Nagkakape si Devon habang nakaupo sa tapat ng
salaming bintana ng pad niya,kitang kita niyang
humarurot ang sasakayan ng babaeng tigre dahil
nasa ika anim na palapag lamang ang kanyang pad.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon,laging
umaayon sa kagustuhan niya.
Hindi niya na kailangang mag isip kung paano
mapapalapit dito dahil ito na mismo ang lumapit sa
kanya.'Masasabi niyang hindi nga ito kagandahan
pero parang may sarili itong karisma na hindi nito
alam.
Nachachalenge siya sa kaalamang tila hindi ito
interesado sa kanya.Hindi kaya pusong lalake ito?
Subalit ayon sa mga balita ay wala namang kumalat
na gan0on.
Private person ito, ngunit hindi ka makakapagtago sa
mga reporters na gustong manghalukay ng buhay ng
may buhay, kahit isa kapang presidente.Habang
nagsasalita ito kanina'y ipinapakita nito sa kilos ang
katatagan at lakas ng loob.Ibang klaseng babae ang
tulad nitong ma awtoridad,.Tila ba isang pinunong
nangangalaga sa isang batalyong mandirigma kung
magsalita.At kung paanong kumikilos ito ng may
igting.Hindi katulad ng mga babaeng dumaan na sa
kanyang mga palad.
"He wants to unleashed her in her shell and he
cannot wait for that moment to come.He had this
feeling of something he cannot fathom. Parang sa
lahat ng laro niya ito ang magiging paborito
niyang laro. Hindi niya alam, pero sa sandaling
ito 'y nakakaramdam kaagad siya ng pagkainip.
Pagkainip sa bagay na hindi niya alam.
Sinagot niya ang nagriring niyang cellphone sa
ibabaw ng coffe table.
"Hello. nay napatawag kayo?"
Sabay higa sa kama"Sige po pauwi na rin ako."
Sabi niya sa inang naghihintay. Nang bigla siyang
natigilan.
Ang amoy na 'yon!.Pamilyar sa kanya habang
nakahiga siya sa kama ay naamoy niya ang pamilyar
na amoy na nangagaling kung saan.Inamoy niya ang
bandang pinaghigaan ng babae magmula unan
kumot at bed sheet.
Shit!I know that smell!
The smell of that mysterious woman in the dark!
smell's like a shea butter.
Kahit nakaulayaw niya sa magdamag ang babae ay
hindi niya napagtuunan ng pansin ang amoy nito.
Kaya pala ibang klase ang dating sa kanya ng babae
at may pakiramdam siya na nagkita na sila
nito.Biglang sumagi sa isip niya ang babae sa dilim
ng gabing iyon saksi ang mga puno't halaman sa
paligid.
napangisi siya.
Ang pangyayaring hindi maalis sa kanyang isipan.
"Il do anything just to get her, by hook or by
crook!"
Mas masarap ang putaheng hindi mo pa
natitikman.Kumbaga sa pagkain "EXOTIC
FOOD"..
kung maririnig lang siya ng mga kaibigan niyang
gigolo ay matatawa sa kanya.
Maraming tumatakbong plano sa isip niya habang
nakahiga.Habang naiisip niya ang pangyayari kanina
ay nangingiti siya.
Hindi siya naniniwalang walang kiliti ang babae.
Ang lahat ng babae'y may kanya kanyang kiliti.
Naalala niya ang pangyayari kanina.Muntik na
siyang hindi nakapagpigil dito.Ewan ba niya kung
ano ang mayroon ang babaeng iyon dahil kung sa
kanyang hinagap man lang ay wala ito sa
kalingkingan ng babaeng gugustuhin niya. O hindi
kaya dahil sa iba ang amoy ng salapi nito kaysa sa
barya barya lang? Kung baga sa bangko ay dollar
account hindi peso. Magkaiba ng amoy.
...
Naghahabulang mga daga ang sabay sabay na
nagtatakbuhan sa dibdib ni Rebeca kahit ngayong
nasa loob na siya ng sinasakyang kotse.Akala niya'y
kakantiin siya ng lalaki kanina.Ngayon lang siya
nakaramndam ng ganoong takot.Isang babala ba ito
dapat siyang mag ingat sa lalaki? Hindi nga ba't
kilala na siya nito?Paano siyang nakilala ng lalaki?Sa
bagay ang isang katulad nito ay may kakayanang
malaman ang lahat lalo na ang mga katulad
niya.Hindi siya makapapayag na may makielam ng
kanyang buhay.Tama,dapat siyang mag ingat
rito.Ang akala ba nito'y isa siyang tanga?Bakit niya
nga pala pagtutuunan ng pansin ang katulad nito?
