lamang ni Rebeca na parang
umaandar ang kinauupuan.Ano ito? nasa swivel
chair niya ba siya sa opisina?Ang sarap ng
pakiramdam na parang may humihimas sa ulo
niya.Ang bango bango ng na aamoy niya.
Makalipas ng mga ilang oras naramdaman niya na
para siyang ipinaghehele ."Ahh" pilit niyang
iminumuklat ang kanyang mga mata subalit parang
antok na antok parin siya.
Nagising siya na parang may humahalik sa
kanya.Nananaginip ba siya? Dahan dahan niyang
iminulat ang kanyang mga mata. Ano ito? Pinalitan
ba ng mga katulong ang bedsheet niya at kumot?
At bakit kulay black ang kumot? Na tinernuhan ng
black na unan.Ang buong kwarto'y nakukulayan ng
midnight black na wall .Mayroon mang ibang kulay
ay puro gray naman.Nagulat siya ng biglang may
nagsalita.
"Good morning honey!"
Napabalikwas siya sa nabungaran. Naroon ang
lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya at gulat na
gulat siya.
"What are you doing here young man?
Hindi niya napigilang magtaas ng boses sa kabiglaan.
"This is my pad!That is why."
"I mean kung paano akO napunta dito?""
Kasabay ng pagmamadali niyang makabangon.
Lumapit ito ng dahan dahan sa kanya.Nailang siya
dahil naka pantalon lang ito at hubad ang pang
itaas.Nakikita niya kasing nag iigtingan ang mga
muscles nito sa katawan at sa tiyan ang six pack
abs.Hindi siya nagpapahalatang napapansin niya iyon.
Nakatitig sa kanya ang lalaki na malapit na malapit
sa mukha niya at ang dalawang braso nito kahit na
nakalapag at nakatukod sa kama ay parang
nakarehas sa kanya na tila ba hindi siya makakawala.
"Alam mo ba na ikaw palang ang unang
babaeng dinala ko rito?"
"At sino naman ang may sabing dalhin mo
ako dito?At paano nga pala ang nangyari at
bakit magkasama tayo?.
"Why?You don't remember anything honey?"
"What I remember is I was drinking last night
and it's spilled and..."
Sa nalilito niyang salita.
" And,..?"
Sabi nito.
"Forget it. "
Aniya dahil ayaw niyang maalala lahat ng mga
nangyari.Pakiramdam naman niya ay walang
nangyaring kakaiba sa kanya dahil sigurado naman
siyang magdadalawang isip ito na gawan siya ng
ganoon.
"Don't you know that you have the most
beautiful and expressive eyes?
"Nasaan ang salamin ko?!"
Sabay tulak dito.Napansin niya na naka shirt lang
siya at naka panty.Kaya bigla siyang umupo
uli.Napangiti ito.
"Sorry but I'm not interested!.Wala akong
oras para sa mga hindi importanteng bagay".
"Oww?!"
At bigla itong humalakhak.
"Shut up!I dont have time for this.
Where are my clothes?"
"I had them dry cleaned because of the stain.
Just wait parating na 'yon.In the mean time
why don't you eat your breakfast first?"
Sabay turo nito sa side table.
Pagbalik ng tingin niya rito ay hinuhubad na nito ang
pantalon.Titig na titig ito sa kanya habang ginagawa
iyon.
"What do you think you're doing?Natatarantang tanong ni Rebeca.
Sabay inilipat niya bigla sa pinggan niya ang kanyang
tingin.
"What? Do you expect me to wear it while
taking a bath?"
Napahiya siya sa sinabi nito,lalo na at lugar ito ng
lalaki.
Ilang minuto lang ay lumabas na itong nakatapi lang
ng twalya habang tumutulo ang buhok nito.
"I want to thank you for this."
Sabi niya sa lalaki.
"For what?
"Sa pagpapatulog at pag aasikaso mo sakin."
Sabay kuha sa bag niyang nakapatong din sa
table.Kinuha ang isang cheke at pinirmahan.
Inabot nya ito sa lalaki. " Hayan,kung kulang pa
ay sabihin mo lang."
Nang sa pagkabigla niya ay hinila siya nito patayo at
kinwelyuhan siya kahit t-shirt ang suot nya.Hindi
niya na tuloy nahabol ang kumot na nakatapi sa
kanya.Para silang sina David and Goliath sa itsura
nilang dalawa sa lit niya at sa laki nito.
"Huwag mong insultuhin ang pagtulong ko
Rebeca!"
kahit medyo natakot siya sa anyo nito ay hindi siya
nagpahalata.
"So you know who I am huh!?
Hindi nako nagtataka kung bakit mo ako
tinulungan.I know your kind young
man.Kahit kanino'y papatol alang alang lang
sa pera, at,,,,(hmmmmmmmhpp). "
Hindi na natapos ni Rebeca ang kanyang sasabihin
dahil kinuyumos na siya ng nagbabagang halik nito
sabay ang isang kamay nito ay inihawak sa mga
kamay niya.Hindi siya makakilos lalo na ng biglang
daklutin nito ang pang upo niya at idikit sa kanya ang
pagkalalaki nito.
Gulat na gulat siya dahil sa pangyayari.Lalo siyang
kinabahan ng maramdaman niyang itunulak siya nito
sa kama.Ibinalibag siya nito at dinaganan. Kahit
naka tshirt lang siya ay sinalo nito ang kanyang isang
dibdib habang ang isang kamay ay nakapigil
dalawa nyang braso.Ramdam niya rin ang
pagkalalaki nito na nakapaibabaw sa kanyang
maselang parte.Animoy nagpaparusa.Doon siya natauhan.
