Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 11 - 11.

Chapter 11 - 11.

Ilang segundo lang ay pinagbuksan na si Devon ng

kanyang ina. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay may

nakita siyang nakatayo buhat sa sala.Isang malaking

lalaking nasa katanghalian ang edad.Mahahalata

mong magandang lalake ito noong kabataan.Tulad

niya ay kulay abuhin din ang mata .Kinutuban si

Devon sa nakita niya lalo pa't halatang magkahawig

sila ng hindi nakikilalang lalaki.

hindi na kumibo pa ang kayang ina ng mapansin ang

reaksyon niya.

."Maiwan ko na muna kayo anak."

Sinabi ng kanyang ina kay Devon.

Saglit siyang natigilan.

"Upo po kayo."

Sabi ni Devon sa may edad na lalaki.

"Son"

Bigla siyang niyakap nito.

Natigilan na naman siya.Hindi alam ni Devon kung

ano ang kanyang mararamdaman.

Napag alaman niyang matagal na silang hinanap nito

hanggang sa ito'y naaksidente at nagkaroon ng

epekto sa utak nito.Ngayon lang sila naalala.Anim na

taon lamang siya noon ng iniwan sila ng kanyang

ama kaya wala man lang siyang letrato nito.At dahil

narin sa sobrang galit dito ng kanyang ina ay

pinagsusunog nito lahat ang naiwang alaala

rito.Mula raw ang anyang ama sa mayamang

pamilya.Kung bakit nagustuhan nito ang kanyang ina

sa kabila ng trabaho nito ay lubos na ikinatutuwa

iyon ni Devon.

Ayon sa kwento ng kanyang ama'y nakapag asawa ito

subalit namatay pagkaraan din ng anim na taon sa

sakit at wala raw naging supling ang mga ito.

"From now on Son,I would like to make it up

to you, for all the times that I'm not at your

side.I'll be a good father if you will give me a

chance.2"

Nginitian niya ito ng may kasamang tango.

Narinig naman niyang sumisinghot ang kanyang ina

sa sulok habang nakatingin sa kanilang mag ama.

"Dont get me Wrong anak kung gusto ko sana

kayong isama sa bahay para doon na kayong

mag ina.

Yun e kung ok lang sa iyong mag ina?"

Sabay lingon ito kung nasan naroong nakatayo ang

ina ni Devon.

"Dahil mag isa lang naman ako doon anak,

matanda narin ako at kailangan ko kayong

mag ina.Sana'y kalimutan na lang natin ang

mga nangyari,"

"Inay ano pong isasagot nyo?

Tanong ni Devon sa inang kanina pa nakikinig sa

kanilang mag ama.

"E anak, kung ano ang magiging pasya mo

iyon din ang sakin."

Sagot ng kanyang ina.

"Tay???,,Pa,,.?? Ano po bang gusto n'yong

itawag ko sa inyo?".

Naiilang na tanong niya.

"Ikaw ang bahala anak!."

"Kailan po nyo binabalak tay?"naiilqng pang sabi niya rito.

"Abay sa lalong madaling panahon at sabihin

mo kagad kung kailan at mag paparty ang

tatay no!"

Maluwang ang ngiti ng kanyang ama na ikinangiti

niya rin.

"Hindi po ba parang nakakahiya naman po

tay?"

"Abay hayaan mo namang ipagyabang ko ang

nag iisa kong anak na kasing gwapo ko!kahit

man lang iyon ay huwag mo sanang ipagkait

sa akin anak."

Nakikiusap na sagot nito.

"Siguradong matutuwa ang mga uncle at mga

tita mo anak,sabik narin silang makita

ka."Kasunod pa'y sabi ng kanyang ama.

Isang pangyayari lang ang nagdaaan ngunit malaki

ang mangyayaring pagbabago.Totoo nga ang

kasabihang, hindi mo kayang saklawan ang

nakatadhan na.Hindi ito inaasahan ni Devon.Malayo

sa hinagap niyang magkikita pa sila ng ama,lalo na

na balikan pa sila nito.

Matagal na niyang naipalagay sa isip niya na matagal

na itong patay.Hindi naman niya kayang sumbatan

ito dahil unang una wala itong planong pabayaan sila

noon pa at wala siyang nakikitang nagawa nitong

kasalanan.Walang lugar ang galit mula sa kanilang

mag ina,walang may gusto ng nangyari kaya wala

siyang nagawa kundi ang patawarin ang ama.Sa

wakas ay hindi na sila muling maghihirap.Bigla tuloy

niyang naisip ang Babaeng 'yon.Pakakawalan na ba niya ito?"Huwag muna."...

Huling laro,

upang mapatunayan kung talaga ngang walang

nakakatanggi sa isang Devon.Ngayon pa?Na may

ipagyayabang na siya? Kung sino ang babangga at

magiging balakid sa kanyang daan at sa kanyang mga

kagustuhan ay tiyak na may kalalagyan.

...

Tila biglang binundol ng kaba si Rebeca ng mga

sandaling iyon.

"Bakit nakakaramdam ng ganitong kaba?May

kinalaman kaya ang panaginip niya kagabi?"

Ayon sa kanyang panaginip ay nilalamon daw siya ng

malaking baha at habang paparating ito sa kanyang

kinalalagyan ay mabilis siyang kumapit sa malaki

niyang devider at duon ay kapit tuko siya.Nang

lalamunin siya ng tubig ay pumikit at huminga ng

malalim upang hindi siya malunod at duoy biglang

baba ang tubig.Paulit ulit nito siyang nilulunod at

paulit ulit din niyang ginagawa ang ganon at

nakapagtatakang hindi siya natitinag.

"Totoo nga kayang ang simbolo ng tubig ayon sa

kahulugan ng panaginip ay PAGSUBOK?Kung ang

pagbabasihan ay kung gaano kalaki ang tubig ay

mukhang malaking malaking pagsubok

ito.Nakahanda ba siya?At maniniwala ba

kahulugan nito?

ang ganoong kwento?Ah,hindi na niya

maalala.Mabuti na lamang at malinaw ang tubig sa

kanyang panaginip.Kung nagkataong kulay pusali ito

at totoo nga ang tungkol sa kahulugan nito ay dapat

nga siyang mabahala.

Mag iingat na lang siguro siya sa mga taong

nakakasalamuha.Sabagay hindi naman siya basta

basta nagtitiwala.

Bago siya nakatulog ay nagdasal muna siya at

humingi ng tawad sa mga nagawa niyang kasalanan.

...

Napabalikwas si Devon ng bangon at naramdaman

niyang pinagpapawisan siya ng malamig.Nanaginip

siya na naliligo raw siya,ngunit ang kakaiba sa

panaginip niya imbes na pangkaraniwan ang gamit

niya sa paliligo ay hose ng bumbero kaya

nagkandalunod lunod siya ngunit ayaw niya namang

bitawan.

Napailing at napangisi si Devon sa napanaginipan.

"Ano lulunurin ba niya ang sarili?"

"Anong klaseng panaginip iyon??

Bumangon siya at kumuha sa ibaba ng tubig at

uminom.Pagkainom ay umakyat siya at muling

nahiga sa kanyang malaking kama.Ilang minuto lang

at nakatulog siya ulit.

Napabalikwas nanaman siya dahil ang panaginip

kanina ay biglang naulit.Eksaktong eksakto.

Kahit hindi siya naniniwala sa kasabihan ay

binaligtad niya ang kanyang unan.