Habang tumatakbo ang kanyang sasakyan ay
sumasabay ang kanyang isipan.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay nahiga na siya sa
kama.
Bumangon siya saglit at may hinalungkat sa kanyang
cabinet.
Kasabay ng ala ala ng nakaraan ay Inilabas niya ang
mga letratong nanging bahagi ng kanyang buhay.Ito
ang nagpatibay sa kanya upang matutong lumaban at
tumayo sa sariling paa sa mundong napakalaki ng
kompetisyon.Nakabalatay sa kanyang mukha ang
pait ng nakaraan,kung paanong minsan sa kanyang
buhay ay nagmahal siya ng maling lalaki.Nang
lalaking hindi siya kayang panindigan. Nang lalaking
walang buto.Kung lalaki nga itong maituturing.Ang
lalaki para sa kanya ay kayang pangalagaan at
proteksiyunan ang babaeng minamahal.Dapat naba
niyang kalimutan ang nakaraan?Kaya naba niyang
mabuhay ng malayo sa alala ng lalaking minsan
nagpatibok sa kanyang pusong tanga?Kung darating
man sa kanyang bulhay na magmamahal siya ulit.Nga
ba?sisiguraduhin niya na sa tamang lalaki na.Kung
hindi man ay mananatili nalang siyang nag iisa kung
iyon ay magiging pag iwas niya sa isa nanamang
pighating napakahirap kalimutan.
Hawak ang mga larawan at lumabas ng kanyang
bahay dala ang ilang pansindi ay inumpisahan
niyang sunugin ang mga bagay na nakakapagpaalala
sa kanya ng mga hindi magandang pangyayari
nuon.Pinanunuod niya ang unti unting paglamon ng
apoy na tumutupok sa mga larawan.Nang maabo na
ay nakaramdam siya ng pag gaan ng kalooban.Para
bang nakakawala siya sa isang sumpang pilit na
nagbabalik sa kanyang alaala.Napabuntunghininga
siya at pagkatapos ay pumasok na sa loob.
Napahinto siya saglit ng makita niyang nasa salas
ang kanyang kapatid at may kausap ito sa
telepono.Pilit niyang pinakikinggan kung ano ang
pinag uusapan ng mga ito subalit malayo ang
kanyang pinagkukublihan.Nakita niyang kumunot
ang noo ng kapatid at may ilang sinabi,pagkatapos ay
pinutol na nito ang pag uusap at biglang napalingon
lingon sa paligid na wari'y nakikiramdam kung may
ibang taong naroroon maliban dito.Nakita niyang
umalis narin ito,siguro'y magpapahinga narin.Saka
siya pumasok at sinigurong nasa loob na ito ng silid.
Sino kaya ang kausap ng kanyang magaling na
kapatid?At bakit nga pala biglang nanumbalik
kanikanina lang ang ala-alang mapapait?
...
Kung dati'y laging nag aabang si Devon sa ibang
babae noon,Iba na ngayon.Ang babaeng sinusundan
ng kanyang tingin ay ang babae noong nakaraang
araw.Kitang kita niya ang babaeng niyuyukuran ng
mga manggagawa.Bakas rito ang kaistriktuhan
siguro ay hindi lang sa trabaho marahil sa totoong
personalidad ng babae.Naka business attire
ito.Nakapusod ang mahabang buhok.Tila kahit hindi
niya pa ito nilalapitan tiyak niyang mabango ang
babae.Ano kaya ang kulay ng panloob nito ngayon?
Mahilig rin kaya ito sa mga sexy lingeries?Hindi na
siya makapaghintay sa sandaling hapitin niya ito sa
kanyang katawan.Sisiguraduhin niyang
mapapahiyaw ito sa kanyang mga kamay sa
ligaya.Napapalatak siya sa mga iniisip.Bigla siyang
nakaramdam ng ibang init sa katawan partikular sa
kanyang alaga.Bumaba ang kanyang tingin at nakita
niya ang ebidensiya.
Down boy, down.Just wait for the right time and it
will be soon.'
Napangisi siya.