"STOP!STOP IT STOP IT!!plsss..!!"
Sabay tumatawa itong binitawan siya.Naka brief
lamang ito at nahubad ang twalyang kanina pa
nakatakip dito.
"Subukan mong insultuhin ako uli Rebeca at
matitikman mo ang hindi mo pa natitikman
sa tanang buhay mo!"
May pagbabanta sa mga mata nito ng sabihin iyon.
"Ok, ok,I got your point.Just, just don't do
that again ok?!
habang nanginginig pa ang kanyang mga kalamnan,
Hindi ito sumagot.
"Instead,I have a business proposal to you
young man"
Pagkatapos ay sinabi niya rito.
"My name is Devon.Devon Lacon."
"Alright Mr. Devon."
"Call me Devon!Rebeca.
"Ok,Devon. But first,will you pls get dress!"
Tumalikod ito at pumasok sa isang pinto.Nang
tumunog ang door bell. Pagbukas niya ay nakita niya
ang isang babaeng nag abot sa kanya ng kanyang
bihisan.At agad din namang umalis.Pumasok siya ng
banyo at duo'y nagbihis siya.
Pag labas niya ay nakatayona ang lalaki sa tapat ng
bintana tila may malalim na iniisip.
Lumapit siya
dito,nilingon rin siya at itinuro nito ang katabing
upuan.Naupo ang dalaga.
"So hindi na ako magpapaligoy ligoy pa
Devon.Madalas kitang nakikita sa labas ng
bahay, bakit?"
"Aahhh I knew it! It's Carla". Nakatingin lang ito
sa kanya ng sinabi niya iyon sa lalaki.
"Do you like her?
Kasunod ay sinabi rin niya.
"Why? Are you jealous?"
Nagtatakang tanong naman nito.
"Will you pls answer my question!"
Nagmamadaling sabi niya rito.
" No"
Agad namang sagot nito.
"Ok,this is my proposal.Maaring hindi ka niya
matatanggihan subalit hindi siya mapapasa
iyo kung wala kang malaking pera."
"Go straight to the point Rebeca!"
"Bibigyan kita ng malaking halaga bilang
paunang bayad ng sa gayon ay mapansin ka
niya.Paibigin mo siya at pag haling na haling
na siya sa iyo ay saka mo siya iiwan.
Matiim naman siyang tinitigan nito.
"Siyempre pa,ito'y isang palabas lamang.May
plano akong mag invest sa isang kumpanyang
nalulugi.Ikaw ang palalabasin kong may ari
and the rest will go as planned."
Pahabol niyang sabi rito.Maige na ang sigurado para
alam nito kung saan ito tatayo.
Humalakhak ang lalaki."Kayo talagang
mayayaman,bilib na talaga ako sa inyo!. Puro
pera ang ginagamit niyo. Ultimo sa
paghihiganti kahit na magtapon ng limpak
limpak na salapi ay balewala.Tsk,Tsk,Tsk."
"Wala akong pakielam sa opinyon mo!Ang
gusto kong malaman ay kung pumapayag ka
sa inaalok ko.You may take it or leave it!."
Tinignan siya nito at ilang sandali pa'y..
"Ok!,Kailan tayo magsisimula?"
anito.
Na ikina ngiti nya
"As soon as possible."
Deal? "
Sabay lahad ng mga kamay niya sa lalaki.
"At ano ang magiging pakinabang ko rito?"
Sabi nito.
"Malaki!Hindi ba't isa kang gigolo?Bukod sa
ioofer kong malaking halaga,tutulungan
kitang nmakilala ang malalaking isda.At
siyempre pa ay libre ka sa lahat."
Muli ay iniabot niya rito ang palad.
Imbis na abutin nito yon ay hinatak siya papunta dito
at hinalikan siya sa labi ng marahas.Animo'y uhaw na
uhaw na galing sa malayong disyerto.Papalag na siya
ng bitawan siya nito patulak.
Saka niya ito sinampal ng ubod lakas.Hindi naman
ito nagulat parang inaasahan na nito ang kanyang
gagawin. Nginingisian lamang siya nito.
"Kung gusto mo pang matuloy ang deal natin
huwag mo akong ginaganyan!".
Sabay balibag ng pinto palabas.Nagpupuyos ang
kanyang kalooban dahil sa inis.Ilang beses na siya
nitong hinalikan na parang pag aari siya nito.Hindi
ba nito alam na 'yon ang unang halik niya?Ay hindi
pala.
Sa estranghero noong gabing 'yon...
Hindi niya ipinangangalandakan ang sarili niya
upang ganon ganunin lang.Dalawang beses na siya
muntik muntikanang ma rape. Una, nung gabing
'yon.Pangalawa yung kanina.Muntik nga ba?Alam
niya namang nanakot lang ito at hindi siya papatulan
nito.Ano ba ito nababaliw na?
Siya si miss REBECA "TOUGH" ang kinatatakutan
ng lahat mataas ang pinag aralan.Mayaman, sino ito
para ganituhin siya?Ngayon niya pinagsisihan ang
pakikipag deal niya.Natatakot tuloy siya sa maaring
gawin nito.Kung ano ang pakiramdam na 'yon ay
hindi niya maipaliwanag...